Chapter 1

1695 Words
“BUMANGON KA na nga, Ellie!” sigaw ni Cheska sabay hampas ng unan sa kanya. Kahit ilang beses pa siyang hampasin, hindi pa rin nagbukas ng mga mata si Ellie.. Sobrang himbing ng tulog niya. Bahagya lang siyang umungol, sabay ikot ng katawan sa kama na para bang hinahanap pa ang mas malambot na pwesto. “Five minutes…” bulong niya, pero sa pagtihaya niya ay bigla siyang nahulog sa kama at bumagsak nang malakas sa sahig. “Aray! Ang pwet ko!” reklamo niya habang kinakamot ang kanyang pang-upo. Napabalikwas siya at napapikit sa sakit, bago marahang tumayo at nag-unat. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Cheska na agad siyang sinalubong ng matalim na titig. “Bakit!” iritadong singhal ni Ellie. Napairap lang si Cheska. Kababata niya ang babae. Anak ng kapitbahay nila na nagdala sa kanya dito sa maynila. Katulong din ang trabaho nito sa mansyon. “Tirik na tirik na ang araw pero tulog ka pa rin. Gusto mo bang makatikim ng maagang sermon kay Manang Helda?” tukoy nito sa mayordoma ng mansyon. Doon lang napansin ni Ellie ang oras nang mapatingin sa wall clock. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Bakit hindi mo ako ginising nang maaga?!” halos mapasigaw siya at agad na tumakbo papuntang banyo. “Oh, kasalanan ko pa ngayon na isa kang tulog mantika? Nakakaloka ka!” nakapamewang na sagot ni Cheska. “Kasalanan mo pa rin!” boses ni Ellie mula sa loob ng banyo. “Whatever! Aalis na ako! Madami pa akong lilinisin!” balik sigaw ni Cheska bago tuluyang lumabas ng silid. “Pambihara talaga! Bakit ba hindi niya ako ginising ng maaga?!” bulong ni Ellie habang lumalabas ng banyo. Mabilis niyang pinahiran ng lotion ang braso at binti, sinuot ang simpleng dress, at itinali ang buhok sa isang messy bun. At nagmamadaling lumabas. Napahawak si Ellie sa dibdib at napalunok nang paakyat siya ng hagdan. Bawat hakbang ay bumibilis ang kabog ng kanyang puso. Lagot siya. Siguradong sermon na naman ang aabutin niya kay Kyo. “Saoirse! Gising ka na ba?” tawag niya habang papasok sa silid ng alaga. Ngunit agad siyang natigilan nang tumama ang kanyang paningin sa isang pares ng malamig, at asul na mga mata. Nakaupo si Kyo sa kama, hawak-hawak ang umiiyak na si Saoirse. Ang presensya ng lalaki ay agad nagpakaba kay Ellie. “You’re an hour late,” malamig na sabi ni Kyo, sabay tayo habang nakasandal pa rin ang anak sa balikat nito. Mula sa balikat ng ama ay lumingon si Saoirse. Nang makita siya nito, biglang napangiti ang bata. “Yaya Ellie!” masiglang sigaw ni Saoirse sabay abot ng kamay, gustong magpabuhat. Sandaling nagkatinginan sina Ellie at Kyo, bago siya lumapit at kinuha si Saoirse mula sa bisig ng ama. Mahigpit niya itong niyakap, hinaplos ang malambot nitong buhok, at hinalikan ng marahan sa noo. “I thought you wouldn’t come. Daddy wanted to braid my hair pero ayoko, kasi gusto ko ikaw ang gumawa para sa akin,” bulong ni Saoirse sabay tawa. “Uh… kasi—” napakagat siya ng labi, hindi alam kung ano ang dapat isagot. Ramdam niya ang nanunuot na titig ni Kyo sa kanya. Sapat na iyon para makaramdam siya ng kaba at parang unti-unting nauupos ang lakas niya. “Let’s go, Saoirse,” malamig na sambit ni Kyo. “No, Daddy! I want Yaya Ellie to braid my hair beautifully again,” gigil na sabi ng anak at bumaba mula sa bisig ni Ellie. “Saoirse…” marahang tawag niya. “Sumama ka na kay Daddy. Baka ma-late ka na sa school. Paano kung bukas na lang kita gawan ng mas maganda pang hairstyle?” pakiusap ni Ellie. Pero umiling si Saoirse, halatang ayaw magpatalo. “No! I want a new style today. My friends gave me sweets yesterday kasi ang ganda raw ng hair style ko…” Biglang bumigat ang boses ni Kyo. “What have I been telling you about not accepting things from strangers?” “But Dad, they’re not strangers. Friends ko sila,” pangangatwiran ni Saoirse na nakabusangot ang maliit na mukha. “Yes, they’re your friends,” mariing tugon ni Kyo, “pero hindi ibig sabihin noon na tatanggap ka ng kahit anong regalo mula sa iba. You don’t need to accept gifts from anyone apart from your family.” Malinaw ang paninita sa boses nito. Namilog ang mata ni Saoirse, at mabilis itong napaiyak. “I’m sorry, Dad…” she sniffed. Napabuntong-hininga si Kyo, halatang napagod din sa sariling tigas ng paninindigan. “Don’t cry, baby. Makinig ka na lang sa Daddy mo,” bulong ni Ellie sabay yakap kay Saoirse, at hinaplos niya ang buhok nito na para bang pinapakalma ang bata. “Let’s go,” muling sambit ni Kyo bago inabot ang anak mula kay Ellie. Dala ang school bag ng bata, tumalikod ito. Pero bago tuluyang lumabas, napalingon pa ang lalaki sa kanya, isang mabilis ngunit malamig na sulyap na nagpaiwan ng bigat sa dibdib ng dalaga. Nang mawala na sila sa pintuan, napabuntong-hininga si Ellie. Tumalon ang isang hibla ng kanyang buhok sa mukha, kaya agad niya itong itinabi gamit ang daliri. “Ang sungit,” bulong niya bago nagsimulang magligpit sa kwarto ni Saoirse. Makaraan ang ilang minuto, nakaupo na siya sa gilid ng kama, may hawak na bowl ng popcorn habang nakasuot ng earphones at nakikinig ng music. Pero maya-maya, napangiwi siya. “Ang tabang,” aniya sabay baba ng mangkok sa lamesa. Tumayo siya at nilibot ang paningin. Napansin niya ang isa sa mga flash drive na nakapatong sa mesa, kay Kyo iyon. Saglit siyang nagdalawang-isip pero sa huli, mabilis na kinuha at isinaksak iyon sa speaker. “Perfect!” ngumiti si Ellie nang sumabog ang musika sa buong kwarto. Itinaas niya ang volume, sabay indak ng balakang sa bawat beat. Sinasabayan niya pa ang kanta na para bang nakalimutan ang sermon at titig ni Kyo kanina. •••••••••••••••• “It’s okay, Sunshine. Stop crying,” Kyo said for the umpteenth time, but Saoirse wouldn’t stop. Ang maliliit nitong balikat ay nanginginig habang humihikbi, at patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mapula nitong pisngi. “You didn’t let Yaya Ellie braid my hair again…” she whimpered, her voice breaking. Napabuga ng hangin si Kyo at napahilot sa kanyang sentido. What a tiring daughter I have. “Alright, alright… Sorry, Sunshine. Daddy will get you ice creams when we get home.” Kyo softened his tone and lifted Saoirse onto his lap, wiping her tears with his thumb. “Ice creams?!” Napasigaw ito sa tuwa, at agad na nagningning ang mga mata. “Yes, Sunshine. Lots of ice creams,” sagot ni Kyo na may munting ngiti sa labi bago hinalikan ang pisngi ng anak. Ito ang palaging ginagawa ni Kyo tuwing umaga. Kahit busy siya, hindi niya pa rin nakakalimutang ihatid ang anak sa school nito. Gusto niyang masigurong ligtas ang bata para mapanatag ang loob niya. Matapos maihatid si Saoirse. Sumandal sa leather seat si Kyo, exhaling heavily. He rubbed his forehead. A sudden realization hit him. May nakalimutan siyang files. “Gardo,” his deep voice called. “Yes, sir?” the driver answered, glancing at him through the mirror. “Pakibalik ang sasakyan sa mansyon. I forgot some important files at home.” “Yes, sir,” Gardo replied, steering the car back. Agad siyang lumabas ng kotse pagkarating sa villa, his polished shoes echoing against the marble floor. Habang papunta si Kyo sa sariling silid. Napahinto siya nang mapansing maingay ang silid ni Saiorse. Kumunot ang kanyang noo at pinihit ang pinto, ngunit bigla siyang napatigil nang makita kung anong nangyayari sa loob. His sharp blue eyes landed on a sight that nearly knocked the air out of his chest. Saoirse's nanny was in the middle of the room, whining softly with a playful pout, her waist swaying in time with the beat blasting from the speakers. Sumasabay ito sa kanta. Hindi niya alam na maganda pala ang boses ng babae. At ang bawat galaw ng katawan nito ay tila nang-aakit. Sobrang lubog sa sariling mundo si Ellie, na hindi nito namalayang ilang hakbang lang ang layo niya habang tahimik na nakamasid dito. Kyo's jaw tightened. Heat pooled in his veins, his chest rising with an unfamiliar quickness. And then… it hit him. Biglang nabuhay ang p*********i niya. At nanunuyo ang kanyang lalamunan. His body reacted against his will, and for the first time in years, he cursed himself. Ngayon lamang niya nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Matagal ng nawalan ng gana si Kyo pagdating sa s*x. Kaya ito ang dinahilan ng ina ni Saoirse kaya siya iniwan. Kyo groaned, his voice low and strained, mabilis niyang isinara ang pinto at agad na tinungo ang silid. He shoved the door closed behind him and stalked into his walk-in wardrobe. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang buksan niya ang drawer at dali-daling dinampot ang isang maliit na bote ng mga gamot. Fortunately, the crystal jar on his nightstand was filled with water. Nagbuhos siya ng kaunting tubig sa isang baso at nilunok ang gamot nang isang lagukan lamang. He collapsed onto the edge of his bed, groaning. Ang sakit na ito ay isang sumpa sa kanya. Sabi ng doktor, may hypersexual disorder siya. The clinical name. Isa siyang lalaki na may kontrol, at disiplina. Ngunit sa ilalim ng anyong iyon, isa siyang pasyente. Biglang bumalik ang alaala ng nakaraan na kinasusuklaman niya. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng matinding pagnanasa sa isang babae. Ngunit pagkatapos ng pangyayari na iyon, bigla siyang nawalan ng gana sa s*x. Iyon ang dinahilan ng ina ni Saoirse kaya siya iniwan nito. Wala ng gana makipagtalik si Kyo. Pero ngayon. Ginising ni Ellie ang pagnanasang matagal niya ng kinalimutan. Ito ang kinatatakutan niya lalo pa't mahirap kontrolin ang ganitong sakit. “That witch…” Kyo hissed, wiping the beads of sweat from his forehead, mabilis ang t***k ng kanyang dibdib habang pinakalma ang sarili para hindi mapuntahan si Ellie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD