“BILISAN MO na, Ellie. Malalate ka na sa kasal mo,” naiinip na sabi ni Luna. Araw na ng kanyang kasal. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang siya ay manganak. Hindi naging madali ang lahat. Ramdam niya ang pagod at puyat, ngunit sabik na rin siyang makita ang kanyang mapapangasawa sa altar. Agad ding lumipad pabalik ng Pilipinas si Caroline nang marinig ang balitang nanganak na si Ellie. Hindi nito pinalampas ang pagkakataong makita ang kambal. “Hindi ko kasalanan, sabihin mo kay Hope na bitiwan na ang mga dibdib ko,” pagmamaktol ni Ellie habang nakatingin sa cute na sanggol na sumususo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang tantanan ng anak. “Ano?! Hindi ka pa rin bihis?!” gulat na tanong ni Caroline nang makapasok sa silid at makita si Ellie na hindi pa rin nak

