“EWW, DADDY! Do you want to eat Yaya Ellie?” kunot-noong tanong ni Saoirse habang tinatakpan ang mga mata gamit ang palad. Agad namang nagkatinginan sina Kyo at Ellie, sabay silang natawa matapos maputol ang halik. “Sorry, sunshine,” biro ni Kyo sabay kindat sa kanya. “Put me down, Yaya. Gusto kong pumunta sa room ko bago pa ako kainin ni Daddy,” pilit na kumakawala sa kanya ang bata, kaya napairap si Ellie bago ito marahang ibinaba. “Continue what you were doing!” natatawang sigaw nito bago tumakbo paakyat sa hagdan, dahilan para mapangiti siya. “Ang cute niya,” malambing na sabi ni Ellie habang nakatingin sa direksyon ni Saoirse. “Yeah, just like how our baby would be someday,” sagot ni Kyo, sabay ikot sa kanya para magharap sila. Nilagay nito ang mga kama

