Chapter 36

993 Words

NAPATIGIL SI Ellie, nanlaki ang mga mata. Ramdam niya ang t***k ng pusong nagwawala sa dibdib. Amoy niya ang cologne ni Kyo. Unti-unti siyang lumambot at hinayaan ang sarili na sagutin ang halik. Napakapit siya sa kwelyo ng suot nitong polo, hinahabol ang hininga sa bawat pagdikit ng mga labi nila. ‎ ‎Gumalaw ang kamay ni Kyo, marahang humawak sa kanyang panga. Hinaplos nito ang pisngi niya gamit ang hinlalaki. May lambing sa gitna ng halik na iyon. ‎Nang tuluyan silang maghiwalay, parehong humihingal. ‎ “Alam mo talaga kung paano ako patatahimikin, ha?” bulong ni Ellie. ‎ ‎Ngumiti si Kyo at marahang inayos ang nagulong buhok niya. “That’s because you never listen,” tugon nito. ‎ ‎Napatawa si Ellie. “Siguro kasi masyado kang maingay.” ‎Natawa rin si Kyo, sabay halik sa noo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD