Mabigat ang pakiramdam ni Ellie ngunit pinilit niya pa ring kumilos. Pag-akyat niya sa itaas, dumiretso siya sa silid ni Saoirse. Ngunit sinalubong siya ng katahimikan nang buksan ang silid. Napa-angat ang kilay niya bago dahan-dahang isinara ang pinto.
Nagtungo siya sa silid ni Kyo. Saglit siyang huminto sa pinto, nag-aalinlangan kung kakatok ba o hindi. Alam niyang tuwing sinusundo niya si Saoirse mula sa paaralan, ang unang pupuntahan ng bata ay hindi ang sariling kwarto kundi ang silid ng ama nito.
Sa huli, napabuntong-hininga siya at kumatok. Nang marinig niya ang mahinang boses ni Kyo, marahan niyang pinihit ang seradura at pumasok.
Pagpasok ni Ellie, agad niyang hinanap ang mga mata ni Kyo.
“Good evening, sir,” mahinahon niyang bati nang magtama ang kanilang paningin.
“Hmm…” mahina lamang ang tugon ni Kyo bago ibinaling ang atensyon kay Saoirse na nakaupo sa kandungan nito.
“Saoirse, you should be with Yaya Ellie,” anito, pero napangiwi ang bata at ngumuso.
“But, Daddy, I wanna be with you too…” mahinang protesta nito.
“Don’t worry. Once I’m back, I’ll come to your room,” pilit na pangungumbinsi ni Kyo.
“Where are you going, Daddy?” tanong ni Saoirse.
Mabilis na tumingin si Kyo kay Ellie bago muling ibinalik ang mga mata sa anak.
“I’m having a catch up with some friends,” sagot nito.
Napabuntong-hininga si Ellie at sumandal sa pinto, ramdam ang matinding pagod sa katawan.
“I wanna go…” simula ni Saoirse.
“Saoirse, babalik din kaagad ang Daddy mo. At saka kailangan mong matulog ng maaga, may pasok ka pa bukas,” mabilis na sabat ni Ellie, pilit na pinasigla ang tinig. Lumapit siya kina Kyo at hinawakan ang maliit na kamay ni Saoirse, bago tinulungan na bumaba mula sa kandungan ng ama ang bata.
“Daddy…” muling ngumuso ang alaga niya. Hinalikan ito ni Kyo sa mga labi.
“I love you, Sunshine,” bulong ni Kyo.
“I love you too!” sagot nito bago masayang tumakbo palabas ng silid.
Pagkaalis ng bata, bahagyang napatingin si Ellie kay Kyo, at nang magtama ang kanilang mga mata, nagbigay ito ng isang mabilis na kindat.
“Anong oras ka uuwi?” tanong niya. Ngunit agad ding nakaramdam ng hiya. Para siyang asawa kung makapagtanong.
“I don’t know. Pero kailangan mong samahan si Saoirse sa kanyang silid, in case I don’t come on time,” sagot ni Kyo.
“Okay,” mahinang tugon ni Ellie bago lumabas ng silid.
Sumunod si Kyo sa kanya. Pero agad silang natigilan nang makitang nakaabang si Saoirse sa labas ng pinto.
“Daddy!” tumakbo ito at tumalon sa bisig ng lalaki.
“Sunshine, I thought I told you to change your dress and get ready for bed?” naguguluhang tanong ni Kyo.
“Daddy, gusto kong matulog katabi ka,” pakiusap ni Saoirse habang mahigpit na yumakap sa ama.
“Saoirse…” tawag ni Ellie papalapit sa kanila na may tingin ng pagpapaalala.
“Yaya, tell Daddy not to go. I wanna sleep na katabi siya,” pakiusap ng bata kay Ellie.
Napatingin siya kay Kyo at pinagdikit ang mga labi, wala siyang maisagot.
“Sunshine…” marahang tawag ni Kyo.
“Daddy, samahan mo kami maglinis ni Yaya ng katawan ngayon,” inosenteng sambit ng bata.
“What?!” gulat na tinignan ni Kyo ang anak.
Si Ellie naman ay napasinghap. Parehong hindi makapaniwala sa sinabi ni Saoirse.
Tumingin lamang ang bata sa kanilang dalawa, na walang kamuwang-muwang kung bakit nagulat sila.
“Yes! Let’s go, Dad. Let’s go! Let’s go, Yaya!” masayang sigaw nito, saka hinila pa sila papasok ng silid.
Napabuntong-hininga si Kyo at napahilot ng sentido. Wala namang nagawa si Ellie kundi sumunod din.
Pumasok sila sa banyo pero hindi naglinis ng katawan si Ellie, si Saoirse lamang ang nilisan niya ng katawan. Ramdam niyang mainit siya kaya hindi muna niya babasain ang katawan.
Nakasandal si Kyo habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Saoirse. Nangungulit pa ang bata na sabay silang lulusong sa bathtub pero sinaway ito ni Kyo.
"Pwede na ba akong bumaba?" mahinang tanong ni Ellie nang lumabas sila ng banyo, karga-karga ni Kyo ang bata. Nakatapis ito ng tuwalya sa dibdib.
"No, Yaya! I want you to read me and Daddy a bedtime story," nakangusong sabi nito, sabay lapit kay Ellie.
Mabilis na tumingin si Kyo sa anak at umiling.
"Sunshine, Yaya Ellie is tired. Kailangan niyang magpahinga," paliwanag nito, sinusubukang kumbinsihin ang bata.
Biglang lumaki ang mga mata ni Saoirse, tila may naalala.
"What is it, sunshine?" tanong ni Kyo.
"Yaya Ellie was so hot when she came to my school," sabi nito sa ama.
"Really?" kunot-noong binalingan siya ng tingin ni Kyo.
Napakagat labi naman si Ellie. "Uh... s-sa panahon lang siguro. Mainit kasi."
"No, Yaya! Need mong uminom ng mapait na medicine," si Saoirse. Nalukot pa ang ilong nito nang banggitin ang gamot.
Dahan-dahang lumapit si Kyo sa kanya, ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa mukha niya.
"Are you feeling any pain?" mahinahon tanong nito, sabay dampi ng likod ng palad sa noo ng dalaga.
"Uh, hindi naman… s-sinat lang ito," pautal-utal na sagot niya.
"Sinat?" taas-kilay na ulit ni Kyo, at agad na tumango si Ellie.
"Have you taken any medicine?" tanong muli nito.
"H-hindi, pero iinom ako mamaya bago matulog,"
"Sige na. Matulog ka na at magpahinga. Ako na ang bahala kay Saoirse bukas."
Umiling si Ellie. "Hindi na kailangan. Mawawalan din ito bukas." Lumapit siya kay Saoirse at hinalikan ito sa noo. "Saoirse, good night."
Akala ni Ellie simpleng sinat lang ang nararamdaman niya pero kinabukasan, bigla siyang nanginig sa lamig. Umabot pa ng dalawang araw bago nawala ang kanyang lagnat. Mabuti na lamang inaalagaan siya ni Cheska. At paminsan-minsan pinupuntahan si Ellie ni Kyo.
Hindi muna pinapalit sa kanya si Saoirse baka mahawa ang bata.
Pumasok sa loob ng kusina si Cheska. At nadatnan siyang kumakain. Napahinto ito at mataman siyang tinitigan.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
Napabuntong-hininga ito bago lumapit at umupo sa harap niya. Tahimik siyang pinagmamasdan ni Cheska na para bang sinusuri.
"Ano bang problema mo?" iritadong bulalas ni Ellie.
"Nagbago ka yata, Ellie," seryosong sabi ni Cheska.
Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Anong nagbago? Mas gumanda na ba ako?"
"Hindi. Masyado ka ng matakaw sa pagkain. Hindi ka naman ganyan, tapos ang bilis mo pang mainis pati maliit na bagay nagagalit ka. At tignan mo ang pisngi mo, bumibilog na, ano bang nangyari sa iyo?" usisa nito.
Parang may kung anong pumisil sa dibdib niya sa sinabi ni Cheska.
"Magkakasala ba ako kapag kumain ng marami? At bakit kapag tumaba ako? Pangit na bang tignan? Mukha na ba akong baboy?" sunud-sunod niyang tanong, ngunit kasabay noon ay biglang tumulo ang kanyang mga luha.
Napanganga si Cheska habang nakatitig sa kanya.
"H-hindi naman iyan ang ibig—"
"Huwag ka ng magpaliwanag. Alam ko namang pumapangit na ako!" padabog siyang tumayo at iniwan si Cheska.