• CRESHA •
Abala ako sa panonood sa dance floor nang napatingin ako sa gilid ko. Dumating na pala si Mikhail. Medyo kumunot ang noo ko nang makita ko na parang wala siya sa sarili. Anong problema?
"Baby Mik," tawag ko sa kaniya sabay hinawakan ko ang isa niyang kamay. Tumingin siya sa akin na akala mo ay nanumbalik ang ulirat niya. "What's wrong?"
Pakurap-kurap siyang tumingin saka umiling. "W-wala, baby Cresh. Ayos lang ako." sagot niya.
Hindi ako kuntento sa sagot niyang 'yon. Alam kong may problema siya. Bukas ko nalang siguro siyang kausapin. Kapag okay na. Mas okay daw na pag-usapan daw ang problema na kaming dalawa lang para mas lalo maitindihan ang isa't isa.
Mas lalo nagtataka kung bakit naghahard drinks na siya ngayon? Parang kanina ay okay pa siya, ah? Kahit na kating kati na ang bibig ko na malaman kung anong nangyayari, sige lang, magtitiis ako.
-
Kinaumagahan din iyon ay tulog pa rin si Mikhail. Hindi pa rin siya gising. Mukhang marami nga siyang nainom kagabi. Nakapagluto na din ako ng agahan dahil late na siya nagising. Nalaman ko nalang na dito na rin pala natulog si Clifford—sa kuwarto ni Vibs. Well, wala naman sa kanila ang pakialam ko. Kay Mikhail. Gusto ko talaga malaman kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
"Oh, hindi pa rin gising ang prinsipe mo?" bungad na tanong sa akin ni Vibs habang kumakain sila ni Clifford.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi pa. Gagawan ko nalang siguro siya ng sopas o kape pagkagising niya." hinila ko ang dining chair at umupo doon. "Kailan pala ang uwi ni Angela?"
"Sa susunod na araw pa ang uwi niya. Magtetext din naman 'yon kapag nagpasundo na siya sa airport." tugon niya saka tumayo na silang dalawa. "Oh siya, uuna na kaming pumasok. Ikaw ba?"
"Papasok na din ako sa trabaho." saka tumayo na din. "Ingat."
Nag-iwan ako ng note para mabasa niya agad niya pagkagising niya. Ayokong magutom siya pagkagising kaya naghanda na din ako ng pagkain para sa kaniya. Sana mabasa niya agad ang memo ko.
-
"Oh, bakit nahaba nguso mo d'yan? At talagang nakapangalumbaba ka pa, naku, tanggalin mo 'yan, bawal malas iyan sa negosyo, Cresha." puna sa akin ni mama habang naririto ako sa counter. Dahil wala naman akong trabaho ngayon para magturo ng mga martial arts, dito muna ako sa chinese restaurant ni mama natambay pansamantala.
Nagbuntong-hininga ako. Tahimik lang ako habang pinapanood ko si mama na abala sa pagsusulat ng sa malaking notebook, doon niya nililista ang mga income at expenses dito sa resto.
"May sasabihin ka ba?" saka bumaling siya sa akin at ngumiti.
I pressed my lips. "Wala naman po, 'ma. May niisip lang ako..."
"Boyfriend mo ba?"
Tumango ako. Nasabi ko na kasi kay mama na may karelasyon na ako at si Mikhail 'yon. Hindi na ako nagtataka kung bakit sobrang saya niya nang binanggit ko sa kaniya 'yon. Daig mo pang nanalo sa lotto. Matagal na na kasi niya akong kinukulit na bigyan ko na daw siya ng apo kahit wala pa naman talaga sa isip ko tungkol sa bagay na 'yon. Teka, gusto na rin kaya ni Mikhail na magkaanak? Pareho na kaming nasa tamang edad... Takte, bakit naisip ko pa 'yon eh nanonomblema pa nga ako!
"Feeling ko kasi may problema siya pero parang ayaw niyang sabihin sa akin," pag-amin ko. "Hindi ako sanay na ganoon siya, 'ma."
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa saka hinarap niya ako. "Alam mo kasi, ang mga lalaki, kapag may problema, kinikimkim nila 'yan, ayaw lang nilang may madamay sila. Sinasarili nila ang problema."
Napaisip ako doon. Mukhang iyon nga ang napapansin ko kay Mikhail kagabi. Ah, basta, kahit wala sa personalidad ko na mangulit, kukulitin ko siya kung ano ang problema niya. Medyo nag-ooverthink na kasi ako kung may nagawa pa akong masama sa kaniya? O ano? May nagawa ba ako na hindi niya gusto?
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko 'yon sa pantalon ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko na pangalan ni Angela ang caller. Sandali, nakabalik na ba siya dito sa Maynila? Magpapasundo na ba siya?
Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello, Angela—"
"Finally, you picked my call, Cresha!"
Kumunot ang noo ko lalo dahil sa lakas ng boses niya. "Anong problema mo?" naguguluhan kong tanong.
I heard her sighed. "Nakita mo na ba?" tanong niya.
Napaamang ako. "Huh? Ang alin?" mas lalo ako naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.
"My goodness! Sandali, pm kita sa messenger. May ipapakita ako sa iyo. Nakita ko lang din kanina habang nagsascan ako sa news feed ko. Buksan mo ang data mo! Wait mo ako!" saka pinutol na niya ang tawag.
Taka akong tumingin sa screen ng cellphone ko nang inilayo ko ito mula sa aking tainga. Sinunod ko ang sinabi ni Angela. Binuksan ko ang data at hinintay ang chat niya sa akin. At wala pang dalawang minuto ay nakatanggap ako ng chat mula sa kaniya. Binuksan ko iyon. Tila nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang isang litrato.
Parang tumgil ang t***k ng puso ko, parang nakalimutan kong huminga ng mga oras na ito.
Si Mikhail... Kahalikan niya ang ex niya!
Humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone. Heto ba ang rason niya kung bakit hindi siya umimik habang nasa club kami? Dahil naroon din ang ex niya? May sunod na litrato na ipinadala si Angela. Screen shot naman ang mga iyon. Halos madurog ko na ang telepono ko nang mabasa ko ang mga comment na naroon.
'OMG! Nagkabalikan na?!'
'Yes! VHIHAIL FTW!'
'Naks, nagkabalikan na ang college sweetheart ng taon!'
Lihim ko kinagat ang aking labi sa mga nabasa ko. Mabilis akong tumayo at naglakad. Makakasalubong ko si mama, nagtataka siyang tumingin sa akin. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"May importante lang akong pupuntahan, 'ma." malamig kong sagot saka nilagpasan na siya. Nagmamadali akong lumabas at dinaluhan ko ang kotse ko. Mabilis akong pumasok doon saka binuhay ko ang makina ng sasakyan hangang tuluyan akong nakaalis sa harap ng resto.
Humigpit ang pagkahawak ko sa manibela. Iba't ibang klaseng mura ang naisambit ko habang nagmamaneho ako. Tangina, putangina, bwisit, punyeta... Lahat na. Galit na galit ako. Imposibleng edit lang ang litrato na 'yon, marunong din akong tumingin kung tunay 'yon o hindi!
Dapat maabutan kitang gising na, Mikhail dahil mag-uusap tayo. One on one!
-
Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan ko nang marating ko ang parking lot ng condo. Ginamit ko ang elevator sa basement para mapadali akong makarating sa mismong unit. Kuyom ang magkabila kong kamao. Pilit ko man maging kalmado ngunti bigo ako. Parang kasing nasindihan ng apoy ang sistema ko nang makita ko ang litrato, lalo na't mabasa ko ang mga comments. So, Mikhail and that girl used to be a college sweethearts, huh? Ano sa palagay nila? Jadine? Kathniel? Wow.
Tahimik akong pumasok sa loob ng unit. Papunta na sana ako sa mismong kuwarto ni Mikhail pero lumabas ito mula sa kusina. Gulantang siya nang makita niya ako. "Oh, baby Cresh, ang akala ko nasa resto ka ng mama mo? Anong nangyari?" saka ngumiti siya.
I smirked. "Bakit? Binabantayan mo ba na tumalikod ako para magkita kayo ng ex mo?" malamig kong tanong sa kaniya.
Nawala ang matatamis niyang mga ngiti sa sinabi ko. "Baby Cresh..." mahina niyang tawag sa akin.
"Hindi ba, college sweethearts kayo? Kaya pala ang bitter mo noon. Siguro hanggang ngayon ay hirap na hirap kang kalimutan siya." mahina akong tumawa na may panunuya. "At mukhang bumabalik na naman ang nararamdaman mo sa kaniya lalo na't naghalikan kayo nang hindi ko nalalaman, tama ba?"
Kita ko ang pagkunot ng noo niya, pero may bakas din na pagakgulat sa mukha niya lalo na't binanggit ko ang tungkol sa halik. "Cresh..."
"Huwag ka na magmaang-maangan pa, Mikhail. May ebidensya ako at hinding hindi ko sasabihin kung kanino ko nakuha 'yon." Humalukipkip ako. "Kahit na nakatalikod ako, may mga matang nagbabantay sa iyo, Mikhail."
Bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Sandali lang naman, baby. Huwag mong sabihin pinaniniwalaan ko ang litrato na 'yon? Bakit hindi mo muna tanungin kung ano ang kwento nasa likod ng litrato na 'yon or whatever f**k is that?" mariin niyang sabi.
Medyo nangimbal ang puso ko, sa totoo lang, I used to see him as calm, gentleman and a good guy. Pero sa pagkakataon na ito, parang naglaho ang lahat.
"See is to believe, Mikhail." Walang emosyon kong dagdag. Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. "Siya, magsama kayo ng ex mong hilaw. Simula ngayon, wala na akong pakialam sa iyo o sa inyong dalawa. Tutal ay isa lang naman akong dakilang rebound. Magpakasaya kayo!"
"Makinig ka naman, Cresh... Please naman, baby..."
"Ayokong makinig. Kaya, pwede ba? Umalis ka na lang! Mas panatag pa ako!"
Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Isan tingin na tila nasasaktan siya. "Iyon ba talaga ang gusto mo, Cresh? Ang umalis ako sa buhay mo nang ganoon-ganoon lang?" halos mabasag na ang boses niya nang tanungin niya ako.
Pilit kong tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Taas-noo ko siyang tiningnan. Pilit maging matatag sa harap niya. "Oo." isang salita pero mabigat na desisyon.
Binasa niya ng laway ang mga labi niya. Huminga siya ng malalim bago siya ulit tumingin sa akin. "Sige, aalis ako dito sa unit, I'll give you space and time but I won't let you to break up with me. Remember that, baby." nilagpasan na niya ako at pumasok na siya sa kaniyang silid.
Pumikit ako ng mariin sabay kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong maiyak. Sa halip ay pinili kong dumiretso sa kuwarto ko para ikulong ang sarili ko. Ayokong makita kung papano siya aalis dito sa unit. Mabuti na ang ganoon.
Isinandal ko ang aking likod sa pader at pinadausdos ko iyon hanggang sa napaupo ako sa sahig. Niyakap ko ang mga binti ko at yumuko.
Naguguluhan na ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko.
-
"Cresh, where is he? Bakit parang hindi pa umuuwi si Mikhail?" nagtatakang tanong sa akin ni Vibs nang tapos na silang kumain ni Clifford.
Nakaupo ako sa may bandang bintana. Nakahilig ang ulo ko sa pader at nakatingin sa labas habang yakap-yakap ko aking mga binti. "Imposible na siyang umuwi dito, Vibs." tamad kong sagot sa kaniya.
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.
"He left. I think, he will never come back. He will never come home..." basag ang boses ko nang sambitin ko ang mga salita na 'yon, kasabay na nadudurog paunti-unti ang aking puso...