• CRESHA •
Dalawang araw buhat nang umalis si Mikhail ay siya naman nakauwi si Angela galing sa shooting. Nabalitaan din niya ang nangyari, nasabi ni Vibs sa kaniya sa pamamagitan ng tawag. Noong una ay nasermonan nila ako, bakit hindi man lang daw ako nakinig muna kung ano talaga ang totoong nangyari. Kung ano ang side ni Mikhail. Sa halip pa ay pinalayas ko pa siya dito sa unit.
Iisa lang ang sagot ko : Nawawala ako sa sarili ko kapag galit ako. Wala akong pakialam kung ano man ang nabibitawan kong salita, nakakasakit man o hindi.
Kilalang kilala nila ako kaya wala na silang magawa pa. I know, they hoping na isang araw ay sumulpot ulit si Mikhail dito sa unit. Ako? Hindi ko alam. Siguro ay busy na siya o nagkabalikan na silang dalawa ng ex niya. Ewan. Basta ang alam ko ay kailangan ko din muna makahinga ng maayos.
"Mag-iingat ka, bakasyon, ha? Ibig sabihin, babalik ka pa dito." bilin sa akin ni Angela habang hila-hila niya ang maleta ko at hinahatid niya ako dito sa Parking Lot. Si Vibs ay kailangan niyang pumasok ng maaga dahil may pasok siya sa eskuwelahan.
"Oo naman, saglit lang naman na bakasyon ito." sagot ko.
"Ikamusta mo ako kina Lola at Lolo mo. Miss ko na din sila makabonding, hayaan mo, kapag may time ako. Susunod ako." saka niyakap niya ako ng mahigpit. "Kahit anong mangyari, kung ano pa ang magiging desisyon mo, susuportahan ka namin. Tandaan mo 'yan."
Niyakap ko siya pabalik. Gumuhit ng maliit na ngiti sa aking mga labi. "Thank you, Angela. Mag-iingat din kayong dalawa." pagkatapos ay kumalas na ako ng pagkayakap sa kaniya. Dinaluhan ko ang compartment ng sasakyan ko at binuksan 'yon. Nilagay ko doon ang maleta ko saka isinara ko din. Sunod kong pinuntahan ang driver's seat. Hinila ko ang seatbelt at ikinabit ko iyon sa aking katawan bago ko man buhayin ang makina ng sasakyan.
Bumaling ako kay Angela na kumakaway sa akin na may lungkot sa kaniyang mukha. Kumaway din ako pabalik saka umabante na ako't mabilis na nakaalis sa gusali.
-
Inabot ko ng tatlong oras para makarating sa Batangas. Mayroon kaming ancestral house doon na pagmamay-ari ng lolo at lola ko. Tuwing may family gathering ang buong angkan ay doon ang diretso namin. Dalawang taon na din ako hindi nakakabalik dito. Ngayon lang ulit. Nababalitaan ko lang kay mama na gustong gusto akong makita nina lolo at lola dahil namimiss na daw nila ako. Kaya sa pagkakataon na ito ay pagbibigyan ko sila.
"Cresha! Apo!" tuwang-tuwa na tawag sa akin ni lola upang salubungin ako sa aking pagdating.
Niyakap ko ang aking ahma. "Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakadalaw." malumanay kong sabi. "Si lolo po pala?"
"Ah, nasa veranda siya ngayon at sabik ka na din niya makita ulit, apo. Halika, nakapaghanda ako ng custard cake paniguradong mahaba-haba ang pagmamaneho mo kanina. Alam kong pagod na pagod ka sa byahe mo."
Tipid akong ngumiti saka sumunod sa kaniya hanggang sa narating namin ang veranda kung nasaan si angkong. Nadatnan namin siyang nagsasagot ng crossword puzzle. Pero dahil sa pagdating ko ay agad ko din nakuha ng kaniyang atensyon. Tumayo siya na malapad ang ngiti nang makita niya ako. "Cresha, iha..."
"Lolo..." Saka niyakap ko siya. "Kamusta na po?" nagmano na din ako.
"Maayos naman kami, apo. Ikaw ang dapat namin kamustahin, hindi ka basta-basta magbabakasyon dito nang walang dahilan."
Kusang nawala ang ngiti sa aking mga labi. Ngayon palang ay nahuli na ako ni angkong. Lumunok ako. Umiwas ako ng tingin. "Kailangan ko lang po ng lugar kung saan ako makapag-isip nang matino."
Angkong twisted his lips. "As you say so. Kamusta naman ang mama mo? At papa mo na nasa Korea?"
Huminga ako ng malalim. "Si mama, abala sa resto niya. Si papa naman po sa pasko daw siya makakauwi."
"Ganoon ba? Naku, magpahinga ka muna. Nakahanda na din naman ang magiging silid mo sa taas. Pinaayos na 'yon ng lola mo."
Tipid akong ngumiti. "Salamat po, lolo."
Tinalikuran ko na sila at pinili ko na nga na magpahinga nga sa kuwarto dati ni mama noong dalaga pa siya. Naidala na doon ng isa sa mga kasambahay ang mga gamit ko.
Pagpihit ko ng pinto ay dahan-dahan kong itinulak 'yon. Tumambad sa akin ang magandang silid. Humakbang ako papasok saka isinara ko ang pinto. Agad nakuha ng aking atensyon ang tunog mula sa dagat. Nilapitan ko ang bintana at hinawi ko ang kurtina.
The clouds are floating in the cobalt blue sea. Binuksan ko ang bintana. The seasalt breeze were touches my skin. Lihim ako napangiti. Tuwing nandito talaga ako, pakiramdam ko ay summer pa rin. Dagdag pa na narerelax ako dito. I stopped thinking when someone's knocking at the door. Nilingon ko ang direksyon na 'yon na kusa ding nagbukas ang pinto. Si Lola.
"Oh, my dear granddaughter, I would like you to know, your parents will be here tonight. So please be prepare yourself."
"F-For what, lola? I thought papa will be here in christmas."
"Your dad was just excited to see you, also." then she give me her sweetest smile.
Binasa ng laway ko ang aking mga labi. "Before that, can I go in stables and unwind myself in the shore for a while?" I asked.
"Of course, you can. Just take care of yourself, darling and take your time.."
I give her a small smile. "Of course, I will, lola. Thank you." and I watched her as she left the room.
Niyakap ko ang aking sarili. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nilapitan ko ang mga maleta ko. Puting racer-back and a beige color pants. Dala ko din ang isang pares na leather boots. Pinusod ko din ang buhok ko bago ako lumabas.
Dire-diretso akong lumabas sa ancesral house. Dinaluhan ko ang kuwadra at pumasok doon. Isang puting kabayo ang pumukaw ng aking atensyon.
"Ay, miss Cresha." gulantang tawag sa akin ng isang binatilyo, sa aking palagay ay isa siya sa mga nag-aalaga sa mga kabayo. "May ipapagawa po kayo?"
Tumango ako sabay turo ko sa puting kabayo. "Pakilabas siya, mangangabayo ako sa dalampasigan."
"Sige po, Miss Cresha." agad siyang kumilos para ilabas ang kabayo na gusto ko sa kuwadra. Lumabas muna ako habang naghihintay.
Ilang saglit pa ay hila-hila ng binatilyo ang kabayo. Nilapitan ko sila at hinimas-himas ko ang ilong ng kabayo para makilala niya ako. Good thing, he wasn't stubborn as what I think. Di kalauna'y sumampang na ako sa likod nito.
"Babalik ako mamaya bago magtakipsilim." sabi ko sa binatilyo.
"Sige po, Miss Cresha."
Sinimulan ko nang paandarin ang kabayo. Naglalakad lang muna ito hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa malaking bahay. Kahit nasa dalampasigan na kami at natatapakan na ng kabayo ay buhangin, nanatili lang malumanay ang kaniyang galaw. Hanggang sa napadpad na kami sa rock formations. Itinigil ko ang kabayo at bumaba. Hinila-hila ko siya ng kaunti saka isinabit ko ang tali sa hugis parisukat na bato. Hinubad ko din ang suot kong boots at itinabi ko 'yon.
Gumapang ako sa rock fomations hanggang sa nakakuha ako ng magandang pwesto para umupo. Yakap-yakap ko ang aking mga binti habang pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan sa harap ko. Hanggang dito ay dala-dala ko pa rin ang bigat dito sa dibdib ko.
Aminado akong may kasalanan ako. Dahil hindi ko magawang pakinggan si Mikhail kahit na gustong-gusto niyang magpaliwanag. Nakagawa pa ako ng isang mabigat na desisyon, desisyon na labag sa kalooban ko. Iyon ay alisin siya sa buhay ko nang basta-basta. Sadyang naunahan lang ako ng takot. Sadyang hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang sinasabi nilang pag-ibig at relasyon.
He's my first in everything. Sa kaniya ko naramdaman at naranasan ang lahat. Siya ang una ko. Una kong minahal, una kong halik, unang yakap... Siya ang unang pinag-alayan ko ng aking sarili na kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisisihan na ibigay sa kaniya ang pinakaiingatan ko.
Pumikit ako ng mariin kasabay na kumawala ang mga luha ko. Marahas iyon umagos sa magkabila kong pisngi. Yumuko ako't hindi ko na mapigilan ang sarili kong humikbi.
Kung nasaktan si Mikhail dahil sa ginawa ko, mas nasasaktan ako dahil nasaktan ko ang pinakamamahal ko.
"What I did was a foolish impulsive decision. If I could take it all back I'd do this so instanst. I truly I didn't mean to hurt you... I'm sorry for hurting you, Mikhail..." garagal kong sambit.
-
Nang mahimasmasan na ako ay saktong palubog na din ng araw. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Umalis na ako sa rock information at muli kong isinuot ang leather boots. Dinaluhan ko ang kabayo at sumakay. Tinabig ko ang tali para umabante na siya.
Mabagal na usad lang ang ginagawa ng kabayo habang nasa gilid kami ng dagat. Mas dinadama ko ang nasa paligid ko. Tahimik at maaliwalas. Mas nararamdaman ko na lumalakas ang hangin na dumadapo sa aking balat. Hindi ko ininda 'yon. It made me relaxed anyway.
Nang malapit na ako sa ancestral house ay tanaw ko ang dalawang tao na nakatayo na parang hinihintay ang pagdating ko. Sina lolo at lola. Nakatapat sa kanila ang lamp post. Napangiti ako, mas binilisan ko ang paglalakad ng kabayo para makarating ako sa kinaroroonan nila.
"Hoo!" utos ko sa kabayo para tumigil siya. Sumunod naman ito sabay angat ko sa tali na umangat din ito.
Umalis ako mula sa likod ng kabayo. Siya naman na dinaluhan kami ng binatilyo na umasikaso sa akin para makababa. Inabot ko sa kaniya ang tali at ibabalik na ito sa kuwadra. Bumaling ako kina lolo at lola. "Bakit nasa labas po kayo? Baka hamugin po kayo." malumanay kong sabi sa kanila.
Pareho silang nakangiti sa akin. "Narito na ang mga magulang mo, iha. Kasalukuyang nagluluto ng hapunan ang mama mo, habang ang papa mo naman ay pababa na din 'yon dahil nagpalit ng damit."
Ngumiti ako saka sabay na kaming pumasok sa bahay. Minsan pa ay napagkamalan ng mga kakilala namin na magulang ko sina lolo at lola dahil parang hindi sila natanda. Kung sabagay, dahil na din sa masustansya ang mga kinakain nila dito sa bahay. At saka, hindi man lang sila stress sa buhay.
"Paniguradong masarap na naman lulutuin ng mama mo," masayang kumento ni lolo.
"Sinabi mo pa!" pagsang-ayon naman ni lola.
"Excited na po akong matikman ulit ang luto ni mama." natatawang sambit ko.
Itinulak ko ang pinto patungo sa Kusina. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang taong hindi ko inaasahan. Parang naputol pa ang pag-uusap nila nang bigla akong pumasok sa eksena.
Kaharap niya ang mga magulang ko!
"Cresha..." mahina niyang tawag niya sa akin na bakas doon na hindi makapaniwala.
"Y-you..." my goodness, my heart started to tremble again! "Wh-what are you doing here?"
"Because this young man was looking for you, young lady." si papa ang sumagot ng katanungan kong 'yon.
"And he's terribly wanted to see you." dagdag pa ni mama.
Hindi ko maitindihan ang sarili ko. Kung magagalit ba ako o matutuwa dahil sa sinundan niya ako...