• MIKHAIL •
Tamad kong inabot kay Libby ang mga dokyumento na kakatapos ko lang pirmahan. Mamaya ay may major meeting pa akong dadaluhan. Including the Hochengcos and Chuas. I'm surely know the Grande Matriarch will also be here in few minutes.
Binato ko ang aking sarili sa swivel chair. Laylay ang magkabilang balikat ko. Wala akong gana ngayong araw. Napilitan na nga lang akong pumasok sa tabaho dahil sa meeting na isasagawa mamaya. I don't know kung para saan pero kailangan ko daw dumalo. Dahil sa ako na din ang naihalal bilang CEO ng kumpanya ni papa, I don't want him to give a feeling of dismay.
Ang totoo niyan, kagabi pa akong walang tulog. Hindi ako kakatulog sa kakaisip kung papaano nakita ni Cresha 'yon. Naunahan ako na magsabi! Sarap magmura! Dapat pala sinabi ko na sa kaniya noong gabi ding iyon na hindi ko intensyon na halikan si Vhia dahil siya mismo ang humalik sa akin!
"Sir, they've already arrived..." rinig kong anunsyo ni Libby nang hindi ko namamalayan na nakapasok na siya dito sa opisina. Sumilip ako sa relo kong nasa pulsuhan. Hindi ko talaga namalayan na ala una na pala ng hapon. Mukhang wala na talaga ako sa sarili ko. "Nasa conference room na po sila, sir."
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking coat. "Thank you, Libby." sabi ko.
Nauna akong lumabas sa opisina habang nakasunod lang sa akin si Libby na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi ako nakaramdam na takot o kaba para sa gaganaping meeting kungdi blangko. Hindi ako galit o anuman. Basta, wala talaga akong gana. Dahil na rin siguro sa antok pa.
May dalawang lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto ng conference room. Nang makita nila ako ay agad silang kumilos para pagbuksan ako ng pinto. Dire-diretso ako sa aking upuan. All of my cousins are here, mother and father side. All of their eyes are mine, especially, Grande Matriarch's.
"Good afternoon," walang buhay kong bati sa akin.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila. Natigilan ako nang may napagtanto ako. Napatingin ako sa kanila. Lahat sila ay seryoso ng tingin sa akin. Ang iba din sa kanila ay may pag-aalala sa kani-kanilang mukha. Nagtataka akong bumaling kay ahma na ngayon ay diretso ang tingin sa akin habang nakaupo sa tapat ko. I also realized, my aunts and uncles are also here! Damn, anong meron at bakit ganyan sila makatingin sa akin? Am I late?
"You can leave us for a while." seryosong utos ni ahma sa mga board members, maliban sa pamilya.
"A-ahma?" tawag ko sa kaniya na may pagtataka. "What's the matter? May problema po ba?"
Tumuwid ng upo si ahma. Kalmado niyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa mesa at ipinadikit niya iyon. "Kami dapat ang magtanong sa iyo ng ganyan, Mikhail." she said.
Natigilan ako. Napalunok. Damn, why the hell did I forget that the Grande Matriarch is intimidating when it comes in business!?
"Are you alright? It seems you are bothered." dagdag pa ni ahma. "Kahit na itago mo pa ang katotohanan, malalaman at malalaman ko pa rin kung anong nangyayari sa iyo, Mikhail."
HIndi ko magawang magsalita. Sa halip ay napalunok ako.
"Is this all about your girlfriend, Cresha Kim, right?"
Pumkit ako ng mariin at yumuko. "I'm sorry for being unprofessional, ahma. I didn't mean to dragged my personal problems here in work."
"Follow her, Mikhail."
Napawang ang bibig ko sa sinabi ni ahma. Muli akong tumingin sa kaniya. "A-ahma..."
"If you don't want to lose her, follow her. Chase her until you bring her back."
Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga salita na 'yon mula sa kaniya. Napatingin ako kay Kal na may inabot siya sa aking maliit na papel. Tinanggap ko 'yon. Isang address? Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.
"Iyan ang address niya, naibigay din sa akin ni Jaycelle 'yan habang papunta kami dito."
"Kung tungkol naman sa litrato, don't worry about it, nalaman na namin kung sino ang may pakana 'yon." seryosong nagsalita si Finlay. "Si Vhia ang may kakagawan n'on, Mik. She was really desperate to bring you back."
"Unfortunately, my wife and her gang chases her right away." natatawang sabi ni Suther.
Natigilan ako. Kaya pala wala rito sina Fae, Naya, Pasha, Tarrah at Laraya dito!
"Go, Mikhail." sambit ulit ni ahma. "Puntahan mo na siya at kami na ang bahala sa meeting na ito. Kapag maayos na kayo, you can beep us and we'll follow you right away. Sasamahan ka na namin sa mamanhikan mo sa kanila. Papunta na rin dito ang mga magulang mo, including your sister, Glenys."
I pressed my lips and nodded. "Thank you," para akong naiiyak! s**t.
Tumango lang si ahma pero kita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Nagmamadali akong lumabas ng conference room. Agad akong sumakay ng elevator hanggang sa marating ko ang basement kung nasaan ang parking lot. Dinaluhan ko din ang sasakyan ko. Kumawala muna ako ng isang malalim ba buntong-hininga bago ko buhayin ang makina ng sasakyan. Pagkatapos ay tinapakan ko ang gas para mabilis ako makausad hanggang sa tuluyan akong nakalis ng building.
Ilang oras din ang byahe ko bago ko nakarating ang lugar kung saan sakop daw ng mga Tiangco ang lupain na 'yon. Mabuti nalang ay nakapagtanong-tanong ako. Nakarating na ako dito ay gabi na. Panay linga-linga ko para hanapin ang arko na tinuturo sa akin nang napatanungan ko.
Hanggang sa may natatanaw akong malaking bahay. It looks like ancestral house, ang pinagkaiba lang ay malalaman na may nakatira pa dito at mukhang inaalagaan ng maayos ng naturang bahay. Nakita ko din sa wakas ang arko na may nakaukit. "VILLA SOLEDAD."
Itinigil ko ang sasakyan sa gilid. Kinalas ko ang seatbelts at lumabas. Napatingala ako sa ganda ng bahay. Maski ang harapan ng naturang bahay ay may fountain pa. May mga sasakyan din sa garahe. Hinawakan ko ang gate at marahan kong itinulak iyon. Mas nasisilayan ko ang kagandahan nito napapaligiran ng mga bulaklak at mga halaman. Pansin ko din ang karagatan sa likod nito. Ngayon, alam ko na kung bakit si Cresha ang nagbabayad ng renta sa unit tulad ng pagkakwento sa akin ni Vibs. Just wow...
I released a sigh before I knocked the door.
Napaatras ako nang may nagbukas n'on. Isang lalaking may edad ang sumalubong sa akin. Base on his clothes, I can say, he's like a gentleman and good guy. Hindi ko rin matukoy kung isa siyang instik din o koreano. Bahagyang naniningkit ang mga mata niya nang makita niya ako.
"Are you expected, sir?" pormal niyang tanong.
"Uhm, no... I... I need to see Cresha..."
Tumango siya. "Follow me," aniya. Sumunod ako at sa napadpad na kami sa Kusina, tingin ko. Naabutan namin ang isang babae na nagluluto. Natigil lang siya nang makita niya kami. Nakauniporme pa ito, is she a cook of this house?
"This young man here is looking for young lady Cresha..." aniya sa babae.
Tumaas ang mga kilay nito na tila nasopresa. Bumaling siya sa screen door. "Well I believe she's returning from the beach or the stables."
Sinundan ko 'yon ng tingin. Mukhang galing nga siya sa pangangabayo. May mga kasama siya. Isang babae at isang lalaki, tingin ko ay kasing edad lang nila ang dalawang tao na kausap ko ngayon. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga iyon! These people with her is her parents!
Hinintay ko siya at tagumpay silang nakapasok dito sa loob. Kita ko na natigilan siya nang makita niya ako.
"C-Cresha..." mahina kong tawag sa kaniya.
"Y-you... Wh-what are you doing here?" kahit sa boses niya ay bakas pa rin doon na nagulat siya sa presesnya ko.
"Because this young man was looking for you, young lady." sagot ng lalaking kausap ko kanina.
"And he's terribly wanted to see you." dagdag pa ng babae.
"Anong ginagawa mo dito, Mikhail?" ulit pa niya pero hindi ko agad pinansin 'yon.
Sa halip ay nilapitan ko pa ang dalawang kasama niya—her parents. Nilahad ko agad ang aking kamay sa kanila. "Mr. Kim, Mrs. Kim..." bati ko sa kanila na malapad ang ngiti. "I'm Mikhail Chua, maybe you heard about me?"
Nagtatakang nagkatinginan ang dalawa habang si Cresha ay parang pinipigilan ako. Parang nakuha ko na ang ibig nilang sabihin sa tingin na iyon. "Ah, sorry po... Uhm," I trailed off. "I'm here today to tell you that I love Cresha, and I was hoping I could take her hand in marriage." lihim ako napasulyap kay Cresha na tumalikod na parang nahihiya siya sa mga pinagsasabi ko.
Mahinang tumawa ang mama ni Cresha. Tumingin siya sa akin. "Young man, we love Cresha, too. But you are barking at the wrong tree."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. A-ano? Hindi siya ang mama ni Cresha?
Biglang nagsalita ang papa ni Cresha. "Kung narito ka para hingin mo ang kamay ni Cresha, baka gusto mong tanungin ang magulang talaga niya..." sabay itinuro niya ang bandang likuran ko.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang napagtanto ko na nagkamali ako! Agad akong lumingon sa dalawang nakausap ko kanina.
"N-no... no, no no!" biglang apila ni Cresha.
"Oh my god, I'm so sorry. I just assumed they were—"
Lumapit ang babaeng napagkamalan kong cook! s**t, Mikhail! Napangiti ito sa akin. "It's alright, it's alright, Mikhail." nakipagkamay siya sa akin.
"Nice to meet you, ma'm..." sabi ko. Saka ay lumapit sa akin ang lalaki na tunay na tatay pala ni Cresha. "Nice to meet you, sir."
"Bakit ka ba nandito?" mariing tanong niya sa akin, nakapameywang na. "Hindi ba nagkabalikan na kayong dalawa? Ano pa bang gusto mo?"
Inangat ko ang mga kamay ko para pigilan siya. "Wait, baby, hang on..."
"Umalis ka na, pwede ba?"
"Stop, Cresh." Mas matigas kong sambit na dahilan para tumigil na siya. Tumikom ang kaniyang bibig. Diretso lang siyang nakatingin sa aking mga mata. "Listen to me, first, baby. Please.." huminga ako ng malalim. "Tungkol sa halik na 'yon, hind ko ginusto 'yon. Oo, tinulungan ko si Vhia dahil pagewang-gewang na siyang maglakad nang makita ko. Pero, hindi ko alam na hahalikan niya ako. At tungkol sa picture na sinasabi niya, wala akong alam doon. Ang totoo pa niyan naitulak ko pa siya dahil ikaw ang iniisip ko ng mga oras na 'yon. Ganoon ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa iyo, maniwala ka... I love you..."
Malamig niya akong tiningnan. "Tsk, well, I don't love you." mariin din niyang sambit.
"Naku, huwag ka nga, Cresh." biglang nagsalita ang mama ni Cresha. Napatingin kami sa kaniya. Nakahalukipkip ito. "Of course you do, too. Kahit anong tago mo sa akin, alam ko naman kung gaano mo siya kamahal. Kung hindi mo mahal, bakit iniyakan mo, aber?"
"Ma!"
"Cresh, one of the reason why I got home instead of christmas is because of this. Based on your mom's story, you are madly crazy fall in love with this man and I want to meet him."
"Pa! Who's side are you on, anyway, huh?" she cried. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan na siya.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong napakagat sa aking labi. Gustong gusto kong suntukin ang hangin dahil boto pala sa akin ang mga magulang niya!
Ipinadikit ko ang aking mga palad at humarap sa mga magulang niya. "Mrs. Kim, Mr. Kim, I'm so sorry for the confusion and the intrusion... But I really love this woman. And I would love a blessing from you... I will do everyhting you want, I just want to be with her."
"Oh my god, Mikhail! A blessing?!" Bulalas pa ng reyna ko.
Nagkatinginan ang mag-asawang Kim ng ilang segundo bago ibinalik ang tingin nila sa akin. "You... You got a ring, son?" tanong ni Mr. Kim.
Napangiwi ako. s**t. Nakalimutan ko pa! Bakit ba sugod ako ng sugod na wala naman akong bala?!
"What?! No, pa!" tanggi niya.
Kita ko na hinuhubad ni Mrs. Kim ang kwintas mula sa kaniyang leeg. Kinalas niya iyon at kinuha niya ang singsing na naroroon.
"Ma? Anong... Huwag ma, no!"
"Heto," malumanay niyang sabi sa akin ang inabot niya sa akin ang singsing. "Galing pa 'yan sa lola niya." tinanggap ko 'yon.
"Hello? I'm right here... What's going on with you, ma? Pa?" nahihisterikal na siya pero wala akong pakialam.
Humarap ako sa kaniya. "Cresha,"
Biglang humarap sa akin. "No!" matigas siyang tugon.
Biglang lumapit sa akin si Mr. Kim at may ibinulong. "You should probably take a knee, son."
"Pa!"
Napaawang ang bibig ko. "Y-yeah, right... Salamat po." saka lumuhod ako sa harap ni Cresh. Tumingala ako sa kaniya. Natigilan siya nang nagtama ang mga tingin namin. "Cresha, you gave me a reason to feel loved. You gave me as reason to be happy again. You gave meaning to my life. You gave me a new beginning... with you. I love everything about you, baby. You don't have to take care of yourself anymore. I'm here to take care of you until we're getting old... Will you marry me?"
Kita ko ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Pinipigilan na maiyak. "N-no..." tugon niya.
Ano? Ayaw niya?! Kumunot ang noo ko. "Well, yes!" malakas kong sabi.
"No!"
"Yes!"
"No!"
Tumayo na ako. Sabay ikinulong ko ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng mga palad ko. "Kung alam mo lang kung gaano ako nabaliw nang nagkahiwalay tayo. Please, umuwi na tayo... Fall in love with me over and over again, baby. Fall in love with for the rest of my life.... Be my wife, and I'm excited to be your husband and give you a home of happiness, believe me, baby." May bahid na pagkadesperado nang banggitin ko 'yon.
Mariin siyang pumikit, kasabay na tumulo ang luha niya. Sa pagdilat niya ay nagtama ang tingin namin. Nawala na ang galit sa mukha niya. "Okay..." nanghihina niyang sagot.
I lean my forehead into hers. Hinawakan ko ang isang kamay niya saka pinadausdos ko sa kaniyang daliri ang singsing. Rinig ko pa ang pagsinghap niya. Muli kami nagkatinginan. Hinalikan ko ang sentido niya at niyakap ko siya ng mahigpit... Sobra ko siyang namiss. Halos mababaliw na ako sa bahay nang hindi ko na siya masilayan pa ng mga araw na iyon. Finally, you're gonna be my wife, Cresha Kim.