• MIKHAIL •
Napalunok ako dahil sa kaba. Nasa office ako ngayon ng boss ko. Muntik ko nang makalimutan na may atraso ako. Hindi ako nakabalik ng hapon after lunch dahil sa sinundan ko si Cresha ng mga oras na iyon.
"Mahal mo naman siguro ang trabaho mo, Mikhail?" Seryosong tanong niya.
Tumango ako. "O-opo, sir. S-sorry po kung hindi ako nakabalik agad, dahil kailangan ko munang umuwi. Emergency—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinampas ang mesa na ikinagulat ko.
"Iyan lang ba ang valid reason mo, ha?!" Bulyaw niya.
Napangiwi ako at hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
"Ilang oras nalang ay babalik na ang chairman dito! Kapag nalaman niya ito, iisipin niya pinapabayaan ko lang ang mga emplyado dito!" Panenermon pa niya. "This is your last chance, Mikhail! Now, get out!"
Umalis ako sa opisina. Nakahinga ako ng maluwag. Agad ako nilapitan nina Jocelyn at James.
"Anong sabi, Mikhail?" Nag-aalalang tanong ni Jocelyn.
Umiling ako. "Sinermonan niya ako. Last chance ko na daw." Mabilis kong sagot.
Inis na tiningnan ni Jocelyn ang bintana ng opisina ng boss namin kahit na nakatakip ito. Si James naman ay tinapik-tapik lang ang balikat ko.
Tulad ng dati, tambak ang aking trabaho. Minsan napapaisip ako kung nagsasawa na ba ang mga empleyado dahil paulit-ulit ang kanilang trabaho. Hmm, siguro wala na din silang magagawa.
"Nandito na daw ang chairman. Nakabalik na daw siya." Rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Napatigil ako sa pagtatype sa computer.
"Paniguradong eeksena na naman si boss para i-welcome ang chairman." Inis na sabi ng isa pa.
"Pero, rinig ko pa... Umuwi daw agad ang chairman dahil nandito na daw ang anak niya sa kompanya, nagtatrabaho."
Bigla ako ginapangan ng kaba sa aking narinig. Ano? May kumalat na palang balita tungkol doon? Teka, papaano nila malaman iyon?
"Narito na ang chairman! Bumaba daw muna tayo para salubungin siya!" Pagbabalita naman ng isa.
Nagsitayuan sila't bumaba. Naiwan lang akong mag-isa. Napalunok ako ng ilang beses. Nagdadalawang-isip kung bababa na din ba ako para makita si papa o hindi?
Wala din dito si Felix, paniguradong sinundo niya si papa sa airport.
Tumayo na ako't nagpasya nang pumunta na sa baba para makisali sa pagsalubong kay papa dito sa kompanya.
Nagpalakpakan ang mga emplayado ng kompanya nang nakababa na si papa mula sa sasakyan. Nakangiti si papa. Ako naman ay nasa bandang likuran ng mga empleyado. Pinapanood ko lang siya. Nasa likuran naman niya si Felix.
May itinanong pa si papa kay Felix. May ibinulong naman si Felix sa kaniya. Hindi ko malaman kung ano iyon.
Ang akala ko ay sasakay na si papa sa escalator ngunit tumigil ito sa paglalakad. Humarap siya sa amin. "May I know where's Mikhail Chua?" Tanong ni papa sa kanila.
"Mikhail! Itaas mo ang kamay mo!" Sabi sa akin ni James na nasa aking tabi.
Hindi ko naitaas ang kamay ko pero nagulat ako nang itinulak ako nina James at Jocelyn papunta sa chairman!
Nang nasa harap ko na ang chairman ay kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Parang hindi siya makapaniwala na narito na ako. "Finally, you're here." Masayang sabi niya.
"O-opo..."
"Follow me at my office, son..." Malakas niyang sabi upang marinig ng madla.
Nagulat ang mga tao sa paligid namin nang tawagin akong anak ni papa maliban sa amin ni Felix na tahimik lang nakasunod sa amin. Lalo na ang boss kong halos umabot na sa sahig ang kaniyang panga dahil hindi siya makapaniwala. Gayundin sina James at Jocelyn.
"Hide and seek is now over, Mikhail." Natatawang sabi ni papa.
Narito kami ngayon sa malaki niyang opisina. Ang isang sekretarya niyang babae ay naghahanda ng inumin namin.
Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. "Pa, you don't have to do that. Alam mo namang mas gusto ko ng low-profile."
Ngumiti si papa. "Anak, narinig ko kay Felix ang desisyon mo na magtrabaho ka muna sa mababang posisyon at namangha ako doon. Hinding hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko para humalili sa aking posisyon. At kahit anong tago o sekreto pang ginagawa mo ay mabubunyag pa rin ang katotohanan."
"You spoiled the thrill, papa." Naiiling kong sabi.
"I'm sorry." Saka tumawa siya. "Ang sabi ni Felix hindi ka daw tumitira sa bahay natin?"
Tumango ako. "I decided to living on my own, papa although may mga ka-room mates ako. Saka nag-eenjoy na ako sa pagiging independent ko."
"I'm glad to hear that, son. Manang mana ka talaga sa mama mo na ganyang ugali. Speaking of your mom, kamusta siya sa Iloilo?"
Ngumiti ako. "Mama is fine. Alam mo naman iyon, hindi matatahimik kapag wala siyang nagagawa para sa lugar natin." Sabi ko.
"How about Glenys?"
"She is great, papa. She decided to take Architecture next year para sa construction firm mo po."
"Maswerte ako sa inyo dahil naisip niyo ang responsibilidad kahir mabigat pa ito."
Dahil narito na si papa, wala na akong rason para magtago ulit. Alam na ng mga tao sa kompanya kung sino ba talaga ako. Nalaman nilang anak ako ng chairman... at ako ang magmamana nito. Nang nakasalubong ko ang boss ko ay todo sorry siya sa akin dahil sa ginawa niyang pagsigaw at pagsermon niya sa akin kahit para sa akin ay ayos lang. Ginawa lang niya ang part niya bilang mas mataas sa akin.
Wala nang Felix maghahatid sa akin pabalik sa condo unit. Binilhan ako ni papa ng sarili kong sasakyan kahit noong una ay ayaw ko pa dahil gusto kong bumili na galing dugo't pawis ko but he insist. Tungkol sa pagtira ko naman ay hinayaan niya ako dahil alam niyang masaya ako sa tatlo kong kasama. Pero minsan ay dadalaw naman ako kay papa para samahan siya.
Pagpark ko ng kotse sa parking lot ay tamang tumunog ang cellphone ko. Si Angela ang tumatawag. Sinagot ko agad. "Yes, Angela?"
"Pauwi ka na ba?" Tanong niya.
"Actually nandito na ako sa building paakyat na d'yan. Bakit?"
"H-hindi ko na ka-kaya, Mik-hail... Please..." Saka nawala na siya sa linya.
Binalutan na ako ng kaba. Natatakot ako na baka may mangyayaring masama kay Angela. Kaya naman ay mabilis akong umalis sa kotse't halos tumatakbo na ako patungo sa elevator. Pinindot ko ang elevator button to reach the unit.
Nang makarating na ako sa palapag kung nasaan ang unit at agad kong binuksan ang pinto.
"Angela?" Malakas kong tawag sa kaniyang pangalan pero bigo akong makatanggap ng sagot.
Pinuntahan ko siya sa kaniyang kuwarto pero wala siya. Sunod ko pinuntahan ang kusina. Laking gulat ko na nakahandusay siya sa sahig at walang malay.
"Angela!" Tawag ko ulit na agad ko siyang nilapitan para alalayan ito. "Answer me... What happend to you?"
"Pain-ful mens, Mik-hail." She said with a weak smile.
Binuhat ko siya na parang bagong kasal at mabilis ko siyang ipinasok sa kaniyang kuwarto. Marahan ko siyang inihiga sa kama. Painful mens? Hindi ko masyado gets. Wait, naalala kong tawagan si Cresh! Dinukot ko ang cellphone para tawagan ang number niya pero out of coverage area daw. Sunod ko naman tinawagan si Vibs and she pick up the call, thank, God!
"Yes, Mikhail? I was about to go home. May problema ba?"
"Nandito na ako sa bahay, Vibs. Tumawag sa akin si Angela, sabi niya painful mens. What is that? I don't have any idea about this."
"She's suffering dysmenorrhea, Mikhail."
Dysmenorrhea? Madalas kong naririnig ito sa mga kaklase kong babae kapag absent sila. "W-what should I do then?"
"Hot compress lang, Mikhail tas ilagay mo lang iyon sa puson niya. Gawin mo muna iyon habang wala pa ako. Okay lang ba sa iyo?"
"S-sige... Thank you and take care!" Pinutol ko ang tawag lumabas muna sa kuwarto saglit para maghanap ng hot compress na sinasabi niya.
Mabuti nalang madali makita ang first aid kit. Binuksan ko iyon saka agad kong hinahanap ang compress. Nagpakulo na din ako ng tubig at naghanda ng planggana. Nang kumulo na ito ay pinahupa ko muna ang sobrang init.
Nang matapos kong gawin ang dapat sa kusina ay dumiretso na ako sa kuwarto ni Angela na dala ang planggana na may lamang mainit na tubig at compressor.
"Ughh..." She groaned and make a move. "Mik-hail..."
"Nandito na ako, Angela Don't worry." Sabi ko. "Here's the hot compress. Ilalagay ko na ito sa puson mo para hindi na sumakit." Sabi ko't dahan-dahan kong nilalagay ang hot compress sa kaniyang puson.
I'm sorry, Angela. Kapag nawala na ang sakit ng puson mo, pwedeng pwede mo akong sapakin! Basta gumaling ka lang!
Ilang minuto pa ay unti-unti na nagiging okay na siya, base sa kaniyang mukha. Mukhang mahimbing na ang tulog niya ngayon.
Pinunasan ko na din siya at umalis na din sa kuwarto niya.
"Mikhail," Tawag sa akin ni Vibs nang nakapasok na siya dito sa bahay. "Okay na siya?"
Tumango ako. "Yeah, okay na siya. Ang problema nalang ngayon ay bihisan nalang siya. Napunasan ko na din naman siya."
Ngumiti si Vibs. "Thank you so much, Mikhail."
"You're welcome."