chapter nine

1185 Words
• MIKHAIL • Kinabukasan ay naging okay na ang pakiramdam ni Angela. Ang sabi sa akin ni Vibs ay natural lang daw na maranasan ng babae ang ganoon tuwing nagkakaroon sila sa buwan-buwan. Ngayon ay inihahanda ko na ang mga posibilidad na ma-e-encounter ko iyon buwan-buwan. Bago man ako pumasok ay naipinagluto ko sila ng sopas. Nakasanayan ko na ipagluto sila ng pagkain sa tuwing ako ang unang papasok sa trabaho. "Good morning, sir Mikhail!" Nakangiting bati sa akin ng security guard nang papasok na ako sa loob ng building. "Good morning din po." Balik-bati ko sa kaniya. Kahit nasa lobby hanggang pagdating ko ng cubicle ay panay bati nila sa akin. Maski 'yung boss ko ay binabati ako. Medyo awkward lang dahil boss ko siya pero 'sir' ang tawag niya sa akin. Hindi ako sanay na sa akin ang atensyon nila. "Sir Mikhail," Tawag sa akin ni Felix na nasa tabi ko na. Bumaling ako sa kaniya. "Bakit, Felix?" Sabay tumayo ako. "Pinapatawag po kayo ng chairman. Gusto niya daw po kayo makausap." Tumango ako. "Sige, susunod nalang ako." Umupo ulit ako saka inayos ko ang aking ginagawa sa computer. Ano kayang sasabihin ni papa? _____ • ANGELA • "Ano na naman bang iniisp mo, Angela?" Puna sa akin ni Vibs habang kumakain kaming tatlo ngayon. Bago man ako sumagot ay napatingin ako sa sopas na gawa ni Mikhail. Napangiti ako. Nakakasanayan na naming tatlo ang presensya ni Mikhail dito sa loob ng unit. Tuwing umaga, ineexpect namin na ipinagluto na niya kami kahit hindi namin itinoka sa kaniya. Kahit wala pang kaming sinasabi na gagawin niya ay nagawa na niya. "Mikhail is a kind of material boyfriend." Bigla kong sabi. "He's almost a perfect guy who every girl wants." "Yeah, you're right." Sang-ayon naman ni Vibs. "Kaya nakapagtataka kung bakit wala pa siyang girlfriend sa lagay na iyan. Kasi diba? Marunong siya sa mga gawaing-bahay, masarap magluto, responsable bilang empleyado, sobrang gentleman siya... Ni hindi niya tayo nate-take advantage kahit na puro babae ang mga kasama niya dito sa bahay." Napabuntong-hininga naman si Vibs. "Kung ibang lalaki iyon, paniguradong babastusin tayo nun. Makikita mo sa kuwarto niya na puro malalaswa pero hindi. Napasilip ako sa kuwarto niya, simple lang bilang isang lalaki pero ang linis pa rin." "Gusto ko na si Mikhail." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salita na iyon. Napatingin silang dalawa sa akin. Bakas ang pagkagulat. "Ugh! No way!" Si Vibs na nakabusangot na ang mukha. "Ako ang naunang mag-apporoach kay Mikhail, Angela. Ako ang naunang magkagusto." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Pambihira ka! Kung sino ang nagugustuhan ko, nagugustuhan mo din! You're unfair!" "You want competition, Angela?" She smirked na parang nanghahamon. "Call! I'll make sure this time, I'm gonna win this, Vibs!" Determinado ako nang sabihin ko iyon. Biglang tumayo si Cresha kaya napatingin kami sa kaniya. Nakangiti siya. Eh? "Competition, huh?" Aniya. Tumingin siya sa amin. "Count me in." Laglag ang mga panga namin sa sinabi niya. "ANO?! Huwag mong sabihin na may gusto ka din kay Mikhail?!" "Why not? Sabi ninyo, he's a material and potential boyfriend. Ang advantage ko nga lang, alam ko na kung papaano siya mahuhulog sa akin." Vibs' face and mine was like... as if we're watching horror film! "I've already know his secrets. How about yours?" Then she walked out. Me and Vibs were left dumbfounded!! So this is an official competiton between me, Vibrica and Cresha! Hinding hindi ako magpapatalo sa kanila! Gagawa ako ng paraan para makuha ko ang atensyon ni Mikhail. "Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Vibs na nakabihis na. "Susunduin ko si Mikhail sa work niya." Sagot ko na nakangisi. Ngumiti siya. "Alright, sunduin mo lang siya't akin siya mamayang gabi." Ngiwi ako sa sinabi niya. Nakakakilabot ang babaeng ito! Huwag niyang sabihin na aakitin niya si Mikhail mamaya?! No, no, no, no waaaaayyyyy! Hinding hindi ko ipapadikit si Mikhail kay Vibs! Lakas pa naman lumandi ng isang ito! "Ikaw, Cresha? Saan ka pupunta?" Bumaling ako sa kaniya na naka-skinny jeans, printed t-shirt, at rubber shoes. May hawak siyang aviator. "Dadaan ng Bon Chon, dadalhan ko ng lunch si Mikhail sa office niya." "Bakit puro korean food ang ipapakain mo kay Mikhail?" Inis kong tanong. Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman ako marunong magluto." Sagot niya na blangko ang mukha. "Una na ako." Nagmartsa na siya patungo sa pinto't lumabas na. Kinuyom ko ang aking kamao. Kumikilos na sila! Hindi ko pwedeng hayaan lang iyon! Hindi pwedeee! _____ • MIKHAIL •  Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng opisina ni papa bago ko iyon binuksan. Nang makita ko ay nakatalikod lang siya sa akin at nakaharap sa malalaking bintana na parang tinatanaw niya ang paligid. "Chairman, pinapatawag ninyo daw po ako?" Humarap siya sa akin saka binigyan niya ako ng isang ngiti. "Yes, Mikhail. Maupo ka muna." Lumapit ako sa mahabang couch at umupo doon. Ganoon din si papa. Tumingin ako kay papa. "Bakit daw ninyo ako pinapatawag?" Bago man sumagot si papa ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Magpapatawag ako ng conference meeting tomorrow. I'm gonna quit my position, gusto ko nang ipasa sa iyo ito." Marahan niyang sabi. Napakurap-kurap ako sa sinabi ni papa. "P-pero pa, wala pa naman kayo sa retired age. Wala pa kayo sa 60's..." "But I've done everything for this company, Mikhail. I just want to take some rest and I'm badly want to be with your mother. Sa buong pagsasama namin ay pakiramdam ko ay marami akong pagkukulang sa kaniya bilang asawa. I'm so much thankful dahil nagkaroon ako ng pamilya na sobrang mahaba ang pisi at pag-unawa sa aking trabaho. Hindi rin ako naging mabuting ama sa iyo, Milkhail. Bilang lang sa daliri na nakakadalo ako sa mga importante araw mo. So this time, oras na para bumawi ako sa pamilya natin." Ngumiti ako't tumango. "Laging sinasabi ni mama sa amin na huwag na huwag daw kaming magtatampo o magagalit sa inyo dahil mas mahirap daw ang pinagdadaanan mo dahil mag-isa ka lang dito sa Maynila habang kami nasa probinsya pa. Ang unfair lang daw po para sa inyo." Sabi ko. Hinawakan ni papa ang aking balikat. Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "I'm gonna thank Theresa for giving me a wonderful children like you and Glenys." __ Nakahinga ako ng maluwag nang matapos kaming mag-usap ni papa. Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinilip ito. May tumatawag. Unknown number? Sinagot ko ang tawag. "Lunch time ninyo na. I'm here at the Parking Lot. Bilisan mo." Pamilyar sa akin ang boses na iyon. "C-Cresha?" Kumpirma ko pa. "Yeah, it's me. Your one and only." Binaba niya ang tawag. Agad akong umaribas ng lakad patungo sa Parking Lot para puntahan siya. Nang nasa Parking Lot na ako kita ko siyang nakatayo at nakasandal sa kaniyang sasakyan habang nakahalukipkip. Nilapitan ko siya. "A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "We're gonna eat lunch." Mabilis niyang sagot. Magsasalita sana ako nang binuksan niya ang pinto ng back seat. "Get in." Utos niya. Wala naman akong magawa. Pumasok naman ako sa loob. Nagulat naman ako na pumasok din siya sa loob. Pareho na kaming nasa back seat. May kinuha siya mula sa front seat. Mga take out na pagkain? Bumaling siya sa akin. "Dito tayo kakain. We're gonna eat these. And the good thing is, we're only two of us, Mikhail." Then she give me her sweetest smile. What the hell is happening?! Guguho na ba ang mundo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD