chapter ten

1151 Words
• MIKHAIL • Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakasabay kong kumain si Cresha ng lunch. At talagang doon kami sa kotse niya kumain. Kahit anong suhesyon ko na sa kumain nalang kami sa labas ay ayaw niya. Wala naman ako magagawa eh di kinain nalang kami ng Korean food na dala niya dito sa loob ng sasakyan. "Do you like it?" Tanong niya sa akin.  Tumango ako bilang tugon.  "Mabuti naman. Are you free in Sunday?" Muli niyang tanong.  Tumingin ako sa kaniya. "Hmm, hindi naman. Bakit?"  Lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. "Let's have a date." Mabilis niyang sabi. Parang walang preno.  Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya! Pakurap-kurap akong tumingin sa mukha niya. "A-anong sabi mo?" "Let's have a date." Saka ngumuso siya. Umiwas siya ng tingin.  "H-huwag mong sabihin na totohanin mo 'yung sinabi mo kay Vhia na nag-de-date talaga tayo?"  Muli siyang tumingin sa akin. "Pwede rin, para tigilan ka na din niya kung sakaling magkita ulit kayo." Then she smriked.  Medyo mabilis para sa akin ang araw. Hindi ko namalayan na uwian na. Dahil alam na ng mga empleyado ang buo kong pagkatao ay wala na akong rason para magtago o umiwas pa. Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako. Nasa lobby na ako para umuwi na nang may nakita akong nagkukumpulang mga tao sa pinto.  Natigilan ako nang nakita ko si Angela na nakaupo sa couch. Napatingin siya sa direksyon ko. Agad siyang tumayo para lapitan ako.  "Mikhail!" Masaya niyang bungad sa akin. "Nandito ako para sunduin ka!" Masiglang sabi niya.  "H-ha?"  "Yes, yes... Susunduin kita! Sorry hindi ko agad sinabi kasi gusto ko surprise." Nakangiting sabi niya.  Magsasalita pa sana ako nang biglang pinulupot ni Angela ang mga braso niya sa braso ko na medyo ikinagulat ko. "Tara na?"  Nagpahatak nalang ako sa kaniya.  _____ • VIBS • "Ang tagal nilang umuwi!" Reklamo ko habang naghihintay kami ni Cresha dito sa loob ng unit. Pagkaalam ko kasi alas singko ang labas mula sa trabaho si Mikhail at si Angela ang susundo sa kaniya.  "Hintayin mo lang, sinusulit pa ni Angela ang moment niya." Kumento naman ni Cresha habang nanonood lang ng tv.  Napanguso ako. "Ako nalang ang hindi pa kumikilos sa atin. Nakahanda na din ang damit ko para ngayong gabi." Nakangising sabi ko.  Sinamaan ako ng tingin ni Cresha. "Talagang paninindigan mong akitin si Mikhail?" Malamig niyang tanong.  "Baka malay mo kumagat..."  "Hindi papatulan ni Mikhail 'yan, sinasabi ko sa iyo." Aniya sabay inirapan niya ako. Tumayo siya't pumunta muna siya sa kuwarto niya.  Nagkibit-balikat ako't ngumiti ng matamis. Hindi na talaga ako makapaghintay sa gagawin ko kay Mikhail! BWAHAHAHAHA!! _____ •ANGELA • Tahimik lang kami ni Mikhail sa loob ng kotse. Huhuh, wala akong maisip na pagsisimulan ng coversation namin. Heto yata ang sinasabi ng karamihan: NATOTORPE! Sa gilid ng aking mga mata, pansin ko na nakadungaw lang siya sa bintana.  "Angela,"  "Y-Yes, Mikhail?" Oh my god, bakit nauutal na ako ngayon?! "It's kinda weird. Bumisita si Cresha sa building kanina. She brought lunch. Ang akala ko sa cafeteria namin kakainin iyon pero hindi, pinapasok niya ako sa loob ng sasakyan niya at doon namin kinain ang dala niya niyang pagkain. Mas okay daw doon kasi kaming dalawa lang daw ang naroon." Tumingin siya sa akin. "Ano bang nangyayari sa kaniya, Angela? Unusual ang kinikilos niya ngayon..." Ngumiti ako ng mapakla sa kwento niya. So, she already made a move. Hindi pwede ito! Kung lalaki lang si Cresha at babae si Mikhail, paniguradong nakakakilig iyon! Ugh, hindeee! Dapat may move din akong gagawin para kay Mikhail!  Iniliko ko ang kotse sa gilid kalsada. Alam kong nagulat si Mikhail sa ginawa ko. "B-bakit tayo tumigil?" He asked.  Kinalas ko ang seatbelt at tumingin sa kaniya. "Tanggalin mo seatbelts mo, Mikhail. May dadaanan tayo." Inosente siyang tingnan habang kinakalas niya ang seatbelt. Sabay kaming lumabas sa kotse. Nilapitan ko siya't binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Bigla kong hinawakan ang kaniyang kamay saka hinila ko siya hanggang sa makarating kasi sa isang parke.  Maraming tao, may mga matanda, may mga bata, may mga lovers din sa paligid. Kahit teenagers o middle-aged ay narito rin.  Alam kong makikilala din ako ng ibang tao dahil isa akong model pero wala akong pakialam.  May natanaw akong mga musikero sa sa hindi naman kalayuan. Nilapitan namin iyon. Saka ko nalang binitawan ang kamay ni Mikhail at tumingin sa kaniya. "Dito ka lang ha? Lalapitan ko lang iyon." Bilin ko sa kaniya.  Tumango naman siya kahit na naguguluhan na siya siguro sa kinikilos ko.  Mabilis kong nilapitan ang banda. Wari'y nagulat pa sila sa presensya ko. Sinabi ako na may gusto akong kantahin. Mabilis naman nilang napick up ang kanta na gusto kong kantahin.  Nagulat nalang ako na marami nang tao sa paligid ko. Agad hinahanap ng mga mata ko si Mikhail. Buti nalang ay nasa pwesto siya kung saan ko siya iniwan. Hindi siya umalis. Nakangiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.  "Good evening, everyone! I would like to dedicated this song for a special guy over there!" Maligayang sabi ko sa madla.  May mga napahiyaw at nagpalakpakan na mas lalo ako nagpangiti sa akin. This is for you, Mikhail! Gustuhin ko mang sabihin iyon ay kailangan ko pa rin mag-ingat dahil ayokong madamay Mikhail sa eskandalo na gagawin ko.  Nang nag-umpisa na ang tugtog ay sinabayan ko iyon ng lyrics.  Sparks fly, it's like electricity  I might die, when I forget how to breathe You get closer and there's nowhere in this world I'd rather be Hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti. Nakatitig lang sa akin si Mikhail na nakangiti din.  Time stops, like everything around me is frozen And nothing matters but these few moments when you opened my mind to things I've never seen  Cause when I'm kissing you my senses come alive Almost like the puzzle piece I've been trying to find  Falls right into place you're all that it takes My doubts fade away when I'm kissing you When I'm kissing you it all starts making sense  And all the questions I've been asking in my head  Like, "Are you the one? Should I really trust?" Crystal clear it becomes when I'm kissing you  Yes, I feel like kissing him is enough for me. Pero, sabi nga nila, maging conservative naman minsan. Pero ewan ko, habang tumatagal ay nahuhulog na ako sa kaniya... _____ Tumigil ng sasakyan sa parking lot. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan. Biglang nagsalita si Mikhail kaya naman napatingin ako sa kaniya.  "I like the song, Angela." Kumento niya na may ngiti. "Hindi ko alam na marunong ka pala kumanta. Maganda ang boses mo." Ngumiti din ako. "Thanks, Mikhail." "Pero, bakit ganoon ang lyrics? Para ba iyon sa mga inlove?" Tanong niya.  Natigilan ako. Napalunok. Ano nga ba ang isasagot ko? I was torn between to confess or not. Kung magco-confess ako agad, natatakot ako sa posibilidad: Mutual ang feelings o ang mas masakit pa doon, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Natatakot ako sa maaaring sagot niya kung sasabihin ko itong nasa loob ng puso ko.  Tumingin ako ng diretso sa kaniya. "Everyone feels love, Mikhail. Trust me." Sabi ko nalang ay para akong nabasag nang sabihin ko ang mga katagang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD