chapter eleven

1512 Words
• MIKHAIL • Alas otso nang dumating na kami sa condo unit. Nasa likuran ko lang si Kathleen na kanina pang tahimik. Nadatnan namin si Cresha na hawak ang kaniyang cellphone. Napatingin siya sa amin.  "Bakit ngayon lang kayo?" Tanong niya.  "May dinaanan lang kami." Si Angela ang sumagot.  "Finally, nandito na kayo!" Bulalas ni Vibs na kakalabas lang galing kusina. "Ang tagal ninyo! Nga pala, nagluto ako ng hapunan. Let's eat?" Tumango ako't dumiretso na sa kusina. "Tamang-tama, gutom na ako!" Sabi ko. "Girls, let's eat." Sumunod naman ang tatlo sa Kusina. May kani-kaniya naman silang pwesto ng upuan. Umupo sila maliban kay Vibs na kumuha ng ulam saka nilagay niya iyon sa gitna ng mesa.  "Tempura and chicken adobo for tonight!" She announced.  Habang kumakain ay kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Angela. Gustuhin ko man malaman kung ano ang gumugulo sa kaniyang isipan pero pinili ko nalang na hintayin ko nalang na siya ang mag-open sa akin ng problema niya.  Pagkatapos namin kumain, ako na ang nagvolunteer para maghugas ng pinagkainan namin. Nasa Salas silang tatlo at nanonood lang ng movie sa pamamagitan ng cable.  "Mikhail,"  Tumingin ako sa tumawag ng aking pangalan. It's Cresha. "Bakit?" "What happend to Angela?" Seryoso niyang tanong sa akin. "Siya ang sumundo sa iyo, hindi ba? Saan talaga kayo pumunta bago kayo dumiretso dito sa bahay?" Tumigil ako sa aking ginagawa at humarap sa kaniya. "Dumaan kami sa isang park. Tapos nun, may kinausap siyang banda doon na nagpeperform then kumanta siya. Pang inlove iyong kanta, base sa pinakinggan kong lyrics." Hindi siya agad nagsalita o nag-react man lang. Tinititigan niya ako ng matagal.  "B-bakit?" "Alam kong broken ka ngayon, Mikhail. Pero sana huwag mong pairalin ang pagiging manhid." Ang tangi niyang nasabi saka tinalikuran niya ako't lumabas na siya sa kusina.  She left me clueless. Hindi ko maitindihan ang ibig niyang sabihin. Ang tanging napapansin ko lang ay ang weird ngayong araw.  _____ • VIBS • Napasulyap ako kay Mikhail na lumabas na siya sa Kusina. Siguro tapos na siya sa paghuhugas. Inilapat ko ang mga labi ko. Kailangan ko siyang masolo. Nakakilos na ang dalawa, samantalang ako, kulelat pa rin! Kainis! Ay, wait, may naisip ako. Naglalakas na siya papunta sa kuwarto niya!  "Ah!" Daing ko sabay sapo sa aking ulo habang nakaupo ako dito sa sofa. Napatingin sina Angela at Cresha sa akin, nagtataka. "Ang sakit ng ulo ko..."  "Oh, eh di uminom ka na ng gamot." Malamig na sabi ni Cresha.  Napangiwi ako, para kungwari may effect. "But the problem is, ubos na ang gamot para sa sakit ng ulo sa first aid kit." Sabi ko at kungwari nanghihina pa.  Si Angela ang tumayo. "Oh sige, bibili ako." Prisinta pa niya. "Cresh, samahan mo ako sa baba. Punta tayo ng drug store."  Wala naman magawa itong si Cresha kung di samahan itong si Angela para bumili ng gamot. Bilisan ninyo naman umalis! Nasasayang ang oras ko, bwahahahaha!  Talagang hinintay ko sila na tuluyang umalis. Tumayo na ako mula sa kinauupuan kong sofa at pumasok ako sa kuwarto ko. Nagbihis agad ako. Dahil nakapagshower na din naman ako kanina habang wala pa sina Angela at Mikhail, nagpalit ako ng satin nighties. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang sarili ko sa full-bodied mirror dito sa kuwarto. Hinaplos ko pa ang damit ko. So... Kailangan ko nalang gawin ay mapalapit kay Mikhail. Tama! Iyon nga ang dapat kong gawin.  Kaya mo ito, Vibs. Keribels mo ito, alright? Alang-alang sa gusto mong si Mikhail! Alrighty! "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" Sinadya ko talagang lakasan ang tili ko na sinisiguro kong abot iyon sa kuwarto ni Mikhail. "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"  "Vibs!" Hindi nga ako nabigo. Talagang pinuntahan niya ako dito sa kuwarto. "Anong nangyayari?!"  "May ipis! May ipis!" Tili ko ulit sabay turo kung saan-saan pero wala talagang ipis.  "Ha? Saan?" Sabay lapit niya sa akin.  "D'yan, d'yan!" Kungwari naiiyak na ako. "Huhuhuh!" Sabay yakap ko sa kaniya. Napaatras siya dahil sa aking ginawa at walang sabi na natumba kami sa sahig. Nasa ibabaw na niya ako!  "Ugh..." Daing pa niya.  Napangiwi ako. Dahan-dahan ko inilayo kaunti ang aking sarili mula sa kaniya. Napatingin ako sa mukha niya at nanlaki ang mga mata ko. Oh my goodness, masyado na palang malapit ang mukha ko sa kaniya! Muntik na yata kami maghalikan!  Pero natigilan ako nang nagtama ang tingin namin. Ngayon ko lang nakita na ganito kalapit sa mukha niya. Napalunok ako. Hindi maalis ang mga mata ko sa kaniya. Maski siya ay natigilan sa ganitong posisyon.  "V-Vibs?" Tawag niya sa akin. "Okay ka lang ba?"  Doon ay parang nanumbalik ang ulirat ko. Natataranta akong umalis sa kaniyang ibabaw at napaupo ako sa sahig. Ramdam ko pa ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan! Sarap tuloy batukan ang sarili ko!  Bumangon na siya saka hinimas ang kaniyang ulo.  "Narito na kami!" Rinig kong boses ni Angela. Sheez, nakabalik na sila! "Narito na ang gamot mo, Vi—"  Napatingala ako sa may pintuan. Kita ko ang paglaglag ng panga ni Angela habang si Cresha ay tumalikwas ang kilay habang nakahalukipkip dahil naabutan nila kami sa ganitong posisyon!  "Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Angela.  "Nadulas kami ni Vibs." Si Mikhail ang sumagot. "May ipis daw ang kuwarto niya kaso ganito nangyari."  Umiwas ako ng tingin at napapikit ng mariin. Sarap mo talaga iuntog dahil sa katangahan, Vibs!  "Mukhang wala na nga sakit ng ulo niya, oh." Sabi ni Cresha na may halong panunuya. Nilapitan niya ako't tinulungan niya akong tumayo. Kita ko ang pagngisi niya sa akin. Parang sinasabing... MISSION FAILED! - "Seriously, Vibs? Talagang pinanindigan mo na akitin si Mikhail? Nakapameywang si Angela sa harap ko na akala mo ay sinesermonan ako. "My goodness!"  Ngumuso ako. "Eh bakit ba? Eh competition nga sana, diba?"  "In a decent way naman, diba?"  Tahimik lang nakaupo si Cresha habang pinapanood kami. Good thing, Mikhail is already now sleeping. Hindi naman niya siguro kami maririnig kung ano ang pinag-uusapan namin ngayon.  "Sorry na, alright?" Sabi ko.  Napabuntong-hininga si Angela. Kita ko na lumungkot ang mukha niya. Oh, anong problema ng isang ito? Don't tell me, may kadramahan na naman siya sa buhay?  "Huwag na natin ituloy ang competition na ito," Biglang sabi niya. Natigilan ako. Mapait siyang ngumiti. "Hindi tayo nasisiguro na magugustuhan niya ang isa sa atin."  "W-what do you mean?" Tanong ko.  She lift up her hands. "I surrender." She said.  "What?" I exclaimed. "Wh-why?" "I agree with her, Vibs." Cresha butt in. Sa kaniya naman ako tumingin. "Mikhail's secret is... He's broken." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kahit si Angela ay nagulat siya sa naging pahayag ni Cresha.  "We can't mend Mikhail's broken heart so easily. Kaya naman siya napadpad dito sa Maynila dahil gusto niyang lumayo sa ex-girlfriend niya. But, unexpected naroon din ang ex niya sa club kung saan tayo tumambay nitong nakaraan. Kitang-kita ko kung papaano siya nagalit sa ex niya dahil niloko siya nito."  Natigilan kaming dalawa ni Angela sa kwento ni Cresha. Bakit ganoon? Bakit hindi namin alam ang tungkol sa bagay na ito? "Alam kong gusto ninyong tanungin kung papaano ko nalaman. Accidentally ko narinig ang conversation nila. Kita ko na gustong-gusto lumayo ni Mikhail sa kaniya kaya naman tinulungan ko siya. Umeksena ako't sinabi ko na nagdedate kami ni Mikhail para layuan siya. Well, effective naman." Ngumiti siya. "See? Sino bang hindi magkakagusto sa isang tulad niya? Kahit broken siya, at puro babae ang mga kasama niya sa iisang bubong, wala sa isip niya na gamitin ang isa sa atin para maging rebound niya." Tama si Cresh. Mas masakit kung magiging rebound ka lang. Pero si Mikhail, wala kaming nakikitang posibilidad para gawin niya ang bagay na iyon.  "Pero gusto kong gumanti sa babaeng iyon para kay Mikhail." Bigla kong sabi.  "V-Vibs..." I thin my lips. Seryoso ko silang tiningnan. "Mikhail is very precious. Ang tulad ni Mikhail ay iniingatan at inaalagaan. Hindi niya deserve na masaktan. I want to give a revenge to that b***h!"  -  "Oh, nauna kang nagising." Nakangiting bati sa akin ni Mikhail nang nagising ako kinabukasan. "Good morning, nakapagluto na ako."  Hindi agad ako makapagreact. Bigla sumagi sa isipan ko ang ginawa kong kagagahan kagabi! Pero, bakit ganoon?! Bakit parang wala lang sa kaniya 'yon?! I mean, hindi ba siya na-awkward man lang dahil na din sa suot ko?!  "Vibs? Are you alright? May masakit ba sa iyo?"  Napangiwi ako. "Uhm..." I trailed off. "I... I want to say sorry about last night?" Umaawang ang bibig niya na parang naalala niya ang nangyari kagabi. "Ahh, wala iyon. Pasensya din kung nadatnan kita na ganoon ang suot mo. Nataranta lang din ako na baka ano ang nangyari sa iyo."  What? "Mikhail," Alinlangan kong tawag sa kaniya. Tumingin siya sa akin na may pagtataka. Lumunok ako. "Can I ask a question?"  "What is it?"  Before I speak, I release a small sighs. "H-hindi ka ba naiilang sa amin? I mean is, puro kami babae ang mga kasama mo. You know..."  Matamis siyang ngumiti. "Noong una, pero nasasanay na ako sa presensya ninyo. At saka, bilang nag-iisang lalaki sa unit na ito, responsibilidad ko kayong alagaan, protektahan at respestuhin. Kaya wala lang sa akin 'yung kagabi." Saka ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa mesa.  Naiwan niya akong tulala. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Ilang saglit pa ay tinalikuran ko siya at napapikit. Sumilay na ngiti sa aking mga labi.  Oh, Mikhail, hindi mo ba alam sa mga pinagsasabi mo ay mas lalo kita nagustuhan? Good thing is, hindi pa naririnig iyan nina Angela at Cresha, paniguradong mas lalala ang pagkagusto namin sa iyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD