chapter twelve

2062 Words
• MIKHAIL • Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nakaupo ako sa couch dahil ngayon na magaganap ang conference meeting tulad ng sabi ni papa. Ngayon ay ipapakilala ako bilang susunod na hahawak ng kompanya. Kinakabahan ako na natatakot. Hindi ko alam kung tatanggapin nila ako. Lalo na ang mga inimbitahan na board members. "May problema po ba, Sir Mikhail?" puna sa akin ni Felix.  Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng mapakla. "W-wala naman..." Ibinaling ko ang aking tingin sa tsaa na kaunti nalang ang laman. "Felix?" "Yes, Sir Mikhail?" "Desidido na talaga si papa na ang ako ang magiging tagapagmana niya?" Seryoso kong tanong.  "Opo, Sir Mikhail. Sa simula palang ay ikaw na ang gusto niyang tagapagmana, kayo ng kapatid ninyong si Glenys. Lagi niyang sinasabi na malaki ang tiwala niya sa inyo." Muli akong napabuntong-hininga. Sana ay magiging maganda ang kalalabasan ng conference meeting mamaya.  "Sir Mikhail, kailangan na po nating pumunta sa conference hall. Naroon na po ang chairman." Anunsyo niya.  Tumango ako't tumayo na. Nauna akong naglakad hanggang sa makalabas ng opisina ng chairman, nakasunod lang sa akin si Felix.  Ang kaba na naramdaman ko kanina, dumoble iyon nang nasa harap na ako ng pinto ng conference hall. Nilapitan ni Felix ang pinto saka binuksan ito. Pinauna niya akong pumasok doon. Tumambad sa akin ang mga empleyado ng kompanya, pati na din ang board members. Pansin ko sa mukha ni Felix ang kaniyang pagngisi na parang ipinagmamalaki ako sa madla!  "This way, sir Mikhail." Sabi sa akin ni Felix. Siya naman ang pinauna ko at sinusundan ko lang siya. Hanggang sa nakarating kami sa bandang harap. "My son," Bakas sa mukha ni papa na nasa harap niya ako ngayon. Umupo ako sa kaniyang tabi. "The meeting will be start within minutes." Hilaw akong ngumiti tumango. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ako o kakabahan.  "Don't be frighten. Everyone in this company will be glad once I introduce you." He mumbled then he smiled.  Tumango ulit ako nang bigla nagsalita ang emcee. Nakuha niya ang aming atensyon. Rinig kong tumikhim si papa at matamis ngumiti na para bang hindi siya makapahintay. Umupo ako sa tabi ni papa. Tumabi naman sa akin si Felix.  "Good morning, ladies and gentlemen!" Panimula ng emcee na may ngiti. "I would like to thank Mr. Luigi Chua for having me here. By the way, let's all welcome our beloved chairman, Mr. Luigi Chua! Let's give him around of applause!"  Nagpalakpaan ang mga tao dito sa loob ng Conference Hall, kabilang na kami ni Felix na pumapalakpak.  Tumayo si papa at umakyat sa stage. Mas lalo lumakas ang palakpakan sa paligid. Hindi nawawala ang mga ngiti sa mukha ni papa. Kumakaway pa ito.  When papa reached the podium, tumikhim siya. Tumingin siya ng diretso sa amin. "Thank you for the heart-warming welcome, everyone. I'm glad for having an important meeting here. Not only for executive personnel, also with our staffs..." Aniya. "Well, I set this meeting for an important announcement."  Bigla ako naramdam ng nerbyos dahil ipapakilala na ako ni papa sa madla. "I want from this day, I quit for being a chairman of this company. It's not because I'm tired or what. Because I want to go back in Iloilo where my home is." Sabi niya't tumingin siya sa aking direksyon. "I want to fulfill my life there not only as a husband of my dear wife, also as a father." Umingay ang mga tao sa loob. Tila nawindang sila sa anunsyo ni papa na tuluyan itong aalis sa kompanya.  "But... I have a person who's deserve this kind of position. He's not only my son, also a responsible staff of this company. Well, noong una ay hindi ninyo siya agad nakilala bilang anak ko because he only wants to hide his profile in our society. Ang sabi nga nila, bago mo muna makuha ang pinakatuktok ng bundok ay dadaan ka muna baba para maabot mo ito. This kind of mindset made me impressed more." Wika niya na hindi napuputol ang tingin sa akin. Lumapad pa ang kaniyang ngiti. "I would like to pass my position to my only son, Mikhail Alistair Chua!"  Muli nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin nila ang pangalan ko.  "It's time, Sir Mikhail." Sabi sa akin ni Felix. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumango ako't tumayo. Dinalo ko si papa sa stage. Hindi mawala ang palakpakan sa paligid.  "Here we go, son. And congratulations." Bulong ni papa sa akin.  Napangiti ako. "Thanks, pa." Tanging nasabi ko. Tumuntong ako sa podium. "Thank you so much for having me here today." Napatingin ako sa gawi nina James, Jocelyn na malapad ang ngiti habang pumapalakpak. Ang dati ko namang boss ay masaya din na parang nanalo sa lotto.  - Nang matapos ang conference ay sabay kaming pumunta ni papa sa dati niyang opisina. He wants to discuss something. Pagkarating namin doon ay umupo kami sa couch. Nasa gilid ko lang si Felix, nakatayo habang inaasikaso naman kami ng sekretarya ni dad na ang pangalan niya ay Libby Barros.  "You can do everything here in this company, this is will be your playground, son." Sabi niya't uminom ng ice tea. "Kahit wala naman ako dito sa Maynila, pupwede mo naman akong tawagin sa Iloilo. Narito rin naman si Felix para alalayan ka."  "Yes, pa."  "And, twice a month, nagkakaroon tayo ng conference meeting, importante iyon." He said. "Affirmative, pa." Tugon ko.  Tinapik niya ang aking isang balikat. "Good. By the way, are you going to live in McKinley? Alam mo namang naroon ang bahay natin. May mga maids ka din naman doon para mag-asikaso doon." Ngumiti. "Hindi ko po sure kung doon ako titira for good but I'm good in condo unit kung saan ako tumutuloy ngayon."  "Ikaw lang ba mag-isa doon?"  Napalunok ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Felix na namumutla din. Napangiwi ako't bumaling kay papa. "Ako lang mag-isa doon, pa. Don't worry about it."  Hindi pa pwede malaman na puros babae ang kasama ko sa bahay. Dahil makakarating kay mama ang balita na iyon. Kapag nalaman ito ni mama, paniguradong susugod siya dito sa Maynila at uusisasin niya ang mga kasama ko sa unit. Masyadong conservative si mama.  "I guess hindi kita mapipilit na lumipat ka nalang sa McKinley. Mukhang masaya ka nga doon sa tinitirhan mo." Then he laughed. "So, I'm counting on you, son."  "Thanks again, pa."  - Alas otso na akong dumating ng unit. Pagpasok ko sa loob ay rinig ko ang pagkukwentuhan nilang tatlo sa salas. Natigil lang iyon nang narinig nila ang pagdating ko. Tanging si Vibs lang ang sumalubong sa akin. "Mukhang late ka," Nakangiting puna sa akin ni Vibs.  "Sorry, hindi ako nakapagtext or nakatawag. Nag-aya ng dinner si papa, hindi naman ako makatanggi." Sabi ko.  I heard their sighed of relief. "Oh... Okay."  "Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.  Ngumiti sila, maliban kay Cresha na nakahalukipkip lang habang nakatingin sa akin. "Yep, nagpadeliver kami. Nailigpit na din namin ang mga kalat namin dito, don't worry." Si Vibs ulit ang sumagot. Bakit parang ang tahimik ngayon ni Angela? May problema ba siya?  Ngumiti na din ako. "Mabuti naman ay kumain na kayo." Actually, habang nasa restaurant kami ni papa ay hindi rin ako mapakali. Hindi ko malaman kung kumain na ba silang tatlo na ipinag-aalala ko. "Magsashower muna ako." Paalam ko sa kanila.  "Alrighty!"  Mabilis akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Ibinaba ko ang aking bag saka pinatong iyon sa aking kama. Hinubad ko naman ang necktie saka nilagay iyon sa laundry basket. Kinalas ko ang dalawang butones ng aking polo nang biglang may kumatok. Nilapitan ko ang pinto saka binuksan iyon. Tumambad sa akin si Cresha na seryoso ang mukha.  "C-Cresha..."  "Huwag na huwag mong kakalimutan ang date natin sa Sunday." She said.  Ngumiti ako. "Of course, I won't forget that." Sabi ko.  Napangiti din siya. "I'm glad to hear, iyon lang. Take some rest then. Goodnight." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako't dumiretso na siya sa kaniyang silid.  Isinara ko ulit ang pinto ng aking silid saka ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.  Nagising ako ng ala una ng madaling araw. Naalipungatan yata ako. Bumangon ako't napabuntong-hininga.  Umalis ako sa kama at nagpasya nalang na pumunta nalang sa Kusina para uminom ng tubig. Natigilan ako nang makita kong may tao sa may terrace. Mag-isa siyang umiinom. Likod palang niya ay alam kong siya iyon.  "Angela," Tawag ko sa kaniyang pangalan.  Lumingon siya sa akin. Nagulat pa siya't agad niyang pinunasan ang kaniyang mga mata. "M-Mikhail... B-bakit gising ka pa?" "Eh ikaw? Bakit gising ka pa? At bakit nag-iinom ka?" Tanong ko sa kaniya habang lumalapit ako. Tumabi ako sa kaniya. "Kanina ka pa tahimik, simula nung nasa parking lot tayo. May problema ba?" Mapait siyang ngumiti. "Problema ko ang sarili ko, Mikhail." "Anong ibig mong sabihin?" Bago man siya magsalita ulit ay napabuntong-hininga siya. "Problema ko kasi, madali akong mahulog sa isang tao na hindi ko alam kung gusto din ba niya ako o hindi. Kung mutual ba ang nararamdaman namin sa isa't isa. Like... Clifford." Bumaling siya sa akin. "At sa iyo." Pakurap-kurap ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Papaano ako napasok sa usapan na ito?  Mahina siyang tumawa. "Sabi na, eh. Manhid ka din eh no?" Tumingin siya sa kawalan. "Nagugustuhan na kita, Mikhail."  Natigilan ako sa sinabi niya. Nagko-confess ba siya? "A-angela..." "Nagugustuhan kita habang tumatagal, Mikhail. Kasi nasa iyo na, eh. Nasa iyo na iyong mga hinahanap ng babae sa isang lalaki. Nasa tabi na nga namin pero bigo naming makuha iyon."  Hinawakan ako ang magkabilang balikat ni Angela para humarap siya sa akin ng maayos. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tinititigan ko siya ng diresto sa kaniyang mga mata. "Angela, I'm sorry... I'm sorry kung naging manhid ako sa tingin ninyo... Nirerespeto ko kayong tatlo dahil nirespeto ninyo din ako. Angela, gusto ko din kita pero ...bilang isang kaibigan."  Dahil sa mga sinabi ko ay tumulo ang isang luha saka umagos iyon sa kaniyang pisngi.  Pumikit ako ng mariin. "I'm sorry... Pasensya kung hindi tugma ang nararamdaman ko sa nararamdaman mo." Napabuntong-hininga ako't napabitaw na ako sa pagkahawak ko sa kaniyang mga balikat.  Pinunasan niya ang mga takas niyang luha. Tumingin siya sa akin. "No, Mikhail. It's okay. Wala ka namang kasalanan dito."  "But, I hurt you..." "Kaysa naman na maging tayo pero hindi mo naman talaga ako mahal." Ngumiti siya nang mapait. "Mas masakit iyon, Mikhail. Mas masasaktan ako kapag ginawa mo iyon. Mas mabuting malinaw na wala ka talagang nararamdaman para sa akin. Atleast, nalaman ko ngayon palang kaysa umasa ako, hindi ba?" Hindi ako umimik.  Marahan hinawakan ni Angela ang kamay ko. "Look at me, Mikhail." Sinunod ko ang utos niya. "Cleared na ang sa akin. Ngayon, dalawa nalang ang kailangan mong kumpirmahin kung isa sa kanila ay may nararamdaman ka. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko ang bagay na ito. Sobrang saya at nagpapasalamat ako dahil nakilala kita, Mikhail. Sana hindi magbabago ag pakikitungo mo sa akin, ha? Don't worry, back to normal ang lahat." "Aasahan ko iyan." Ang tanging nasabi ko.  "Promise, Mikhail." - Tulad nang nakagawian ay maaga ako nagising. I cook a heavy breakfast na gustong gusto nila. It's quarter to six na, paniguradong nasa labas ngayon si Cresha para magjogging na kadalasan niyang ginagawa. Mukhang mahimbing pa ang tulog nina Vibs lalo na si Angela dahil nakainom kagabi.  "Good morning," Biglang may nagsalita sa may gilid ko pagkatapos kong ilapag ang sunny-side-up eggs sa mesa. Napatingin ako kung sino iyon. It's Cresha. "C-Cresh... M-morning."  She smirked. Bumaling siya sa mesa. "Mukhang mapapadami ulit ang kain ko nito." Kumento pa niya.  Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.  Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha, nagtataka na siya. "There's something wrong on my face?" She asked.  Agad ako umiwas ng tingin. "W-wala naman..."  Halos matalon naman ako sa gulat nang bigla niyang idinikit ang katawan niya sa akin. Pinagdilatan ko siya. "B-bakit?" s**t, bakit nauutal pa ako sa harap niya?  "I'm just wondering, ano bang madalas na gusto mo sa porma ng mga babae? Girly ba? Or...?"  "K-kahit ano. Wala naman problema sa akin. Para saan pala?"  Ngumiti siya. "Wala naman, para may idea ako kung anong isusuot ko sa date natin. May gusto ka bang puntahan ng araw na iyon?"  Hindi ko magawang magsalita. Bakit parang siya ang lalaki kung magtanong, "D-dapat ako nagtatanong niyan..." Sabi ko.  Mas lumapad ang ngiti niya. "I don't like fancy restaurants, Mikhail. Most of women want almost a fairytale but not all women, of course. I'm still want a simple and comfortable date."  Pero mas ikinagulat ko pa na mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin na siya naman ang pag-atras ko. "Cresha?" Mataimtim siyang nakatingin sa aking mga mata ngunit hindi maalis ang mga ngiti niya. "You make me want to become a better person, Mikhail."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD