chapter thirteen

1522 Words
• MIKHAIL • "Pinapabigay po mula sa factory natin, sir. Report po nila para po ngayong buwan kung ilan po ang nadeliver ng product natin all over in the Philippines po pati na rin po ilang bansa sa Asya." Sabi ni Libby nang ipinatong niya ang folder sa desk. Tumango ako. "Need anything, sir?" Tanong niya. Umiling ako. "Wala na, Libby. Thank you." Sagot ko habang nakatuon sa laptop ang aking atensyon. Nag-bow muna si Libby sa sakin bago siya tuluyang nakalabas opisina. Kailangan kong pag-aralan lahat ng mga sales, at ibang pwede kong malaman pa dito sa loob ng kompanya. Hindi pwedeng hindi para hindi ako dumating sa point na sasablay ako. Mabuti nalang ay binigay sa akin ni papa ang thumb drive niya dahil naroon ang lahat ng record ng mga kailangan ko. Mula last year pa ito kaya okay na din. Unang araw ko palang bilang CEO ng kompanya. Sobrang napepressure ako dahil akibat nito ang malaking expectation sa akin ng mga tao dito lalo na ang board members. Kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako masasablay. Naputol lang ang aking ginagawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko kung sino ang caller. It's Rafael Chua, one of my cousins. Agad kong sinagot ang tawag niya. "Yes, Raffy?" Bungad ko. "Hey, cous. I heard you're already a CEO!" Bulalas niya. "Congratulations! You deserved it!" Napangiti ako. "Thanks, cous. Kamusta na kayo d'yan? I was middle of my work but you saved me." I heard him chuckled. "We're okay here, Mikhail. Oh, that's alright... Nasa adjustment stage ka pa naman, huwag mo masyadong ipressure ang sarili mo d'yan. And... By the way, I want you to invite at my birthday. Sunday in the evening." Sunday... Wait! May date kami ni Cresha nang araw na iyon. Hindi ko naman ito pwedeng palitan lalo na kung hindi naman valid ang reason ko. "Hey, cous? Are you still there?" "Yeah, yeah... Still here. May appointment din ako ng araw na iyon pero sige, I'll try my best to come." "Thanks, cous, I'm counting on you." "S-sige." Pinatay ko din ang tawag. Napasandal ako sa swivel chair saka hinilot ko ang aking ulo. Argh! Bahala na nga kung anong mangyayari! __ • VIBS • "Okay, let's take a break for 15 minutes!" I announced. Tumigil naman sa pagsasayaw ang mga bata. Kani-kaniya silang punta sa kanilang bag para kumuha ng tubig saka ininom iyon. Ganoon din ang aking ginawa. Kinuha ko ang aking tumbler at uminom nang nilapitan ako ni Marina, katrabaho ko na nagtuturo din ng ballet. "Vibrica, may naghahanap sa iyo sa labas." Pagbabalita niya sa akin. Doon ay kumunot ang noo ko. "Sino daw?" I asked. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam, lalaki, eh. Maghihintay daw siya..." Hindi ko na nasundan ang sasabihin niya nang biglang may sumagi sa aking isipan. Parang may ideya na ako kung sino 'yon. Agad kong ibinalik ang tumbler sa mesa at mabilis akong umalis sa studio. Nagpalit ako ng sapatos. Buti na lang ay flat shoes ang ginamit ko para sa porma ko kanina pagkaalis ng unit. Sa aking paglabas ay natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang lalaki na nakasandal sa railings habang nakaharap sa akin. Nakapamulsa siya at inangat niya ang kaniyang tingin patungo sa dirkesyon ko. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi na parang makahinga siya ng maluwag na makita niya ako. "A-anong ginagawa mo dito?" Iyan lang ang tanging mga salita na lumabas sa aking bibig. Umalis siya mula sa pagkasandal sa railings at lumapit sa akin na nanatili pa ring nasa bulsa ang kaniyang mga kamay. "To pay visit?" "You don't have to, Clifford." Kaswal kong sabi. "Alam mo namang tapos na tayo., hindi ba?" "Pero hindi ko tinanggap ang break up mo, Vibs." Sabi niya. Doon ko napagtanto na sobrang lapit na pala niya sa akin. Agad ako umiwas ng tingin. "Kahit na hindi mutual ang desisyon na iyon, still, break na tayo." "Just give me another chance, Vibs. Kahit last na, hinding hindi ko sasayangin..." Namamaos niyang sambit, may halong pagmamakaawa sa boses niya. "Sa desisyon mo na nakipaghiwalay ka sa akin, nawawala na ako sa katinuan, Vibs..." Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Napasandal ako sa pader, tatakas pa sana ako pero nagawa niyang harangin ang magkabilang gilid ko! Pinagdilatan ko siya. "C-Clifford... Please..." He gently close his eyes and lean his forehead into mine. "Loving you is my decision, Vibs. Until now, you are my choice..." His voice almost broke. Hindi ko magawang magsalita. Lihim ko kinagat ang aking labi saka pumikit ng mariin. Napadilat ako nang maramdaman ko na ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin namin. Namumungay ang mga mata niya. I can see tears are forming into his eyes, dahil d'yan ay pakiramdam ko ay sinaksak ako ng punyal! "Let's put our last arguments behind our backs, let's forget our unreasonable and useless fights, Vibrica... On my part, the best thing I can gove you is my love. Please, let's restart our relationship...." "W-wala akong kwentang girlfriend, Cliff..." "But you are precious for me, Vibs..." Then he suddenly kissed me! Medyo nagulat ako sa ginawa niya. Nasa gitna ako na kung sasagutin ko ba ang mga halik niya o hindi. Pero iisa lang ang nararamdaman ko ngayon. Ganito ang pakiramdam ko noong unang halik namin... Mas bumibilis ang t***k ng puso ko! Kusang gumalw ang mga labi ko. Nagawa kong tumugon sa mga halik niya! "I love you, Vibrica..." Anas niya nang nagkahiwalay na ang mga labi namin. I realized something, medyo tanga lang ako nitong nakaraan lang. Ang pagkagusto ko kay Mikhail ay isa sa mga kabaliwan ko, siguro kaya ko siya nagawang gustuhin dahil kay Clifford. Namiss ko lang na magkaroon ng lovelife. Medyo tanga ako sa part na iyan, bakit ko pa kasi hiniwalayan noon ang lalaking ito eh mahal ko pa? Pero mas napagtanto ko ang isang bagay, marahil ay si Mikhail na ang magiging daan para mabuksan ulit ni Cresha ang puso niya. Nagamit lang kami ni Angela para maging malapit ang dalawa. Sana nga talaga, si Mikhail na, Cresha... __ • MIKHAIL • Dumating ako sa unit ay walang sumalubong sa akin. Nagtataka akong lumapit sa couch saka ipinatong ko doon ang bag ko. Wala rin akong naririnig na kung ano sa Kusina. Sinubukan kong kumatok sa mga kuwarto nila pero walang sumasagot. Mukhang hindi pa ako kuntento, pinihit ko ang mga pinto ng kuwarto pero walang tumambad sa akin na isa sa kanila. "Nasaan na kaya sila?" Tanong ko sa aking sarili. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa. Susubukan ko silang tawagan. Una kong hinanap ang numero ni Angela. Pipindutin ko na sana ang call nang biglang may nagsalita. "Huwag mo na silang istorbohin," Halos matalon ako sa gulat! Muntik ko na rin ihagis ang cellphone ko. Nakasapo ako sa aking dibdib nang tumingin ako sa gilid ko. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa akin si Cresha na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. Kaswal siyang nakatingin sa akin. "B-bakit ka nanggugulat?" Umalis siya mula sa pagkasandal niya sa pader at lumapit sa akin. Ngumuso siya at umupo sa couch. "Hindi mkakauwi ngayon si Angela dahil nasa Palawan siya ngayon para sa photoshoot. Ganoon din si Vibs, makikitulog siya sa boyfriend niya. Nagkabalikan sila ni Clifford." Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Sinisink-in ko pa 'yung mga sinabi niya. "N-nagkabalikan sila ng ex niya?" Ulit ko pa. Tumingala siya sa akin. "Oo. Nakwento niya sa akin thru text. Masayang masaya na ang gaga." Malamig niyang sambit. Hindi ko magawang magsalita, sa halip ay patangu-tango ako na parang naiitindihan ko na ang lahat. "At tayong dalawa lang ang narito." Dagdag pa niya. Umaawang pa lalo ang bibig ko. Oo nga, kaming dalawa lang ang narito! Wait, bakit ganito? Bakit kinakabahan ako na ewan? Parang tanga naman, Mikhail, wala ka naman gagawing masama! Muli niya nakuha ang aking atensyon dahil tumayo siya. Lumapit siya sa akin na nakangisi. Mas lalo kinakabahan! Hala, anong gagawin niya sa akin?! "C-Cresha..." Mahinang tawag ko sa kaniya. Medyo mabilis ang kilos niya, hindi ko magawang sundan iyon. She suddenly grab my collar and she do judo! Nagawa niya akong ibagsak sa sahig. Napaliyad ako dahil sa sakit ng katawan. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay umupo siya sa ibabaw ko! "Cresha!" Hindi ko mapigilang suwayin siya sa pamamagitan ng pagtawag ko sa kaniyang pangalan! She smirked. "Papaano iyan? Tayong dalawa lang narito...  Masosolo na kita..." Yumuko pa siya, talagang inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang inakto! "A-anong gagawin mo?" Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa aking mukha. Dahan-dahan niyang tinanggal ang aking salamin at marahan niyang ipinatong iyon sa sahig. Isang maliit na ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi. "I've just found a new disease, Mikhail." Mahina niyang sabi. "W-what?" "It's called love. I know it's contagious because you feel it to me..." Kumunot ang noo ko. "A-anong—" Hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko nang biglang niyang ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko at walang sabi na hinalikan niya ang aking mga labi! Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa kaniyang ginawa! "If my love for you is a crime, I want to be the most wanted criminal, Mikhail..." Anas niya nang humiwalay na ang mga labi namin. "I just stole a kiss from you, next, I will stole your heart,  so be ready." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD