__________________Chapter I
Mecho: Nasaan ka na? Ang tagal mo.
Mecho: Malapit ng mag-umpisa ang game. Hindi ako maglalaro kapag hindi ka nanuod.
Mecho: Makikipagsuntukan ako kapag hindi ka pumunta!
Napatawa ako sa pantatadtad niya sa akin ng messages. Nakasakay pa lang ako sa jeep ngayon papunta sa arena na paglalaruan nila. Paano ba naman kasi, talagang pumili pa ako ng maayos na damit na isusuot at hindi ko na namalayan pa ang oras.
Apparently, it's already the Holiday Season of the high school basketball cup. Ang bilis 'no? Sobrang busy nila nitong mga nagdaang araw, pati si Jandra ay busy rin sa pagte-training. Well, pati si Keith ay busy din.
Lahat na lang busy. Ako na lang yata ang hindi.
Sobrang ingay ng arena noong nakapasok ako. Habang naglalakad sa pagitan ng mga bleachers ay hinanap ko kaagad si Mecho sa baba. Nahagip ko agad siya na kasaluluyang nagwa-warm up habang nakasweatshirt pa rin at talaga nga namang hawak-hawak niya pa ang kanyang cellphone habang nags-stretching. Nakasimangot pa ito at mukhang wala sa mood. Natawa ako sa ayos niya.
Kasama niya sina Yeji, Duval, at si Kyle na kasalukuyang itinatali iyong sintas ng kanyang sapatos.
"Go, go, go, Team Stalwart! Stalwart! Stalwart!"
Lumipat naman ang tingin ko sa aming cheerleaders at hindi nabigong hagilapin agad si Jandra. Sus! Ganadong-ganado namang mag-cheer ito dahil maglalaro iyong dalawang kalandian niya.
Nang makahanap ako ng uupuan ay nitext ko na agad si Mecho na narito na ako. Pinanuod ko siyang dungawin ang kanyang cellphone, at agad na nag-angat ng tingin— sinusuyod ang paligid. Siguro'y hinahanap ako.
I giggled as I type another text message.
Me: Katabi ko iyong stairs.
Nang mabasa niya ang text ko ay hindi na siya nabigong hanapin ako. His red lips protruded as he arch his brows at me.
Muli siyang nagtype ng text habang nagja-jogging pero hindi umaalis sa kinatatayuan.
Mecho: Wow naka-makeup
I blushed profusely. Kahit ang layo ko ay nahalata niya? I pouted. Hindi naman makapal. I just applied a thin and light shade of face powder, lip, and cheek tint.
Hindi nagtagal ay sinita na siya ng kanilang coach. Talagang ni-confiscate pa iyong cellphone niya para lang makapagconcentrate na siya sa pagwa-warm up. Tinawanan siya ni Duval at Yeji, samantalang bumalik ang simangot sa kanyang mukha.
Nauna ang cheer dance na naganap. Todo hiyaw ako habang pumapalakpak para kay Jandra. She was enjoying it so much, and the thought of Yeji and Duval watching her hyped me too.
Wala sa sarili akong napatingin sa gawi nila Yeji at Duval. Napanguso ako nang tumatawa si Duval at si Yeji naman ay nakahalukipkip lamang habang nakangiti patagilid.
Jusko ka, Jandra.
The game started and it started really well. Nangunguna kaagad ang team namin. Bawat shoot ng kahit sino man sa amin ay nakikisigaw din ako.
"Stalwart! Stalwart! Stalwart! Teaaaam Stalwaaaaaart!"
Nakisabay na rin ang marami sa parte ko. Our team was dominating starting for the very first quarter.
"Olivarez! Olivarez! Olivarez!" Hiyaw ng mga kababaihan nang hawak ni Mecho ang bola at nidi-dribble iyon.
His skin is glimmering because of the sweat. At ang kanyang buhok ay namuo na rin dahil basang-basa iyon. Wala siyang pahinga at hindi siya tinanggal. Nag-umpisa siya at ni minsa'y ayaw magpa-sub.
"Encinas! Olivarez! Coronado! Alcala! Martinez! Go! Go! Go!"
"Go Yejiiiii!"
"Mecho! Mecho! Mecho! Go! Go! Go!"
"Duval! Duval! Alcala! Go! Go! Go!"
Our cheerleaders were very attentive and supportive. This game is the qualifying round at kung sino man ang matatalo ay matatanggal na kaagad sa buong season.
Last year, balita ko, ang nanalong school ay isang public school pero malalakas at dambuhala ang mga players. I wonder if our team would do better this year?
It was the last shot by Mecho when the game ended. Panalo sila at qualified na para sa susunod na game kinabukasan. Agad nagsialisan ang mga tao at mayroon namang bumaba pa sa court para i-congratulate ang team naming nanalo.
Mabilis ding nalagas ang mga tao sa kabilang sulok dahil natalo ang kanilang team, ang iilan naman ay bumaba rin sa court.
Nanliit ang mga mata ko nang makita si Jandra na pumapalakpak sa gilid. Lumipat ang tingin ko kay Yeji na pinagkakaguluhan ng mga babae, samantalang ai Duval ay inignora ang mga babaeng nagpapapicture sa kanya para lang malapitan si Jandra.
Naghype five silang dalawa nang nagkasalubong at nag-usap agad. Napailing na lamang ako pinapanuod sila. Si Yeji ay nilunod ng mga tao.
Si Mecho naman ay kasalukuyang nakapamewang habang kinakausap siya ng coach niya. Natawa ako nang umirap siya at tuluyan ng ibinigay ang cellphone.
Bumaba ako sa bleachers habang ibinubulsa ang aking cellphone. Dinaanan ko ang mga siwang ng maraming tao at lalapit na sana kay Mecho nang mamataang may mga babaeng kasalukuyang nagpapapicture sa kanya.
Mayroon pang nakakawit sa kanyang braso at sa kabilang halos idikit na ang dibdib sa kanya. Nagtutulakan pa talaga sila at nag-uunahan sa pagpapapicture.
Nang matapos ang ibang mga babae ay mayroon namang isa pang grupo na ipinagtutulakan pa iyong kaibigan nila na parang nahihiya at numula pa ang pisngi.
"Mecho! Crush ka nitong kaibigan namin! Pwede raw bang magpapicture?!"
"Guys, nakakahiya." The girl said but her friends did not listen to her.
"Sige na! Dali!"
Wala na itong nagawa pa noong pinagdikit na silang dalawa.
"Hug! Hug!"
Her friends cheered. The girl looked so stiff and awkward. While Mecho looked bored and dry, probably just waiting for them to finish. Parang obligado siyang mag-fan service kahit labag sa kalooban niya ang mga pangyayari. That's how I explain his face right now.
"Hug! Mecho, please! Hug mo siya pang picture lang."
Lumipat ang tingin ko kay Mecho. Ngunit natanggal iyon nang bigla siyang yinakap noong babae. Dahilan upang magtilihan ang kanyang mga kaibigan habang paulit-ulit na kinunan iyon ng litrato.
Napawi ang aliw na ngiti sa mukha ko at napalitan iyon ng hilaw. Nanlamig ako at parang kinukurot ang puso ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Mecho ngunit bago pa siya makapagbigay ng kahit anong reaksyon ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad palayo.
I have no issues about this, right? Na-corny-han lang naman ako sa babae kaya ako tumalikod at umalis? Why would she hug Mecho without asking for his permission? She's shameless!
Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman kong mayroon humuli sa aking pulso. Hinila ako pabalik ni Mecho habang humahagalpak ng tawa.
"Selos ka?" Tuwang-tuwa niyang tanong.
"Hindi ako nagseselos!"
"Oh? Sige. Hindi ka nagseselos," kahit sumang-ayon siya ay halata pa rin ang pang-aasar sa tono niya.
"Ewan ko sa'yo! Bitiwan mo nga ako! Uuwi na ako."
Muli niya akong hinigit pabalik sa kanya. I quivered when I smelled my perfume on him. Kahit pawis na pawis ay napakabango pa rin. Siguro, kaya mas mabango ang perfume ko sa kanya ay dahil na rin sa normal body odor niya. Kahit naman siguro hindi siya mag-spray ng pabango ay mabango pa rin siya.
"Oh, ba't ka nagagalit? Nagtatanong lang naman." Humalkhak siyang muli. "Bakit ka uuwi? Kakain pa tayo."
"Ayaw kong kumain."
His red lips protruded ad he push his wet hair backwards. He is enjoying this. It is written all over his face.
"What do you want, then?" Kalmado niyang sinabi. Nahahalina ang aking puso sa lambot ng boses niya.
"Wala!" Nag-iwas ako ng tingin.
"We'll do whatever you want. Is that okay with you?"
"Wala nga akong gustong gawin, sabi!"
"Oh, ano'ng nangyayari sa inyo? LQ?" Rinig kong tanong ni Duval sa gilid.
Umirap ako dahil nabuhay muli ang naiibsan ng pagkairita.
"Oo, pre. Nagseselos," tumawa si Mecho kaya hinampas ko siya sa kanyang braso. "Masama pala magselos 'to. Sadista."
"Hindi ako nagseselos!" Iritado kong paliwanag.
"Oh, hindi naman pala nagseselos," si Yeji naman na halatang naaaliw din. I glared at him pero hindi man lang siya natinag doon.
"Okay. Hindi ka nagseselos. Huwag ka nang magalit," pagpapakalma ni Mecho sa akin at ngumisi. "Shower lang ako. Hintayin mo 'ko."
"Uuwi na ako." Pagmamatigas ko.
"Kapag umuwi ka, makikipagsuntukan ako rito. Sige ka."
So, I waited for him. I am not only triggered by what he said but my own senses were also aware that my statements were fabricated with something...irritating and my system cannot be controlled if I am furious like that.
Noong natapos siya ay tinanong niya kaagad kung ano ang gusto kong gawin. Wala naman akong maisip na isasagot at hindi ako gumagala kay hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Teka. Tatawagan ko 'yung driver namin."
"Huwag na! Magcommute na lang tayo."
"Hassle lang 'yun!" Pakikipagtalo niya sa akin. "Tiyaka, matao at mainit. Ayoko."
"Ang arte mo, ha. Ako nga na babae, hindi nagrereklamo. Ikaw pa kaya."
Bago pa man siya makapagreklamo ay mabilis na akong nakapara ng jeep.
"Isha!" Tawag niya sa akin nang mauna akong sumakay.
Nakabusangot siyang sumunod sa akin at naupo sa tabi ko. Nakayuko pa siya kahit nakaupo na kami dahil sa sobrang tangkad niya. Natawa ako.
He looked like he doesn't suit in a place like this. He looked out of place. Yayamanin nga naman.
"I told you. Ang init." Reklamo niya pa dahil unti-unti ng napupuno ang jeep. Nag-uumpisa na ring sumikip.
Tiningala ko siya at nakitang pinagpapawisan na ang kanyang noo. I giggled upon realizing how uncomfortable he might be feeling right now. Ang tangkad niya, kinailangan niya pa talagang iyuko nang bahagya ang ulo upang maipagkasya ang kanyang sarili, also, his legs were too long and it occupies wider space.
Pinaypayan ko siya gamit ang aking kamay. "Oh ayan, ayos na?"
Tinabig niya ang kamay ko at umirap. Maya-maya pa ay umandar na ang jeep. Gumapang ang kamay niya bigla sa hita ko at pinagdikit iyon. I felt conscious when I realized that next to me was another man.
I smiled awkwardly to Mecho. Halatang iritado siya sa katabi ko at talagang hindi siya natakot na pandilatan iyong lalaki ng mata.
Umayos ng upo iyong lalaki at napapikit na lamang ako nang natabig niya iyong hita ko. Mecho's grip tightened at mas itinulak niya ang dalawa kong hita papalapit sa kanya.
I tried to calm Mecho at first, but when that happened again, I couldn't say anything anymore. Halos tumagilid na nga ako at ipagsiksikan ang sarili kay Mecho. But that didn't stop the man from slightly touching my legs.
"Nananadya ka ba, pre? Isa pa. Babasagin ko na 'yang mukha mo."
"Sorry, pre." Hilaw na ngumiti iyong lalaki.
Nag-igting ang panga ni Mecho at pinagsalubong niya ang kanyang kilay sa pagkairita. Hindi siya nakuntento.
"Hayaan mo na." I patted his shoulder.
"Gago."
Buong biyahe ay nakabusangot na naman siya. Medyo naibsan lang noong bumaba na iyong lalaki. Kami nama'y bumaba na rin dahil napagtanto naming hindi pala namin alam kung saan kami pupunta.
Nagtawanan kaming dalawa habang bumababa galing sa jeep. Bakit nga ba hindi namin naisip agad kung saan kami pupunta? Bwisit.
"Natawa ako habang nagbabayad," pagkwekwento ko. "Huli na nung mapagtanto ko na hindi ko pala sinabi kung saan tayo bababa."
"Badtrip kasi 'yung m******s na 'yun. Sarap birahin sa mukha."
Noong araw na iyon, pinagkatuwahan naming sumakay sa jeep. Sasakay kami tapos bababa sa kung saan namin gusto, tapos sasakay ulit pabalik, bababa. Vice versa. Parang mga tanga lang. Pawis na pawis pa kami pareho pero hindi na namin iyon inalintana pa.
Hinatid niya ako sa bahay noon at nagpasundo rin siya upang makauwi na't magpahinga.
The whole week is a busy week for them dahil sa sunod-sunod na laro. It was all worth it, though. Dahil lahat ng laro nila ay naipapanalo nila.
Last day ng game. Championship. Halos buong school ay narito. Nakauniporme pa kami para suportahan ang aming varsity team. Narito rin ang aming mga teachers, and even the supportive head teacher is here.
Keith is also here. Kinawayan ko siya nang magtama ang mga paningin namin. He smiled at me and waved his hand modestly. He is currently seated with the whole student council doon sa pinakaharap.
"Badtrip 'yung kalaban namin, ang sasama makatingin." Iritadong sinabi ni Mecho sa akin nang lumapit siya sa gawi namin, talagang pinababa niya pa ako para lang makausap ako.
"Olivarez! Mamaya na iyan, mag-warm up ka muna!" Hiyaw ng coach nila.
The tension is on. And the whole atmosphere is pretty heavy. Parang may hindi magandang mangyayari.
Nilingon ni Mecho iyong coach nilang nakapamewang. "Saglit lang! Mas mahalaga 'to!"
"Ang lalaki ng katawan nila," puna ko, nakatingin sa kabilang court. "Senior high pa lang ba ang mga 'yan?"
"Malamang. Makakalaro ba namin sila kung hindi," humalukipkip siya. "Pakiramdam ko mapapasubo ako."
I glared at him. "Anong mapapasubo? Makikipagsuntukan ka na naman?"
"Kung binadtrip ako, e'di makikipagsuntukan!" Aniya at pairap na inilipat ang tingin sa akin.
"Huwag kang makipagsuntukan!" Pakikipagtalo ko pa. "E'di natalo kayo kapag ganoon! Tiyaka huwag maiinitin ang ulo. Magconcentrate ka lang sa game."
His red lips protrude mischievously, pinanliitan niya ako ng mga mata at humilig palapit. He lookrd amused, obviously again. "Ang sama makatingin noong isa. Ang yabang. Nakakairita."
"Alin ba riyan?" Ngumuso ako.
Tinuro niya iyong isang player na dumakdak sa ring. Napa'ohhh' ang mga tao dahil sa ginawa niya. Ang laki ng katawan, pagtapos niyang maidakdak ang bola sa ring ay nakipaghype-five pa ito sa mga kasamahan. He looked blithe and composed and his physiques tell me that he is not an easy player.
"Tangina. Ang pangit niya." Iritable pang dagdag ni Mecho.
Napatawa ako sa panlalait niya.
"Olivarez!" Tawag ulit ng coach nila, nakapamaywang na. "Maglalaro ka pa ba?! 'Di ka pa nakakapagwarm up, ah?!"
"Magwarm up ka na kasi."
"Sige."
"Walang makikipagsuntukan, ah?" I patted his head lightly and curled my lips sweetly. My way of saying good luck.
"Hmm. Pag-iisipan ko." Ngumisi siya.
"Bakit pag-iisipan? I need assurance."
"O sige, ganito," hinarap niya akong muli. "Kapag hindi ako nakipagsuntukan..ki-kiss mo 'ko. Game?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Masyado na!
"Silence means yes!" Putol niya sa akin. "Subukan mong hindi tumupad sa usapan."
He jogged back to the court at sinalubong iyong coach nilang kulang na lang ay umusok ang ilong dahil sa pagkakainis kay Mecho.
Bumalik ako sa aking kinauupuan, at hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang game.
"Stalwart! Go, go, go! Olivarez! Encinas! Martinez! Alcala! Coronado! Go! Go! Go!"
We all cheered for them pagtapos ng jump off. Sobrang laki ng katawan noong isang lalaking kaharap ni Yeji sa jump off. Nang tumalon sila ay nabangga si Yeji sa dibdib. Dahilan upang bumagsak siya sa sahig at mapunta sa kalaban ang unang bola.
Agad namang lumapit si Duval kay Yeji at binangon siya. Ang lalaki ng kalaban nila! Dehado sila kung size ang pinag-uusapan!
"Boo!" Sigaw dito sa gawi ko. "Boo! Boo! Mga mandurugas!"
"Mygosh! Okay lang ba si Yeji?" May isang babaeng nagsalita.
"Hindi ni'yo ba nabalitaan? Lahat ng nakakalaro ng Jaguars ay nababalian ng buto o nai-injure. Underhanded daw kasi sila maglaro. Magaling magtago kaya hindi nabibisto ng ref."
Napatunayan iyong narinig ko nang nakita kong napahawak din si Kyle sa kanyang tiyan. Nasiko yata siya ng isang player at hindi man lang iyon nakita ng ref!
"Sub! Sub!" Kyle said. Nalukot ang kanyang mukha sa sakit habang naglalakad pabalik sa kanilang bleacher.
"Boo! Mga mandurugas! Boo!"
"Jaguars! Jaguars! Go, go, go!" Sigaw sa kabilang banda ng court.
The game resumed and the players cooled off. Napalitan na si Kyle at hindi na napasundan pa iyong nangyari.
Lamang kami ng apat na puntos. Fourth quarter. They all looked so drained, pati si Mecho ay hinfi maitago ang pagkakapagod. He was holding on the neckline of his jersey, then wiping his sweat habang nakapaywang, hingal na hingal.
Nang maipasa sa kanya ang bola ay dinribble niya ito habang may dalawang nakabantay sa kanya. He was about to pass the ball to Yeji but I saw how another player from the opposing team hit him on his shoulder! Natumba si Mecho dahil sa pwersa.
Hinintay kong pumito ang referee ngunit hindi iyon nangyari! Kumalabog ang puso ko sa pag-aalala. Nairita si Mecho sa nangyari at busangot na ang mukhang nagpatuloy sa game. He was inevitably irritated, ni hindi na nga siya nakapag-concentrate sa game.
Rebound noon. He was just about to jump..pero siniko siya sa kanyang tagiliran! Nanlaki ang mga mata ko roon at napatayo.
Ang duga! Hindi man lang napapansin ng referee!
Susugurin na sana ni Mecho iyong sumiko sa kanya ngunit mabilis siyang pinigilan nila Yeji at Duval. Mayroon silang ibinulong kay Mecho at napakalma noon si Mecho. Kyle was also back in the game when it resumed.
Two points na ang lamang ng kalaban sa amin. It was intense. The cheerleaders were loud, and so as the audience.
Mecho was dribbling the ball nang mapatid siya na halatang sadya. He twisted his legs at gumulong siya sa sahig habang hawak-hawak iyong kaliwang binti niya.
Ngayo'y pumito na ang referee habang ako ay napatayo sa gulat.
"Medic! Medic!"