Chapter 10

2725 Words
____________________Chapter J Apparently, hindi na nakabalik pa si Mecho sa laro. He was confined at the clinic for further checkup. Titignan kung mayroon daw bang nabali sa kanya. He twisted his knees horribly. Kitang-kita ko kung paano bumaliktad ang takbo niya bago siya gumulong sa sahig kanina. And based from his expression, he was badly hurt. He even screamed for it, and I couldn't stand hearing it without feeding my own worries inside. Is he okay? The player was disqualified at natanggal sa laro. But that doesn't mean that the game should stop. The game resumed but I cannot watch properly anymore. Lumilipad ang utak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik iyong coach nila Mecho na sinamahan siya kanina. Why? Malala ba ang nangyari? Did he got hurt intensely that he needs to be checked thoroughly that bad? Kaya naman nang mamataan kong lumabas ito galing sa pinasukan kanina ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bumaba. Nakita kong nagrequest si Yeji ng substitution at nilapitan iyong coach nila. Nag-usap sila at bawat segundo'y napapasulyap siya sa akin. I looked at him with hopeful eyes. Nang matapos silang mag-usap ay sinulyapan ako ni Yeji. Pagtapos ay nag-jogging palapit sa akin. "Kumusta raw siya? May problema ba?" Hindi pa man siya nakakalapit ay agad ko na siyang tinanong. "He sprained his ankle violently." "Is it bad?" Kumalabog ang puso ko sa narinig. "Not that bad. It caused swelling and pain but there were no dislocation. Either ways, he shouldn't continue the game," he explained and smiled sideways, as if he was pleased or something. "Pinapatawag ka rin pala niya sa clinic." Para aking nabunutan ng tinik sa dibdib. Naibsan ang pag-aalala ko. I cannot seem to hide my concern towards Mecho and the only thing in my head right now is how is him. Maging habang nagpupunta ako sa clinic ay iyon ang laman ng utak ko. "Kumusta ka na?" Nilapitan ko siya kaagad. Agaw pansin iyong may mahaba niyang kaliwang binti na nakaunat. What happened to him might have been painful and excruciating. "Badtrip 'yun," nakasimangot niyang sagot. "Kung nakakatayo lang sana ako kanina, binugbog ko na 'yon." "Mabuti na lang at na-sprain ka." Umirap ako. Tumagilid ang kanyang ulo upang lingunin ako. His jawline was highlighted and his lips protruded towards the sight of me. "Huwag kang mag-alala, magaling naman si Yeji, Duval, Kyle, at 'yung iba pa kaya may tsansa pa rin kayong manalo," wika ko sa kanya at naupo sa tagiliran niya. "Alam ko. Mana sa akin 'yung mga 'yon, eh." "Nakukuha mo pang magbiro gayong nagka-sprain ka na," umirap ako sa kanya, naupo ako sa kanyang tagiliran at pinasadahan ang tingin ang kanyang nakaunat at nakabitin na paa. "Masakit pa ba?" Tumango siya. "I-kiss mo nga. Baka sakaling maibsan." Ngumisi siya. "Hampasin ko 'yan." Humalukipkip ako. Tumawa siya na parang aliw na aliw na naman. There were no wrinkles while he is laughing. Nakabalandra pa ang kanyang mapuputing mga ngipin habang tumatawa at naniningkit na mga mata. Hindi ko na rin napuna kung normal lang ba sa kanyang tumawa nang ganito, his laugh sounded composed and husky, baka nananadya siya? Napanguso ako. If only attitude could fabricate a person's physical appearance. I wouldn't consider him handsome. But damn it. Kahit siguro ganoon ang ideolohiya ko'y hindi iyon masusunod dahil sa taglay niyang karisma. But as far as I know, Mecho isn't that bad. Para sa akin... "Baka may nakakalimutan ka?" Nagtaas siya ng kilay at kahit nakahiga'y humalukipkip pa siya. Kung makaasta siya ay akala mo hindi nasaktan kanina. Napakapresko talaga kahit kailan! "Nakalimutan?" "Yeah. Wala?" "Wala naman?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo, giving me a sight of his sharp jawline once again. He licked his lips and he looked really amused for I don't know reason. "Hindi ako nakipagsuntukan..." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Tapos parang nag-replay sa utak ko iyong sinabi niya bago mag-umpisa ang game. Napasinghap ako sa gulat. "But, I didn't agree!" Pagmamaktol ko pa. "Ikaw lang ang bumuo noob." "Pro hindi ka rin tumanggi," preskong sinabi niya. He sounded so sure that his voice was beyond confident. "That wasn't a deal." "It is." Pakikipagtalo niya. "Hindi." "Oo." "Hindi nga, Mecho!" "Oo." "Isa!" "Kapag hindi ka pumayag igagalaw ko 'yung paa ko para lumala 'yung sakit." Pagbabanta niya. Damn! This guy knows how to play the game! I was triggered, alright? But I chose to just cross my arms while looking away, protruding my lips. "Mecho! Stop it!" Suway ko at natarantang hinawakan ang kanyang binti nang inumpisahan niya iyong igalaw-galaw. "Ouch! s**t ang sakit, Isha!" Daing niya kahit naman siya ang gunagawa ng dahilan para masaktan siya. "Then, stay still! Damn it!" Nakakatakot namang pwersahing patigilin siya dahil baka matuluyan na iyong ankle niya. "Ouch! Grabe ka, Isha. I am already hurting.." "Mecho! Hindi ka na nakakatuwa! Stop it! Nasasaktan ka na nga!" He continued to wiggle his foot until I went mad at him. I glared at him but while he was screaming with pure pain, a smile was anonymous in it. Parang siraulo! "Okay! Okay!" Pagsuko ko. Agad siyang tumigil at umayos. He smiled cutely like a little kid at me, kumislap ang kanyang mga mata at abot tainga ang kanyang ngiti. "I-kikiss mo ako?" Para siyang nanalo sa lotto sa kanyang tono. "Sa cheeks lang." "Okay." Ngumisi siya at hinila ang pulso ko palapit. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata. He was already giggling on my face and my perfume on him is stronger because of the closeness. Napalunok ako sa pwersa niya, my left palm landed on his hard chest, napatingin ako roon at parang nagsidaluyan ang kuryente sa aking katawan dahil sa kanyang ginawa. My eyes went back to him when his hand traced my jaw and it pinched my cheeks. Bumaba ang tingin niya sa aking labi dahilan ng pagpungay ng kanyang mga mata. "I want to kiss you so bad....kahit saan...kahit sa pisngi lang...basta ikaw ang hahalik sa akin.." I blushed profusely at parang nagyelo. Lalo na noong pinagsalikop niya ang kanang kamay ko sa kanya. Napakurap ako at napaawang ang labi, kulang na lang ay humiwalay sa akin ang aking kaluluwa! Parang nahahalina ako sa haplos ng titig niya. This side of him is a complete stranger to me. Malambot...mala-anghel. Even when I leaned my head forward. I didn't feel any urge to widraw nor walk away. Sa tingin ko...gusto ko ring halikan siya. His eyes remained on ny lips, they were looking downwards. Hindi siya nakangiti, pero ramdan ko ang gaan ng pakiramdam niya. It was as if, we knew that we both want this. When my lips was about to reach his left cheek. He suddenly tilted his head. Dahilan upang imbes na iyong pisngi niya ang mahalikan ko ay iyong labi niya na! "Mecho!" Hinampas ko siya sa dibdib at napatayo na. Samantalang siya naman ay humagalpak ng tawa. Aliw na aliw pa! Nag-init ang pisngi ko at agad napahawak sa labi. "Ang daya mo!" Muli ko siyang hinampas sa dibdib. Hindi naman siya natinag at nagpatuloy sa paghagalpak. He even held his own stomach while laughing hard. "Nakakainis ka!" Sinamaan ko siya ng tingin bago nakasimangot na iniwan siya roon. Ibinalibag ko iyong pintuan at habang naglalakad pabalik sa arena ay dinaramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Nakasalubong ko pa si Yeji at Duval na mukhang nagpanalo noong laro. "Kumusta si Mec—" Wala ako sa mood upang makipag-usap sa kanila kaya nilampasan ko na lamang sila. I was right. Nag-champion ang Stalwart. Both cheerleaders and varsity. Noong makabalik na ako sa arena ay kasalukuyan ng nag-aaward ng mga panalo. Naupo akong muli at nanuod pa ng ilang sandali. Yeji was hailed at the best three pointer, si Duval naman ay naging best center; siya kasi ang pinakamatangkad sa kanilang tatlong magkakaibigan at sa buong team na rin. Natamo naman ni Mecho ang Most Valuable Player award, tapos ang best captain. He was on a wheelchair while receiving the award gayong pwede namang nak-saklay na lang siya, I guess he's just too lazy to use that. Both our varsity and chearleading team received medals and a huge gold trophy. Nagpalakpakan ang nga tao nang matapos ang awarding. Nakipagkamay si Mecho sa mga nakalaban nila. Akala ko nama'y sisimangutan niya ang mga iyon. Ngunit ngumisi pa ito habang nakikipagkamay. I congratulated Jandra and went to congratulate Yeji, Duval, Kyle, and the others. Inirapan ko si Mecho na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. It was my freaking first kiss! Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyong katotohanang, isang napakagwapong nilalang ang nakakamit noon! I don't care if his lips were soft and tender. That was still my first kiss! Kinagabigan ay punong-puno ng posts tungkol sa championship ang nasa news feed ko. Mapa-f*******: man i********: ay ganoon ang nakikita ko. There were profiles who changed their cover photos, display profiles, and uploaded some pictures regarding with the championship event. I tapped Jandra's post and commented: "Congratulations" in it. I refreshed my news feed at nang wala mapansing bagong post doon ay Twitter naman ang isinunod ko. Napanguso ako nang may makita akong bungad na bungad na tweet ni Mecho roon. @mecho_lvrz First kiss : ) Sunod-sunod ang nakita kong comments doon at nangunguna pa si Yeji at Duval. 00_yejj: @mecho_lvrz Ang kapal ng mukha. You got your first kiss at kindergarten dude. shonduval: @mecho_lvrz .|. I scrolled up to see some more. Ang daming nag-comment. Karamihan ay galing pa sa ibang school. Tumigil na lang ako sa pagbabasa nang mapunta na ako sa pinakataas. Bumalik ako sa f*******: at nakitang ni-post din ni Mecho iyon doon. Parang siraulo talaga! Although, iyong mga nagkokoment ay puro tanong kung kumusta na ba ang kanyang paa. My brows arched when I saw a familiar name. I scrolled it back at nalaglag na lamang ang aking panga nang makitang ni-like ni Keith ang post ni Mecho! Parang kinurot ang puso ko sa nakita. He liked the post. Hindi niya pinusuan, hindi niya tinawanan...he liked it. Damn. Something in my chest is aching. "Bakit ba hindi mo pinapansin si Mecho? Ilang araw na, ah?" Biglang usisa ni Jandra sa akin. Paano ko ba siya papansinin? Eh hanggang ngayon sariwa pa rin sa utak ko iyong nangyari. Parang nagsilabasan ang hiya sa katawan ko at ni tignan si Mecho ay hindi ko na magawa. "Basta!" "s**t. Are you blushing? Ano ba kasing nangyari?" Niyugyog niya ako. Ito na naman si Jandra! Napaka-usisera kahit kailan! "Wala nga." "Imposible namang nagba-blush ka nang walang dahilan?" Nagtaas siya ng kilay. "May naiisip na kasi ako, eh. Sabi ni Yeji at Duval sa akin, nitong mga nagdaang araw ay maganda raw ang mood ni Mecho. Hindi na raw siya madaling magalit at hindi na rin natutulog sa klase!" "Malay ko riyan." Napanguso ako. "Okay. Iisipin ko na lang na kayo na o nililigawan ka na niya," she concluded. "Hindi. Mali ka." Whatever is happening, it is considered as a mere result of my own liking. Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyayari pero may parte sa akin ang nalilito pa rin. I know what is going on. Mecho acts like he likes me. But never admitted it. He just acts...but he doesn't clear things out. Si Keith naman...aish! Ewan ko. Hindi niya na ako kinakausap at hindi na rin tinetext. He was so distant this past few days. And he was busy as usual. Balita ko, may sasalihan siyang Quiz Bee na magaganap sa ibang bansa. It was an international contest. At iyon ang pinagkakabusyhan niya. Kaya naman naiintindihan ko kung hindi siya mag-text. And why does that even matter? Nauna si Jandra'ng umuwi sa akin pagsapit ng hapon. Nang naglalakad na ako sa corridor ay wala ng katao-tao. Iyon ang akala ko. Dahil napatigil na lamang ako nang may marinig na boses. I knew who it was. So I leaned on the wall to listen...well, at least for my peace of mind. Hindi sa pagiging tsismosa. "Zaja, I told you I am pretty busy. I am so sorry...I will visit you again today, what do you want to eat?" It was Keith. And he was talking to...uhh...a woman? "Please do not stress yourself out. You know how much I am anxious about your situation. Please take care of yourself for me.." Napatalikod ako nang bumukas iyong pintuan. Nang marinig ko ang pagsara nito at yapak nito papalayo ay lumingon akong muli kay Keith. "I'm on my way...I miss you too." Hindi ko alam. Hindi ko na rin kailangang pag-isipan pa. Sinundan ko si Keith. Kumalabog nang sobrang lakas ang puso ko sa kaba. Hating-hati ang konsensya ko dahil pakiramdam ko'y masyado akong usisera at talagang sinundan ko pa siya. My mind was on chaos as I was telling the taxi driver to follow Keith's chauffeur. Hindi pa ako makapakali habang nasa daan kami. Kating-kati ang lalamunan kong ipatigil na lang ang taxi at bababa na ako dahil umuurong ang sikmura ko. Guilt crept in me. Should I continue? Why did I even brag about it? Hindi ko na dapat siya sinundan! Well, I guess action speaks louder than words dahil sinundan ko pa rin naman siya. Para na tuloy akong isang girlfriend na sinusubukang hulihin ang kanyang boyfriend kung may ibang babae ba itong kinikita! "Boyfriend ni'yo ba 'yung sinusundan natin, Ma'am?" Biglang usisa ng taxi driver. "Ha? Hindi p-po.." "Naku! Huwag ka ng mahiya, Ma'am. Bakit mo ba sinusundan? May tinatago yata," dagdag niya pa. He said 'I miss you' to the woman he's talking to! Imposibleng kaibigan niya iyon dahil sobrang sweet niya magsalita. I really doubt it. And for my own peace of mind...I even had to follow him! Mayroon pang dinaanan ang sasakyan nila Keith. At isa itong flower shop! He bought flowers. The pretty ones! And some...chocolates too! This time. I knew, I cannot control my curiosity anymore. I am determined to follow him anywhere! "Naku, mukhang may ibang kinikita ang boyfriend ni'yo, Madam?" Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang private hospital. Agad nagsalubong ang kilay ko. Nag-umapaw ang labis na pagtataka sa akin. Pagtapos kong magbayad sa taxi ay 'saka ko mabilis na sinundan si Keith papasok sa loob ng hospital. Agad pansin siya sa mga tao. Halos mabali na ang leeg nila kakalingon sa kanya. Paano ba naman kasi; may hawak na ngang bulaklak, mayroon pang chocolates. Pumasok siya sa elevator at hindi ko na nasundan pa kung aling floor siya papunta! I frustratedly entered another elevator and randomly tapped the floor numbers. Kung hindi mahahanap. E'di hindi. Kung mahahanap man. E'di swerte. Swerte nga dahil nang makaabot ako sa fourth floor ay naabutan ko si Keith na naglalakad sa corridor. Pagkatapos ay pumasok sa pinakadulong roon. It's now or never, Isha. You have gone all the way just to follow him. Wala ng atrasan pa. Dinungaw ko ang salamin ng pintuan, at nakita agad sumalubong sa akin ang isang magandang babae na nakaupo sa hospital bed. Namumutla, nakasuot ng hospital gown. Keith offered the chocolate and flowers to her and I read her mouth say, "Thank you". Who was the girl? May sakit ba siya? Ano ang relasyon niya kay Keith? I don't know! My head is filled with overflowing questions that only Keith could answer! Damn it! Muli kong pinanuod ang nangyayari sa loob ng kwarto. They're already talking while smiling with each other. Iyong babae ay kumakain na ng chocolates habang maligayang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Keith sa kanya. Kung ganoon nga. Ano ang sakit niya? She is very pretty. Maamo ang mukha gaya ni Keith, ngunit sobrang putla niya at mukhang nanghihina, there were dark circles around her two twinkling eyes, namumuti pa ang kanyang mga labing tuyong-tuyo. Who is she? Girlfriend niya? If she is his girlfriend... bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit hindi niya sinabi? He was low key flirting with me...and he was... Pero may girlfriend siya? Parang tinarakan ng punyal ang puso ko sa sariling iniisip. Paranoia ate me. I pouted as I watch them. But before I even knew it... The woman saw me, upon realizing that her eyes were too long on my spot. Liningon din ako ni Keith. Our eyes met and he looked surprised to see me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD