_________________Chapter O
"Huy! Nabalitaan mo ba? Tumaas daw ulit lagnat ni Keith sa habang ongoing iyong contest," Jandra informed me.
Kahapon umalis si Keith, at ngayon lang ako nakatanggap ng balita tungkol doon. Not that I was trying to find updates, but it was all over the school, pati social media. Our school's official web page even posted about Keith: ginugood luck siya. Mayroon ding mga estudyanteng minemention siya sa mga posts at ginugood luck. Hindi ko na mabilang kung ilan.
"Ano ang nangyari?" Tanong ko.
"Nagpatuloy pa rin daw siya, eh." Nagkibit balikat si Jandra.
I felt a slight worry rose inside me. May sakit pa siya habang bumabyahe. Malamang ay babalikan siya ng lagnat! Tutok na tutok ang school sa bulletin board kinaumagahan. Nagsisisiksikan ang mga estudyante roon at mayroong pinagkakaguluhan. Napatigil kami ni Jandra dahil nahaharangan ang dadaanan namin papunta sa kanto ng corridor.
"Excuse me, ano'ng meron?" Jandra asked to a student.
"Si Keith. Nanalo raw sa contest."
Nagkatinginan kami agad ni Jandra. Parang gusto ko na rin tuloy tignan iyong nakadikit doon kaso ang sikip at ang daming tao.
As expected from our school, binigyang pansin nila ang pagkapanalo ni Keith sa contest. As uhh.. his friend, I felt proud as well. Syempre hindi basta-basta manalo sa ganoong contest! Makikipagtunggalian ka sa mga magagaling na estudyante galing sa iba't-ibang bansa.
"Bakit ba kasi tayo nandito?" Reklamo sa akin ni Mecho.
Kasalukuyan kaming nasa hall ng school dahil ngayon ay ang awarding na gaganapin para kay Keith. He also prepared a speech about his success and our principal as well.
"Papanuorin natin 'yung awarding."
Naupo kami sa pangatlong row dahil puno na ang una at pangalawa. Tamad siyang naupo sa tabi ko at ipinatong pa ang kanang braso sa likod ng upuan ko.
"Pwede bang matulog dito?" He asked.
"Oo. Pero hindi tayo nandito para matulog."
"Whatever you say," he said and immediately leaned his head on my shoulder.
Wala na akong nagawa at nagconcentrate na lamang sa panonuod. Unang nagbigay ng remarks ang SC adviser, tapos iyong coach ni Keith, then they welcomed Keith on stage finally. Nakisali ako sa palakpakan kahit hindi ako makagalaw nang maayos dahil ayaw kong magising si Mecho sa kanyang pagtulog.
Kulang na lang ay humilik siya dahil mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niyang matutulog siya.
"Stalwart. My beloved school, and my second home. This is a great privilege to keep for the rest of my life....this experience will remain a treasure for me. First, I want to thank our supportive principal: Mr. Quiteves, to my adviser, Ms. Milan, to my parents who didn't make it today because they're busy, my little sister who didn't make it as well because of a...problem."
Parang hinaplos ang puso ko noong binanggit niya ang mga magulang at kapatid niya. Zaja was hiding in the hospital, secretly undergoing chemotherapy under the support of Keith's allowance. I can relate to his delight towards this, lalo na't nagwagi siya sa contest niya. Thinking about Zaja, getting to know about this, is just...heartwarming.
"Also...I want to thank someone...uhh, a friend."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon, pero nagtama ang aming mga mata.
"This award is not only for me, but for the whole family of Stalwart."
Nang matapos ang kanyang speech ay sinabitan siya ng medal, binigyan ng gold trophy, at certificate.
Naalis na lamang ang atensyon ko roon nang biglang yumakap si Mecho sa akin. Tulog pa rin. Bahagya ko pa siyang itinulak sa noo para tignan sana kung nagtutulug-tulugan ba siya o hindi. Wala siyang responde kaya hinayaan ko na lamang siya roon hanggang sa matapos ang ceremony.
"Tapos na ba?"
Tumango ako. Ginusot niya ang kanyang mga mata at humikab. I giggled upon seeing him yawn shamelessly like that.
"I'm hungry, can we go grab something to eat first?" He huskily asked.
Tumango ako at sumulyap sa gawi ni Keith. Pababa na siya galing sa stage habang patuloy pa rin ang pagsalubong sa kanya at pakikipagkamay. Mayroon pang nagpa-picture sa kanya. Nilingon ko si Mecho.
"Let's congratulate Keith first," wika ko at nauna ng tumayo.
"What?" He hissed like I just said something horrible. "No."
"E'di maiwan ka na lang dito, lalapitan ko siya."
Agad naman siyang napatayo sa sinabi ko habang nakabusangot ang mukha. Umirap siya sa hangin at pinulot ang aking kamay habang ang isa naman niyang kamay ay isinilid niya sa kanyang bulsa.
"Saglit lang, ah." He assured.
I smiled secretly. "Oo na."
Pinahupa muna namin ang mga tao bago namin tuluyang nilapitan si Keith. He smiled upon seeing me, his eyes travelled to Mecho, and to our holding hands. Was he even smiling?
"Congratulations!" Bungad ko.
"Thank you," his smile did not leave his lips. "I wouldn't make it if you didn't take care of me...Mecho."
Mecho at him and smirked. Keith dropped his eyes on me, parang mayroon siyang gustong sabihin.
"I see you're together now," tumikhim siya. He renewed his smile.
No matter which angle I see it, I think he is not really smiling. When you see a person happy once, you could tell the next times if they are really happy or not.
"I'm happy for the both of you," he added.
"Thanks," Mecho answered.
"Be happy."
Nagpaalam si Keith sa amin noong tinawag siyang muli. While Mecho and me went to grab something to eat.
Time flies so fast, and the Christmas break also started after our midterms. Papa was also getting very busy everyday, minsan ay hindi na siya nakakauwi sa bahay. Ang mga pulis talaga ay mas nagiging busy pagdating ng holidays!
"Ang pangit niyan!" Panlalait ni Mecho sa hawak kong barbie doll.
"Maganda 'to para sa nakababatang kapatid na babae. Hindi naman para sa'yo." Inirapan ko siya at pinilit na ihagis sa cart iyong barbie doll pero inagaw niya iyon sa akin at ibinalik sa dating lalagyan.
Kasalukuyan kaming bumibili ng pang-gift namin sa mga kaibigan at family. Inuna naming pilian ang kanyang kapatid na babae pero tuwing may tinuturo ako ay inaayawan niya kasi parang pang bakla raw.
Malamang, babae iyong kapatid niya!
"Ito, maganda," pinulot niya iyong Spiderman na laruan.
"Babae ang kapatid mo, Mecho!"
"Malay mo, may balak palang mag-tomboy," he smirked.
"Ewan ko sa'yo. I'm sure cute 'yung kapatid mo, kaya ang bagay sa kanya ay hello kitty o kaya barbie."
"Hindi nga siya mahilig sa mga dolls dolls na iyan. Mahilig siya sa mga unggoy na laruan. Tapos favorite niya si bootch sa Dora."
"Oh, e'di iyon ang puntahan natin."
Para kaming ewan dito na kanina pa nagtatalo dahil lang sa laruan. Hindi pa kami nakakabili ng regalo para sa mga kaibigan namin dahil masyado kaming matagal dito sa Toy store. Ang arte kasi! Hindi naman para sa kanya.
Napahinto kami nang mayroon siyang pinulot na malaking barbie doll. Napangisi siya.
"Oh, akala ko ba ayaw niya sa mga ganyan?" Nagtaas ako ng kilay.
"Hindi naman para sa kapatid ko 'to. Gusto ko lang pag-tripan si Duval at Yeji. Regaluhan ko kaya sila ng barbie doll?" Tumawa siya.
"Ayan ka na naman. Kapag naman ikaw ang binawian nila, pikon na pikon ka."
He only smirked pero nilagay pa rin sa cart iyong barbie doll. Pinili niya pa talaga iyong mga barbie doll na medyo chaka. Bale dalawa 'yung kinuha niya, tig-isa raw si Duval at Yeji. Kengkoy talaga.
Napadungaw ako sa cellphone ko nang makitang nag-text si Papa.
Papa: Can't make it home today. Close your windows and lock the doors before going to sleep.
Napanguso ako. Hindi na naman uuwi si Papa? Sana sa Christmas Eve ay wala siyang duty.
"Who is that?" Napatigil si Mecho nang makitang nakanguso ako habang nakatingin sa cellphone.
"Kabit ko." Ngumisi ako sa kanya.
Nagsalubong agad ang dalawa niyang kilay at nalukot ang noo. Ayan, malapit na siyang mairita! Babawiin ko na sana ang sinabi nang mag-ring ang cellphone ko.
Tumatawag si Papa.
Sasagutin ko na sana iyon nang biglang inagaw ni Mecho sa akin ang cellphone ko.
"Hello? Gago ka, ah! Boyfriend niya 'ko! Huwag mo na siyang guguluhin! Pakyu!"
Nalaglag ang panga ko.
Pinatay niya ang tawag at 'saka ibinalik sa akin ang cellphone. Pinandilatan ko agad siya ng mga mata. He only smirked like he just accomplished something.
"Mecho! Si Papa iyon!"
"Papa mo lang naman pal— ano?!"
"Si Papa 'yon! Bakit mo pinakyuhan?!"
"Akala ko ba kabit mo?!"
"I was just joking, alright?!"
Pareho naming dinungaw ang cellphone ko nang nag-beep ulit iyon.
Papa: Invite that guy to dinner tomorrow.
Patay na. Mabuti sana kung hindi detailed iyong sinabi niya. Binuking niyang boyfriend ko siya. Worse, pinakyuhan niya pa si Papa! Ano na lang ang iisipin ni Papa niyan?! Of course, Mecho would panic (not that I am expecting him to). Hindi ko nga inaasahang kakabahan ito sa ginawa.
"Oh, eto, kabisaduhin mo." Mayroong ibinigay na script si Duval kay Mecho.
Tinanggap niya naman iyon kaagad at tahimik na binasa. That's an apology script para bukas. He was too nervous and he even asked Yeji and Duval to come over his house para lang matulungan siya sa kanyang problema.
"Hello, sir. Good evening, I am Mecho and I apologize for what I said through call recently. I admit my fault and I am here to offer my deepest apologies," basa ni Mecho. Nagsalubong ang kilay niya. "Tanggalin na natin 'yung 'I am Mecho' rito. Kilala niya naman na siguro ako."
'Saka niya ginuhitan iyon at binura. Sinubukan niyang i-recite ulit iyon ngunit hindi niya magawang mairecite nang diretso. Inulit-ulit niya pa.
"Hello, sir. Good evening. I apologize for...awit, ano na ulit susunod?"
"What I said—"
Pinutol ni Yeji si Duval na ngayon lang magsasalita. Kanina pa tahimik, eh.
"Hello, sir. Good evening,I apologize for what I said through call recently. I admit my fault and I am here to offer my deepest apologies."
"Oh, bakit 'di na lang ikaw ang mag-sorry sa Papa ni Isha tutal mas kabisado mo naman," umirap si Mecho.
"Napakahina mo sa memorization, tapos diyan ka pa umasa? Pwede namang rekta sorry ka na agad," Yeji explained.
"Try reciting it," Duval said again.
Sinubukan ulit ni Mecho, ilang ulit pa. Pero hindi talaga niya makuha. Natatawa na lang ako dahil halos sabunutan niya na ang sarili niya sa kabiguhan.
"Kuya!"
Sabay-sabay kaming napalingon nang mayroong lumapit na maliit na batang babae kay Mecho. I think it's his little sister.
Pansin ko agad ang pagkakaingas nila. Only that the girl has a lemon shaped face. Samantalang si Mecho ay may kurba ang mukha. Her thin hair is all messy and she is currently holding an iPad on her two little hands.
"Elaina! I told you to stay in your room!" Pagalit na sinabi ni Mecho.
"Hi, Elaina!" Yeji smiled cutely at the little kid. Nag-offer pa ito ng hype five na malugod na tinanggap ni Elaina.
Elaina pouted and turned to her kuya. "I was bored, kuya and...and my hair is...messy." Para siyang nagsusumbong.
"Go find your Yaya!"
"But kuya...you always tali my hair!" Pakikipagtalo noong bata.
"Elaina," Mecho groaned. "Go find your Yaya to tie your hair. I'm busy."
"Kuya..."
"Itali mo na lang kasi, pre," singit ni Duval sa gilid.
"Fine! Go get your hair tie!" Padabog na sagot ni Mecho.
"I took it with me!" Ipinakita niya pa iyon na parang pinaghandaan niya na talaga ito.
Mecho rolled his eyes and snatched the tie away from the little girl. Elaina squealed in pure excitement at umakyat sa sofang inuupuan ni Mecho sabay upo sa kandungan nito patalikod.
Nakabusangot lamang si Mecho habang pinupusod ang buhok ng kanyang kapatid. Samantalang si Duval at Yeji naman ay napapailing na lang.
"Kuya! Comb it first! It is so magulo na tuloy!"
"Alam mo, ikaw bata ka, brat ka ah! Malapit na akong magalit kaya huwag kang demanding!" Si Mecho.
Napakagat ako ng labi dahil malapit ng sumabog sa tawa. Paano ba naman kasi. Hindi man lang niya inayos iyong pagkakatali. Maluwag pa yata. Halatang napipilitan lang siya sa ginagawa.
"Comb it first kasi, kuya." Kalmadong sinabi ni Elaina na wala man lang pakialam sa galit ng kanyang kuya. Talagang inabutan niya pa ito ng suklay.
Napailing ako at tahimik na humagikgik sa gilid.
"Kuya, do you know how this Shoppee works? I learned it from Yaya and she said I can buy toys here." Sabi bigla ni Elaina habang ang maliliit na daliri ay nags-swipe sa iPad.
"Kung anu-anong natututunan mo sa Yaya mo." Mecho pointed out.
"Syempre! I want to learn new things kuya! And besides, I ordered a lot of toys here. But kuya can you give me money? I have none and mommy did not lend me some. It's 8k in total po kuya. Please?"
"Wala akong pera. I-cancel mo lahat 'yan."
"But, kuya, it can't be cancelled!" Pakikipagtalo ni Elaina.
"Huwag mo nga akong utuin," Mecho's red lips protruded.
"I'm not inuuto you! I'm telling the truth!"
"Hindi talaga pwede, pre," singit ni Yeji sa gilid.
"See? I'm not nang-uuto!"
"Malay ko ba? Hindi pa naman ako umo-order diyan," Mecho said.
I felt conscious suddenly when Elaina's eyes drifted at me. Her brows furrowed in confusion, nilingon niya si Mecho dahilan upang magulo iyong tinatali niyang buhok nito.
"Elaina, stay still! Nagulo na naman tuloy! Ampupu."
"Who is she, kuya?" Turo niya sa akin.
"My girlfriend," Mecho answered. Inayos niya ang ulo ng kapatid at 'saka tinapos na ang pusod.
Hinawakan ni Elaina iyon nang matapos matalihan upang kumpirmahin kung maayos pa. At talagang nagsalamin pa siya sa iPad na hawak.
"Bumalik ka na nga sa kwarto mo." Pagtatabuyan ni Mecho kay Elaina.
"But, I still did not talk to your girlfriend!"
"Hindi pwede. Bawal."
"Kuya..." naluluhang sinabi ni Elaina.
"Huwag mo akong artehan diyan," Mecho remarked. Nakipagsukatan siya ng tingin sa kapatid, pagtapos ay nagbuntong hininga. "I will pay for your toys, but go back to your room first. Okay?"
"Yey! Okay, kuya!"
I smiled at her before she went away. Samantalang itinuloy naman ni Mecho ang pagkakabisado ng maikling linya niya.
Ngumuso siya at sinulyapan ako. He patted the space on his side, motioning me to sit beside him. Ibinaba ko namanang unang nakapatong sa aking hita upang malapitan siya. After holding my right hand, he continued memorizing nonchalantly. Si Duval naman ay napairap na lang sa hangin, naiinip na. Yeji was only playing on his cellphone. Kaya pala kanina pa tahimik.
So the day was just too fast to past. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa anxiety ko buhat doon sa ginawa ni Mecho, o dahil masyado lang talaga akong praning. Last night, I was over thinking. Bumubuo pa ako ng mga scenario sa utak ko; kung ano ang maaaring mangyari mamaya, tapos ano ang kalalabasan.
Nakakatakot kaya si Papa! Hindi ko pa naman siya nakikitang totally na nagagalit, pero dahil doon, napapaisip ako. Paano kung sapakin niya si Mecho? Tas uminit din iyong ulo ni Mecho, tapos magsapakan si— exaggerated naman na masyado.
Bwisit na ka-praningan.
At dinner. We prepared dinner as usual, the usual foods, the usual set up. Papasok si Papa mamaya, nakauniporme na siya at papalipasin lang siguro iyong dinner kasama si Mecho bago tumulak paalis.
Pinagbuksan ko si Mecho nang dumating siya. And I was astonished when I saw him with some...additional people. Nalukot ang aking noo sa kanya at pinandilatan ko siya ng mata nang patago.
"Hello, ate!" Elaina talked cutely but I was too nervous to even greet her back.
Are you kidding me, Mecho?!
"H-Hello po." Nauutal kong bati.
It was Mecho, his little sister, and his Mom and Dad!