___________________Chapter Ng
Sinabunutan agad ako ni Jandra pagkarating nila. Gamit nila iyong sasakyan nila Duval at sabay-sabay na silang nagsidatingan. May dala pa silang mga pagkain na binili sa department store.
"Aray!" Napatawa ako.
"Malandi kayong dalawa! What are you both up to, huh?" Malisyosa niyang sinabi.
"May griller ba kayo?" Tanong ni Yeji at itinaas iyong dala niyang paper bag. "I'm gonna grill Korean barbeque. May dala ako bulgogi tas daegi bulgogi."
"Meron sa labas, pero lilinisan pa 'yon." Nagturo pa ako ng direksyon.
Ngumisi si Duval at inakbayan si Mecho na ngayon ay nakaupo sa sandalan ng sofa. He looked grumpy as usual.
"Nandito naman si Mecho para tumulong maglinis!" Aniya.
"Sakto! Hindi pa ako nagdi-dinner. Kayo ba?" Si Jandra.
Mecho rolled his eyes. Inilabas niya ang kanyang cellphone. Nagkatinginan kami nila Yeji.
"Ano'ng gagawin mo?" I voiced out.
"Tatawagan 'yung kasambahay namin para palinisan 'yung griller."
Humagalpak ng tawa si Yeji at Duval. Nilapitan naman siya ni Jandra at inagaw ang cellphone.
"You're so grumpy! Hindi ka papasa kay Tito Anton niyan!" Umirap siya't ibinato kay Yeji ang cellphone ni Mecho.
Nalaglag ang panga ko. Mabuti na lang at walang kahirap-hirap na nasalo ni Yeji iyon!
"Shut your girl up, Encinas." Umirap si Mecho kay Yeji.
Pinagkibit balikat ni Yeji iyon at sinundan si Duval sa aming kusina.
"Linisan mo na 'yung griller sa labas!" Utos ni Jandra.
Kumurba ang labi ko dahil sa hitsura nila. It was like, a mom is nagging on her son. Ang cute. Nabaling na lamang ang atensyon ko nang tawagin ako nila Yeji sa kusina. Iniwan ko muna si Jandra at Mecho roon sa sala at dinaluhan sila Yeji.
"We bought popcorns pero hindi ako marunong nito," problemadong sinabi ni Yeji.
"Si Jandra, magaling." Ngumisi ako.
Bumalik ako sa sala at naabutang sinasabunutan na ni Jandra si Mecho. Napatawa ako bago siya tinawag.
"Iluto mo raw 'yung popcorn," I said.
"Hindi ba sila marunong?" Jandra asked, furrowing her brows habang papalapit sa akin.
Tumagos ang tingin ko at napunta kay Mecho na g**o-g**o ang buhok. Nakabusangot na siya ngayon at nakahalukipkip.
"Sabi niya. Marunong ka 'di ba?" Ngumisi ako at bumaling kay Jandra.
"Leave it to me," she flipped her hair.
"Mecho," tawag ko sa kanya. Humalukipkip ako at humilig sa hamba ng daanan papunta sa kusina. Liningon niya ako nang nakanguso at nakasalubong ang dalawang makakapal na kilay. "Iyong grill. Linisin mo na."
"Utusan mo si Duval."
"May ginagawa siya," paliwanag ko.
"Ayaw ko."
"Ang tamad mo." Binatuan ko siya ng masamang tingin.
Nang bumalik ako sa kusina ay nagtatawanan na ang tatlo dahil nagtatalsikan ang mga popcorn sa sahig! Parang fireworks iyong na pumuputok sa kawali tapos lumilipad sa ere. Ito naman si Jandra. Imbes na magpanic ay talagang vinideohan pa ang nangyayari!
"DIY fireworks display," humagalpak siya.
This was like, the noisiest night of our house. Madalas kasi, mag-isa ko lang dito dahil nga gabi ang duty ni Papa. Dati, gusto pa ni Papa na kumuha ng makakasama ko rito pero pagtapos ko siyang bigyan ng assurance na ayos lang ako't hindi gagawa ng kalokohan ay nakuha ko naman ang tiwala niya agad. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang masasabi niya kung nalaman niyang may kasama pa kaming iba ni Jandra ngayon, at ang mas malala, na hindi pala thesis ang inatupag namin.
Sa huli ay nanuod kami ng horror movie. Gulat nga kami dahil halos lahat pala kami ay hindi pa napapanuod iyong The Nun. Kaya napagpasyahan naming iyon ang panuorin, ni-recommend na rin ito minsan ng kaklase namin, eh. Nakakatakot daw kasi at sobrang creepy.
Tama nga sila, dahil umpisa pa lang ay ang creepy na. Iyong bag ng lalaking hinahagis niya palabas sa pintuan ay bumabalik at lumalabas sa kabilang pintuan, he also tried going out of the door but he also went out to the same room. He was stucked in that room. Sabay-sabay na lamang kaming nagtilihan nang biglang nagpakita iyong madre.
Napatingin na lamang ako kay Mecho na todo kapit sa akin. Isiniksik niya ang sarili sa aking braso.
"Mas takot ka pa sa akin, ah?" Natatawa kong sinabi.
"H-Hindi, ah."
"Ikaw ang pinakamalakas ang tili!" I pointed out.
"Sh-Shut it. I'm not afraid." Nag-iwas siya ng tingin.
"Matatakutin talaga 'yang si Mecho. Nung bata nga kami naihi pa yan-kabuajqvsjabauhsja," hindi natuloy ni Duval ang sasabihin dahil tinakpan agad ni Yeji ang kanyang bibig.
Mecho glared at them while Jandra was too preoccupied about the movie to join with us.
"Pasmado na naman bibig mo," Yeji said. Chuckling huskily.
Nabaling na lamang ulit ang atensyon namin nang mayroon kaming narinig na busina sa labas. Agad kong ni-pause ang TV at nanlaki ang mga mata. Nagkatinginan kaming lahat at walang gumalaw o nagsalita man hanggang sa may bumusina ulit.
"Papa mo yata," Jandra pointed out.
"Ha? Bakit naman babalik si Papa?"
"Maybe he left something?" Yeji said.
Tumayo ako at sinilip ang bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi iyong sasakyan ni Papa ang nakita! It was Keith's chauffeur!
"It's K-Keith, guys." I announced nervously. I glanced at Mecho and saw him intercepting his thick brows.
"Bakit nandito 'yan?"
"I don't know...I-I'll go check it out."
Hindi ko pa man naririnig ang sasabihin nila'y lumabas na ako at sinalubong si Keith, hindi pa man ako nakakapagtsinelas. I wasn't relieved that it wasn't Papa, alright? Parang mas kinabahan lang ako.
"Keith.."
Nakatayo lamang siya roon at nakapamulsa habang nakasandal sa hamba ng gate namin. He was still in his uniform and he was closing his eyes. Umangat ang tingin niya sa akin at agad akong sinalubong.
Ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay natumba na siya. I panicked and immediately went to him. Nang hawakan ko siya ay naramdaman ko agad ang singaw ng init. I unconsciously landed my left palm on his forehead at napasinghap sa gulat.
"Keith! Inaapoy ka ng lagnat!"
Tinulungan ako nila Yeji na akayin si Keith papasok sa bahay. Pinadala ko siya sa isang kwartong hindi nagagamit at doon pinahiga sa kama. He was still unconscious and weak when all of that happened.
Natahimik kaming lahat. Para bang pinapakiramdaman ang isa't-isa.
"I'll just go get some warm water," paalam ni Jandra at mabilis na lumabas ng kwarto.
"I'll go buy medicine," si Duval naman at lumabas din.
"May gamot doon sa kusina. Tignan mo lang sa mga drawer malapit sa sink, doon sa cabinet. Meron ding thermometer doon, pakikuha na lang." Agap ko.
Muli kong binalingan si Keith at nakitang nanginginig ito sa ginaw. Ni hindi nga de-aircon dito pero ginaw na ginaw pa rin siya. Tumalikod ako at agad na binuksan ang cabinet kung saan nakasilid nang maayos ang mga extrang kumot at mga bed sheets dito sa bahay. Pinili ko iyong pinakamakapal at humarap, babalik na sana. Naabutan ko naman si Mecho na nakalapag na ang palad sa noo ni Keith, samantalang si Yeji ay nakatayo sa tagiliran at nakahalukipkip, pinapanuod lang ang nangyayari.
Nag-igting ang mga panga ni Mecho. Tuluyan na akong nakalapit. I was just about to put the blanket on Keith when Mecho snatched it from me.
"Ako na." Aniya at wala na akong nagawa pa roon dahil mukha't tunog seryoso siya.
Hindi rin naman nagtagal ay sabay na dumating si Duval at Jandra. Duval was holding a tray with a glass of water, thermometer, and the two capsules of medicine. Si Jandra nama'y may bimpo at maliit na palangganang buhat.
"Salamat."
Kinuha ko kay Jandra iyong hawak niya at naupo sa tagiliran ni Keith kung naasan din nakaharap si Mecho. Inilapag ko iyon doon at inilapit ng katawan sa side table, I grabbed the thermometer and leaned forward.
"Keith," tinapik ko ang kanyang pisngi nang marahan. "I'll put the thermometer in your mouth, okay?"
"Hmm." Mahina niyang responde.
Mecho is already squeezing the soaked towel when I am done putting the thermometer in Keith's mouth. Tahimik lamang siya at mukhang seryoso sa ginagawa. Siya na rin ang nagdampi noon sa mukha ni Keith.
I saw Jandra biting her lip. Probably, containing a laugh. Siguro'y hindi rin inaasahan ang paraan niya ng pag-akto ngayon.
"Hayaan ni'yo na, ako na rito." He said.
"Mecho, why are you doing this?" Malisyosong tanong ni Yeji. "Samantalang nung nagkasakit ako, sinapak mo pa ako kasi akala mo pinagtitripan kita?"
"Oo nga. Mas mahal mo ba si Keith kaysa sa amin?" Gatong pa ni Duval.
"Shut up, you two. Go make some honey water."
"Wow! Honey water! Marunong kang mag-alaga?" Pang-aasar pa ni Jandra.
"Just go."
Tumunog kaagad ang thermometer. I checked it and it's 40 °C.
"Hala! Is this still tolerable?" Kinakabahan kong ipinakita kay Mecho iyon.
Seryoso niya namang dinungaw iyon. His red lips protruded.
"Yes. That's still tolerable," dinungaw niya si Keith. "Healthy naman siguro siya para makayanan iyan so he could tolerate the fever for a short period of time without problems."
Wala sa sarili akong napatango at napanguso. Maybe he was too stressed? Hindi natutulog o nagpapahinga? Maybe fatigue lead him to gain a high fever. Pakiramdam ko'y hindi niya lang pinansin noong mayroon siyang sinat. Kaya lumala nang lumala ng ganito.
"What day is it?"
Huli na nang may mapagtanto ako at kung bakit ko iyon nakalimutan ay dahil na rin siguro sa labis na pag-aalala.
"Why?" Jandra asked.
Napatingin din ang tatlo sa akin. I checked it on my phone and that is when I realized that tomorrow is Keith's contest!
"Guys. Bukas ang lipad ni Keith papuntang ibang bansa! Para sa contest niya!"
"What?" Jandra hissed and glanced at Keith.
"Yes. He have been reviewing for the whole month already. Sayang iyon kung hindi siya makakatuloy dahil mataas ang lagnat niya."
"Can he be okay until morning, though?" Yeji asked.
"That depends," Mecho answered. "Ako ang bahala."
Wala na kaming nagawa. It was Mecho who talked and when he said it, he will do it and we didn't get to do something about it kaya hinayaan na lamang namin siya. Mabuti na lang at naidahilan ko kay Papa iyong thesis kanina, kaya kung sakaling maabutan niya si Keith at sila Mecho rito sa bahay kinaumagahan ay mayroon akong maitatapal.
Hindi ko namalayan na habang hinihintay si Mecho ay nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang maramdamang hindi ako kumportable sa posisyon ko. I tilted my head to lessen the pain in my neck while I am caressing it. Bumangon ako't sinulyapan si Keith.
Bumaba ang tingin ko kay Mecho na nakadukdok na sa kanyang tagiliran at tulog na tulog na rin. Duval, Yeji, and Jandra was downstairs. Hindi ko alam kung ano ng ginagawa nila, pero naririnig ko pa ring bukas ang TV.
Tahimik akong lumapit sa kama at dinamdam na muli ang noo ni Keith. Mainit pa rin siya, pero bumaba na ang lagnat niya. I also felt some beads of sweat so I wiped them away using a thin clothing that Mecho was holding, siguro'y kanina, pinupunasan niya rin ang pawis nito.
Tulog na tulog siya at hindi naramdaman ang pagkuha ko sa tela, sabay punas noon sa noo ni Keith. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kanya at naglakad papuntang cavinet upang kumuha ng panibagong kumot para kay Mecho.
Nang bumaba naman ako ay naabutan kong natulugan ng tatlo ang TV. Jandra was laying straight on the sofa, nakaunan siya sa hita ni Yeji na nakaupo roon at nakatakip ang palad sa noo habang tulog na tulog. Si Duval naman ay nakaupo sa isang sofa, nakapikit at preskong natutulog.
Kinaumagahan ay sinat na lang ang mayroon kay Keith. He did not totally recovered but he insisted to go to school early dahil doon daw niya imi-meet ang kanyang coach bago tumulak sa airport.
"Are you going to be okay? May sinat ka pa," sinundan ko siya na nagmamadaling magsuot ng black shoes.
Uuwi pa ba siya niyan? Kakain pa ba siya? And..will he be ready? He just woke up! At kakagaling niya lang sa sakit! Ni hindi pa siya nakakapagpalit ng kanyang uniporme!
"I have no time to waste. I'll go now," he nonchalantly answered.
Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan. Sinundan ko naman siya dahil hindi ako kumbinsido.
"Hindi ka ba kakain?" Pahabol ko pa.
"Nope." Nilingon niya ako.
I could not hide the worry in my eyes. He sigged upon seeing my reaction. Pansamantalang natanggal ang kanyang pagkakaaligaga sa pagpasok, he stepped closer to me and pinched my cheek.
A warm smiled crept on his lips. "I will be okay."
Tumunog ang kanyang cellphone at agad niya iyong sinagot.
"Hi, Ms. Milan, I'm on my way. I'm sorry I'm late...okay, okay, I apologize..."
Gulo-g**o pa ang kanyang buhok puro hindi niya na iyon inalintana. Isang beses niya pa akong nilingon bago siya tuluyang lumabas ng bahay. He closed the door behind him so I was left dumbfounded.
"What's that?"
Gising na rin pala si Jandra, mukhang nagising din si Yeji at Duval sa tunog ng pintuan kanina.
"Umalis na si Keith." Tinuro ko pa iyong pintuan.
"Agad-agad? Gumaling na ba siya?" Jandra asked.
"May sinat pa siya, eh. Ayaw paawat. Determinado siyang umalis."
"Where's Mecho?" Duval asked huskily, furrowing his brows and stretching from his seat because he slept uncomfortably all night.
"Tulog pa. Napuyat yata."
"Did he seriously took care of Keith?" Natatawang sinabi ni Yeji habang nag-iinat.
"Yes. He did."
"Nagugutom na ako. Hindi pa ba dumadating si Tito?" Jandra asked.
Inilingan ko siya. "Baka mamaya pa iyon. Kadalasan kapag late siyang umuuwi, either lunch na or hindi na siya uuwi maghapon."
"We seriously had an overnight guys. I didn't even enjoy it," Jandra rolled her eyes.
"You enjoyed it. You should. Buong gabi kang nakaunan sa hita ko." Singit ni Yeji. Hindi naman halatang nagrereklamo siya.
Tumayo naman si Duval habang nakadungaw sa cellphone. "Who have food panda app? Order tayo ng pagkain."
"Si Mecho, meron," si Yeji.
"Ako na ang kukuha." Prisinta ko at mabilis na umakyat sa hagdan.
Naabutan ko naman si Mecho na nakadukdok pa rin sa gilid ng kama, tulog na tulog. Hindi ko naman nakitang hawak niya iyong cellphone niya, o nakalapag man lang sa side table. Siguro nasa bulsa niya? Tama. Dahil halatang nasa bulsa niya nga. His phone is big and it didn't hide perfectly in his shallow pocket.
Gumalaw siya noong sinubukan ko iyong abutin kaya binawi ko agad ang kamay ko. Ayaw ko siyang gisingin dahil siguradong napuyat siya kagabi. Hindi ko lang talaga alam kung ano'ng pinaglalaban niya at nagprisinta siyang magbantay kay Keith. Though, he acted according on his words. Nakakabilib din 'to, eh. It was his little details that I am starting to see. Nakakamangha lang.
"Good morning. Bakit ka nakatitig? Pwede mo naman akong halikan agad kung gusto mo. Huwag mo ng pag-isipan pa."
And just when I thought this moment will not gonna get ruined. He laughed when I rolled my eyes.
"I was pretending to be asleep. It was not long until I realized na baka may balak kang molestiyahin ako." He laughed huskily, halatang kakagising niya.
"I'm not like that!" Depensa ko. "Bumaba na nga tayo. O-order daw ng almusal si Duval sa food panda."
"Meron ako non," he said and took his phone out. Iniabot niya sa akin kaya tinanggap ko.
"Thanks," wika ko at tumayo.
Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay mabilis niya na akong hinila pabalik sa kanya. Bumagsak ako paupo ulit sa kama.
"Mech—"
Sa mabilis paraan, inilapit niya ang kanyang mukha at saglitang pinatakan ng isang halik sa labi.
He smiled at me at pinched my cheek. "Good morning. I love you."