__________________Chapter Ñ
Parang nahulog ang puso ko nang humakbang siya palapit sa akin. His thumb caressed my left cheek. Kumalat ang init sa buong katawan ko mula sa kanyang marahang paghaplos doon.
"Mecho...seryoso ka ba? Kanina...kanina lang..'di ba—"
"I know, I was wrong.." parang inaantok na ewan ang kanyang boses. "My actions were filtered by my grudge. I am so sorry if I offended you."
"Pero hinalikan mo siya."
I knew I was already speaking of what is inside my heart. Kanina ko pa ito dinadala, at ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog. I almoat thought that maybe, all these times, pinaglalaruan niya lang ako, trip niya ako ganoon kaya habol siya nang habol sa akin noon. Tapos nagsawa na siguro siya, kaya naman napagpasyahan niyang liwanagin sa akin noong humingi ako ng tawad sa kanya.
"I'm sorry. Dapat ay hindi ako nagpadalus-dalos. Sarili ko lang ang iniisip ko noon dahil sa sama ng loob. I didn't like kissing her...I was...a little...lonely and angry at the same time."
Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Sumabog ang aking buhok at natabunan ang mukha ko. He immediately fixed it, tucking the strands at the back of my ear. His skin on mine almost felt like the most comfortable thing ever. Parang hinahaplos ng isang mainit na kamay ang puso ko.
"I'm sorry if that offended you...I didn't mean to...I know, I was wrong and I am still hoping that you can give me a chance. I was just trying to be even but then I realized that it wasn't working, at least for me."
Napakurap-kurap ako sa kanya. Hindi ko na rin maipinta ang aking mukha. A part of me is mad at myself. I was feeling all sulky and couldn't sleep because he kissed another woman in front of me! Tapos...kaunting suyo niya lang...ayos na ulit..ni hindi ko na maalala pang iniyakan ko iyon. Na nasaktan ako roon.
"I'm sorry if I didn't listen to you. Though, in the first place, wala kang dapat ipaliwanag dahil ginusto ko lahat ng nangyari. I initiated it all. Wala kang responsibilidad. It was my fault for anticipating that something will gonna happen."
Wala na...bati na agad kami...
I hate it. I hate the fact that he can easily sooth me like that. Napakadali. Kaunting lambing. Ayos na ulit. Curse this.
Pinulot niya ang kamay ko at sinalikop iyon sa kanyang daliri. He gulped and pulled me closer. I landed on his chest and that's when I realized I cannot resist him no more. It was like a curse...hindi kayang pigilan ng simpleng pagpipigil. It would take courage... and I don't have that.
"I really, really like you, Isha. If you like Keith, I'm gonna make sure that it is me in the end. Hindi ko hahayaang sa kanya ka mapunta. I'll prove it to you that I am the deserving one and most importantly... sa akin ka mahuhulog. Itaga mo 'yan sa bato."
I burried my face on his chest. If you can only read my mind right now, Mecho. Umangat ang mga kamay ko at parang may sariling isip ang mga ito na pumabilog sa baywang ni Mecho. His warmth was transmitted to me. I have never felt so comfortable with a mere hug before. Napapikit ako sa dulot noong sensasyon sa akin. I almost wished that time would stop for a while.
He leaned forward. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking ulo at ipinulupot ang mahahabang braso sa aking baywang. This time, my heart completely sank.
Parang kinukuryente ako sa tuwa at parang lumulutang dahil sa kakaibang karisma ng yakap ni Mecho.
"My baby..." he whispered to me like I am a treasure that he is willing to keep. "I can be someone so bad to people...but I can only be bad when they hurt you. No one has the rights to hurt you...I would even punish myself if I hurt you..."
For so long, I denied it to myself. But, I think...it's time for me to fully accept it.
"Mecho, it doesn't matter who you are or what kind of a person are you. You think you don't fit in well, but that is because you are just yourself. Hindi ka nagpapanggap para magustuhan ng ibang tao. Gaya naming mga babae, ang mga tao ay may iba't-ibang uri ng kabaitan. I am sorry if I didn't realize that sooner. And I don't hate you...either ways, you are not childish and immature. You are simply Mecho."
"That is already settled. Ayos na tayo riyan."
"Ako iyong immature kasi lagi akong nagsisinungaling sa sarili ko. Ayaw kong aminin kung ano ang tunay kong nararamdaman dahil hindi ko makita kung bakit ako nahuhulog. I resisted my feelings for so long and now that this is happening. May dulot iyong pagtatampo mo sa akin. Dahil ang dami kong narealize."
"Isha. You're seriously confusing me. What are you talking about? Si Keith ang gusto mo 'di ba?"
"Akala ko rin." I bit my lip. "Mecho...you don't have to court me anymore. I...I like you too."
I didn't care anymore. For once, I don't want to be against myself. Although, I doubted at firt, I knew I was happy. Para akong nabunutan ng tinik. Nakakaginhawa. A little part of me is against that decision, but when I felt satisfaction, I couldn't help but just smile to it. The dilemma was finally over, and the feeling is wholesome.
That night, we didn't go back to sleep. We remained sitting on a sun lounger together. I was in between his legs, leaning my back on his hard chest. Habang siya'y nakapalibot ang mga braso sa aking baywang, at naka-lock iyon sa aking tiyan.
"Seryoso?!"
Sabay-sabay na pasigaw na sinabi ni Yeji, Duval, at Jandra nang sumunod na Lunes ay inamin namin sa kanila. Nagkatinginan pa silang tatlo at mukhang nagdududa. Natatawa ako dahil mukhang hindi sila naniniwala!
"Totoo? Magholding hands nga kayo?" Jandra dared.
Agad namang kinuha ni Mecho ang kamay ko at pinagsalikop 'yun sa kanya.
"Mag I love you ka," humalukipkip pa si Yeji.
"I love you, Isha."
Para akong kinuryente sa bulong ni Mecho. His hot breath caressed my ear! Wala sa sarili akong nagpakawala ng ngiti. Nalaglag ang panga nilang tatlo. Sumunod naman si Duval na nanliit ang mga mata, hindi pa rin talaga nakuntento?
"Madali lang namang sabihin iyan," sabi ni Duval. "Kiss mo siya."
Mecho kissed me on the my left cheek immediately. He smirked at the three. Nalaglag ang panga nilang tatlo habang ako ay nangangamatis na.
"Pucha!" Napa-face palm si Duval.
"Oh, pre talo ka sa pustahan, akina 1k." Naglahad ng kamay si Yeji.
My mouth dropped open. "Pinagpustahan ni'yo kami?" Gulat kong tanong.
"Yeah. Pumusta si Duval kay Keith," humalakhak si Yeji at ginulo ang buhok ni Duval. "Sa susunod, magtiwala ka sa tropa natin, ha?"
"Syempre akala ko si Keith ang gusto ni Isha!" Iritableng sinabi ni Duval at inilapag ang buong isang libo sa palad ni Yeji.
"Matatalo mo ba si Yeji? Manghuhula iyan, eh!" Jandra laughed.
Ngayon ko lang talaga napatunayan. May pakpak nga talaga ang balita at sa isang iglap, buong school namin ay alam na ang balita. Minsan, kapag dumadaan ako sa ibang section o sa junior high ay panay ang tukso nila sa akin. O 'di kaya nama'y, sasabihan ng "sana all!" "Congrats!" at marami pang iba lalo na ang mga juniors.
"Magpalit ka nga naman ng profile picture mo sa sss o 'di kaya nama'y sa IG! 2017 pa yata last na palit mo, eh!" Sita ni Jandra sa akin.
"Wala nga akong maipalit!"
"Eto, mamili ka," she handed me her iPhone and I immediately swiped through the photos.
"Let me see," tanong ni Mecho na nakaupo sa table ko.
I'm sitting on my chair, Mecho is in front of me, nakaupo sa ibabaw ng table ko. Hawak ko iyong cellphone at itinaas ko iyon para makita niya. He held my hand to guide it on his face. His red lips protruded and his browd arched mischievously.
"I don't like it," ibinalik niya sa akin.
"Ha? Bakit? Patingin!" Jandra said at 'saka nilapitan at dinungaw ang litarto. "Maganda naman, ah?! Ang sexy niya nga riyan! Maganda iyan para sa IG."
"Eh, sa ayaw ko. May magagawa ka ba?" Nagtaas ng kilay si Mecho sa kanya.
"Oo! Best friend niya ako, at mas marunong ako sa fashion!" Pakikipagtalo ni Jandra.
"Best friend ka lang! Boyfriend ako!"
Nalaglag ang panga ni Jandra at umamba ng isang sapak. Nagsukatan sila ng tingin ni Mecho at naputol iyon nang agawin ko pabalik ang cellphone.
"Tumingin na nga lang tayo ng iba. Marami pa namang pagpipilian, eh."
I swiped through my photos. Maganda lahat, hindi ako makapili lalo na sa parte kung saan background ko ay ang palm and coconut trees. Ang aesthetic ng dating!
"I like that." Mecho said.
"Ang pangit!" Kontra ni Jandra. I sighed and swiped it another. "Oh! Iyan! Maganda!"
"I don't like it." Mecho said.
Kapag isa sa kanila ang may ayaw sa litrato, automatic swipe to the next agad. Ganoon ang ginawa ko, hanggang sa maubos ang lahat ng litrato at wala man lang kaming napili dahil halos magkasalungat sila sa lahat! Sa huli'y hindi na ako nagpalit pa ng DP sa i********: at f*******:. Wala naman silang nagawa roon. Maganda rin lahat, at kung ako ang mamimili, hindi rin ako makakapili nang maayos! Lahat naman iyon ay maganda.
Kinagabihan, nahuli ko ang pagpapalit ni Mecho ng cover photo sa f*******:. It was our picture at the beach. Iyong nakaakbay siya at pareho kaming nakabusangot! Natawa ako dahil hindi kami ayos noong mga panahong iyan.
Pati ang header niya sa Twitter ay nag-iba na rin. It was my solo picture at the beach, and he added another tweet na ni-pin niya. It was my picture too, apat na picture iyon, iba-iba. Nagulat pa ako dahil mayroon akong stolen shot sa kanya. It was when we were at the rooftop, napakaseryoso ko roon habang nakadungaw sa cellphone ko.
Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng isang video call galing sa kanya.
"Kumain ka na?" Iyon agad ang bungad niya.
Ngumiti ako. His looks never failed to amaze me. Kahit saang anggulo, kahit ano'ng klaseng damit, bagay sa kanya.
"Yup! Ikaw?" Nalukot ang noo ko. "Nasa kotse ka ba? Saan ka pupunta?"
Napuna ko kasi iyong background niya. Nasa loob siya ng kotse.
"Sa inyo." Ngumisi siya. "Gusto kitang makita."
Nanlaki agad ang mga mata ko. Nandito pa si Papa! Oh my gosh.
"H-Hoy! Nandito pa si Papa!" Agad kong sinabi.
"Too late—"
"Mecho! This is not funny. Nandito pa si Papa!" I panicked.
But before he could even answer. Nag-hang na ang cellphone ko. Bwisit! Mabilis akong napadungaw sa bintana at inabangan si Mecho roon. Nataranta ako at bumalik sa kama. Tumalon-talon ako roon, umaasang matatanggal ang kaba!
Napatigil ako bigla nang umalingawngaw ang katok sa kwarto ko.
"Isha. Someone is looking for you downstairs. Sino iyon?"
Sa kabila ng malakas na pagkalabog ng puso ko'y mayroong sumingit na ideya sa aking utak! Halos puriin ko ang sarili sa isip-isipan. Mabilis akong bumaba sa kama at pinulot ang notebook ko.
"Pa!" Pinagbuksan ko siya ng pintuan at bumungisngis. Itinaas ko iyong notebook ko. "Kaklase ko 'yan, Pa. Gagawa kami ng thesis."
Napataas ng kilay si Papa at dinungaw ako. Accusation is reflected in his eyes. Nakauniporme na rin si Papa at mukhang naghahanda ng umalis para pumasok sa trabaho.
A. Rivera.
Iyon ang nakaburda sa kanyang uniporme.
"Bago yata ito, ah? Kaklase na sasamahan kang gumawa ng thesis?"
Nagngising aso ako. "Yes, Pa! Malapit na kasi ang defense ng Filipino thesis namin. Ako ang group leader, kaya iga-guide ko siya."
Liar. Next sem pa nga raw ang thesis namin si Filipino. I just hope na hindi iyon mapuna ni Papa. Kun'di hindi ko lang alam.
"At dadalawa lang kayo sa grupo?" Papa mocked.
"Uhh," come on, Isha! Think! "Ano, Pa! Uhm. Susunod sila. Yes. Susunod po sila mamaya. 'Yung iba pa naming mga kasama."
Naninimbang ang kanyang tingin sa akin. At sa huli'y tumagilid na ang ulo. Kinuha niya ang wallet niya at naglabas ng 500 peso bill doon.
"Use this to buy some food or snack for them diyan sa malapit na department store." Aniya.
Yey! Nakalusot.
Sabay na kaming bumaba ni Papa at bumungad si Mecho na nakaupo sa sofa. Napatayo siya nang mamataan kaming paparating. He is wearing a white t-shirt and black sweatpants, parang hindi na siya nag-abala pang mag-ayos ng sarili bago pumunta dito dahil g**o-g**o pa ang kanyang buhok.
Agad ko siyang pinandilatan ng mga mata. He smiled at Papa.
"Hi sir! I'm Meekal Chollo Olivarez. And I am Isha's b—"
"Friend!"
Liningon ako ni Papa at pinagtaasan naman ako ni Mecho ng kilay.
"He is uhh a friend! And...uhh...a group mate!" I smiled.
"But I am—"
"You are my friend! Right, Mecho?" Bumungisngis ako kay Mecho habang painosenteng ngumingiti kay Papa.
Humalukipkip si Mecho na parang bata. Nang lumipat ang tingin ni Papa sa kanya ay bumalik ang kurba ng kanyang labi.
"I'll go now. Lock the doors."
"Okay, Papa!"
Pagtapos kong halikan si Papa sa pisngi ay tuluyan na siyang umalis. Halos para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Why are you denying me to your dad?" Padarag na naupo si Mecho sa tabi ko.
"I am not yet ready, okay? Give me time."
"That hurts, you know! Friend? Sa mga mata ng Papa mo, friends lang tayo?!" Reklamo niya pa.
"I'm sorry, alright? It's your fault! Bakit ba kasi bigla-bigla kang dadalaw?"
"Bakit? Dati pa naman kitang dinadalaw, ah!"
"Syempre dapat i-notify mo pa rin ako." Humalukipkip din ako. "Iyan tuloy. Muntik tayong mahuli ni Papa."
"Malay ko bang ayaw mo pa pala akong ipakilala kay Papa!"
"Papa?!" Hinarap ko siya. "Ambisyoso! Papa ko! Hindi iyo!"
"Magiging Papa ko rin siya soon!" Pakikipagtalo niya at hinarap din ako.
"Hindi pa nga ako handang sabihin kay Papa," nalukot ang noo ko, napipikon na. "Give me time! I can't just hide you forever, though."
"Siguraduhin mo lang." Aniya. "Nagagalit ako. Kiss mo 'ko."
Lumapit siya sa akin kaya lumayo ako. Ihinampas ko ang kanyang braso gamit ang notebook na hawak.
"Aray! Nakakapanakit ka na, ha!" Hinila niya ako pabalik sa pagkakaupo. I landed on his chest. He immediately encircled his arms on my waist for support. Ganoon na din ang panibagong amoy na nanggagaling sa kanya, mas mabango ito kaysa sa cologne ko na ibinigay ko sa kanya.
"Napaka-clingy mo!" Reklamo ko pa habang sinusubukang umangat ngunit wala ring nagawa dahil nga nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang.
"I was hoping to meet your Dad tonight. Tapos idedeny mo lang ako? Hindi pwede iyon!" Nagpatuloy siya sa pagrereklamo.
"Pwede! Nangyari na nga." I rolled my eyes.
"Anyways. Never mind. Since wala na si Papa mo.." ngumiti siya sa akin sa pilyong paraan. "Baka naman.."
"Ano na naman iyan, Mecho? Kapag nakabungisngis ka ng ganyan, may masama kang binabalak!"
"Kiss lang!" Sumimangot siya.
"Wala!"
Kinurot ko ang kanyang baywang dahilan upang mapakawalan niya ako at makatayo na rin ako sa wakas.
"Ang damot." Humalukipkip siya na parang bata.
"Teka. Gusto mo bang kumain? May iniwan si Papa na pang-snack.."
"Ayaw ko."
"Bukod sa paglalandian, ano pa bang pwedeng gawin?" Nagtaas ako ng kilay.
"Hmmm. Movie marathon?"
"Ay bet!" I exclaimed.
"I'll call the others. Okay lang ba?"
"Okay. I'll call Jandra too."
Sabay naming inilabas ang cellphones namin at nagdial. Mabilis ang pagsagot ni Jandra sa tawag ko. Mukhang sumagot na rin ang tinawagan ni Mecho.
"You free tonight?" Tanong niya.
"Hello, beh? Why?" Si Jandra.
"Free ka ba?" Tanong ko.
"No, I'm expensive. Duh!"
I rolled my eyes. Sinulyapan ko si Mecho at nakatalikod na siya habang nakapamaywang ngayon.
"Dito sa bahay ng friend ko."
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Ibinaba ko ang cellphone ko.
"Friend?!" Reklamo ko.
Nilingon niya ako at ngumisi. "Oo. 'Di ba friends tayo?"