____________________Chapter N
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. His eyes reflected his dark aura, almost too strong for me to bare. I looked like a scared little kitten compared to his domination. What I am feeling right now, is the same with how I felt when I first met him.
Nakakatakot.
He blinked slowly as his eyes crawled up to my face. I unconsciously smiled to hide my affright.
"You..dressed up," seryosong puna niya at nag-iwas ng tingin. "You shouldn't have..."
Tuluyan na akong nakalapit sa kanya kahit nag-uumapaw pa rin sa akin ang kaba.
"Nasaan na 'yung kasama mo kanina?" Bigla kong tanong at luminga-linga sa paligid na parang narito lang siya.
"I don't know."
"Ang ganda niya," pagpupuna ko.
My visors served as a headband now. Nakatulong iyon upang hindi matabunan ng aking buhok ang mukha.
"Yeah."
Of course, he'd agree. Totoo naman kasi. Reverse psychology, my a*s. Akala ko pa nama'y magwo-work. Sa mga libro kasi, kapag iyong babae ay maypinupuring ibang babae, iyong lalaki ay biglang bibigyan ng assurance iyong babae. Gaya na lang ng, "Mas maganda ka roon, huwag kang mag-alala", " You're even prettier in my eyes".
Ngayon, napatunayan kong sa libro lang iyon mangyayari.
"Uhmm...ano. About what I have said and what I made you feel that day. Sorry. I realized, I was wrong and I shouldn't have just...said that without thinking about how'd you feel towards the idea." Itinago ko ang magkahawak na mga kamay sa likod ko doon ko inilabas ang pagkakailang.
Tinabihan ko rin siya sa pagtayo roon. Ngayon ay pareho na naming pinapanuod ang mabagal na paglubog ng kahel na araw.
"Sa tingin mo ba. Immature ako?" He asked. "Isip bata?"
Agaran akong umiling. "H-Hindi!"
"Isha." Para niya akong sinusuway pero sa kalmadong paraan. "I understand if that's what you think. Wala akong magagawa roon, lalo na kung ang basehan mo'y kung paano ako umakto at sa ugali ko. You don't have to pretend anymore."
"I'm sorry, Mecho. I-I was wrong. I admit...I sort of...judged you. Huli na nang napagtanto kong mali ako."
"I was just being dramatic," he smiled. "Siguro, dahil na rin sa selos." Pag-amin niya.
I was stunned to hear him fully admit how he felt. Naupo siya sa buhangin, at wala sa sarili ko siyang ginaya. Tumagilid ang ulo ko at walang hiya-hiya siyang tinitigan. All I can see is his side image. His eyes were more expressive this time. Kumikislap. His long eyelashes brushed through the air when he slowly blinked, protruding his red lips.
"In fact, ilang beses na akong nasabihang isip bata...sanay na ako roon...pero iyong ikaw ang nagparamdam sa akin na isip bata nga ako at immature. Iba. Alam mo naman na siguro ang ibig kong sabihin, 'di ba?"
"I am really, really sorry, Mecho. I wanna clear that out. Hindi ka isip bata at immature."
"Okay lang," he smiled sideways. Itinukod niya iyong dalawang kamay niya sa likuran at inunat ang dalawang paa. "I cannot just explain myself every time. When people judge your personality, you feel so wrong and an outsider to the world. Akala kasi nila, lahat ng tao dito sa mundo ay dapat mabait, dapat may respeto, dapat banal. Iisa lang naman ang paraang alam nila para maging mabait, eh. Nakakatawa."
"I'm sorry." Wala akong masabi. Nagbara ang lalamunan ko dahil hindi ko rin inakalang ganito pala ang epekto sa kanya noong nangyari.
"Selos na selos ako kay Keith noon. Naisip ko. Siguro manghang-mangha ka sa kanya, kasi siya, imbes na sigawan 'yung junior, ay tinulungan niya pa iyon at inalu. Salungat sa ginawa ko. I was rude and I even cursed on her," he chuckled without humor.
The Mecho I am seeing right now is like the real Mecho. Walang ngising kapilyuhan, walang lukot na noo, at walang pagpapanggap. He is speaking his heart out. And to see it the second time...is just....very wholesome.
I felt lucky. Naglaho na lamang iyon nang mapagtanto lahat ng sinasabi niya.
"I just want you to understand. I am not a bad person, Isha. I am not bad. Hindi porque, nambubugbog ako, hinfi porque sinisigawan ko ang nga tao, hinfi porque minumura ko ang mga tao, lahat ng iyan ay ginagawa ko kapag nagagalit ako. At nagagalit lang ako kapag may rason ako. Binugbog ko si Kyle noon dahil pinopormahan ka niya, binugbog ko 'yung kabit ni Tyra dahil iyon ang nababagay sa kanya, sinigawan ko 'yung lalaki sa jeep kasi hinihipuan ka niya, pati 'yung junior na sinubukan mo pang ipagtanggol, lahat ng iyon...may dahilan...bakit...parang...hindi mo nakita?"
I pursed my lips. Kumalabog nang sobrang lakas ang puso ko. Parang nahulog ito sa aking tiyan. I gulped to listen to him more...kahit...tagos sa akin lahat ng sinasabi niya.
Para niyang pinapamukha sa akin na wala akong ibang ginawa kun'di tignan kung ano ang maling ginawa niya at hindi man lang binigyang pansin kung bakit at ano ang dahilan niya para gawin ang lahat ng iyon.
"I was so disappointed in you, Isha."
Naitikom ko ang bibig ko dahil walang sapat o tugmang salita sa isipan ko. It wasn't only Mecho who was disappointed in me...I was also kind of..disappointed with myself.
"I was doing anything I can just to please you. Sana makita mo iyon. Kahit 'yun lang. Pero imbes na ma-appreciate mo ako, na-disappoint ka pa. Awit." His red lips protruded.
"H-Hindi ko kasi alam.."
"Hindi mo alam o wala ka lang talagang pakialam?" Sinulyapan niya ako, tapos nag-iwas din.
Ang ganda noong araw. Iyong kulay nito. Pero hindi tumugma ang mga pangyayari. My disappointment towards the situation didn't hide my true feelings. And that was the fact that I have been trying to ignore.
"Tapos nalaman ko pang matagal mo na palang gusto si Keith?" Tumawa siya. "Pucha. E'di ang saya mo noong mga oras na 'yon? Kasi sabay kayong kumakain? At umiksena pa ako?"
"Hindi naman, Mecho. Ni hindi iyon sumagi sa isip ko."
"Okay lang. Hindi ko na rin kasi alam kung alin ang paniniwalaan ko. I am disappointed and..insulted. Bakit hindi mo agad sinabi? It was obvious when I am showing motives to you already. Bakit hindi mo inagapan? Dapat sinabi mo agad...para kasing...nagmukha lang ako bobo."
"It's true that I like Keith at first, alright..."
"Huwag mo nang ipamukha sa akin. Siguro kaya hindi mo ako magawang i-appreciate dahil sa kanya?"
"But—"
"Okay lang. 'Di ba gusto mong mag-sorry? Here it is. I am now accepting your apology. I hope this works out. I won't bug you again. But I still hope...I can speak freely to you...as a friend. Okay ba 'yun sa'yo?"
Ano bang sinasabi niya? Para siyang nakikipaghiwalay sa akin. It was like he is already saying goodbye!
"Mecho!"
Sabay kaming napalingon ni Mecho sa tumawag at nakita ko iyong babae kanina. Iyong sinasabi kong kasama niya. She is waving at Mecho while smiling. She's wearing a tube top and high waist maong shorts. Sumasayaw ang kulot niyang buhok sa hangin.
Para akong na-estatwa nang tinapik ni Mecho ang balikat ko.
"Alis na 'ko. Bumalik ka na roon. Pagabi na, oh."
Hindi pa man ako nakakasagot at tumayo na siya at nagpagpag, bago lumapit sa babae. They talked when they met and Mecho did not look back at me ever again.
Nanatili ako roon. Pakiramdam ko, gusto kong umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman pero hindi ko ginawa. A part of me was trying to act strong and that I have to collect myself to remain calm. Nagkaayos na kami...pero may kakaiba akong nararamdaman. Some disappointment with a hint of familiarity. Isang uri ng pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman noon pa man.
"Hoy! Bonfire!" Hinila ako ni Jandra at itinayo mula sa pagkakahiga.
Sinabi ko sa kanya na ayos na kami ni Mecho. Pero hanggang doon lang. Wala ng iba pang detalye. I don't think I need to deepen the thought or more so I need further understanding dahil sobrang liwanag naman ng mga sinabi ni Mecho sa akin. Bobo na lang siguro ako kung hindi ko pa na-gets.
Naipon kami sa harap ng bonfire. Doon na rin kami nag-dinner. Mayroon pang nagb-barbeque sa gilid, habang iyong iba ay abala sa pag-aasaran. Umupo ako at yumakap sa binti. Jandra went to grab some food for us. Seafood boil is our menu for tonight. I preffered it spicy though, so I asked Yeji for a sweet and spicy sauce.
Hindi rin nagtagal ay dinaluhan na kami nila Mecho at iyong babaeng kasama niya.
"Kasama niya na naman si Aira," umirap si Jandra.
Kung paano niya nalaman ang pangalan noon ay hindi ko na alam. Naghiyawan sila noong may naglabas ng mga alak.
"Hoy! Boys lang! Hindi pwede ang girls!" Announced another varsity.
"Huh? E pare-pareho lang naman tayong underage dito ah!" Reklamo ni Jandra na sobrang tinis ng boses sa tabi ko.
"Boys lang, bata," Yeji winked at Jandra.
"Ikaw bata," ngumisi si Jandra sa kanya.
"Ah, para bang... baby?" Nagtaas ng kilay si Yeji.
"Yes, baby?" Jandra countered.
"Get a room, guys." Mahina kong sinabi at ginunting ang balat ang crab legs.
"Hindi ganyan! Masusugat ka sa ginagawa mo," lumapit sa akin si Kyle na may hawak ng Heineken at tinulungan ako sa pagbubukas ng crab legs.
Pinahawak niya sa akin iyong bote niya. Napanguso na lamang ako habang hinahayaan siyang gawin iyon para sa akin. Napatingin ako sa hawak kong bote at nalukot ang noo. I've always wondered how would it feels like drinking alcohol? Walang sabi-sabing nilagok iyon.
"Isha!" Suway ni Kyle agad na inagaw ang bote sa akin. Nagsalubong ang kilay niya at nalukot ang noo. He looked annoyed at me, which I am seeing for the first time. "Nakalahati mo na!"
"Tinikman ko lang naman," pinunasan ko iyong labi ko.
Ang pait. Pero ang init sa tiyan. Naibsan tuloy 'yung ginaw na nararamdaman ko. Kyle is already mad at me for what I did. Nalaglag naman ang panga ni Jandra at sinubukan ding humingi kay Yeji dahil sa pagkainggit ngunit patuloy siyang tinanggihan ni Yeji.
Pairap akong umiwas ng tingin sa kanilang dalawa at nagtama bigla ang mga mata namin ni Mecho. Mukha rin siyang nainis sa ginawa ko o asumera lang talaga ako. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin, kinain ko na lang iyong binalatan ni Kyle na crab legs para sa akin.
"Water?" Kyle offered, reaching out his hand for a bottled water.
"Thanks." Tinanggap ko iyon dahil uhaw din naman ako ng kaunti.
Hindi rin nagtagal ay nag-aya silang maglaro ng spin the bottle. Nakisali naman ako agad para maaliw ang sarili. Hindi ko alam kung sadyang bwisit lang ang tadhana dahil unang tumuro kay Mecho ang bote. It was pure dare game and the one who spin the bottle should be the one to dare you.
Turns out, isa sa mga cheerleaders iyon. She smirked.
"Kiss someone in the lips tonight."
Walang nagsalita. It was understandable thw moment we started the game that we should all be open minded about that. Pumungay ang mga mata ko habang pinapanuod si Mecho. Noong una'y hindi ako na-bother doon at nagpatuloy lang sa pagkain. I stuffed the crab meat on my mouth until it's full.
He smirked at walang kahirap-hirap na hinalikan iyong si Aira sa labi. It was not a simple peck, but a kiss...literal kiss. French kiss! Nagbara ang lalamunan ko, gusto na sanang mag-iwas ng tingin ngunit hindi ko nagawa. Aira even bit his lower lip. And they did that in front of us...in front of me.
"Puchangama, Isha, bakit ka umiiyak?!" Jandra suddenly screamed.
Napatigil ang lahat, their eyes went on me. Lahat sila dito, sa akin na nakatingin, nagtataka.
"Uy, gago!" Nagulat din si Yeji at natarantang kumuha ng tissue.
"Hoy, tangina mo, Isha!" Niyugyog ako ni Jandra. "Okay ka lang?"
"H-Ha? Ayos lang." Wala sa sarili kong sinabi.
"Tangina, ayos daw pero umiiyak," inabot ni Yeji sa akin iyong tissue na kinuha.
"Salamat." tinanggap ko iyon kaagad.
Hinaplos ni Jandra ang likod ko habang ang lahat ang pinapanuod ako. Pinunasan ko agad ang mga luha at wala sa sariling natawa.
"Nalasing yata ako sa ininom ko kanina." Pagsisinungaling ko't ngumisi pa.
"Sinungaling," Jandra said under her breath. "Tapos ka na bang kumain? Balik na tayo sa hotel?"
"Ano ka ba. Okay lang." Tinabig ko iyong kamay niya. "Baka epekto lang ng alak."
"Bakit mo ba kasi nilagok 'yung alak ni Kyle?" Duval chimed and gave me another bottle of water, naubod ko na kasi iyong isa kanina na bigay ni Yeji.
"Na-curious ako sa lasa." Tinanggap ko 'yung binigay niya, he even opened it for me.
Lumipad ang tingin ko kay Mecho at naabutang nakatingin na rin sa akin. His jaw tightened as he purse his red lips. Kahit napakalayo namin sa isa't-isa ay nararamdaman ko ang galit niya. Hindi ko lang alam kung bakit at wala na rin akong balak alamin pa.
The night went on. Hindi ako makatulog kahit uminom ako ng kaunting alak kanina. Bwisit. Akala ko ba nakakapagpaantok iyong ganoon? Scam.
Tulog na tulog na si Jandra nang bumangon ako. Parang sa aming dalawa, siya ang uminom ng alak dahil napakalalim ng kanyang tulog. Para tuloy nagsisisi na akong uminom ng alak. Parang iyon pa ang dahilan kung ba't hirap akong makatulog ngayon. Grabe. Ala-una na ng madaling araw, at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Marahan akong bumangon sa higaan at pinulot ang sarong ko. Iniyakap ko iyon sa sarili at agad na lumabas ng hotel room.
Sobrang tahimik sa labas. Maraming beses ko ng gustong maramdaman 'yung ganito, o maranasan man lang. Iyong mag-isa ako tapos gabing-gabi na sa dalampasigan tapos maginaw. Kapag kasi napapanuod ko iyon sa TV ay sobrang ang dramatic ng dating. Mas maganda pala kapag sinubukan mo na.
Mas malalakas ang hampas ng alon ngayon, natatakot din akong tumapak sa tubig kaya nama'y umabot lang ako sa mataas na parte ng buhanginan. Mayroong buwan pero walang mga bituin. Ganunpaman, sobrang ganda pa rin ng kalangitan. Isama mo pang nasa dalampasigan ako. Nakadagdag sa karisma nito 'yon.
Wala sa sarili akong napalingon sa likuran ko nang may marinig akong papalapit. Labis na lamang ang pagkagulat ko nang maabutan si Mecho na naglalakad palapit sa gawi ko. Nakasweatshirt na siya ng itim ngayon, tapos iyong sweatpants pa rin niya kanina. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa man magtama ang mga paningin namin.
"Gabi na, ah."
I was surprised to hear him talking normally like the usual. Or I am just giving it too much detail? Thinking about it now, I couldn't even look at him directly.
"Madaling araw na." Pagtatama ko.
"Ba't ka nandito? Can't sleep?" Dagdag niya pa.
Ngayon ko lang napansing may hawak pala siyang coke in can. Parang ewan lang. Madaling araw, umiinom ng soft drink.
"Oo."
"Nangyayari talaga 'yan," ibinato niya sa malayo iyong lata. Hindi ko nga rin alam kung ubos na iyon o hindi pa. "Hindi rin ako makatulog."
"Bakit naman? Uminom kayo kanina 'di ba?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan.
"Oo. Pero dalawang bote lang ako. Hindi naman ako tinablan," umpisa niya. "Mataas ang tolerance ko sa alak."
"Akala ko nga rin makakatulog ako kaagad. Uminom din kasi ako ng kaunti."
"Bakit ka uminom?" Parang kanina niya pa iyon gustong tanungin.
"Na-curious ako sa lasa. Nung nakalahati ko na, 'saka ko lang napagtanto na ang pangit pala ng lasa." Paliwanag ko.
"Curiosity kills, you know."
"Hindi naman ako namatay," tumawa ako upang maibsan ang bigat na nararamdaman.
Natahimik kaming dalawa. May mga bagay akong gustong sabihin sa kanya, ang dami ko ring gustong ipaliwanag pero kapag naaalala ko iyong hinalikan niya si Aira kanina ay parang umaatras ang dila ko. Forget it.
"Isha."
"Mecho."
Nagkatingin kaming dalawa nang halos sabay lang kaming magsalita.
"Ikaw na ang mauna."
"You go first."
Nagkatinginan ulit kami dahil sabay na naman kami. Napatawa na lamang kami sa isa't-isa. That somehow rejected the awkwardness away. Kaysa naman magkailangan kami rito.
"Ikaw muna." Sinabi ko na lang.
"Sorry." Aniya.
"Ano ka ba, okay lang." I don't even know if that is an honest answer. In the first place, sorry para saan ba? Hindi ko na alam.
"Isha, may isa pa."
"Ano pa ba?" Napatawa ulit ako.
"I just realized that I shouldn't have done that..."
"Alin? 'Yung paghalik mo—"
"That...and..."
"And?" My head is beginning to screan some things, but I chose to stay easy and calm.
"And... I shouldn't have...disregarded you like that. That was too much to do, and I regret it. I'm sorry, nagpadala ako sa insecurities ko."
"What do you mean?" Hindi ko na siya maintindihan.
"It was an immature thing to do. I didn't think about it, sorry... but I deeply thought about losing you completely because of that. Ayaw ko. Hindi ko kaya. Kaya...pwede bang..."
Napakurap-kurap ako sa kawalan. My heart started hammering hard against my chest.
"Can I...court you now? I really, really like you...so much."