____________________Chapter M
Sa huli ay naging konserbatibo pa rin ako sa pinili kong susuotin, or at least my outfit is a bit on the modest side kumpara sa mga kasama namin. Si Jandra ay nakabalandra ang katawan sa kanyang black bikini top at tinabunan niya ng sarong ang kanyang bikini bottom, mayroon namang nagshorts at biki top, some just wore their bikini tops and bottoms as it is.
Ako ay nakasuot lamang ng crop top and sarong. Sabi ni Jandra sa akin, mas maganda raw ang balakang ko kaya dapat ay hindi na raw dapat ako nagsarong pa.
"Hi, Isha!" Bati ng isang varsity sa akin na naka-topless na.
I smiled awkwardly. Tumagos naman ang tingin ko sa kanya noong makita si Kyle sa likuran niya, kinawayan niya ako at nginitian. Gaya ng iba, wala na rin itong damit pang-itaas.
"Hi, Isha!" Kyle said.
Lumingon ako sa dagat nang makarinig ng tilihan. May mga babae sa gilid na nagtitilihan habang umaandar palapit iyong speedboat kung saan nakasakay sina Yeji, Duval, at Mecho. Namangha pa ako nang mamataang si Mecho ang nagmamaneho noon. While Yeji and Duval were just waving their hands.
"Ang pogi ni Mecho, ano?"
Kanina ko pa nga naririnig na pinupuri nila si Yeji at Duval. Nagpantig lang ang tainga ko nang marinig na pinuri nila si Mecho.
"Oo! Ang hot pa!"
I rolled my eyes. Kyle glanced at me, si Jandra ay nagpaalam sa akin upang subukang mag-surfing kasama iyong iba pang cheerleaders. Iniwan niya rin sa akin iyong Polaroid camera niya.
"Gusto mong mag-jetski?" Tanong ni Kyle.
Humalukipkip ako at nanatiling nakatingin sa gawi nila Mecho.
"Ayaw ko pang mabasa, eh." Pagdadahilan ko.
"Are you feeling alright?" Humalakhak siya't humalukipkip. His biceps showed upon flexing his arms. "Mukhang wala ka sa mood."
"Baka nilalamig?" Hilaw akong ngumiti. Isa iyong walang kwentang dahilan dahil kahit nakasuot ng sunblock ay napapasa pa rin ako sa init.
"May sun loungers doon, oh. Kung gusto mo, roon ka muna," Kyle smiled and patted me on the head like a little kid. "Magje-jetski lang ako."
"Sure."
Kaysa naman tumunganga ako rito ay sinunod ko na lamang iyong sinabi ni Kyle. Naupo ako sa sun lounger at inabala ang sarili sa pagkuha ng mga litrato. Ngumuso na lamang ako nang makitang paahon na sila Mecho at bumaba sa speedboat. Yeji was laughing at nakipaghype five sa kanya. Si Duval naman ay kumaway sa iilang babaeng tumawag sa kanya.
Napatingin si Mecho sa gawi ko. Walang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Ngunit una akong napaiwas nang may biglang lumapit sa aking lalaki. Hindi namin kasama at hindi rin pamilyar.
"Hi. I'm Ausell." He smiled shamelessly said at me. Inabot niya iyong kamay niya. "What's your name?"
Lumipat ang tingin ko kay Mecho at nakitang may kumakausap na rin sa kanyang babae. Naglaho ang ngiti ko at ibinalik ang atensyon sa lalaki.
"Isha." Tinanggap ko iyong kamay niya.
He is also tall, I think he's taller than Mecho for a few centimeters. Malakas din ang dating niya, pero mukhang pilyo ito at mapang-asar na tipo.
"Hi, Isha. You are sitting on my sun lounger," tumawa si Ausell.
Para naman akong natauhan sa sinabi niya at napatayo bigla.
"Hala! Sorry!"
"No, okay lang. Pwede namang tayong dalawa riyan?" Humagalpak siya ng tawa bigla.
Napanguso ako dahil hindi ako nagkakamali ng tingin sa kanya. Wow, katulad ko na pala si Yeji at Jandra na manghuhula. Wala sa sarili akong napatingin kay Mecho at nakitang nakatingin na rin siya sa gawi ko ngayon. Ayan, mukha na naman siyang galit. Kasalukuyang nakaigting ang kanyang magkabilang panga at matalim na nakatingin sa akin. Kung nakakamatay lang iyon ay, namatay na ako ngayon.
Sinadya ko ring pagtaasan siya ng kilay. Iyong babaeng kumakausap sa kanya ay panay ang talak, samantalang si Mecho ay nakatingin lamang sa gawi ko.
"Excuse me, but can you take a photo of me?" Ani Ausell bigla, nakaabot na ang kanyang camera kaya hindi na ako nakatanggi pa. I just politely obliged para na rin abalahin ang sarili. Tatlong shots ang kinuha ko sa kanya, at nagpasalamat siya noong natapos.
"Nice shots!" Papuri niya. "Gusto mo kuhanan din kita?"
Tumingin ako kay Mecho. Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon. I heaved a sigh at ibinigay kay Ausell ang camera.
"You're so pretty," puri niya bigla habang fino-focus ang camera sa akin.
Tatlong kuha ang kinuha niya at lahat ng iyon ay magaganda. Nakaipon na ako ng pictures. Wala pa ring nangyayari. Wala sa sarili akong lumingon kay Mecho. Wala na siya sa kinatatayuan niya ngayon. Bagkus ay namataan ko na lamang siyang nagje-jetski kasama iyong babae sa likod niya. Nakayakap pa ito sa kanya. Parang nagpalpitate ang kilay ko sa nakita! At napatayo bigla.
"Uhh, I'll go now. Medyo masama ang pakiramdam ko."
"Okay, but what is your i********: username?" Pahabol niya.
"May boyfriend ako." I smiled at him before walking away.
"Pero nakikipag-jetski kasama ang ibang babae?" Tumawa si Ausell.
I was too obvious. Kanina niya pa siguro napapansin na lingon ako nang lingon sa gawi ni Mecho.
"Hindi ka pa naliligo?" Pagtataka ni Jandra, palapit na ngayon sa akin at basa na rin.
"Ayaw ko pa."
Ngumiwi siya at liningon si Mecho sa malayo. "Tuwang-tuwa iyong babae, ah?" She mocked. "Wala ka bang gagawin? Ako, okay lang sana sa akin kung nandito si Keith para patas lang kayo."
I glared at her. Nagawa pa talagang mang-asar!
"Hey!"
Pareho kaming napalingon ni Jandra sa paparating at nakita namin sila Yeji at Duval. Hawak-hawak na ulit ni Yeji ang kanyang camera at nakasabit na iyon sa kanyang leeg.
"Hey," bati ko pabalik nang tuluyan na silang makalapit.
"Uy!" Si Jandra at nakipaghype five sa dalawa.
Wow, akala mo talaga hindi naging mag-ex flirts. Bwisit. Buti pa sila, walang ilangan, walang problema. Presko lang.
"Nag-iipon ako ng pictures," Yeji started, nakatitig sa kanyang camera. Umangat ang tingin niya sa amin. "Picture tayo?"
"Sure!"
Nauna kong picturan silang tatlo, tapos solo ni Jandra, Yeji, at Duval. Mayroon ding magkakaakbay sila, may dalawa lang si Yeji at Duval, Jandra at Yeji/Duval.
"Isha! Tayo naman!" Bago pa ako nakapagprotesta ay hinila na ako ni Yeji upang makapagpapicture.
Tumatawa pa si Jandra habang nifofocus sa amin iyong kamera. Yeji held my head like he was mocking my height sabay ngiti. Hindi ako nakangiti sa unang litrato dahil sa biglaang pagtama ng mga tingin namin ni Mecho. Pero kalauna'y nakangiti na rin ako at sinasakyan sila. We also asked a random stranger to take some pictures for us four.
Hindi rin nagtagal ay nakabalik na sa dalampasigan si Mecho at iyong babae. Bahagya pa kaming napatigil dahil agaw pansin nga naman at tumitili-tili pa 'yung kasama niya habang tumatawa.
"That was awesome! Oh my gosh!" Tuwang-tuwang sinabi nito.
The girl was wearing a red bikini. She has this clear tan skin na bumagay sa hubog ng katawan niya. Malamang maganda siya at sexy! Obvious na ganyan ang mga tipo ni Mecho'ng mga babae! Ganyang-ganyan kaya si Tyra!
Napatili siya ulit nang bumaba, at kinailangan pa talaga ng alalay ni Mecho. Mecho held her waist and put her down from the jetski.
Humalukipkip si Jandra. "Pabebe amputa."
Tumawa si Yeji at Duval. Sinulyapan nila ako at parehong tinignan kung ano ang reaksyon.
"What?" Inosente kong sinabi.
"Mecho!" Tawag bigla ni Yeji.
Parehong lumingon si Mecho at iyong kasama niya.
"What?" Mecho asked sternly.
"Picture!" Itinaas ni Duval ang camera. "Ikaw lang ang wala!"
"Ayaw ko." Mataman niyang sinabi at umirap.
"Sige na!" Si Jandra, trying her luck.
"No, thanks. Kayo na lang." Mecho said.
Napangiwi 'yung babae at hinawakan si Mecho sa balikat. "Why don't you go na lang kaya? I can wait for you naman, eh."
"Oo nga. She will wait for you naman kasi eh!" Jandra mocked and rolled her eyes.
Nagtawanan namang muli si Yeji at Duval, aliw na aliw pa talaga sa mga nangyayari!
"Sige na," hilaw na ngumiti iyong babae. "I'm here lang."
Wow? Why do I see her as a huge threat? And her conyo way of talking is giving me a headache.
"Hayaan ni'yo na guys, ayaw niya nga raw." Singit ko bigla.
"Hindi! Mukhang gusto niya. Pakipot lang," si Duval. "Kunwari ayaw."
"Shut up." Ayan, tunog galit na naman siya.
Wala namang ginagawa, eh. Gagalit agad. Lumapit si Mecho sa amin habang nakabusangot. Kinuha ni Jandra ang kamera kay Duval at iyong tatlo naman ay pumwesto sa harapan, nakatalikod sa dagat. Ang ganda pa ng background nila dahil nagsasalubong iyong mga ulap na batik batik at iyong asul na tubig.
"Oh, Mecho! Bakit hindi ka ngumingiti?!" Si Jandra.
"Ngumiti ka, tanga," sita ni Yeji at pabiro siyang sinuntok sa braso.
Pilit na ngumiti si Mecho. Bale, hindi na ngiti ang labas...he looked like smirking or mocking. Kinunan pa silang tatlo. Mayroong tig-isang solo ang dalawa. Tapos si Jandra rin ay nagpapicture kay Mecho, tapos kasama na silang tatlo.
"Oh, si Isha naman!" Pagbibigay pansin sa akin ni Jandra at hinigit ako.
Lumipad ang tingin ko sa babaeng kasama ni Mecho at nakatayo lang sa malapit habang naghihintay. She was checking her nails, pretending not to look at us.
"Huwag na," pagtanggi ko at pinilit na hilahin ang sarili pasalungat sa hila ni Jandra. "Mukhang ayaw niya naman."
"Ano'ng ayaw ka riyan?! Ikaw? Aayawan ni Mecho?" Pagpaparinig niya.
Bwisit 'tong si Jandra, pasmado na talaga ang bibig nito dati pa. Mecho rolled his eyes and crossed his arms. Huli na dahil itinulak na ako ni Jandra palapit sa kanya. Pinaghawak ko ang dalawa kong kamay at ngumuso.
What now?
"Ano ba 'yan? Ang layo ni'yo namang dalawa?" Reklamo ni Yeji. "Parang hindi kayo naghalisvaibwuwjsbka."
Tinakpan ni Duval bigla ang bibig ni Yeji. Namula ang pisngi ko at hindi na inalintana pa ang mabigat na kalabog ng puso.
Parang tuwang-tuwa pa sila Jandra na napapahiya ako!
"Ano? Lapit kayo sa isa't-isa!" Jandra said.
Pareho kaming humakbang ni Mecho sa isa't-isa patagilid. Para akong napaso nang magtama ang mga balat namin. His skin was hot and wet. Nakakakuryente.
"Akbayan mo naman, Mecho." Hirit pa ni Duval. "Ang pangit ni'yong tignan."
"Ang dami ni'yong sinasabi," iritadong sinabi ni Mecho. "Kuhanan ni'yo na lang kami!"
"Tanga, akbayan mo kasi! Nahihiya ka pa, eh." Ngayon ay mukhang mas iritado na si Jandra.
Oh, ba't nagagalit?
I heard Mecho sighed at nakaramdam na lang ako ng bigat sa aking balikat. Inakbayan niya nga ako at mas hinigit palapit sa kanya. His large hand covered my left shoulder like it is his property.
Mas namula ako.
"Oh, isa pa. Ngumiti naman kayo. Tangina ng mga 'to." Yeji laughed.
Noong una ay hindi ako makangiti. Ilang beses pa kaming sinita ni Jandra. I was too stiff, alright?
"Oh, okay na kay Mecho! Pero hindi nakangiti si Isha." Yeji announced. "Hindi tayo titigil sa pagpi-picture hangga't hindi kayo ngumingiti pareho!"
"Smile, Isha." Mariing sinabi ni Mecho.
I quivered upon hearing his voice. Wow! After so many days, kinausap niya rin ako.
"Magbati muna tayo."
I took that as a green light for me. Syempre, I would grab all the chance!
"Just smile." He said.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin? Sorry na nga," pakikipagtalo ko pa kahit nakangiti ako sa kamera.
Humigpit ang kanyang hawak sa aking braso, tapos naramdaman kong mas naitulak ako palapit sa kanya. Now I am like leaning on his sturdy body. Mas lalo kong ikinagulat nang maamoy ko ang perfume ko sa kanya. So, hindi niya pa rin iyon pinapalitan?
"Sorry na kasi, Mecho." Pahabol ko pa.
"Oh last na!" Yeji said.
I smiled once more.
Nang matapos ang pagpipicture ay nicheck ng tatlo ang mga litrato. Samantalang humiwalay kami ni Mecho sa isa't-isa.
Dinungaw niya ako gamit ang mga matang hindi ko mabasa. He bit his lower lip and looked sideways, tightening his jaw a bit. Para siyang nahihirapan na ewan. Then he glanced back at me.
I smiled genuinely. Trying my best luck.
"We will talk..." namungay ang kanyang mga mata. "Later..this afternoon.."
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Okay! Saan?"
Umangat ang isang gilid ng labi niya. "I'll text you...is that fine?"
Mabilis akong tumango na parang kapag hindi ko siya binigyan agad ng responde ay maaari niyang bawiin ang sinabi.
"Okay.."
"Good."
It was lunch nang mapagpasyahan naming umahon sa dagat. We enjoyed snorkeling with the other cheerleaders. Minsan ay dinadaluhan din kami nila Kyle na nags-surf.
Mecho and the others were also swimming not far from us. Ngayo'y wala na siyang damit pang-itaas. And the woman he's with seemed to like it dahil para na siyang lintang nakadikit kay Mecho simula pa kanina. Kasalukuyan kaming naglalunch noong pati ba naman dito ay nakadikit siya kay Mecho. Pati si Jandra ay naaalibadbaran na rin sa presensya niya.
"Hindi ba siya nahihiya? Siya lang ang hindi natin schoolmate dito," Jandra whispered.
Ipinagkibit ko na lang ng balikat iyon. My only concern right now is I was given a chance to talk to Mecho. Iyon na. Siguro na-distract na lang ang buong sistema ko roon at hindi na inalintana pa ang ibang mga bagay-bagay sa paligid.
"Maliligo ka pa ba?" Jandra asked when we were already back at our hotel room.
"Hindi na," wika ko. Nagsawa na ako at siguro'y eenjoyin na lang muna ang view ng dagat habang narito pa kami.
Minsan lang ito kaya susulitin ko na. Swimming is not the only thing we can do in the beach, though.
"Okay. Taga-picture na lang kita!"
Tumango ako sa kanya at pumasok sa banyo upang maligo na. Nang lumabas ako roon ay naabutan ko siyang nangangalkal na naman sa aking bag.
"Ito ang suotin mo!"
Itinaas niya iyong damit na dala niya kanina.
Tatanggihan ko na sana, kaso naalala kong magkikita pala ulit kami ni Mecho kanina.
"Kung mag-uusap kayo ni Mecho, he might still be in doubt. So you must, at least, look irresistible para may karisma ka sa kanya." Aniya pa at tumawa.
"Hindi naman ako tumanggi, ah? Ang dami mo pang sinabi."
Bumungisngis siya at isinaksak sa akin ang damit na bigay niya. Pumasok akong muli sa banyo upang makapagpalit na. Jandra gave me a short gingham straightneck dress. Kulay itim ito para raw bumagay sa visor na ipapasuot niya sa akin. Hindi masyadong beach vibe. For the sake of porma lang daw.
After putting the cloth on, talagang pinilit niya pa akong pahiran ng lip and cheek tint.
"Imposibleng hindi pa maakit sa'yo si Mecho," she rolled her eyes. "Kapag hindi pa kayo nagkaayos ngayon, ihahagis kita pabalik kay Keith!"
Nakatanggap ako ng text kay Mecho mga alas maga-alas quatro ng hapon. Sabi niya, sa may dalampasigan lang daw kami mag-meet.
I was with Jandra the whole time. Nagpicture taking na rin at naglibut-libot. Mas mahaba nga lang ang oras namin sa pagpipicture dahil aliw na aliw pa siya sa wet look niya habang naliligo sa dagat.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na agad si Mecho. Nakasuot na siya ngayon ng kulay gray na sweatpants at sleeveless na shirt. Nakapamulsa siya at malayo lang ang tingin sa harapan, sa dagat.
His well toned muscles were showing while he is completely doing nothing. Hinahangin din ang kanyang magulong buhok at mas lalong nadepina ang lalim at at mababaw na parte ng kanyang mukha dahil sa papalubog na araw.
To make it shorter....he was so damn handsome and attractive.
"Mecho."