Chapter 12

2813 Words
____________________Chapter L "May extra ka bang damit?" Keith asked. "Wala na, eh. My PE uniform is currently at home." Malapit na kasi ang Christmas break kaya iniuwi ko na ang mga gamit ko sa locker. Ang nga itinira ko na lang doon ay mga libro ko for this sem. "Umuwi ka na lang," si Mecho naman na hinuhugot ang kanyang cellphone sa bulsa. "I'll call our driver." "O-Okay." Keith watched me. His eyes cannot hide the glimmer of his concern. Natural ng malambot ang kanyang mukha at maamo, pero mas umamo iyon ngayon. How can he be shining for me even in a situation like this? A juice was spilled in me, pero hindi iyon naging alintana upang mapuna ko kung gaano kaaya-aya ang hitsura ni Keith. Umabot kasi iyong basa sa skirt ko. It was pineapple iced tea in two large slim glasses. Mabuti na lang at hindi babasagin ang mga baso niyon. Mecho is already talking to their driver on the phone when Keith also received a call. Sinagot niya iyon sa harapan ko, sinenyasan niya pa ako. "Am I required to be there?" He asked with his usual low voice. "Okay. I understand. I'll be there, then." Alam ko na agad kung ano'ng meron. He was like...the head of the whole population of students here in our school. Maraming nakahaing responsibilad sa kanya. "May emergency meeting ako at pagtapos ay magre-review pa ako. Call and update me, okay?" He said at lumapit. Wala sa sarili akong napatango sa kanya at tipid na ngumiti. Sinuklihan niya naman ang ngiti ko at 'saka kinurot ang pisngi ko. "I'll see you later. Change your clothes quickly. Malapit na ang bell." "Okay." Pinanuod ko siyang naglalakad palayo. Grabe naman pala. He was a very busy man, gayong senior high school pa lang siya. He is a top student, at iyon pa lang ay may mga obligasyon na agad. Paano pa kaya kung council president ka pa. Tapos natyempo pa ang research niyo, subject requirements, tapos maico-contest ka pa internationally?! Jusko. Ako ang nas-stress habang ineenumerate sa utak ko lahat ng responsibilidad ni Keith sa school. He was already stressed about Zaja, and yet after carrying all the school's burden on his own shoulders. Natutupad niya pa rin ang mga tungkulin niya. Bilib na talaga ako sa'yo, Keith. "Mecho." Tawag ko bigla kay Mecho habang nasa loob kami ng sasakyan nila. "Hmm?" He was currently crossing his arms while his legs were spread wide. "What is it?" He bragged when he noticed I didn't talk right away. Should I say it? Why am I even holding back? He remained looking at me while he's raising a brow. Wala sa sarili akong napanguso at nagpatuloy sa pakikipagtalo sa sarili. He sighed. "Anyways, what was that? Was Keith always that close to you?" Pumilig ang ulo ko upang masulyapan ko siya. "Bakit mo natanong?" "He looked clingy. Ano ka ba niya? Nanliligaw ba sa'yo?" Dire-diretso niyang sinabi. Agad akong napailing sa kanyang tanong. "Hindi naman.." "Oh? Hindi pala? Ba't ang yabang niya?" She scoffed and crossed his arms mockingly. "Akala mo kung sino." I pursed my lips, not knowing what to say. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin kung sasabihan ko pa ba siya. "Anyways, why did he pinch your cheeks blithely like that? And you allowed him to?" He nagged once again. Tumitig siya sa akin nang hindi ako nakasagot. Pinaningkitan niya ako ng mga mata, mukhang mayroong naisip. "Why are you preoccupied? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Is it because of him? Did he make you speechless?" I sighed. If I don't talk, he'll come up with every conclusion possible. Hinarap ko siya. "You were too rude towards the girl. Hindi niya naman sinadya iyong nangyari. Dapat ay hindi mo na siya sinigawan," maingat ako sa pananalita. I know Mecho. He is a very short tempered kind of person. "I was mad at her for spilling the juice on you. What else? Of course, I'd shout at her." "Pwede mo namang sabihin sa maayos na paraan," kalmante kong paliwanag. Sinulyapan niya ako at agad nagsalubong ang dalawang kilay. He looked at me with pure disappointment like I just triggered something in him. "Paanong maayos na paraan ba ang sinasabi mo?" Nagtaas siya ng kilay. Ngayon, hindi na niya kinontrol pa ang boses niya. I pursed my lips. I don't like where this fight is going. In the first place, ayaw kong mag-away kami. Or more so...magsagutan man lang. Gusto ko lang naman siyang pangaralan dahil maling-mali iyong inakto niya kanina. You cannot blame a person who's got no control towards an accidental situation! "Oh, I get it now," aniya. Nilingon ko siya at agad na bumungad ang kanyang mukhang hindi na maitago ang irita, his jaw tightened and his eyes were sharper. "Gaya ba dapat ni Keith? Gusto mo magpaka-anghel din ako katulad ni Keith?" Oh my gosh! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! He smiled sideways mockingly. "You are right, though. Ibang-iba siya umakto sa akin. He was soft to that girl. I actually hate the fact that he was not mad towards the person who spilled juice on you. Dapat ba ay ganoon din ang ginawa ko? Sinuyo ko iyong junior at inalu?" "Mec—" "Kasi ako. Galit na galit kasi bakit ka nasabuyan? Bakit ka nabasa? Wala akong pakialam sa ibang tao, Isha! Wala akong pakialam kung aksidente ang lahat. Kung ikaw ang napinsala, wala akong papalampasin. Sa'yo lang ako may pakialam. You cannot simply go to heaven comforting and caring for the strangers around you." "Mecho, hindi naman iyon ang gusto king iparati—" "Hindi! Ganoon ang pinaparamdam mo sa akin! Do not fabricate it by acting all nice with a facade! Yes, I was rude to the girl. So what? Did it kill her? Me? You? Keith?" "I'm sorry." Pagsuko ko ngunit tumagilid lang ang kanyang ulo. He looked mad again. And he was about to burst out. Nataranta pa ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para mapakalma siya. He licked his lower lip and sighed violently. "I really thought, iba ka sa kanila." He said. "Akala ko, sa wakas ay may tatanggap na sa akin. If you are trying to change the persona I live with, maybe it's better if we won't see each other anymore. Hindi ko kailangan ng mga taong hindi ako kayang maintindihan." "M—" Pinahinto niya ang sasakyan. Imbes na ako ang lumabas ay siya ang lumabas. Padabog niyang isinara ang pintuan ng kotse at iniwan akong nalalaglag ang panga. Hinatid ulit ako ng driver nila sa school matapos kong makapagbihis. Nang makarating ako sa school ay agad kong hinanap si Mecho upang ibalik sana iyong coat niya. Dapat nga sana ay lalabhan ko muna bago ko ibalik. Pero dahil sa kagustuhan kong makita siya't magkaroon agad ng tsansang makausap ay talagang dinala ko iyon kaagad. "Nasaan si Mecho?" Tanong ko kay Yeji. "Akala ko ba kasama mo?" "H-Hindi, eh.." "Bakit? Nag-away kayo?" Duval chimed, nilalapitan ako habang nakadungaw sa cellphone. Humilig naman si Yeji sa hamba ng pintuan at humalukipkip. "Mukha ngang nag-away sila." "Talaga?" Umangat ang ulo ni Duval, agad namang dumapo ang mapupungay niya't tamad na mga mata sa akin. "Hindi naman. Nagalit siya.." "Ano pa bang bago?" Naghype five silang dalawa na parang inasahan na nilang magagalit nga si Mecho. "Pagpasensyahan mo na si Mecho. Isip bata talaga iyon," natatawang sinabi ni Yeji. "Kaya siguro nagtagal kami bilang mga kaibigan niya ay dahil na rin siguro mahaba ang pasensya namin." "True, bro. Ang galing mo talaga," nag fist bump naman sila ngayon. Sinulyapan ako si Duval. "Teka. Ano bang pinagtampuhan niya?" "Hulaan ko," Yeji smirked. "Selos." Wow. Bibigyan ko na ba siya ng medal sa galing niyang manghula? "Hindi naman ganoon. Na-offend ko yata siya." "Huwag kang mag-alala. Kapag narealize niyang mali siya, siya rin mismo ang lalapit sa'yo." Duval said. Pinanghawakan ko talaga iyong sinabi ni Duval. Akala mo talaga totoo, eh. Dalawang araw na ang nakakalipas hindi pa rin ako nilalapitan, tinetext, o tinatawagan ni Mecho! Geez. So much for believing in Duval's words. I also texted him, apologized and all pero matigas siya't ayaw talagang mamansin. Pati sa personal ay ni tignan ako'y hindi niya ginagawa. I tried talking to him once pero nilampasan niya lang ako na parang isang hangin. Ibabalik ko lang naman iyong coat niya, eh! Dahil ilang beses na naulit iyon tuwing sinusubukan kong kausapin siya. I asked Yeji to give him his coat back, at least. Nalabhan ko na iyon at pinlantsa ko pa. Tapos lalampas-lampasan niya lang ako tuwing kakausapin ko siya. "Hulaan ko," humalumbaba si Jandra at pinagtaasan ako ng kilay. "Hindi kayo okay ni Mecho?" "Mind reader ba kayo? Ba't ang hilig ni'yong manghula?" "Huh? Sino pa ba?" "Si Yeji!" She chuckled and shook her head. "Natural na mind reader na 'yon. So, ano nga? Nag-away kayo?" "Nagtampo yata siya." "Oh? Bakit? Bago iyan, ah." Wala namang dapat itago roon sa nangyari kaya walang pag-aalinlangan akong nagkwento sa kanya. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng makikinig sa akin. Bukod kasi sa sobrang bothered ako dahil linalampas-lampasan lang ako ni Mecho ay para ring naninikip ang dibdib ko dahil sa konsensya ko. Wala akong sinabing mali. Pero iyong sinabi ko na sa tingin ko'y tama ay masama ang dating sa kanya. At doon nag-ugat iyong sinabi niyang 'iyon ang pinaparamdam' ko sa kanya. "Why don't you just be grateful kasi? I mean, bakit kailangan mo pang magstand up para lang sa babae. It wasn't even a big deal," umpisa ni Jandra. "Seriously. Dapat noong mga oras na iyon ay inisip mo muna ang ikabubuti mo. Like. Nabasa ako, kaya kailangan kong magpalit agad. Siguro kung ako ang nasa posisyon ni Mecho, sisigawan ko rin iyong babae." "Syempre, sanay na akong ganoon ka—" "Exactly! I am normally rude to stupid people and no one can change that. Look. Mecho is a well-known bad boy. Girl, bad boy. The definition is right before your eyes. And that explains why he was so rude towards the girl. Seriously, you don't have to educate him about a person that he is. If he was normally rude, then he can be rude at his own will. Iyon siya, eh. Iyon ang pagkatao niya." She explained. "Kaya ba sinabi niyang akala niya ay tanggap ko siya?" Wala sarili kong sinabi. Ang bigat sa pakiramdam. Nasanay akong si Mecho ang laging nag-iiniatiate ng lahat. Unang nagte-text, tumatawag, kumakausap...and the treatment he's giving me right now is totally the opposite. Parang magboyfriend/girlfriend na naghiwalay. "Maybe Mecho wants you to think outside the box. Not all people believe in the same principle, after all. 'Saka isa pa, uy! Wala raw siyang pakialam sa iba, at kapag ikaw ang napinsala, hindi siyang magdadalawang isip! Oh, saan ka pa? Seriously. Dapat nga, maging thankful ka na lang kasi sa lahat...ikaw lang ang natatanging tinatrato niya ng ganoon. Nako! Mag-sorry ka!" Ngumuso ako. "Paano ako magso-sorry kung hindi niya ako pinapansin?" She immediately snapped her finger. "Alam ko na!" "Iyan ang tono mo kapag may ideya kang hindi maganda," napangiwi ako. "Sumama ka na lang sa beach party naming cheerleading team tapos varsity! Celebration namin iyon para sa pagkapanalo namin." Ngumisi siya. "Ever wondered how hot would Mecho looks like while shirtless?" Ang totoo niyan, Jandra. Nakita ko na. "Bakit mo ako iniimbita? Hindi naman ako cheerleader." "Pwede ngang mag-imbita! Iimbitahan ba kita kung hindi pwede?" She rolled her eyes. "Tiyaka hindot pa naman 'yung iba kong kasama sa cheer leading team, mga may gusto kay Mecho. Baka mamaya may dumamoves sa kanya roon tapos maagawan ka pa!" Napangiwi ako lalo sa kanya. Mas praning pa siya sa akin. Eh gusto ko lang namang makipagbati kay Mecho! Ang dami niya pang sinabi. "Okay. Sasama ako." Jandra was too hyped about the idea. Mukhang mas lalo siyang ginanahang magprepare nang pumayag ako. She even packed some additional clothes for outfits for me! Siraulo talaga. "Hindi naman ako pupunta roon para mag-enjoy. Kailangan ko lang ng chance para makapagsorry kay Mecho." Suway ko sa kanya. "Ano ka ba," hindi siya natinag. Nagpatuloy lamang siya sa paghahanda ng mga gamit ko. Nagulat na lang ako kanina, umaga pa lang ay narito na siya. She also took some new clothes with her para raw in case I have nothing in my closet. "Syempre, might as well enjoy, 'di ba? Tiyaka, kung hindi mo makukuha si Mecho sa pasorry sorry mo at paglapit mo. Siya ang palapitin mo sa'yo." Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. Lapitan nga siya, nahihirapan na ako. Ang palapitin pa kaya si Mecho mismo? "Paano kung hindi na talaga niya ako gustong pansinin?" "Siraulo ka ba. Paanong hindi ka niya papansinin, e baliw na baliw iyon sa'yo." Tumawa siya. "Kahit tanungin mo pa si Yeji at Duval. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang bukambibig niya." Naipangako ko rin sa sarili ko na kapag hindi niya na ulit ako papansinin pa, rerespetuhin ko iyon. At least, I tried to make it up to him. Ilang beses pa, at wala siyang ginawa kun'di ignorahin iyon. This will be my last resort. Bahala na kung ano ang kalalabasan. Saturday when we hit the road. Bus ang sinakyan namin. Bale, dalawang bus ang nagamit. One for the boys, and one for the girls. Habang nasa daan pa kami'y nagsa-sound trip na rin habang sinasabayan nila iyong kanta. My phone beeped when I received a message. It was from Keith. Keith: Take care. Enjoy the beach. Me: Thank you. Ikaw din. Review well! Fighting! Keith was busy. Busy with the council, homeworks, and his review. Doon na nga lang yata umiikot ang buhay niya eh. Pagkakaalam ko, kapag malapit ng magpasko'y malamig na ganoon. Pero nang makarating kami sa beach na sinasabi ni Jandra ay agad humapdi ang balat ko dahil sa sinag ng araw! Agad naman ako insprayhan ni Jandra ng sunblock dahilan upang maibsan iyon. Naunang dumating iyong bus ng mga boys, at kasalukuya na nilang ineenjoy ang view ngayon. Some of us were taking pictures already, at iyong iba nama'y abala sa pagc-cellphone. "I brought my Polaroid camera!" Inilabas ni Jandra ang kanyang Polaroid camera. She took a photo of me and shook the picture to see how nice it looks with the palm trees at the back. Kinunan ko rin siya bilang kapalit. Pagkatapos ay nakita ko na sila Yeji, Duval, Kyle, at Mecho. Kyle is with another teammate and they are currently talking. Si Yeji naman ay naaaliw na kumuha ng litrato gamit ang dalang DSLR. Si Duval at Mecho ay pilit siyang iniistorbo sa ginagawa. Hinintay kong maligaw ang tingin ni Mecho sa gawi namin. Ngunit ni minsa'y hindi niya kami nilingon. Ipinagkibit ko na kang ng balikat iyon. Jandra was right, I should at least enjoy this. It was a quick fix. Magkasama kami ni Jandra sa hotel room. We occupied almost half of the hotel rooms dahil mayroon pang nagsolo at ayaw ng kasama. Namangha ako nang makakita ng balkonahe na kaharap ng dagat! Agad kong in-slide ang French door noon at agad na humaplos ang hangin sa balat ko. Jandra is already preparing to swim. Ako ay hindi pa makapagdecide kung magswi-swimming pa ba. The TV of the hotel room was nice, and the bed was fluffy. Parang ang sarap magmovie marathon! Tumagilid ang ulo ko kay Jandra. She is now digging on my bag, trying to find something for me to wear. "Jandra! Hindi ko pa sure ku—" Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang mayroong lumabas din sa balkonahe ng kabilang kwarto. It was Mecho and he looks ready for swimming already dahil nakasuot na siya ng manipis na puting polo na bukas ang apat na butones, exposing more of his hard toned chest, and a pair of black board shorts. Nagtama ang paningin namin at nakita kong hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Probably expecting that I'd change outfit immediately to swim. He licked his lower lip as the wind took over his hair making it messy. "Wow! Destiny!" Napalingon ako sa kabilang balkonahe at nakita si Duval at Yeji roon. "Sinadya niyo bang talagang dapat magkatabi kayo ng hotel room?" Duval asked. "Iyan na ba ang isusuot mo mamaya, Isha?" Yeji asked, sumulyap siya sa likuran ko kay Mecho. "Okay lang 'yan, Yeji. Maganda pa rin naman si Isha. Pero mas maganda siguro kung magbihis ka..." halatang sinasadya niyang lakasan ang kanyang boses. Nagkatinginan silang dalawa at nagngisian. "Ang ganda talaga ni Isha, 'no?" Yeji continued. Mas malakas na ngayon. "Oo nga, eh. Kung pwede lang sanang ako na lang..." "Shut up, you two!" Parang kulob ang boses ni Mecho. Humagalpak naman ng tawa si Yeji at Duval. Naghype five pa talaga na parang nagwagi sa isang pagtatalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD