___________________Chapter T Nakaantabay kami hanggang sa magising si Mecho. Parang umidlip lang siya sa klase, tapos biglang sinita ng teacher, kaya naman noong nagising siya ay napapiglas pa siya bago umahon, mukhang nagulat kung bakit siya natutulog at nakahilata ngayon. "Where's Mom?" Iyon ang una niyang itinanong. Walang nagsalita sa amin. His eyes brushed through each one of us, walang naglakas ng loob na salubungin ang kanyang mga mata, maging ako. It was as if he is getting a hint. His eyes turned a shade darker, his jaw tightened, and his brows shut up. "Where is Mom? Mahirap bang sagutin 'yan?" Pag-uulit niya. Tanging ang lagitik ng wall clock ang umalingawngaw sa buong kwarto. We did not answet him, and I guess we have no plans on answering him. Kung mayroon mang matapang n

