____________________Chapter U "Pre, tignan mo 'to, oh, chixx sa HUMSS," sabay pakita ni Yeji sa akin ng screen ng kanyang cellphone. "Ano'ng pangalan?" Humikab ako. "Janine Cassandra, pre." Nalukot ang noo ko, ang ganda naman ng pangalan. "Ito ba?" Sabay turo ko roon sa mas malaki ang hinaharap. "Tanga, ito 'yung sinasabi ko, hindi 'yan," turo niya sa kulot na babae. Ah, wala. Mas maganda 'yung isa. Kaso 'di ko matignan 'yung mukha. Laki kasi ng hinaharap, doon ako mas tumingin kaysa sa mukha. Halatang maliit lang 'to, eh. Mga 5'2 ganoon. Nakalugay ang buhok tapos namumula pa nang kaunti ang mukha. Pucha, ang cute. Mukhang inosente. "Iyong isa, sino?" "Ah, si Isha? Crush ni Keith 'yan." Aniya. "Oh?" Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip. Crush siya ng Top 1 namin? Napatawa ako. Da

