Chapter 1

2877 Words
______________________Chapter A Napahawak ako sa ulo ko at napaupo sa kinahihigaan. Amoy pa lang ng paligid, alam ko na agad na nasa clinic ako. Ilang minuto o oras na naman kaya akong nakahila rito? "You're awake." Tumagilid agad ang ulo ko, at sinalubong ako ng pigura ni Keith na nakaupo sa isang upuan sa gilid ko. Nakaekis ang mahahabang mga binti at seryosong nagbabasa ng libro. I blushed upon realizing how good he looks. Sakop na sakop ng kanyang mahahabang mga daliri ang cover ng librong hawak, tapos 'yung mga mata niyang nakatuon lamang sa binabasa ay hindi ko maiwasang punahin. "How are you feeling?" Tanong niyang muli. Damn, is he really talking to me? Stevee Keith Ortiz is our school's Council President. Siya rin ang top student galing sa 12 STEM. Sa pagkakaalam ko ay snob ito at hindi namamansin. Lalo na kapag kakausapin mo lang siya patungkol sa walang kabuluhang bagay. "Ah! Ano, masakit pa ang ulo ko..." pabebe kong sinabi at bumalik sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang ulo. Baka 'pag sinabi kong ayos na ang pakiramdam ko ay bigla niya akong iwan dito. Syempre gusto ko pa siyang makasama ng matagal, 'no. Para akong napaso ako nang maramdam ko ang pagdampi ng kanyang palad sa aking pisngi, damn, his palm is soft. Napadilat ako. "Hindi ka nabagok. Nahimatay ka lang, kaya malabong sumakit iyang ulo mo," he lazily explained. "Ha? Totoo nga na masakit ang ulo ko, K-Keith." I quivered by the feeling of uttering his name. And the thought of him, standing beside me and his skin on mine. Damn. Imagine mo na lang na hinawakan ka ng crush mo. Nanlaki ang nga mata ko nang bigla niyang iniyuko papalapit sa akin ang kanyang mukha. Para akong naduling sa kanya kahit hindi gaanong kalapit ang kanyang mukha sa akin. "Stop it. I have to attend ny classes. Okay ka lang bang maiwan dito?" Iyong mabango niyang hininga ay humaplos sa aking mukha. At iyong mahina ngunit may riin niyang boses ay hinahalina ang aking tainga. "Sinong magbabantay sa akin dito?" Pagsuko ko. A slight hont of hope gushed through me. Sana makonsensya siya kapag iniwan niya ako dito! "You can go now," agap niya. "I settled everything. I sent everyone involved at the DO." "H-ha? Ibig mong sabihin, pina-DO mo sina Mecho?" Gulat kong tanong. He nodded nonchalantly, tunuwid din siya ng pagkakatayo. "Pati iyong best friend mo." "H-Ha?! Bakit?" Napaupo ako sa higaan, umawang ang labi ko sa kanya na nakahalukipkip na ngayon. "I heard she urged you to do a challenge that lead you to that situation. Sa madaling salita, siya ang may pakana ng lahat." "Hala! Wala siyang kasalanan!" "I won't take that. I am the student council here, you don't have a say about this," he sighed and picked his book modestly. Tumuwid siya ng tayo at namulsa. "I'll go now." Nalaglag na lamang ang panga ko nang talikuran niya ako. Pinanuod ko siya hanggang sa maisara niyang muli ang kurtina ng aking kama. Ang nangyari kanina ay hindi maalis sa isipan ko. Bata pa lang ako ay takot na ako sa ipis... hindi lang ipis, basta kahit anong insekto. Kadalasan, kapag sobra-sobra ang nararamdaman kong takot, nahihimatay ako. Itong nangyari ngayon ay hindi ang unang beses, pero unang beses na napagtripan. Biglang kumulo ang dugo ko nang biglang nagpakita sa utak ko ang nakangising mukha ni Mecho. Tuwang-tuwa pa siya kanina gayong mag-iiyak na ako sa takot! I've never been so humiliated out of something so clumsy like that before. Umiiwas kasi ako lagi sa g**o, mainly because my father is a policeman; he might get disappointed and he doesn't quite like it when I get myself into any trouble, at pati na rin siguro sa mas payapang buhay. "Uy, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jandra nang mag-uwian na. "Ayos na. Naipa-DO ka raw?" Nilingon ko siya. "Ano na nama'ng parusa mo?" "Wala. Suspended kaming lahat ng isang araw. Ayos lang 'yon, kasalanan ko rin naman." Hindi naman siya mukhang disappointed ukol doon pero nakonsensya pa rin ako. "Sorry. Tapos na ang interrogation nung nagising ako." Napanguso ako. "Ayos lang. So ano? Kumusta kayo ni Keith?" Inakbayan niya ako bigla. "Mahirap landiin," ngumisi ako nang pilyo. "Mas maganda 'yon! Challenging!" Tumawa siya. "Ano'ng sabi?" "Wala," tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. "First step na iyan, tapos kinabukasan, tignan mo papansinin ka ulit non o 'di kaya magkakaroon ulit kayo ng interaksyon." Janine Cassandra has been my best friend since childhood. Masasabi ko, siguro kung hindi ko siya naging kaibigan, baka naging nerd o dead kid ako sa buong high school life ko. Bukod kasi sa may pagka-socially awkward ako ay hindi rin palakaibigan kahit gustong-gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan. Kinabukasan ay walang nangyari. Asang-asa pa naman ako sa sinabi ni Jandra sa akin na magkakaroon ulit kami ng interaksyon ni Keith. Ni hindi ko nga siya mahagilap sa kahit saang sulok ng eskwelahan, eh! "Sis! Oh my gosh!" Bigla akong kinalabit ng aking back mate na si Ara. Nilingon ko siya at tinaasan ng dalawang kilay. She showed me her phone and there played a video. Nanlaki ang dilat ng mga mata ko sa nakita. What the actual....? "In-upload ng girlfriend ni Mecho," she informed. Tinignan ko si Ara, at nakita kong nagpipigil din siya ng tawa habang tinitignan ang aking hitsura. Malamang tawang-tawa rin siya sa video ko na takot na takot sa ipis! Na ngayo'y nagtre-trending na sa internet! Mas lalong kumulo ang dugo ko. Talagang sinuportahan pa ang kakupalan ng boyfriend! In-upload pa! "Uy, Rivera, ikaw ba talaga 'to?" Tanong pa ng isang kaklase kong lalaki na si Silver habang pinapakita ang video na nakaplay sa kanyang cellphone "Yes, siya 'yan. Crush mo?" Sabat ni Jandra sa gilid ko. Impit na tumawa si Silver sabay hype five sa kanyang kasama. Jandra groaned, "Buti nga siya, nag-trending sa internet. Paano naman kaya 'yung vlogs mong puro pang-jologs na puro 'wassup mga tanga' lang ang content? Ew." "G na g ka, Jandra, ah?" Ngumuso si Silver. Noong araw na iyon, pinagtitinginan ako sa school at tinuturo, pagkatapos ay pagtatawanan. Kulang na nga lang ay i-bully nila ako like; sabuyan ng tubig, batuhin ng crumpled papers gaya ng mga nangyayari sa movies. Pero syempre hindi nangyari 'yon. Wala naman akong magawa para mapawi ang iritang nararamdaman, dahil suspended si Mecho at hindi ko siya magagawang puntahan para mapagbuntunan o maduro sa kanyang kagaguhang taglay. Ni-consider ko na rin iyon na advantage dahil hindi ako maiirita sa pagmumukha niya. Hindi ko nga inakala na darating iyong araw na maiirita akong makita ang isang gwapong pagmumukha. Siguro naging usap-usapan iyon ng isang linggo sa school namin. Halos lahat natatawa sa akin, mayroon pang gumawa ng meme. Noong una ay triggered pa ako, pero kalauna'y wala na sa iyon sa akin. Naisip ko na ring kausapin si Mecho o ang kupal niya ring girlfriend, pero hindi ko na ginawa pa dahil alam kong pareho silang may sayad sa utak. Sumunod na linggo, medyo humupa naman na sa wakas ang katatawanan. Bumalik na ulit sa normal ang buhay ko. At kung maaari'y ayaw ko na ulit makita si Mecho. Naiirita ako. O kahit iyong girlfriend niya....silang dalawa. It was another Friday afternoon after dismissal nang hinintay ko si Jandra na matapos sa kanyang training. Kasali kasi siya sa cheer leading team, at tuwing hapo'y mayroon siyang training. Kasalukuyan siyang nags-stretch nang madatnan ko siya sa gymnasium. Agad ko naman siyang kinawayan nang magtama ang mga paningin namin. Naupo ako sa bleachers at pansamantalang nag-cellphone muna habang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay may tunog ng dini-dribble na bola at yapak papasok ang umalingawngaw sa medyo tahimik na gym. Nagsipasukan ang mga varsity namin at napairap na lamang ako nang una ko pa talagang nakita si Mecho. Kaakbayan niya ang kanyang girlfriend habang naglalakad, pagtapos ay dumiretso ito sa bleacher hindi kalayuan sa akin, at parang tanga nang hiyaw nang hiyaw habang nagte-training sila Mecho. Lumipat ang mga mata ko sa court at nakitang nakabilog sila at nagshu-shoot ng bola. Iyong iba nama'y nags-stretching na. "Go, Mecho!" His girlfriend shamelessly shouted. Napangiwi ako at napairap sa hangin bago ibalik ang atensyon sa aking cellphone. Nang mapagtanto kong hindi na siya tumigil pa sa kakatili ay kinuha ko na lamang ang aking earphones sa bag sabay salampak sa tainga. I sighed and felt peace for a moment. "Ouch." I hissed, hindi ko masabi kung malakas na ba iyon o hindi dahil napatingin din ang ibang varsity sa akin. Biglang may tumamang bola sa ulo ko kaya nama'y nabitawan ko ulit ang cellphone ko. Napahawak pa ako sa aking ulo habang ngumingiwi sa sakit. Ang bigat ng bola ng basketball! Tapos bibirain lang ako sa ulo? Ang sakit! "Uy sorry!" Nagjogging palapit sa akin iyong isang nakasuot ng bandana. Siguro'y siya ang nakabato ng bola sa akin. The worry in his eyes isn't actually hiding. "Ayos lang." Pagak kong sinabi. Pinulot niya ang aking cellphone na nahulog sa sahig, pagtapos inangat ang ulo habang matamis na nakangiti. He offered my phone back at agad ko iyong tinanggap. May bitak na ang screen nito. Awit. "I'm sorry," he sincerely said when he saw the cracks on my screen. "Palitan ko na—" "Huwag na," mataman kong agap. "Ayos pa naman, eh." "Pero nabita—" "Hindi, huwag na," pumeke ako ng ngiti para sa assurance. "Oh, okay," he surrendered. "Anyways, I'm Kyle." "Isha." "I know," he winked. "Matagal na ki—" "Coronado! Ginagawa mo?!" Parang isang kulob ang boses ni Mecho na umalingawngaw sa buong gym. Parehas na dumapo ang tingin namin ni Kyle sa kanya. Matalim siyang nakatingin sa gawi namin habang nagsasalubong na ang makakapal na kilay. "Balik na!" Iritado niyang sinabi kay Kyle at sumulyap sa akin. Sabay inirapan ako. Aba't?! Siya pa talaga ang may ganang umirap sa akin?! The nerve... Nagpatuloy sila sa pagte-training. Nawalan na ako ng ganang mag-cellphone at nagloloko na rin kasi dahil dalawang beses na itong nahulog, idagdag mo pa ang bitak na screen. I wonder if I could ask Papa to buy me a new one? Napanguso ako. Hindi naman kasi kami mayaman. Police si Papa tapos wala na si Mama, matagal na. Iisa lang akong anak, pero nahihiya pa rin akong humingi kay Papa minsan. Syempre, laging gabi ang duty niya, tapos sa umaga bago siya matulog, ipagluluto niya pa ako ng almusal. Ganoon din sa gabi, bago siya umalis. "Ano ba, Coronado?!" Mukhang kanina pa pinapagalitan ni Mecho si Kyle dahil panay ang pagkakamali nito sa training. Napansin ko rin kasi na parang lutang na si Kyle simula nung bumalik siya sa court. Dahil na rin hindi ko gamit ang cellphone ko, nakinuod na lang din ako sa training nila. Lahat ng shoots ni Kyle ay hindi na nakakapasok, tapos lagi pang naaagaw sa kanya ang bola, mukhang hindi nakafocus. Hindi rin maganda ang mood ni Mecho dahil nakasimangot na lang ito buong oras. At panay pa ang bulyaw niya kay Kyle. "Ang tanga, puta!" Tinulak niya si Kyle nang nainis na, inaagaw ang bola. "Umalis ka na nga rito! Naiirita ako sa pagmumukha mo." "Tol, may problema ba tayo? Kanina mo pa 'ko pinag-iinitan ah?" Hindi na rin siguro napigilan ni Kyle ang mairita. Ikaw ba naman sigaw-sigawan. Kung ako iyon ay nairita na rin ako. "Hindi naman porke't ikaw ang team captain, pwede mo na akong ganyan-ganyanin." "Pake ko sa'yo, gago." Tinalikuran siya si Mecho. "Tol—" hinawakan niya sa balikat si Mecho. Biglang ibinato ni Mecho ang bola sa kung saan bago hinarap si Kyle gamit ang nanlilisik na mga mata. Pagtapos ay mabilis niyang pinatakan ng isang malakas na suntok sa mukha ito. "Mecho!" Rinig kong awat ni Yeji. Si Duval naman ay agad siyang nilapitan upang hilahin palayo. Ang ibang players naman ay inawat si Kyle dahil balak pa yata nitong bumawi ng suntok, nanlilisik na rin ang nga mata at nakakuyom na ang dalawang mga kamao. Oh my gosh. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makitang nakawala si Kyle sa kanyang mga kasama, ganoon din si Mecho. Itinulak niya si Duval, at sinalubong si Kyle. "Oh my gosh! Awatin ni'yo!" Hiyaw ng kanyang girlfriend sa gilid na nagpapanic na. Muling natumba si Kyle sa sahig ng court nang muli siyang nasuntok ni Mecho sa mukha. Kyle groaned and arched his body because of the pain, samantalang si Mecho ay pinatungan siya at pinaulanan ng suntok. "Mecho! Stop it!" Yeji tried to stop him, pero nasuntok pa siya ni Mecho kaya napaatras na lamang siya habang hawak-hawak ang kanyang mukha kung saan siya nasuntok. "Mecho! Stop! Dude!" Duval shouted as he push Mecho away from Kyle. Nang maitulak nila palayo si Mecho at natumba ito paatras ay inilayo na nila si Kyle doon. Yeji and Duval went with Mecho, locking their arms on his para hindi na makawala pa. Si Kyle ay akay-akay na ng iba pang mga varsity. Nang tumingin ako sa gawi ni Mecho ay nakadalo na sa kanya ang girlfriend habang hinahaplos ang pisngi nito. Siguro tinatanong kung ayos lang ba siya o kung nasaktan. Biglang nagtama ang mga mata namin. Iiwas na sana ako dahil para niya na akong kakatayin sa kanyang mga tingin...umiigting na rin ang kanyang panga na parang may mga nais siyang sabihin ngunit hindi niya masabi. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin na parang walang pakialam. Maging ang cheerleading team ay naantala na sa pagte-training dahil sa nangyari. Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan na ang mga Student Council. Kasama si Keith. Mabilis nilang inimbitahan si Mecho sa DO, at pagkatapos ay lumabas na sila sa gymnasium. Napahawak ako bigla sa puso ko. Ngayon ko lang napansin nahulog ko nga pala ulit ang cellphone ko. Bwisit naman. Nang subukan ko iyong buksan ay hindi ko na mabuksan pa. Talagang nasira na ng tuluyan. "Miss Rivera, sumunod ka sa Disciplinary Office." Napatingin ako kay Keith nang tawagin niya ako, tinuro ko pa ang sarili. "H-Ha? Ba't ako?" "You'll serve as a witness. I'm sure hindi ka biased. Maaasahan ko bang sasabihin mo ang totoo?" Nagtaas siya ng kilay. Tumibok ang puso ko. Damn. Kahit mukhang suplado ay parang iyon pa ang naging dahilan kung bakit mas lalong lumalakas ang kanyang karisma. "O-oo naman!" Tahimik lang kaming dalawa ni Keith habang naglalakad patungong DO. Malamang ay nasa clinic na ngayon si Kyle, o baka nga itinakbo na sa hospital. Grabe iyong natamo niya. Pinaulanan pa siya ng suntok ni Mecho kanina, samantalang si Mecho ay kaunting sugat sa gilid ng labi lang ang natamo. "Mr. Olivarez! Ikaw na naman!" Umpisa ng aming DO. She looked not surprised at all for Mecho's presence but the disappointment is written all over her face. "Parang noong isang linggo lamang ay naipa-clinic si Ms. Rivera nang dahil sa'yo. Tapos ngayon may panibagong kaso ka na naman?!" "Mrs. Nishida, maybe we can talk this out. Please don't call his pare—" mag-eexplain pa sana si Yeji nang pinutol siya ni Mrs. Nishida. "Tumahimik ka riyan, Encinas! Hindi kita kinakausap!" Mariin na sinabi ni Mrs. Nishida, bumaling siya kay Mecho na nakabusangot pa rin habang inaalu ng kanyang girlfriend. "Wala ka na ba talagang mainam na gawain, ha, Mr. Olivarez? Ikaw na lang ang laging nare-report dito, eh." "Eh, nakakainis siya, eh," iritadong paliwanag ni Mecho. Muling nagtama ang mga mata namin ni Mecho. Matalim niya akong tinignan kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Babe! Sorry na, sinabi ko naman 'di ba? Hindi ako nakatingin sa kanya, kanina? Promise!" Parang nagpalpitate ang kilay ko nang marinig ang sinabi ng girlfriend niya. "Nagkatinginan lang naman kami ng kaunti, babe, eh. Sorry na." Kaya ba siya nagagalit kay Kyle dahil doon? Dahil nagkatinginan sila ng girlfriend niya? "Shut up," tinabig ni Mecho ang kamay ng kanyang girlfriend. "Mrs. Nishida, I brought a witness for what happened. Maaari niyang masabi ang tunay na pangyayari nang walang kinakampihan." Lumipat ang tingin ni Mrs. Nishida sa akin, she drummed her fingers on the table. "Oh, Ms. Rivera!" "Hi, Ma'am." I awkwardly said, lumipad ang mga mata ko kay Mecho at nakitang mariin niya akong pinapanuod. Bakit ba mukhang galit na galit ito sa akin? Dapat nga, ako ang magalit dahil siya ang may kasalanan sa akin! Ngumuso ako at inismiran siya. "Sino ba ang nauna, Miss Rivera?" Lumipat ang tingin ko kay Mrs. Nishida. "Uhh, ano po, ehhh..." Tumikhik si Mecho kaya napatingin ako sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay, ngunit nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata. "Ano po, ma'am..si ano po kasi." "Isha," tawag ni Keith sa akin, inaagaw ang atensyon ko. "Tell us the truth." I see no reason to lie, though. "Si M-Mecho po ang unang nanuntok," pagtapos kong sabihin iyon ay muling nagtama ang tingin namin ni Mecho. Ngayon ay hindi na nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Parang... disappointed na. "Ako ang nag-umpisa," pairap siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Umigting ang kanyang magkabilang panga. "Ano? Ieexpel ni'yo na 'ko? What are you waiting for? Do it immediately." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at nagmartsa palabas. Napakagat ako ng labi habang napapayuko. His girlfriend is already glaring at me. Why do I feel guilty so suddenly?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD