Chapter 2

2777 Words
____________________Chapter B Noong mga sumunod na linggo, hindi ko na nakitang pumasok pa si Mecho. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko na rin naman inalam. Pero dahil nagkaroon ako ng madaldal na kaibigan, nalalaman ko pa rin ang mga bagay-bagay na hindi ko naman ninanais na malaman. "Mecho's parents contacted the school owner kaya hindi siya mae-expel," umpisa ni Jandra. Kyle recovered, but he was unconscious for quite some time before regaining consciousness. Usap-usapan kasi sa school iyon, at kahit medyo matagal-tagal na ay hindi pa rin humuhupa. I feel bad for Kyle, though. Kumusta na kaya siya? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya pumapasok. Baka kailangan niya pa ng karagdagang pahinga? Or his doctor prohibits him to? About his parents, I didn't choose to know anymore. Obvious naman na siguro kung ano ang reaksyon nila. Basag ang mukha ni Kyle, ano na lang ang iisipin nila 'di ba? Alangang ikatuwa pa nila iyon. "Come on, Isha. Sa 12 STEM naman tayo." Wika ni Diana sa akin, ang President ng club ko, Social Sciences. Ako ang Vice President at kasalukuyan kaming nagru-room to room dahil freshly elected lamang kaming mga officers. We are going to introduce ourselves, like the usual. "Huwag kang mag-alala, wala yata si Keith doon ngayon dahil may inaasikaso silang mga SC." Ngumiti si Diana sa akin. Kung paano niya nalaman na crush ko si Keith, ay hindi ko na alam. "Okay lang naman," ngumuso ako. Though, I am a little disappointed to hear Keith will not going to be there. Nakakapanlumo. "Sus! Eh, ba't mukhang disappointed ka?" Tumawa siya. "Ano? Crush mo si Keith?" Usisa ng Secretary naming si Jillian. "Lahat naman ng babae rito crush siya!" Pagdadahilan ko na lamang, namumula pa ang pisngi. "Hoy, hindi naman!" Reklamo ng isa pa, Grade 11 siguro. "Ako nga si Mecho ang crush ko," hagikgik pa noong isa pa. Umiling-iling na lamang ako sa kanila. Nang makapasok kami sa classroom ng STEM 12 ay kasalukuyan silang nagkaklase sa PR II. Nagpa-excuse na lamang kami para makapagpakilala na. Kahit alam kong wala si Keith, luminga-linga pa rin ako sa paligid at tumigil ang tingin ko sa gawi ng nakadukdok na estudyante sa likod. Katabi siya ni Yeji na tuwid na nakaupo. Duval is in front mukhang lumipat lang ng upuan dahil doon ang ka-grupo, nang magtama ang mga paningin namin ay agad siyang lumingon sa likod, naabutan ko naman si Yeji na sinisiko na ang nakadukdok. Nang umangat ang ulo niyon ay napakagat na lamang ako sa aking labi. It's Mecho in his sleepy face. Namumungay pa ang mga mata. His red lips were currently protruding when Yeji pointed in front na sinundan niya naman ng tingin. Nang magtama ang mga paningin namin ay umayos siya ng upo at humikab. Humalukipkip pa siya at pakayang na naupo sa kanyang silya. Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Akala ko naman hindi siya pumasok. Kailan pa kaya siya nag-umpisang pumasok ulit? "Hi! We are the Social Sciences Club and we are here to...." Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ni Diana dahil lumilipad bigla ang utak ko. Or talagang busy lang ako sa pakikipag-iwasan ng tingin kay Mecho? Ay ewan. Hanggang ngayon kasi, ramdam ko pa ring nakatitig siya sa akin. Is he mad at me? Naaalibadbaran ba siya sa presensya ko dahil sa pagsasabi ko ng totoo kay Mrs. Nishida? E, 'yun naman ang dapat, 'di ba? 'Saka na lamang ako nagising sa reyalidad ng siniko ako ni Jillian. "Ikaw na." Bulong niya. "s**t, bakit nakatitig si Mecho sa'yo? Naiinggit tuloy ako." Pasimple ko siyang siniko pabalik, ngunit nakangiti pa rin. "Naduduling lang 'yan kaya nakatitig." Humarap ako sa klase habang nakangiti. "Hi! I'm Hebe Enisha Rivera, and I am the Vice President of the Social Sciences club. I'm so grateful for those students here who voted for me who chose to entrust me with this position. I won't disappoint you." May iilang hiyawang narinig, at ang iba'y pumalakpak. Hindi ko alam kung bakit biglang nagsitinginan ang buong klase kay Mecho. He is smirking right now, like he is hiding a smile inside his lips. His mischievous eyes sparked a hint of something I cannot read when our eyes met again. Akala mo may binabalak, na ewan. Nang matapos mag-introduce ang lahat, ay oras na para sa hinanda naming maikling performance. Nang maalala ko ang gagawin namin ay nag-init ang pisngi ko. Parang bigla akong nahiya dahil alam kong may pares ng madidilim na mata ang nakamasid sa akin. "Lick up, the spatula~" Halos hindi ako kumportable sa lahat ng galaw ko. At talagang para akong poste dahil hindi ko maigalaw nang maayos ang aking katawan. Nakarinig ako ng tawanan sa kung saan ngunit hindi ko na lamang pinansin at umalon na lamang sa mga pangyayari. Saglit lang iyon, pero pakiramdam ko ang tagal dahil na rin siguro sa nerbyos. This was a famous t****k dance, cute ang theme nito at ang steps ay ganoon din. "Do you have any questions, before we leave?" Diana asked. Walang nagtaas ng kamay, maliban kay Mecho na halos tumayo na sa pagtataas ng kanyang mahabang braso. "Oh! Mecho! Ano'ng gusto mong itanong?" Diana asked, smiling ear to ear. At talagang nagba-blush pa ang gaga. "Single ba 'yang Vice President ni'yo?" May narinig agad akong paimpit na tili sabay hampas sa akin ni Jillian sa braso. "Aray!" I hissed at her, sinamaan ko siya ng tingin. "Single siya. Bakit?" Nakangising tanong ni Diana. "Irereto ko sana siya sa aso ko." Ngumisi siya nang nakakaasar. Sumimangot ako at nangati ang kamay dahil gusto kong manapak bigla. Kung hindi ko lang dala-dala ang imahe ng club namin ay nilapitan ko na siya at binalatan ng buhay. Again, a loud set of laughter filled the whole classroom. Humagalpak din si Mecho sa kanyang upuan, ni wala man lang pake kahit sinasaksak ko na siya ng tingin. Bwisit! What would I expect with this man anyways? He's a notorious mischievous bad boy. Bakit ba ako nadi-disappoint? Malamang ay bumabawi lang iyan sa akin dahil sa ginawa kong pambubuking sa kanya kay Mrs. Nishida laat time. This is one of the reasons why I hate meeting people like him nor doing something against some particular people. Mga taong hindi ka titigilan hangga't hindi ka nila nababawian. "Ano?!" Bulyaw ni Jandra nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari. Umirap ako. "Napahiya na naman ako." "Bwisit talaga iyong bully na 'yon!" Iritadong sinabi ni Jandra. "Reto sa aso? Amputa!" "Hayaan mo na," ngumuso ako kahit nararamdaman ko pa rin ang agos ng disappointment sa aking sistema. "Ano'ng hayaan ka riyan? Noong una, pinalampas mo siya, tapos ngayon papalampasin mo ulit? Aba mamumuro iyan! Magiging paborito ka niyang biktima!" "You're over thinking. Wala naman na akong balak pang kasalubungin siya ng landas, 'no," nakasimangot kong sinabi. Who would, right? "Malay mo, siya ang mag-insist na salubungin ka," may pag-aakusa sa boses niya. "At bakit naman? Wala naman siyang dahilan." "Ano'ng wala? Malay mo gusto lang niyang magpapansin sa'yo dahil malaki 'yang hinaharap mo." Tumawa siya nang malakas. Hinampas ko siya kaagad sa braso. My face heated because of her bluntness! Hindi ko alam kung saan siya nanggagaling. "Bakit?" Natatawa niyang sinabi. "Kaya siguro nilapitan ka ni Kyle noon, kasi nalalakihan din siya sa hinaharap mo." "Jandra!" Suway ko. Pinisil-pisil niya pa ang sarili boobs. Agaran akong napalinga-linga sa paligid para tignan kung mayroon bang nakatingin sa amin. Damn! For Pete's sake nasa gilid kami ng kalye tapos gagawin niya iyon? "Buti ka nga malaki. Eh ako, wala. Bwisit." "Jandra, stop it! Nakakahiya ka." Tinabig ko iyong kamay niya. Nakanguso naman siyang bumaling sa akin. "Napagod ako sa training, eh. Tara kain ng kwek kwek." "Libre mo?" Ngumisi ako. She rolled her eyes nonchalantly. "Lagi ko namang libre, eh! Tara!" Natatawa akong nagpatianod sa kanya. Hindi gaya ng estado ko sa buhay, isang spoiled brat itong si Jandra. She is rude and blunt that's why most of the people she meet have the same set of first impression towards her. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin ako kaagad habang nakasakay sa aking bike. I ride my bicycle every day going to school and going home from school. Grade 7 pa lang ako, ito na ang nakagawian. Biglang uminit ang pisngi ko nang may maalala. “Single ba 'yang Vice President ni'yo?” Napangiti ako sa sarili ngunit napasimangot din nang maalala kung ano ang sunod niyang sinabi. “Irereto ko sana sa aso ko.” Napasimangot ako lalo. Nakaka-bwisit talaga kahit kailan 'yung Mecho na 'yon. Porke nasa kanya na lahat; yaman, hitsura, karisma, pero yung ugali pang-basura! Daig pa skwater! Akala niya siguro pinapalampas ko siya dahil lang gwapo siya at mayaman? Isa pa talaga at hindi na ako magdadalawang isip pang sapakin siya. Ngunit bigla ko na lamang naalala ang nangyari kay Kyle. Bigla akong natakot. Joke lang pala. Mukha pa namang madali lang uminit ang ulo noon. Hindi tipikal na bad boy. Pagkakaalam ko sa mga bad boy, dugyutin, eh. Pero itong si Mecho, ang bango na ewan! Huli na nang mapagtanto kong may makakasalubong pala akong itim na kotse at bago pa man ako maka-preno ay mabunggo ko na. Lumipad sa ere ang iilang gamit ko at natumba ako kasama ang aking bisekleta. Ramdam ko agad ang sakit sa aking pang-upo na agad kumalat sa buong katawan ko. "Ouch," impit kong sinabi at napahawak pa sa aking pwet dahil mukhang iyon ang napuruhan. "Miss! Miss! Ayos ka lang ba?!" Lumabas iyong driver ng kotse na nakauniporme pa. "Mukha ba akong ayos?" Pamimilosopo ko. "Naku! Pasensya ka na miss," aniya pa at tinulungan akong makatayo. "Pasensya na talaga." Nang makatayo ay bumaba agad ang tingin ko sa aking bisekleta na mukhang nasira na. Bwisit na buhay. Una, ang cellphone ko, tapos ngayon, bisikleta naman?! Baka sumunod nang masira ang buhay no niyan?! "Ayos ka lang ba miss?" Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang isa namang kulay puting kotse ang tumigil. At lumabas doon si Mecho, na mukhang alalang- alala. Pagtataka agad ang pumalit sa nakangiwi kong mukha. At bakit siya nandito? "Ano'ng nangyari?" Parang kulob ang boses niya. "Sorry, ser, hindi ko kasi namalaya—" "Binangga mo ba siya?" May pag-aakusa sa boses ni Mecho nang tumingin siya sa driver. "May mata ka naman! Ba't mo binangga? Kung 'di ka marunong gumamit niyan, tanggalin mo na lang!" "S-sorry—" "Gusto mo bang makulong? Ha? Tignan mo, oh, may sugat!" Hinila ako ni Mecho papalapit sa kanya, upang mailayo sa driver na ngayon ay nagmumukha ng kawawa. Hala! Ayan na naman, nagi-guilty na naman ako kahit ako na ang nasiraan. Hindi naman nagasgasan o ano iyong kotse niya, eh. Ang napuruhan talaga ay iyong bisikleta ko. "Sorry ho talaga, miss. Tutulungan na lang kitang ipagawa iyang bisekleta mo." "Hindi na po, nako," wika ko at winaklit ang brasong hawak ni Mecho. Inismiran ko siya. "Okay lang po." "Anong okay? Walang okay!" Tutol ni Mecho. "Kuya Renzo, what's wrong?" Mayroon pang isang lumabas sa kotse na nakabangga sa akin at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita si Keith na nagtatanggal ng earphones sa tainga. Nalaglag ang panga ko at pinanuod siyang mahinhin na isinara iyong pintuan ng kotse. "May nabangga k-kasi s-ser Keith." Bumaba ang mapupungay na mga mata ni Keith sa aking nayuping bisikleta. Napakagat ako ng labi. Imbes na iyong bisikleta ko ang problemahin ko ay mas binibigyan ko pa ng pansin si Keith. Nandito siya.... "Are you okay, Isha?" Bumaba ang tingin ni Keith sa hita ko. Sumunod ang mga mata ko sa kung ano'ng tinitignan niya. "May gasgas ka." Shit. Hindi ko namalayan. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa kanang braso at nang tignan ko ay mayroon ding gasgas. Beads of blood were also forming. "I'll take you to the hospital." Keith said. Pinulot niya ang palapulsuhan ko at hihigitin na sana ngunit mabilis ang kamay ni Mecho dahil nakuha niya ang kabila. Dahilan upang mahigit ako pabalik. "I can take her to the hospital," seryosong sinabi ni Mecho. Nag-igting ang panga ni Keith, ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking pulso. "She is my responsibility because it's my car who bumped with her," pinantayan ni Keith ang tensyon pero sa kalmadong paraan. Mas hinigit ako ni Mecho. "You leave her to me. Ipagawa mo na lang iyong bisikleta dahil nasira." "Why would I listen to you?" Keith nonchalantly said. "This is not your business to start with." "It IS my business," mariin na sinabi ni Mecho. "Back off." "Why? I see nothing that concerns you here," matamang wika ni Keith. "You can't see anything? E'di wala kang mata," mukhang napikon na si Mecho. "Ano ba!" Pareho kong iwinaklit ang kanilang mga kamay, dahilan upang matanggal ang pagkakahawak nilang dalawa sa akin. "Ako na lang ang magpapagamot mag-isa! Paki-ayos na lang ang bisikleta ko!" Nagwalk-out ko pagtapos pulutin ang iilang mga gamit na nahulog kanina. Nakasimangot ako at parang batang nagtatampo sa kanyang ina habang ginagawa iyon. Pareho naman silang natahimik. Mas lalo lamang akong nainis nang mapagtantong nagpapataasan sila ng pride! Whatever it is, wala akong makitang ibang dahilan. Are they rivals or something? They sounded like one! Dinamay pa ako. "Isha, hey, slow down, please.." Napalingon ako sa likuran at nakitang nakasunod ang dalawa sa akin. Nakapamulsa si Keith at kalmadong nakasunod, samantalang si Mecho ay nakahalukipkip, nagdidilim na naman ang mukha. Mukhang hindi pa rin siya nakakarecover sa pagkabadtrip niya sa sagutan nila ni Keith. "Huwag ni'yo nga akong sundan! Kaya kong gamutin ang sarili ko!" "Ang arte mo naman, ikaw na nga ang tinutulungan." I heard Mecho murmured. "E'di huwag kang tumulong! Sino bang nagsabing tulungan mo 'ko?!" Iritado ko siyang binalingan. "Huwag mo 'kong susungitan, diyan. Hindi ka maganda!" Ani Mecho ulit. "Would you two please stop shouting at each other? It's pretty disturbing." Sabat ni Keith bigla. Tumalikod ako at mas binilisan pang maglakad sa mabibigat na padyak. Kung may cellphone lang sana ako, eh. E'di sana nagpasundo na lang ako kay Papa! "Isha," rinig kong tawag ni Keith. "There is a local infirmary ahead. We should stop by." "Hindi na. Sa bahay ko na lang ito gagamutin." Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong may humawak sa pulso ko. "Don't be stubborn, come on." He softly said. "DoN'T bE stUbBoRn, cOmE oN." Pamimilosopo ni Mecho sa gilid. I glared at him, and he only smirked at me like he just won an argument against me. Nang makarating na kami sa local infirmary ay agad ako in-attendan ng first aid. Samantalang si Mecho at Keith ay nakaupo sa harapan ko. Naglalaro sa phone si Mecho, samantalang si Keith ay nakapikit habang nakikinig ng music sa kanyang earphones. "Ay, pucha bobo ng kakampi!" I glared at Mecho when I heard him cuss while playing. Bwisit talaga. Nakakahiya tuloy sa nurse na gumagamot sa akin, bahagya pa siyang napalingon nang marinig si Mecho. "Ang tanga mo! Pasalamat ka 'di kita nakikita kun'di babasagin ko mukha mo!" Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kanya. He was so nonchalant and furious aboyt what he is playing. Mobile Legends yata ang nilalaro. "Oh ba't ka nakatingin? Naga-gwapuhan ka sa 'kin?" Nagtaas siya ng kilay. "Kapal ng mukha mo." Iritado kong depensa at umirap. "Pero gwapo ako? Sa tingin mo?" Pangungulit niya pa. "Hindi." "Ouch," ma-drama niyang hinawakan ang dibdib at 'saka umaktong nasaktan. "Arsonist ka ba?" Natawa ako sa ginawa niya. Nang makita niya ang reaksyon ko ay agad siyang ngumisi at umayos ng upo. Namungay ang kanyang nga mata at lumambot ang kanyang mukha. "How about now? Gwapo ba ako?" He winked at me, parang mayroong nakakakiliting kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Para rin akong iniwan ng kaluluwa. "Ewan ko sa'yo," kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang nagbabadyang ngiti. "Sino'ng mas gwapo sa amin?" Turo niya kay Keith na mukhang walang pakialam. Ewan ko. May kanya-kanya naman silang version ng hitsura. Si Keith ay malakas ang dating dahil angelic ang features niya. Si Mecho nama'y malakas ang dating dahil fierce at matapang ang aura niya....idagdag mo pa iyong ngisi niyang kahit may binabalak ay nakakahulog ng loob. Sa ugali, lamang si Keith dahil seryoso siya at sophisticated. Pero...kung iisipin, ngayon pa lang na bad boy si Mecho ay malakas na ang dating, paano pa kaya 'pag tumino na siya? "Oh ba't ka ngumingiti? Crush mo na ako? Sige na." Ngumisi si Mecho sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na napigilan pang pakawalan ang kanina ko pa pinipigilang ilabas na ngiti. Sobrang lapad noon kaya nahiya ako biglang tumingin sa gawi ni Mecho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD