Eighteen

2169 Words
LIGHT'S POV "Boyfriend stealer!" Sigaw ni Patricia sakin. Wala akong time sa kalokohan niya. Tinalikuran ko na siya pero kaagad kong naramdaman na may humila sa buhok ko. "Ibalik mo sa akin si Dark!!" Nagsimula nang umapoy ang buong katawan ko. It's my adrenaline rush. Sigurado akong napapaso na siya pero matigas siya, ayaw niyang bitawan ang buhok ko! "Bitawan. Mo. Ako." Utos ko. "Limang segundo. Bibitawan mo ako o hindi? I swear to hell, susunugin kita!!" At lalong nagliyab ang apoy sa katawan ko. "Ouch! b***h!" Nabitawan niya ang buhok ko. Hinarap ko naman siya. "Sand blow!" At naramdaman ko ang buhangin na tumama sa mukha ko. Napapikit ako at naramdaman ko pa ang matigas na bagay sa ulunan ko. Shit 'tong Patricia na 'to! Pagmulat ko ng mga mata ko, pinapalibutan na ako ng buhangin! "Fire Dragon!" Biglang lumabas sa bibig ko. Di ko nga alam kung saan galing ang mga atake ko eh. Biglang may dragon na lumabas sa akin at binugahan ng apoy ang mga buhangin na patuloy sa pag-ikot sa akin. Nawala ang mga ito kaya malinaw ko nang nakita ang reaksiyon ni Patricia na gulat na gulat. NAPANGISI AKO SA TUWA. "FIRE!!" "AAAAAAH!" At natumba na siya sa buhangin sa sobrang lakas ng apoy ng dragon ko. Hindi nakayanan ng shield niya ito. Amazing. Pinitik ko ang mga daliri ko at bigla na lang nawala ang dragon ko. "Ngayon, binibigyan ulit kita ng limang segundo para tumakas." Lumapit ako sa kinahihigaan niya. May kulay itim na siya sa pisngi niya na halatang nadampian ng apoy. Umupo siya at tinignan ako ng masama. "Isa." Ngumiti ako. "Dalawa." Nanatili siyang nakaupo. "Tatlo." Lalong sumama ang tingin niya. "Apat." Napangiti ako ng malapad. "Lima." Oh, sweety. Nagkamali ka ng binangga. Sorry na lang sa'yo. Itinaas ko ang kanang kamay ko at binigyan siya ng malakas na sampal. "What the hell?" "Warning pa lang 'yun." Naglabas ako ng apoy, "Ito, totoo na," Akmang ihahagis ko na ang apoy nang sumigaw siya. "STOP!!" Takot na takot siya. Ngumiti ako ng nakakaloko at pinatay ang apoy. Hindi ko naman talaga siya papatamaan eh. "Edi takbo na," I rolled my eyes at her. Nagtatakbo naman na siya palayo. Tawa lang ako ng tawa. Epic eh. *** Pumasok ako ng classroom. "Cr lang? Eh bakit ganyan pa din ang itsura mo?" Si Red. "Pangit ba ko?" Tanong ko. "Of course not," Mabilis na sagot ni Dark at lumapit sa akin. Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, "Madungis at magulo man ang buhok mo, maganda ka pa din," Ibinulong niya. Hinampas ko nga sa braso niya. Ang korni eh. "Ano bang nangyari sa'yo?" Napasama tuloy ang tingin ko sa kanya, "Kasalanan mo!!" Piningot ko ang tenga niya at hinila siya paupo. "Halika dito! Mag-usap tayo tungkol sa Patricia na 'yun!" "Aray! Sinong Patricia?" "'Yung girlfriend mo ata!" I gritted my teeth sa inis, "Tinawag ba naman akong boyfriend stealer!" "What? Sino ba 'yun? I'm gonna kill her, I swear!" Binitawan ko siya at hindi na lang kumibo. Bakit ba ako naiinis? Eh wala naman akong karapatang magselos! "Nagseselos ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko. Kahit na nag-aminan na kami, hindi ako sanay sa ganito. Hindi pa naman kami eh. Hindi pa siya nanliligaw. o(╯□╰)o "What? Mukha mo!" Inirapan ko siya. "Normal lang sa girlfriend ang magselos." He smirked. "HOY! I'm not your girlfriend!" "What? But you said--" Pinutol ko na ang sasabihin niya. So all this time, akala niya, kami na? Mukha niya!! "NO WAY!!" "At dine-deny mo na ngayon?" Inis na tanong niya. Nagtitigan kami. May mga kuryenteng lumalabas sa mga mata namin. ~(*+﹏+*)~ "Court her first, dude." Si Nat at tinap ang balikat ni Dark. Napangunot ang noo ni Dark. "Ganun ba 'yun?" I rolled my eyes. Habang 'yung tatlo, tawa ng tawa doon. Tsk tsk. Di marunong manligaw! *** "Light, magbihis ka." "Kuya, bakit?" Ngumiti lang siya sakin. Magandang balita ba ang naghihintay sakin? Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis na. Simpleng dress lang naman at flat shoes. "Saan tayo pupunta?" "Secret." Ngumiti si Kuya Rocky at inakbayan ako, "Tara na." Paglabas namin ng bahay, may nakaabang na kotse. Kaagad na napatakbo ako doon. "Regalo mo sakin?" Niyakap yakap ko iyon at pinaghahalikan. Narinig ko naman ang panira niyang tawa na sobrang lakas, "Grabe, inisip mo talaga iyon?" Kunot noong tumingin ako sa kanya, "Haaa?" "Sa tabing bahay 'yan. Bagong lipat." Pahiya ako doon, ah. ╯︿╰ Kaagad na bumitaw ako pero nagulat ako nang biglang bumukas 'yung bintana at tumambad sa akin ang lalaking pinaka-gwapo sa lahat. "D-Dark?" Ngumiti siya sakin. "LIGHT!!" Napatingin ako sa loob at kita kong nakasilip si Jelo at Ytan mula sa likuran. Ngiti lang ang isinagot ko at kumaway kaway. Pero teka, anong ginagawa nila dito at ang magandang kotse? "Lumipat pala kami dito," Nahihiyang sambit niya. "Para bantayan ka daw, Light," Singit naman ni Ytan. "Tumahimik ka nga!" Inis na suway naman ni Dark dito. "Light! Ano pang ginagawa mo dyan?" Sigaw ng napaka-bait kong Kuya. "Ah, sige. May lakad ako eh," Pagpapaalam ko. "Kita na lang tayo later. Bye!!" Bumalik ako kay Kuya at medyo natatawa pa din siya sa kahihiyan ko kanina. "Grabe, hindi ka man lang nahiya doon sa may-ari," Hindi ko siya pinansin. "Umalis na nga lang tayo!" *** "Ang layo naman ata?" "Di. Dito na." Bumaba kami ng taxi at nagbayad naman siya. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang restaurant. Wow, ha. Manlilibre ba si Kuya? First time 'yun! Mabilis na pumasok kami. "May reserve seat po kayo, Sir?" Hindi sumagot si Kuya. Taray. Diretso lang kami sa isang table. At doon ko nakita si mom at dad. Nagmadali akong lumapit at nakipag-beso sa kanila. At dahil may tao silang kausap, naging pormal ako. "I missed you both," Bulong ko. Ngumiti naman sila sakin at pinaupo sa tabi nila kasama si Kuya Rocky. Nandito kami ngayon sa isang mahabang table. Inangat ko ang ulo ko para tignan ang iba pa naming kasama. Isang babaeng may edad na. Parang medyo matanda lang kay mom at dad. Nakangiti siya at nararamdaman kong hindi ko siya gusto. Tsk. Para kasing may gagawin siyang hindi maganda. Ang peke ng mga ngiti niya! Oh, napaka-judgemental mo, Light. Tumigil ka ha! Aish. Para lang akong baliw na kumakausap sa sarili. "Parating na daw ang anak ko. May inaayos lang siya." Malumanay na wika 'nung babae. "Ayos lang, Mrs.Wrecker." Nakangiting sagot ni Mom, "Hindi naman kami nagmamadali." Ngumiti si Mrs.Wrecker. Ngiting walang maidudulot na maganda. "Hindi, Mrs.Ariano. Hindi magandang paghintayin ang napaka-gandang dilag sa tabi mo," Sabay tingin nito sakin. Ngumiti lang ako ng pilit. "Hayaan ninyo at pagsasabihan ko siya." "Mum!" Nabaling ang atensyon namin sa isang lalaking tumatakbo papalapit sa amin. Napatayo ako sa gulat. Kilala ko siya! "Sorry I'm late. Inayos ko pa kasi 'yung apartment na nilipatan ko kanina lang." "Any problem?" Bulong sakin ni mom. Umiling lang ako at bumalik sa pagkakaupo. "It's okay, son. But next time, h'wag ka nang magpa-late ha. Lalo na't magandang dilag ang naghihintay sa'yo." Tumingin sakin 'yung lalaki at kumislap ang mga mata niya. Ilang sandali pa, dumating na din ang isa pang lalaki. Sobrang namilog ang mga mata ko. "Mum! Nicolo! Kanina pa ba kayo?" Napatingin siya sakin at nanlaki ang mga mata niya. Anong ginagawa ni Red dito? At ni Nicolo? Yes, 'yung nakalaban nga ni Dark 'yun! Pero bakit ganun? Pareho nilang tinawag na mum si Mrs.Wrecker. "Oh, Red." Ngumiti si Mrs.Wrecker sakin, "Hindi ko alam na dalawa silang pupunta." "Ayos lang!" Sabi naman ni mommy. "Ang gu-gwapo naman pala ng mga anak mo." "Ganoon talaga. Mana sa akin eh," Natutuwang wika nito. Nagtawanan sila habang ako, nanatiling tahimik at nakatingin lang sa dalawang lalaking kaharapan ko. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nila dito. Naramdaman ko na lang ang phone ko na nagv-vibrate na nakapagbalik sa akin sa reyalidad. Nakita kong tumatawag si Dark. "Excuse po," Paalam ko at tumayo na ako. Nagpunta ako sa cr at humarap sa salamin. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag. (Ba't antagal mo sumagot?) Bakas sa boses nito ang pagka-irita. "Wala kang pakialam." Inis na sagot ko. (Nasaan ka?) "Tsk. Kasama ko ang pamilya ko." (Baka puwede akong pumunta?) "Utot! Uuwi na din kami." (Okay. I'll wait. Bye.) "Bye." (May nakalimutan ka.) "Ano na naman?" (Kiss.) Namula ako doon, I swear. "Sira!" (*chuckles* I love you.) "Che!!" Ibinaba ko ang tawag at pagtingin ko sa salamin, ngiting ngiti pala ako. Wtf!! Lumabas na ako ng cr at nagulat ako nang inaabangan pala ako ng dalawa. "H-Hey." Nakita kong nakatitig lang sila sa akin. Kaya naman nilagpasan ko sila, pero hinawakan nila kaagad ang magkabilang braso ko. "Kailangan nating mag-usap." Seryosong sabi ni Red. At kinaladkad nila akong dalawa sa table namin kanina. "N-Nasaan sila?!" "Nauna na sila. Kami na daw ang bahala sa'yo." Ngumisi si Nicolo kaya inirapan ko siya. Tsk!! "Nicolo, um-order ka ng drinks." Utos ni Red kay Nicolo. Tapos tumingin siya sakin, "Ikaw...itikom mo 'yang bibig mo." "Aba!! Kailan ba ako nag-ingay?" Inis na tanong ko. Lakas makautos. Patayin ko 'to eh. Ibang Red talaga ang nakikita ko ngayon kaya naiirita ako. "Aish! Light, I'll explain everything. Kaya sana lang, h'wag mong babanggitin kay Dark ang tungkol dito." Hindi ako sumagot. Hindi ko maipapangako ang ganun. "Light, Nicolo is my half brother. Sa mundo namin, uso ang maraming asawa, at the same time, maraming anak. At sa mundo namin, marami kaming magkakapatid pero hindi kami magkakakilala." Nakayukong sabi niya, "Last year ko lang din natuklasan ang tungkol dito. Last year ko lang din nalaman ang tungkol sa ina namin." "At tinago mo sa mga kaibigan mo?" "Light, hindi mo naiintindihan eh." Tinaasan ko siya ng kilay. "Because mum is a dark wizard as well as Nicolo. Paano kung hindi nila matanggap? Light, ayoko silang mawala. Pati na ang pamilya ko." Naiintindihan ko siya. Sino ba namang gustong mawalan ng kaibigan at pamilya? Alam ko ang feeling ng nilalayuan ng kaibigan. "Pero lalo lang silang mawawala sa ginagawa mong paglilihim sa kanila," Sagot ko. Tumayo na ako, "Mauna na ako. Hinihintay na ako ni Dark." Iniwan ko siya doon na nakayuko at parang iiyak na. Tsk tsk. Kawawang Red. **** "Magkakasama na naman kayo." Nakasimangot kong sabi. Siguradong guguluhin na naman nila ang buhay ko. Hays! "Sige, pasok!!" Nauna na akong pumasok ng bahay at naghanda ng maiinom nila. "Wow. Ang cute naman ng wolf mo." Si Blue. Nilingon ko siya at nagulat ako nang kandong niya ang kulay pulang lobo na hindi ko alam kung saan nanggaling. Kusang tumakbo ang mga paa ko papalapit sa kanya at inagaw sa kanya ang wolf. Niyakap ko ito at ramdam ko ang sobrang pagka-miss dito. "Fyuu," Biglang lumabas sa bibig ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. "Hey, bakit ka umiiyak?" Naramdaman ko ang paghagod ni Dark sa likod ko, "Kinagat ka ba niya? Let me teach this wolf a lesson." Akmang kukunin na niya sakin ang wolf nang sinamaan ko siya ng tingin. "Don't touch him! Don't touch my Fyuu!" "W-What?" "Kuya, that wolf is her pet." Biglang sabi ni Ytan, "And it's dangerous," Seriously, nawawala ako sa katinuan ko. Feeling ko, may ibang impormasyon na pumapasok sa akin. Hindi ko maintindihan. Unti unti ko ding naramdaman ang maamong kagat ni Fyuu sakin. At unti unti na din akong binabalot ng kadiliman. ** YTAN'S POV Mabilis pa sa alas kwatro na binuhat ni Kuya Dark si Light. Hmp. Ang swerte niya at sa kanya pa nahulog ang loob ni Light. Pero hindi naman ako bitter. Ayos lang sakin. Basta ba pareho silang masaya. Ang bait kong kapatid di ba? Inilapag niya si Light sa sofa. Kinumutan niya pa ito. Nakita kong dinilaan 'nung wolf ang nagdurugong leeg ni Light. At nakikita kong masaya ang wolf sa ginagawa niya. "Isa akong pet manipulator, pero bakit hindi ko mapasunod ang wolf na iyan?" Inis na sabi ko sa kanila. Tinignan kong mabuti ang wolf. Sa bawat dugo na natitikman niya, nagliliwanag ang buntot niya. Napatingin ako kay Kuya Dark, nakaupo siya sa tabi ni Light at sobrang alala siya dito. Si Blue naman, nakatanga lang sa wolf na parang naa-amaze. Si Nat naman, nakatulala na parang may malalim na iniisip. Habang ako, pinag-aaralan ko ang mga kilos ng wolf na ito. Nasaan nga pala si Red? Napailing na lang ako. Kung kailan dapat nandito siya eh. "May nabasa ako sa history book natin sa Light World na may isang wolf na ipinagbabawal doon. Ang wolf ng prinsesa. Ang wolf na kayang magpalit ng kulay, kailan man nito gustuhin. Ang wolf na isa lang ang itinuturing na amo. Ang wolf na mapanganib." "Haa?" "Ang elemental wolf. Alaga iyon ng prinsesa, simula pa 'nung bata siya. Pero dahil nakapatay na ito ng isang wizard sa atin, at napatunayang masama itong hayop, pinapaalis ito. Pero ayaw ng prinsesa." "So, anong kinalaman 'nun dito?" Inis na tanong ni Kuya Dark. "Hindi niyo ba makuha? Posibleng si Fyuu ang elemental wolf." Natahimik kami. "At si Light ang prinsesa, ganun ba?" Si Kuya Dark, "Kalokohan." "Posible!" Si Blue. "May mga nagagawa si Light na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong wizard." Napaisip din ako. "Kung isa nga siyang prinsesa, bakit tinatago niya?" Tanong ko naman. Pero nagulat kami nang may sumagot. "Hindi niya tinatago. Wala lang siyang maalala." Napatingin kaming lahat sa pintuan. Ang kuya pala ni Light. "Good Afternoon po!!" Sabay sabay kaming nag-bow at pinaupo siya. "WOW. Kayo pa talaga ang nagpaupo sakin, ah?" Biro niya. Tumahimik kaming lahat habang nakatingin sa Kuya ni Light. "Ibig sabihin, half brother ka lang ni Light?" Si Nat. "May ibang kapatid ang prinsesa?" Natawa naman 'yung Kuya ni Light sa hindi namin malaman na dahilan. "Magkamukha ba kami?" Inilapit niya ang mukha niya kay Light, "Hindi talaga kami magkapatid." "Edi, siya nga ang prinsesa?" Tanong naman ni Dark. "Hindi ko alam." Ngumiti siya sa amin, "Kung oo, baka hindi sa kaharian natin..." Napatulala kami sa narinig. Ibig sabihin, sa kabilang kaharian? Sa Dark Kingdom? "Alam ko ang tumatakbo sa mga isipan ninyo." Ngumisi siya sa amin at hinawakan ang wolf. Mabilis naman siyang kinagat nito sa daliri. At nagulat kami nang may itim at puting parang usok ang lumabas dito, "Pag-isipan ninyong mabuti..." Hindi kami makapagsalita. Anong ibig sabihin 'nun? "Maiwan ko na kayo." Nakita ko ang pamumutla ng mga labi niya. Hindi ko na lang pinansin. Nang maiwan kami dito, biglang nagsalita ang genius ng grupo. "Hindi ko alam kung siya nga ang prinsesa o hindi." Pabitin na sabi nito, "Pero isa lang ang sigurado ako." Tumigin siya samin isa isa. "May itim na dugo si Light." At doon na ako lalong nagulat. Hindi matanggap ng utak ko ang lahat ng mga narinig ko. Ano ba talaga si Light? Ano pa kaya ang itinatago niya sa kabila ng inosente niyang mukha?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD