LIGHT'S POV
Nagising ako sa harot ni Fyuu. Ang likot niya eh.
"I miss you." Niyakap ko ulit siya ng sobrang higpit.
May napanaginipan ako na pinapalayas daw si Fyuu. Pinapaalis daw siya kasi may isang wizard na namatay ng dahil sa kanya. Fyuu is dangerous daw. Pero ayoko daw na paalisin siya.
One day, ipinatapon siya nang hindi ko alam. Nang magising ako, kaagad na hinanap ko siya pero walang nagsasalita. Walang umaamin.
Sobra daw akong nagalit. Umalis daw ako at hinanap daw si Fyuu.
Nang makita ko daw siya, may humuli naman sa akin na mga nakaitim.
At...hanggang doon lang ang napanaginipan ko. Feeling ko, totoong nangyari 'yun eh.
"Kilala mo ba ako, Fyuu? At ang buong pagkatao ko?"
Naglikot likot si Fyuu at dinilaan ang pisngi ko.
"Paano ko ba maaalala ang nakaraan ko? Paano? Matutulungan mo ba ako?"
Nagulat ako nang tumalon siya pababa ng kama at biglang may liwanag na lumabas sa mga mata niya.
Then, nag-flash ang mga pangyayari sa pader na parang may projector.
Magsimula nang isilang ang isang sanggol na babae hanggang sa lumaki na ito.
At hindi ako makapaniwala sa mga napanood ko.
***
Sa napanood ko, pakiramdam ko, lahat ng alaala ko bumalik na sakin.
"Fyuu,"
Lumapit si Fyuu sakin at isiniksik ang sarili sa leeg ko.
Kinuha ko ang phone ko at dinial na ang numero ni Kuya Rocky.
"Let's talk."
(I'm at the hospital.)
"Anong meron?"
(Kinagat ako ng lecheng alaga mo.)
"Rawr!" Si Fyuu na narinig si Kuya.
"Ayyy. Saang hospital?"
(Ipa-text ko na lang. Bye.)
"Okay."
Nagpalit ako ng damit at tinignan ang text sa akin ni..Dilim.
Medyo kinilig naman ako 'dun sa message niya na take care, I love you.
Hihi! Naman eh.
Mabilis na lumabas ako ng bahay at nag-lock. At akmang maglalakad na ako paalis nang may humarang sa akin.
"Hi,"
Napataas ang isang kilay ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bawal bang bisitahin kita?"
"May lakad ako. Balik ka na lang sa susunod."
Akmang lalagpasan ko na siya nang hapitin niya ang bewang ko.
"What the heck?"
He chuckled, "Samahan na kita."
"Get your hands off of me, Nicolo." I glared at him. Ngumisi lang naman siya sakin at binitawan na ako.
"Light, hindi ba, kilala mo si Tamaki?"
Natigilan ako.
Ayon sa napanood ko sa video, si Tamaki 'yung lagi kong kasama simula nang napunta ako sa poder ng mga Dark Wizards.
Pero to be safe, kailangang itago ko ang mga nalalaman ko. Feeling ko kasi, mapapahamak ako kapag nalaman nila na may alam ako.
"Base on your reaction, kilala mo nga siya," Nagsimula na kaming maglakad.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakatuon ang isip ko kung paano nakilala ni Nicolo si Tamaki?
Tama. Isa nga pala siyang Dark Wizard, katulad ni Tamaki, na bestfriend ko.
"May masama kang balak sa akin at pati na kina Dark, tama ba?"
Ngumiti siya sakin, "Misyon ko iyon."
"Oww. Paano naman si Red? Kaya mo ba siyang saktan?"
"Mamamatay muna ako bago mangyari iyon."
Napangiti ako sa isinagot niya. Hindi naman porke Dark Wizard ka, masama ka na. 'Yun ang natuklasan ko ngayon. May puso din pala sila.
"Paano nakakaya ng konsensiya mo na makasakit ng iba?"
Napatigil siya sa tanong ko.
"Light, maiintindihan mo ako kapag naranasan mo na din lahat ng naranasan ko." Humarap siya sakin at ngumiti, "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Sa hospital na ito." Binigay ko 'yung address sa kanya. Tumango lang naman siya. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Narinig ko ang mahinang pag-cast niya ng spell at nabalutan kami ng dilim.
Makalipas ang ilang segundo, nasa ibang lugar na kami.
"Nasaan tayo?"
Nang inilibot ko ang paningin ko, nasagot ang tanong ko. Nasa harap na kami ng isang hospital. Nag-teleport kami!
"Tara, samahan mo ako sa loob,"
Ngumiti siya sakin.
"Hospital 'yan para sa mga Good Wizards. Hindi ako pwedeng pumasok,"
"Ha? Bakit naman?"
"May shield na pumapalibot sa lugar na ito. Hanggang dito lang kami," Tumingin siya sa ibang direksyon, "Ayun si Red o, hanggang sa labas lang."
"Ibig sabihin, Dark Wizard siya?!"
"Half." Kinurot niya ang pisngi ko, "Bawasan mo nga ang ka-cute-an mo. Hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko eh," Then, tinalikuran na niya ako.
Naiwan ako ditong nakatulala.
As in, kilig much! Cute pala ako? Wahaha.
Napatingin ako ulit kay Red na kausap na ngayon si Nicolo. At parang may sariling isip ang mga paa ko na lumapit sa kanila.
"Red.."
Tumingin siya sakin at ngumiti, "Bakit hindi ka pa pumasok?"
"Uhh. Ikaw?"
"Di naman ako pwede eh." Dismayadong sabi niya, "Pumasok ka na. Okay lang ako dito."
"Bakit ba kasi hindi pwede? Half ka naman eh."
"Mas delikado nga 'yun eh. Ikamamatay ko ang pagpasok."
Di ko na lang siya kinulit. Bakit ko ba kasi pinipilit ang hindi pwede? Bobo mo din eh, Light.
"Okay. Pasok na ako, ah? Baka mamatay na si Kuya eh." Biro ko at tinalikuran na sila.
Pumasok na ako sa hospital at ganun na lang kasakit ang naramdaman ko. Sobrang hapdi. Sumisikip ang dibdib ko.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa isang lalaking nakahawak sa braso ko. Natutumba na kasi ako. "Miss? Anong nangyayari sa'yo?"
"I-I need f-fresh air." Hirap na sabi ko, "Ilabas mo ako dito please."
Blacked out.
**
Bumangon ako sa isang malambot na kama. Nagkusot ako ng mga mata at inilibot ang paningin ko.
"N-Nasaan ako?"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang isang nilalang na may mga tenga na parang duwende. Napaatras ako at doon ko lang nalaman na nakatali ang mga paa ko.
"Good thing, gising ka na."
"S-Sino ka?"
Anong klaseng nilalang siya?!!
"Ako si Harry. Isa akong goblin."
Goblin?!!
"Where the hell am I? Bakit ako nandito?"
Nagsimula ko nang kalasin ang mga lubid sa paa ko gamit ang kamay ko pero may biglang humila dito pataas. And it ends up na nakabitin ako ngayon. Tsk!!
Nakabaliktad ako ngayon. Nasa taas ang mga paa ko at grabe, ang sakit ng ulo ko.
Lumapit sa akin 'yung goblin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Sino bang mag-aakalang nasa amin ang prinsesa ng buong Isolated World?" Tapos pangisi ngisi siya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at dinuraan siya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko sa kabila ng sitwasyon ko ngayon.
At ano bang sinasabi niya? Ako? Prinsesa ng buong Isolated World?!
*
THIRD PERSON'S POV
"Nasaan na ba si Light?" Iritang tanong ni Rocky sa mga binata.
"I texted her already." Sagot ni Dark, "She's not answering my calls." Sabay baba niya ng phone niya.
"What the! Saan na naman kaya nagsusuot ang babaeng 'yun?" Si Rocky na iniinda ang sakit sa daliri niya.
"Puntahan ko siya sa bahay niyo." Si Dark na naglakad na palabas ng kwarto.
Sa kabilang dako...
"Ano ba! Pakawalan moko!" Nakabitin pa din patiwarik ang ating bida. At hilong hilo na siya dahil sa bumaliktad na ang utak niya.
Ang panget na goblin kasi na 'yun eh!
"Isuot mo na muna ang singsing na ito, mahal ko..." Sabay pakita niya 'nung singsing.
"Ayoko nga! Ibaba mo na ko!"
At naramdaman niya ang mabilis na pagbagsak niya. Bumilis ang t***k ng puso niya.
*wooosh!*
Buti na lang at napigilan niya ang pagbagsak niya gamit ang air power niya. Woo!
Tumayo siya ng maayos at hinarap ang goblin. May tali pa din ang paa niya kaya anytime pwedeng hilain ng goblin ang lubid para ibitin siya uli patiwarik.
"Ngayon tayo magtuos!" Anito sa goblin na kaharap.
"Wala naman akong balak na saktan ka, mahal na prinsesa..." Sinserong sabi nito. "Gusto lang kitang pakasalan kaya pumayag ako na huliin ka nila."
"Mangmang! Papatayin nila ako!" Sigaw naman ni Light.
"Hindi mangyayari iyon. Hangga't nandito ako, mahal ko, walang mangyayaring masama sa'yo."
Totoo naman ang mga sinasabi at nararamdaman ng goblin. Kaya naman tumahimik na lang si Light.
Ilang sandali pa, may isang grupo ng mga goblins ang pumasok sa kwartong kinalalagyan ng dalawa.
"Dalhin na daw ang wizard na iyan sa kaharian!" Sigaw ng leader ng grupo. Nagsilapitan naman ang mga kasama nito kay Light.
"Bakit? Anong gagawin niyo sa kanya?" Tanong naman ng goblin na si Harry.
"Utos iyon ng prinsipe, wala kaming magagawa," Sagot ng leader.
Sapilitang isinama si Light sa kaharian ng mga Goblins. Iniharap nila ang nasabing wizard sa kanilang napaka-gwapo at makisig *o* ...na prinsipe.
Tumayo ang prinsipe at nilapitan ang babaeng nakaupo lang sa sahig at nakatungo. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Napakagandang dilag ng wizard na ito. Anito sa isip.
Ngumiti ito sa dalaga, "Pakasalan mo ako, mahal ko..."
Napataas naman ang isang kilay ni Light.
Bakit ang daming gustong magpakasal sa akin? Naka-shabu ba sila? Ang tumatakbo sa isip nito.
Pero natigilan ang lahat nang may ingay silang narinig.
"LIGHT!"
Lumingon si Light at natuwa siya sa nakita.
"Red.." Tumingin siya sa isa pang lalaki, "Nicolo."
*
DARK'S POV
Paglabas ko ng hospital, rinig ko agad ang mga bulungan. Mukhang may nangyaring gulo.
"Umatake ang mga hindi matukoy na nilalang at dinampot ang tatlong wizard! Nakakatakot!"
Wala sanang pakialam si Dark pero may narinig uli siya.
"Ang ganda pa naman 'nung babae. Kawawa naman siya."
Maganda?
Lumapit ako sa dalawang ale.
"'Yung babae ba na tinutukoy niyo e ganito katangkad?" Dinescribe ko pa lahat kay Light.
"Oo, hijo. Kilala mo ba siya? Isang nilalang na parang dwende na nakapang-nurse na kasuotan ang nagtangay sa kanya. Hindi na kami nakasunod kasi may mga umatake pang mga ka-uri nila. At may nakuha na naman silang dalawang lalaki."
Nagpasalamat ako at kaagad na nag-teleport. Mahirap para sa akin na mag-teleport. In case of emergency lang talaga ang paggamit ko nito e.
Nakakapanghinang gamitin ang teleportation pero kailangan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang maamong mukha ni Dark.
At naramdaman ko na lang na nasa ibang lugar na ako.
Nang imulat ko ang mga mata ko, nasa harapan ako ng isang selda. May tatlong taong nakaupo doon at nakatungo. Halata sa posisyon nila na nakatali ang mga kamay nila mula sa likuran.
"Light?" Nagbabakasakali akong maririnig niya ako.
Sana lang, hindi siya isa sa tatlong ito.
"Light!!"
Isa isang inangat ng tatlo ang mga ulo nila at nagulat ako sa mga nakita.
"Light, Red, N-Nicolo?"
"'Wag ka nang magulat dyan, tulungan mo na kami!" Si Light.
Napangiti na lang ako kasi hindi siya nagbago. Ibig sabihin, ayos lang siya.
"Paano ko kayo matutulungan?" Tanong ko.
"Dude, h'wag kang gagamit ng kapangharihan mo. May spell na iniwan dito 'yung goblin!" Si Red.
"Goblin?!"
Napalakas ata ang boses ko.
"Espirito ng hangin, patulugin mo ang lahat ng madadaanan mo," Pumikit ito at nagsimula na akong habulin ng malakas na hangin. Nagtatakbo ako at nag-cast ako ng spell para pigilan iyon. Since air controller naman ako.
Tumigil ang hangin pero nakaramdam naman ako ng hapdi sa kalamnan ko.
"Bakit ka gumamit ng powers mo?" Rinig ko pang boses ni Light.
Pero hindi na ako nakasagot kasi nanlalabo na ang mga mata ko. Matutumba na ako.
*boogsh!*
*
LIGHT'S POV
IPINASOK si Dark sa loob ng kulungan. Nilagyan siya ng posas sa kamay at itinulak sa tabi ko. Ts, tigas kasi ng ulo. Sabi nang bawal gumamit ng powers eh.
Dumating na naman ang prinsipe at nag-cast na naman siya ng spell. Galit na galit siya sa amin, I know.
Eh paano ba naman, 'yung dalawa, gumawa ng kalokohan! Pinagtripan 'yung prinsipe. Ginamitan nila ng kanilang mga mahika. Kaya ayun, kinorner kami ng lahat ng goblins at ikinulong.
Tinignan ko ulit 'yung prinsipe. Nakapikit siya at dinadasalan ang spell ata na gagawim niya. Ewan ko ba.
Nang iminulat niya ang mga mata niya, nagsimula nang magkaroon ng usok dito sa loob.
"s**t! Takpan niyo ang ilong niyo! Ikamamatay natin ang usok na 'yan!"
"Paano tatakpan kung may posas tayo?"
Tss. Hinold ko na lang ang paghinga ko para hindi ko malanghap 'yung usok. Pero hindi ko naman kaya 'yung sobrang tagal.
Kaya naman may time na naaamoy ko 'yung usok at parang nanlalambot ang katawan ko.
Napapapikit na ako sa sobrang panghihina. Hindi ko na kaya pang pigilan ang paghinga.
Nasinghap ko ang usok dito sa loob at unti unti nang parang nawawala ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Mamamatay na ba ako?
Hanggang dito na lang ba?
Naisip ko sina mommy, daddy, Kuya Rocky at 'yung mga friends namin. Si Magda pa, pati na 'yung biological parents at Kuya ko.
Naisip ko din si Fyuu.
"P-paalam..."
Huling salitang lumabas sa bibig ko bago pa ako nawalan ng malay.