Twenty

1594 Words
THIRD PERSON'S POV Napabalikwas sa pagkakahiga si Fyuu, ang elemental wolf ni Light. Nagpaikot ikot ito na parang hindi mapakali. Hanggang sa napatigil siya. "Rawr!" Umilaw ang buntot niya at unti unti siyang nawawala sa kinaroroonan niya. Sa kabilang dako... "Nat! Nabalitaan mo na ba?" Naglalakad ang dalawa sa corridor ng school nila. Dito sila nagsimulang maghanap kay Light. Utos iyon sa kanila ni Rocky. "Oo. Posibleng siya nga." "Ang alin?" "Ang prinsesa!" Tumigil ang dalawa sa paglalakad. "Hindi niyo ba naiintindihan? Si Light! Siya ang prinsesa ng kaharian natin! Siya ang hinahanap natin." Sumeryoso ang mukha ni Blue. "'Yung balita ang usapan dito, hindi si Light." Umirap si Nat dito. Nagtataka siya kung bakit iniiwasan nito ang tungkol sa prinsesa. "Ang balitang nasa panganib ang prinsesa?" Matabang na sagot ni Nat, "Lahat sa kaharian natin gumagalaw na para iligtas ang prinsesa." "Oo nga. Kaya nga tara na eh. Baka hanapin tayo ng reyna." Akmang maglalakad na si Blue nang, "Wait lang!" Lumingon si Blue, "Wala si Red at Dark. Tiyak na hahanapin sila sa atin kapag nagpunta tayo doon," "Ah, eh, magdahilan?" "Bahala ka dyan." Nag-irapan silang dalawa. Naku! Parang mga bading. "Hanapin ko lang si Ytan. At sabay na kaming susugod sa kinaroroonan ng prinsesa." Isa lang ang nasa isip ng dalawa. Gusto nilang iligtas si Light, ang kanilang prinsesa. * DARK'S POV ILANG beses na akong naubo sa usok. Nanghihina na din ako. "P-Paalam..." The moment I heard that voice, bumilis ang t***k ng puso ko. Ano bang sinasabi niya? Naramdaman ko ang ulo niyang bumagsak sa balikat ko. Nag-panic ako. Ginagalaw galaw ko ang balikat ko upang gisingin siya pero wala. Hindi siya gumagalaw. Natigilan ako sa naiisip ko at napailing. Hindi pwede. Hindi nangyayari 'to. Hindi ko namamalayan, may luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko. Light.. Nasinghap ko na ang maraming usok at feeling ko, mamamatay na ako. Naubos na lahat ng lakas ko. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang may biglang umilaw sa harapan namin. Naimulat ko ang mga mata ko. Nahihirapan man, pinakatignan ko kung ano ang liwanag na iyon. "Rawr!" Nawala ang liwanag at tanging wolf na lang ang nakikita ko. Ang elemental wolf na sinasabi nila. May lumalabas na hangin sa bibig nito. Nawawala ang usok sa paligid at ang sarap sa pakiramdam nito, lalo na kapag dumadampi sa balat. It's a healing air, I guess. Nababasa ko iyon sa libro ko kung saan nakalagay lahat ng spells ko. Pero isa iyon sa hindi ko ma-master. Nakakamangha ang wolf na ito. Lumingon ako kay Light. Nakaub-ob ang ulo niya sa balikat ko at wala pa ding malay. Tumingin ako sa kabilang side, wala na ding malay si Red at Nicolo. "Ah, Fyuu," Tawag ko sa wolf. Nabaling ang atensyon niya sakin, "Si Light." Sabay galaw ko sa balikat ko. "Rawr!" Mukhang nagalit siya sa nakita. Mabilis siyang lumapit dito at sinuklay ang buhok ni Light gamit ang matutulis nitong mga kuko. Hinawi niya ang buhok ni Light. Then, may bigla na lang umilaw sa leeg nito. "Ummm!" Ungol ni Light. Mukhang hirap na hirap siya. Nakapikit siya pero sigaw siya ng sigaw. Parang sobra siyang nasasaktan. Napapikit na lang ako. Ayokong nakikita siyang ganito. "Rawr!" Mukhang umiiyak din si Fyuu. Ilang sandali pa, tumigil na siya sa pag-ungol at pagsigaw. Iminulat ko ang mga mata ko at kita kong pawis na pawis siya at sobrang pagod. Nakasandal siya sa pader. Lutang siya. Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas. Nakatitig lang ako sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata niya ng ilang segundo, at pagmulat niya, kulay pula na ang mga mata niya. Napakurap ako ng maraming beses. Nag-aapoy sa pula ang mga mata niya. "Rawr." Si Fyuu na mukhang tuwang tuwa. Lumapit siya kay Light at dinilaan niya ang pisngi nito. "Fyuu, where are we?" Napakalamig ng boses niya. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Lumingon lingon siya. Nagtama ang mga tingin namin. Napakunot ang noo niya. "Who is he?" Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya, habang titig na titig siya sa mga mata ko. Pero bago pa ako makapag-react, may ingay kaming narinig. Naging alerto kaming lahat. Doon ko lang napansin, nagamot na ng hangin ng wolf si Red at Nicolo. Nagsimula na din tanggalin ni Fyuu ang mga posas namin gamit ang kuko niya. "Saan tayo?" Naramdaman namin ang mga yabag. Napasandal kami sa pader at nagkunwaring naka-posas pa. Habang si Fyuu naman ay gumamit na naman ng mahika para hindi siya makita. Magaling na wolf. "Anong ilaw 'yung nakita namin?" "Anong ilaw?" Pagmamaang-maangan ni Red. "Meron kaming nakita. Ano iyon?" Tanong pa ng mga kawal ng palasyo. "Ay, oo. May nakita din akong ilaw dito kanina. Saan kaya galing 'yun?" Si Nicolo. "Pinaglololoko niyo ba kami?" Walang sumagot. "Halika na nga. Gago ang mga batang 'to eh." Umalis na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. Muling lumitaw si Fyuu. Naglakad siya papalapit kay Light at bigla na lang itong natumba. "Fyuu." Malamig ang boses ni Light. Binuhat niya si Fyuu at niyakap. "He just needs to rest." Tumayo na siya at lumapit sa gate na nagkukulong sa amin. Inilapat niya ang kanang kamay niya dito at bigla na lang itong nagliyab. Napaatras ako. Sobrang init. Nakarinig na naman kami ng yabag. Pero may spell na binabanggit si Light. At lalong lumiliyab ang apoy. Ilang sandali pa, inalis ni Light ang pagkakahawak sa gate. Nawala na din ang apoy. At doon bigla siyang bumagsak. Napatayo ako at ready nang saluhin siya. Pero naunahan na ako ni Nicolo. Nakaramdam ako ng inis. Bumalik na lang ako sa pag-upo at pinanuod siyang buhatin si Light. "Nag-aalala lang si Nicolo." Biglang sabi ni Red. "Ako ba hindi?" "Pero mas nag-aalala siya." "Ako ba hindi?" "Mas dapat siyang mag-alala." "Ako ba hindi?" "Mahal niya si Light." "Ako ba hindi?" Nang ma-realize ko 'yung sinabi niya, napalingon ako sa kanya, "Anong sinabi mo?!" Nakwelyuhan ko pa siya sa inis. Tumawa siya ng mahina, "Chill lang, dude!" Inalis niya ang kamay ko sa damit niya, "Lahat naman mahal ang prinsesa." "Prinsesa?" "Oo. Prinsesa nila." "A-Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi siya sakin, "Malalaman mo din," Tumayo na siya at lumapit kay Nicolo. Inihiga nila sa sahig si Light at si Fyuu na walang malay. Habang ako naman, halo-halo ang nararamdaman. Parang anytime, mababaliw na ako. "Dark, ikaw na bahalang mag-isip kung paano tayo makakaalis." Bahagya akong tumango kay Red at naglakad na palabas. Pagtapak ko palang sa labas ng selda, kitang kita ko na ang mga walang malay na mga kawal. Pag-angat ng ulo ko, nakita ko ang isang goblin na papalapit dito. Akmang gagamit na ako ng mahika nang sumigaw siya. "Teka lang!" Lumapit siya sa akin at hingal na hingal siya, "Itatakas natin ang prinsesa." Napakunot ang noo ko. "Hindi ba, gusto niyo siyang pahirapan?" "Hindi. Hindi totoo iyan!" Sagot niya, "Mahal ko ang prinsesa. Handa akong maging traydor, mailigtas lang siya." Napangiti ako. Madami talagang nagmamahal kay Light. Pero bakit lahat na lang tinatawag siyang Prinsesa? Totoo ba talagang siya ang Prinsesa namin? Pero may part sa akin na gusto kong ihampas sa pader ang goblin na ito. Eh paano, isa pa siyang karibal ko! "Tara sa loob." Tinalikuran ko na siya at naglakad pabalik sa selda. Ramdam ko namang sumusunod siya. "Nandito ba siya? Ayos lang ba siya?" Nakakairita talaga ang goblin na 'to! Lumapit na ako kina Red. "Maayos na ang lagay niya." Sabi ni Nicolo sabay turo niya kay Fyuu na nakaupo lang at pinagmamasdan si Light. "Eh ang prinsesa?" Biglang singit ng goblin. "Sino ka naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Red. "Ako ang papakasalan dapat ng prinsesa." "ANO?!" Naisigaw naming tatlo. "Rawr!" Reklamo ni Fyuu. Sinamaan namin ng tingin ang goblin. Napakamot naman siya ng ulo. "Ilabas na natin ang prinsesa. Alam ko ang daan!" Pag-iiba ng goblin. "Baka niloloko mo lang kami, ah?" Si Red. "Rawr." Napatingin kami kay Fyuu na lumapit sa goblin. Mabilis naman siyang binuhat nito. "Kilala ng wolf na ito kung sino ang dapat na pagkatiwalaan." Sabi ni goblin, "Tara na." Naka-nganga kaming sumunod. Ako nga, never ko pang nabuhat 'yang wolf na iyan eh. "Ako na lang ang magbubuhat." Rinig kong sabi ni Nicolo. Tumigil naman ako sa paglalakad at nilingon siya. "Ako ang dapat na magbuhat." "Ako." "Ako ang boyfriend." Nagsukatan kami ng tingin. "Ako ang--" Naputol ang sasabihin niya nang tapikin ni Red ang braso niya. "Sige na," Wala namang nagawa si Nicolo kung hindi ibigay sa akin ang pinakamamahal ko, si Light. Naglakad na siya palayo sa akin habang ako, ngiting ngiting pinagmasdan si Light. Namiss ko ang babaeng 'to! Napatingin ako sa harapan at nagsimula nang maglakad. Nakita ko si Nicolo at Red, sabay na naglalakad at nag-uusap ng mataimtim. Parang may mali. Pero ayokong isipin iyon. Nag-focus na lang ako sa dinaraanan namin. Mukhang palabas na nga kami. Pero natigilan kami nang biglang may mga blocks na nagpatong patong sa harapan namin. Na-block ang daan namin. Pagtingin ko sa likuran, ganun na din. Nakulong na kami. We're dead. "Mmm..." Napatingin kaming lahat kay Light na buhat ko. Napangiti ako kasi ang cute niya. "Dapat ba kitang i-kiss para tuluyan ka nang magising?" Nakangisi kong sabi. Mabilis naman na naimulat niya ang mga mata niya. Nanlalaki ang mga nata niyang nakatingin sa akin. "D-Dark. Nandito ka." Ngumiti ako at mabilis na inilapat ang labi ko sa labi niya. Pareho kaming nakapikit. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Nang humiwalay ako, ngumiti siya sakin. "Salamat." She mouthed. Nagpababa na siya, inalalayan ko naman siya kasi baka nanlalambot pa siya. "Rawr!" Binuhat na ni Light si Fyuu. May umilaw na naman sa leeg ni Light. Umiilaw na din ang buntot ni Fyuu. Napapikit ako sa sobrang liwanag. Habang patagal ng patagal, lalong nakakasilaw. Ilang sandali pa, sinubukan kong imulat ang mata ko at na-amaze ako sa nakita. May magic portal. "Mauna na kayo." Tumango si Nicolo at tumapak na papasok sa portal. Sigurado akong nasa mundo na namin siya. Pangalawa si Red, tapos 'yung goblin, tapos ako. Naiwan si Light at Fyuu. Sumilip ako sa portal na pumapagitna sa akin. Ngumiti ako kay Light. Ipinasok ko ang kamay sa portal upang ilahad ito sa kanya. Nakita kong ngumiti siya sa akin pabalik at hinawakan ang kamay ko. Hinila ko siya kaya napasubsob siya sa dibdib ko. Na-out of balance naman ako kaya natumba kaming dalawa at gumulong gulong. Tawa lang naman kami ng tawa. "Rawr!" Tumakbo papalapit sa amin si Fyuu at pinigilan ang pag-gulong namin. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Marami akong karibal, oo. Pero wala silang panalo, ako ang mahal ni Light. Ako pa din ang pinaka-pogi. ;))) "I love you," Ngumiti siya sakin at inub-ob ang mukha sa dibdib ko. "Salamat." Napasimangot ako, tumawa naman siya ng malakas. Iloveyou-zoned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD