LIGHT’S POV
“Pumuslit lang ako, Light. Bawal nga outsiders dito eh.”
“Alam ko. Friends naman kayo ni Lee, ‘di ba?”
“Kahit na pa. Rules are rules.”
Sinimangutan ko lang siya.
“Kuya, may kasa--” Bigla namang nag-ring ‘yung phone niya.
“Kailangan ko nang umalis.” Humalik siya sa pisngi ko. “Paka-bait, okay?”
At iniwan na niya akong nakatanga dito. Wow, ha. Ni hindi niya man lang ako pinagsalita.
Nakakainis lang kasi pagkatapos ‘nung test, wala akong maalala. May binigay lang na brown envelope sa akin si Mr. Lee pero ‘di ko pa nabubuksan. Nasaan na ba iyon?
“Ito ba ang hinahanap mo?”
Ay oo nga! Na kay Dark ‘yung envelope.
“Oo, akin na. ‘Yan ata ‘yung result sa test ko eh.”
Inabot naman niya. Kaagad na binuksan ko iyon at may transparent na bagay doon (parang plastic cover na matigas) then, may nakasulat doon na kung ano.
Congratulations! You are now in Rank 802! Train your power more to make it higher!
Akmang ibabalik ko na nang may makita akong sobrang liit na sulat sa ibaba ng papel. Microscope pa ang gagamitin para makita. Omg. Ano kaya iyon?
“May problema?” Mabilis na ibinalik ko iyon sa lalagyan.
“Wala naman. Tara na?”
“Saan?”
“Practice! *Q*”
Nagpunta muna kami sa cafe para puntahan ‘yung tatlo. Then, nagpunta na kami sa Training Ground.
“Taga-judge na lang ako. Sige. ^^”
“No way. You need to train your powers para naman tumaas ‘yung rank mo. What’s your rank again?” Then he smirked. Sinamaan ko nga ng tingin.
“Edi mas lamang ka ng 800 sakin.”
Bahagyang nag-isip ‘yung tatlo at sabay sabay din naman silang tumawa.
“So, rank 802 ka? Ilan ba mga estudyante dito? 803?” Si Red.
“Uy! Grabe naman kayo!” Bulyaw ko. Minamaliit nila ako, ha? Tirisin ko sila eh.
“Nasa isang libo naman siguro mga estudyante dito.” Nat concluded. “Congrats.”
Napangiti naman ako. Buti pa si Nat, napansin niya ang rank ko. Di katulad ‘nung iba dyan! Psh.
“And that only means na may kalakasan siya emotionally.” Si Blue.
“Nope! She failed the Mental Test. She just got rank 802 because of her Skills.” Si Dark. At paano niya nalaman? “I can picture what’s the last thing happened on an object, by just touching it.”
“What do you mean because of my Skills? What skills?”
“Maybe, you used your power very well. Hindi ko alam. Basta iyon ang nakita ko.”
Aish. Ano bang ginawa ko ‘nung test? Wala akong maalala. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun eh. Ganun ba talaga kapag test?
“Ano ba ‘yung test mo? Anong ginawa mo at namangha sa’yo ‘yung watcher?”
“H–Hindi ko matandaan?”
Nagkatinginan silang apat.
“Weh? ‘Yung akin nga, hindi ko makalimutan eh.”
“Pero wala talaga akong matandaan.”
Hindi na sila nagsalita pagkatapos. Ba’t ganun? Epekto ba ng amnesia ko ‘yun? Asar naman eh.
“All students, go home now,” ‘Yung speaker. “Train yourself and goodluck for tomorrow.”
Nag-ayos na kami. Sayang. Di kami nakapag-train.
“Hatid na kita?”
“H’wag na.”
Sinamaan niya ako ng tingin.
“Edi ihatid. Nagtanong ka pa.”
Sabay sabay kaming lima na lumabas ng school pero kaagad din namang humiwalay ‘yung tatlo. Nagpaiwan pa si Dark kasi ihahatid niya daw ako.
Naglakad lang kami kasi malapit lang naman ‘yung apartment sa school.
“Hey, Light.” Napatingin ako sa harapan. Si Night lang pala.
“Any problem?” Si Dark ang sumagot. Ngumisi lang naman si Night at nilagpasan na kami. Ang weird. “Kilala mo ‘yung gagong ‘yun?”
“Oo? Tama, gago nga ‘yun.” Napataas naman ang isa niyang kilay.
“Ano bang ginawa niya sa’yo?”
“That electric boy? Kinuryente ako! Dalawang beses ‘yun! Pasalamat talaga ‘yun! Psh.”
“Really? Do you want me to kill him for you?” Nanlaki ang mga mata ko. He chuckled. “Stupid. I’m just kidding.”
Inirapan ko siya, “Eh ikaw. Anong ginawa niya sa’yo?”
“He badly wants to defeat me. He’s in rank 3 and he thinks that he can replace me with my rank.” Inis na sabi niya. “And I swear to all of you, he can’t do that. He’s just a f*****g insecure of what I have. He wants to be me. He’s a f*****g jerk.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksiyon niya eh.
“And now, he wants to steal you.” Natigilan ako.
“W–What? Steal?”
“Yes. Napapansin niyang lagi kitang kasama, kaya gusto niya, makuha ka niya sakin. Like the hell, I want to terminate him into this world.”
Grabe naman pala ang Night na ‘yun! Ang sarap nga naman niyang patayin. Pati ako, idadamay niya sa kagaguhan niya. Leche!
“Pero bakit magkamukha kayo? Magkapatid ba kayo?”
Sinamaan niya ako ng tingin. Okay, sabi ko nga, hindi sila magkapatid eh.
“Don’t you get it? He wants to be me! Kaya lahat na lang sakin, ginagaya niya!”
“Wow. Hindi kaya, number 1 fan mo siya?”
“Isa pa, Light. Isa pa talaga!”
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang sungit! Nagtatanong lang eh.
Nang makarating na kami sa tapat ng apartment, humarap siya sakin.
“Don’t forget to lock the door, okay?”
“Okay!”
“Good.” He kissed me on my forehead and then he walked away.
Naiwan ako ditong nakatulala. He kissed me again, and it is sweeter than before. Kasi hindi ba, sabi nila, mas sweet daw kapag hinalikan ka sa forehead? Oh, whatever.
Tinignan ko ulit siya, at wala na siya. Saan na ‘yun?
“Hinahanap mo?” Halos malaglag ang puso ko sa sobrang gulat.
“Kuya naman! Papatayin mo ba ako?”
“Sino bang tulala diyan, ha?” Then, iniwan na niya ako. Sira talaga ulo ng Kuya ko. Kaasar.
Nilingon ko muna ‘yung direksyon na tinahak ni Dark bago pasimpleng ngumiti.
I think I’m having a crush on him–wait. What? Me? Of course not! Stop thinking nonsense, Light. Oh fck. That’s impossible.
Naiiling na pumasok na ako sa bahay.
“Don’t forget to lock the door, okay?”
Naalala ko ‘yung sinabi ni Dark kaya nilingon ko ‘yung pinto at mabilis na ni-lock. Hay nako.
***
Naglakad na lang ako papasok ng school. Maaga pa naman eh. Tsaka exercise na din.
“What took you so long?” Pagkalingon ko, nakita ko si Dark na nasa harap ng gate at masama ang tingin sakin.
“Naglakad ako. Duh.” Inis na sagot ko. “Bakit ba?”
“Kanina pa ako nandito eh! Ang tagal mo.” Inis din na sabi niya.
“Aba. Sinabi ko bang maghintay ka? Engot ka din eh.” Inirapan ko siya at sabay na kaming pumasok. Syempre, may finger print scanning pa. Daming echos.
“Sa susunod, use your power.” Sabi niya at nilagpasan na ako. Bakit ba ang sungit sumgit sungit niya? Minsan naman, napaka-caring. Grabe na ang pagka-moody niya. Sarap niyang ingudngod.
“All students, proceed to the Battle Ground. Your exam will begin in 5 minutes.”
Kanya kanyang pagtakbo, paglipad at pag-teleport naman ang mga estudyante dito. Ako naman, nakitakbo na lang. Nasaan na ba ‘yung Dark na ‘yun? Iwan ba naman ako?
Sa sobramg daming nakikitakbo, nagtutulakan na sila.
“Aray! Patayin ko kayo eh!” Sabi ko sa mga nanunulak sakin. Asar. Ang sikip kaya ‘no!
“b***h!” Sabi naman ‘nung katabi ko. Masasabi kong maganda siya pero I hate her guts.
“b***h ka din!” Inirapan ko na siya at pasimpleng naglabas ng Air bomb.
Sorry, Kuya. Kailangan lang.
Ngumisi ako nang sumabog iyon at nagsitalsikan ang mga estudyante. Wahaha! May madadaanan na ako!
Tumakbo ako papalapit kay Dark na hinihintay ako sa tapat ng Battle Ground.
“What did you do?”
“Wala ah!” I smirked. Then, sabay na kaming pumasok.
Tama si Kuya Rocky, I’m a badass.
Pagkapasok na pagkapasok namin, biglang may lumitaw na mga rank sa mga damit namin. Rank 802 ako, at ang kasama ko, rank 2. Okay, ang sarap lumubog sa lupa sa ganitong sitwasyon.
Hinila na ako ni Dark papunta sa mga Vip seats. Sampu lang ‘yung mga upuan. Occupied na ‘yung lima. So, may lima pa.
Tumabi kami sa tatlong elemental user na sina Red, Blue at Nat.
Rank 1, 2, 4 at 8 ang mga kasama ko. Lalo tuloy akong nahiya.
Pagtingin ko sa ibang mga nakaupo sa vip seats. May 5 at 10. So, ako lang ang may mataas na rank dito?
Napatingin pa ako sa mga bagong dating, ramk 3, 6, 7 tsaka 9. Pansin ko lang, lalaki lahat ng nandito. ‘Yung nag-iisang babae, tomboy pa. Tapos, ako.
Teka, parang may napansin ako ah. Sampu ang seats dito at rank 1 to 10 ang pumapasok dito. So, hindi talaga ako belong dito?
“Excuse me, miss, pero diyan ako.” Si Rank 3. Okay, si Night. Tss.
Napahiya na ako kaya tumayo na ako. Akmang aalis na ako nang bigla akong tinawag ni Dark.
“What?”
“Rule no.1,”
Sinimangutan ko siya. Bigla naman siyang tumayo at hinila ang kamay ko.
“Sit.” Sabay turo niya sa upuan niya.
“Ano ako, aso?”
“Light.” It’s a warning tone. Okay fine.
Umupo na ako sa upuan niya.
“Paano ka?” I asked him.
“Dito lang ako. Don’t worry, I’ll be fine.”
So, siya ang tatayo para makaupo ako? Hindi ko alam na gentledog pala si Dark.
“What are you looking at?” Inis na sabi niya. Napataas naman ang isa kong kilay. Ang arte. Bawal nang tumingin?
Nagsimula na ang battle. Una, may bubbles chenes. May lumabas na spirit sa kanya at iyon ang nakalaban niya. Ang nakakapagtaka lang, walang mukha ‘yung mga spirit na lumalabas sa kanila.
Natapos ang ilang mga estudyante. At ang tagal ko naman.
“Last na matatawag ang mga newbies at nasa top 10. Eat your lunch first.”
***
“Kinakabahan talaga ako, Dark. Paano ba palabasin ‘yung spirit?”
“Lalabas lang ng kusa ‘yan. Kausapin mo!” Tawa ni Red.
“Kinakausap kita?” Pagsususungit ko.
Matapos kumain, nagkwentuhan lang kami at nagsabi sila ng konting info tungkol sa school.
Pagkatapos ng ilang oras, bumalik na kami sa Battle Ground. Sakto naman, pang-11 na ang tinawag. Ibig sabihin, next na ang top 10.
Pumwesto na ‘yung babae. And she’s familiar. Siya ‘yung tumawag sakin na b***h.
Lumabas na ‘yung spirit ‘nung power niya. Naglaban sila at sa unang tira lang ‘nung spirit, natalo na siya. She’s a sand manipulator anyway.
Napalitan ang rank niya at naging 17 na ito. Naiiyak naman siyang umalis sa harapan.
“Thank you, Miss Patricia. Next performer, the newbies! May we call on the rank 99 to perform his power.”
Then, may isang lalaking nagpunta na sa harapan at nag-perform.
Pinalabas niya ‘yung spirit ‘nung power niya at mabilis na tumira siya. Itinaas niya ang kamay niya na parang kino-kontrol ang spirit niya, sabay naglabas ito ng maitim na usok.
Nabalutan ng dilim ‘yung spirit niya, then, sumabog ito at bigla na lang nawala.
In just 20 seconds, napatay niya ‘yung spirit niya. Paano niya nagawa iyon?
I saw him smirk nang napatingin siya sa top 10. Hinintay na lumabas ‘yung rank niya and damn, rank 1 siya sa ngayon.
Nag-hysterical naman bigla si Red
“What the!! From 99 to 1?”
Nilingon ko si Dark at parang nandilim ang aura niya lalo sa napanuod.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin. He smiled at me and then he intertwine our fingers.
I can feel the electricity flowing through my body. What the hell.
Pagtingin ko sa harapan, si Night na ang nandoon.
And hell, his rank just retain. Wahaha! His face is epic.