LIGHT’S POV
Natapos na ang iba pang nasa top 10. At susunod na ang apat na vips. Sina Red, Blue, Nat at Dark.
Naunang nagpasikat si Nat. He tries to defeat his spirit pero pilit siyang natutumba. Mahirap nga namang talunin ang espirito ng kapangyarihan mo. Di hamak naman na mas expert iyon kaysa sa user.
Pero paano nagawa ‘nung isang newbie iyon? Ang galing niya!!
Pinakita ang rank ni Nat, naging 9 na lang siya. Grabe. Ang hirap naman palang magpa-rank!
Next na si Blue. Nilunod niya ng tubig ang spirit niya. Ang galing ng ginawa niya. Unti unti nang nawawala ang spirit niya, pero ‘nung nawala na ‘yung spirit, akala naming lahat tapos na, pero hindi pa pala.
Sumabog ang tubig at parehas na napuruhan si Blue at ‘yung spirit ng water.
Sinipsip na ng malaking glass wall ang tubig at nagsimula na namang maglaban sina Blue.
30 seconds na lang ang natitira at matatapos na ang labanan. Tig-1 minute lang kasi bawat user.
“Water freeze!” Rinig kong sigaw niya sa loob ng wall glass. Tumigil ‘yung tubig sa pag-atake sa kanya pero kaagad naman sinundan ng spirit iyon ng isa pang water ball. Tumama kay Blue iyon at natumba naman si Blue.
Natapos ang time at ipinakita na ang rank ni Blue. At halos magwala siya sa lumabas. Naging 8 na lang siya.
Sumunod na si Red.
Matapos niyang pinalabas ang kulay red na spirit niya, kaagad siyang tumira ng apoy. Nakulong ang spirit niya sa sulok. Nagsimula na siyang tumira ng tumira. Unti unting nababawasan ‘yung life nung spirit. Mabagal ang pagbawas kaya lalo niyang nilalakasan ang tira niya.
Last 10 seconds na lang at may life pa ‘yung spirit niya.
“Double Fire Atack!”
Bago pa tumama ‘yung tira niya sa spirit niya, natapos na ang oras. Inis na inis ang itsura niya.
Lumabas ang rank niya at halos gibain niya ang wall glass nang makita niya iyon.
Rank 3. Tawa naman ng tawa si Nat at Blue.
Next na sumalang naman si Dark.
“Kaya mo ‘yan.” Pagkausap ko sa kanya sa isip ko. Nakita ko naman siyang ngumiti
Inilabas niya ang spirit ng hangin niya. Naunang tumira ang spirit, hanggang sa nagpalitan na sila ng tira.
Habang naglalabas ng hangin si Dark, matiim siyang nakatingin sa spirit.
Then, itinira niya ‘yung naipon na hangin sa kamay niya. Pumasok naman lahat sa spirit ‘yung hangin.
“Explode!” Sigaw ni Dark. Then, sumabog na ‘yung spirit. Naging spirit na ulit siya (since nagkakatawang tao sila kapag may battle) at pumasok na sa katawan ni Dark.
Ipinakita ang rank ni Dark at napangisi siya nang makitang rank 1 na siya.
That. Was. Great. Really! Pero, paano na ako?
“Last but not the least! The newbie, Light Ariano.”
“Teka, ‘yung phone ko.” Inilabas ko ang phone ko at tumingin kay Dark.
“Akin na, hawakan ko.” Inabot ko sa kanya.
“Thanks!”
Nagpunta na ako sa harapan. May bumalot na wall glass sa kinatatayuan ko.
Tumingin muna ako kay Dark na nasa labas. Ngiting ngiti siya at naka-thumbs up.
“‘Wag kang ngumiti dyan, baka talunin pa kita.” Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumawa.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Nag-concentrate ako sa pagpapalabas ng spirit ko.
“Fire spirit, out. Please.” Tulad ng sinabi ni Red, kausapin ko daw. “Makisama ka naman oh. Labas na!” Pero wala pa din. Nakakahiya kaya! Ang tagal kong maglabas ng spirit.
Inis na pumikit ako.
“Kapag hindi ka lumabas, lagot ka sakin!” I hissed, then, may bigla namang lumabas na pulang spirit sa akin. With that, nagsimula nang lumakad ang oras ko.
Nasa harapan ko ngayon ang spirit ko, na kamukha ko. What the!! Parang nasa harapan lang ako ng salamin.
Tumira ako ng apoy pero nakailag siya.
“Fire blocks!”
Lumabas ang mga apoy sa katawan ko at sinugod ang spirit ko. Kitang kita ko ang pagngisi nito kaya nakaramdam ako ng inis.
“Hey, bakit hindi si Red ang spirit ko?” Kausap ko siya ngayon habang tumatakbo siya kasi hinahabol siya ng mga apoy ko.
“Because I’m the real fire spirit. He is just a substitute.” Sagot niya. Wow, english pa kung sumagot ang lecheng spirit na ‘to na gaya gaya ng mukha. “Damn! Get off of me!” Sigaw niya nang matamaan siya ng apoy ko. Unti unti siyang nilamon ng apoy ko.
“Fire sword!” May lumitaw na sword sa kamay ko at mabilis na sumugod sa kanya. Pero nang isaksak ko na, nahawakan niya ang sword ko at inihagis ito palayo. Damn, she’s strong. Pero parang may nagsasabi sa akin na mas malakas ako sa kanya at kayang kaya ko siya.
Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawa ang lahat ng ito eh.
“You’re a badass, so am I. We are one.” Sabi niya habang papalapit sa akin.
“Gago!” Sigaw ko at naglabas ulit ng apoy pero hinawi lang naman niya iyon gamit ang kamay niya.
Inilapit niya ang mukha niya sakin.
“Trust me.”
Then, bigla na lang siyang pumasok sa katawan ko.
Tumayo na ako kasi tapos na ang laban at ang oras. Hinintay kong mapalitan ang rank ko pero gumuho ang mundo ko nang makitang undefined ang nakalagay.
Bumaba na ako ng stage at bumalik na sa upuan ko.
“That’s cool, but what’s that?” Sabay turo niya sa rank ko na undefined. “Pfft.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Alam mo, kung wala kang masasabing maganda, tumahimik ka na lang!”
Inirapan ko siya pero tawa pa din siya ng tawa. Habang ‘yung iba namang mga estudyante dito, parang natulala sa kanya.
“Alam mo, ngayon na lang namin ulit nakitang tumawa ng ganyan si Dark.” Bihlang sulpot ni Nat sa tabi ko.
“Talaga?” Inilibot ko ang tingin ko. “Kaya ba lahat ng estudyante ngayon dito, naka-nganga na?”
“Oo.” Sabay tawa ‘nung tatlo. “Unang beses nilang nakitang tumawa.”
“Mga ignorante naman pala sila eh.” Kunwari, iritang sabi ko, pero syempre, hindi ko mapigilan ‘yung ngiti ko.
Paglingon namin kay Dark, tahimik na ulit at masama ang tingin sa amin.
“Kung pag-usapan niyo ‘ko, parang wala ako dito ah.” Inis na sabi niya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.
***
Galing akong cafeteria. Nagpaalam kasi ako kanina kay Dark na cr lang ako pero dumiretso akong cafe.
Pagbalik ko, nandoon pa din sila sa classroom.
“Ang tagal mo?” Nakabusangot si Dark habang nakatingin sa phone niya.
“Madaming tao sa cr eh.” Palusot ko. Umupo na ako sa tabi niya. “Nasaan ‘yung tatlo?”
“Inutusan kong bumili ng cellphone.” Patuloy pa din siya sa pagkalikot ng phone niya.
“Ang tamad mo naman! Bakit hindi na lang ikaw ang bumili?”
“Hinihintay kita, that’s why.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Ano ba kasing nangyari sa phone mo?” Hinablot ko ito mula sa kanya. “Ay? Sira?”
“Nalaglag kanina ‘nung nag-perform ako.” Kaagad na napahawak ako sa bulsa ko.
“‘Yung akin, nawawala!” Nagsimula na akong mag-panic. “Hindi mo ba nakita kung saan ko inilagay?”
Pinitik niya ang noo ko.
“Ang ulyanin mo! Pinahawak mo sakin kanina bago ka nag-perform.” Sabi niya at inabot sa akin ang phone ko. Kaagad ko namang kinuha iyon.
Sinipat sipat ko ang bawat sulok ng phone ko pero wala namang gasgas.
“Thank God, walang gasgas!”
“Eh hindi naman nalaglag ‘yan!” Sabi niya.
“Eh paano nalaglag ‘yung sa’yo?” Tinignan ko siya ng masama. “Ano nga?”
“Tsk. Fine. Pinambato ko kanina sa spirit ko. Para magawa ko ‘yung plano ko.”
“What?! Nandaya ka!”
“Diskarte ang tawag ‘dun!” Inirapan niya ako. Inirapan ko din siya! Hah! Akala niya siya lang marunong mang-irap, ah?
Ilang sandali pa, dumating na ‘yung tatlo. Ako naman, nagsimula nang pakialaman ang phone ko. Baka may text si mommy o daddy.
Pero pagka-open ko, bumungad sa akin ang password chenes. Naka-lock ang phone ko!
“Dark, anong ginawa mo sa phone ko?” Hindi siya sumagot kaya nilingon ko na siya pero busy siya sa pagkalkal ng phone niya. “Dark!!”
“What?”
“Anong password nito?”
“Wait lang. May hinahanap ako.”
Sumilip ako sa phone niya pero inilayo niya kaagad. Ilang sandali pa, pabagsak niyang inilapag ang phone niya sa desk niya.
“s**t! Sa phone naka-save!” Sigaw niya. Nagsimula namang tumawa ng tumawa ‘yung tatlo. “f**k! Shut up!”
Lalong lumakas ang tawanan ‘nung tatlo.
“Kaming bahala.” Si Red at ngumisi.
***
“Hoy! Ano ba ‘yang ginagawa niyo?” Itinulak nila ako sa fitting room at pinagbihis. Tinignan ko ‘yung black na dress, okay fine, maayos naman.
Sinuot ko na at pagkalabas ko ng pinto, bumungad sa akin si Dark na naka-itim na fit na damit at pants. Gwapo. *o*
Napatingin naman ako sa tatlo pa at nakasuot sila ng magagarang kasuotan. Si Red, naka-Red, ganun din naman si Blue tapos si Nat naman, brown. Ano bang meron?
Lumapit ako kay Dark at inabot ‘yung phone ko sa kanya.
“I-unlock mo.”
Kinuha naman niya at pagkabalik niya, naka-unlock na nga.
“Picture tayong lima?”
“Mamaya na. May pupuntahan kami eh.”
Tumango naman ako sa tatlo at nilapitan na si Dark.
“Picture tayo? Sayang outfit!”
“Hell no!”
“Edi h’wag!”
Nag-picture akong mag-isa ko ‘dun sa phone ko. Pero parang pangit eh. Tinignan ko ‘yung phone ni Dark.
“Pahiram ng phone mo!”
“Why?”
“Magpi-picture ako.”
Nakita kong parang ngumiti ang mga mata niya. May tinype muna siya bago niya ibinigay ang phone niya. Ako naman, inabot na muna sa kanya ‘yung phone niya.
Nagpunta ako sa may camera. Oh, di ba? Ang liwanag ‘nung sa kanya!
Nag-picture ako ng ilang beses hanggang sa nagsawa na ako sa mukha ko.
“Dark?”
“Hmm?”
“Picture na tayo.”
“No.”
“Dark naman eh.”
“Ikaw na lang.”
“Dark!!”
“What?”
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
“Ayaw mo?” Nakatingin siya sakin na parang nag-aalangan pa. “Okay. Madali naman akong kausap eh.”
Hinablot ko ‘yung phone ko sa kanya at ibinato sa kanya ‘yung phone niya at tinalikuran na siya.
“Hey, wait!” Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. “Basta isa lang. Okay?”
Ngumiti ako at nagpalit na ulit kami ng phone. Nag-pose ako at nag-picture na pero nang tignan ko, napasimangot ako.
“Try mong ngumiti!” Hindi niya ako pinansin. “Dark!!”
“Hey! Masakit sa tenga.”
“Ngiti na!!”
Inirapan niya ako at nag-picture na ulit. Nang tignan ko na ‘yung shot, nakangiti na siya, pero medyo pilit. Pero ayos na.
Ilang sandali pa, dumating na ‘yung tatlo at may hawak silang printed pictures.
Nang ipinakita nila sa amin, I was what the f**k. Ang sweet namin sa mga shots namin. Parang close kami!
“Let me have this one.” Sabi ni Dark na ikinagulat ko. At saka niya kinuha ‘yung picture namin na nakatingin siya sakin na parang kumikinang ‘yung mga mata niya, tapos ako, nakatingin ng masama sa kanya.
And I find it really sweet.