Nine

2492 Words
LIGHT'S POV Ikot kami ng ikot ni Dark sa mall para hanapin 'yung tatlong mongoloid, pero wala. Lintek naman na mga lalaki 'yun, iwan daw ba kami? Ayaw kaming kasama, ganern? "Let's just go to the car park." "Pero hindi pa--" "Don't mind them. They will be fine." Pagdating namin sa car park, hinanap namin 'yung kotse ni Dark. "They stole my f*****g car?!" Dark hissed. "They're going to pay." "Huh? Sino?" "Those jerks! Hays." Humarap siya sakin. "Sina Red, Blue and Nat." "W-What? Ibig sabihin, magta-taxi tayo?!" "I think so." "No way!!" Sigaw ko. "Never!" Pero hinila na niya ang braso ko papasok ulit sa mall. Gumamit kami ng elevator hanggang sa lower ground floor. Lumabas na kami ng mall. Omg. Ang dilim na pala! Naghanap kami ng taxi pero wala na ata. Grabe ah. Hindi pa naman masyadong gabi. May tumigil na bus sa harapan namin. "I think pwede na diyan." Sabay turo ko ng bus. Bus is way better than a taxi naman. "Tara na." Sabay kaming sumakay sa bus. Napunta kami sa pinaka-dulo, which is okay lang naman. Pero medyo nakakahilo. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Naramdaman ko na lang ang pagpalsak ni Dark ng earphone sa isa kong tenga. Now playing: Good Girls of 5SOS "What the hell?" I laughed. May ganito din pala si Dark sa phone niya? Anyway, 5SOS is my favorite band. "Hey, phone mo gamit ko." Iminulat ko ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin. "Just sleep." Inirapan ko na lang siya. Pumikit na lang ulit ako at nakinig ng tugtog. She said to me, forget what you thought. 'Cause good girls are bad girls that haven't been caught. Na-miss ko si Magda. Kinikilala kaming good girl sa school before, but you know, bad girl talaga kami. "This guy is getting to my nerves." Inis na bulong ni Dark. Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan siya. He's looking at the guy na nakaupo sa tabing upuan ng nasa harapan namin. "Kanina pa siya nakatingin sa'y--dito." "Baka crush ka niya?" Natatawa kong bulong. Tumingin ako sa lalaking tinitignan niya and he's familiar. "Hey, parang nakita ko na siya before." "Of course, he's our schoolmate." "Sabi na ko na e--what? Schoolmate?!" "Yes. The rank 1 guy." "Rank 1 guy?" "s**t. Annoying." Inis na sabi niya sabay tingin ng masama sakin. "Shut up." "Sino ba kasi?" "The rank 99 to 1." Napatingin ako sa lalaki na ngayon ay nakatalikod na sa amin. Ibig sabihin, siya nga 'yun! 'Yung magaling na newbie! Kaya pala pamilyar eh. "Mas gwapo pala siya sa malapitan." Bulong ko sa sarili. Totoo naman. 'Nung nakita ko siyang nag-perform, pogi siya, yes. Pero nang makita ko kanina? Di ko nakilala kasi lalong lumevel up ang kagwapuhan niya. "Tsk. Never compliment him." Inirapan ko na lang si Dark. Daming ayaw nito. Minsan, naisip kong sapakin na lang siya eh. Nakakainis kaya. Nang mapatingin ako ulit 'dun sa lalaki, nakita kong nakatingin din siya sakin. Then, I saw him smile. Oh darn, his smile is so sweet, and I love it. But no, he's not my type. "Stop staring at him." Sabi niya at tumayo na. "Baba na tayo." "Pero wala pa tayo sa--" "Light." Basta warning tone, delikado, kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya. Hindi ko na din tinignan 'yung guy kasi baka magalit si Dark. Nakakainis lang. Pati ako nadadamay sa inis niya 'dun. Leche! (=____=) Nandito na pala kami sa kanto at konting lakad na lang. "Can't we just teleport?" "No." Tipid na sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Galit ata si Dark. Ang dilim na nga, ang dilim pa ng aura niya. Naglakad na lang kami hanggang sa napatapat kami sa apartment na tinutuluyan namin. "Hintayin na lang kita sa may gate ng school bukas. Good night." He then kissed me on my right cheek, and walked away. Naiwan na naman ako ditong tulala. Why is he giving me this feeling? My heart beats so fast, this is not normal. And I can feel that I'm f*****g blushing. Oh, darn, gusto ko na lang magtatalon dito dahil sa....kilig? Pumasok ako ng kwarto at sinalubong naman ako ni Kuya Rocky. "Saan ka galing?" "Nag-celebrate?" "Sabi ko, saan ka galing, hindi kung anong ginawa mo." Inirapan niya ako at iniwan na akong nakatanga dito. Kahit kailan talaga, may pagka-sira ang ulo niya. Nagpunta na lang ako sa kama ko at kinapkap ang bulsa ko. Darn, na kay Dark ang phone ko! *** Tulad ng sinabi ni Dark kagabi, hinintay nga niya ako sa may gate ng school. Pero inirapan niya ako nang makita ako at tinalikuran na. Hayaan ko na lang, baka nireregla siya eh. Nandito lang ako sa likuran niya at sinusundan siya. Kitang kita ko ang mahaba niyang ducktail sa likuran at ang kulay dilaw na kulay nito. Ang gwapo niya pa din kahit na nakatalikod. "Hi, Light," Napatingin ako sa harapan at napakurap ng ilang beses. Wala nang Dark sa harapan ko, pero merong Night. "H-Hi?" Alangan na sagot ko habang palinga linga. Nasaan na ba kasi ang Dark na 'yun? Akmang hahawakan niya ako nang umiwas ako. Ang sakit na kayang makuryente. Nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may isang kumpulan akong nakita. At dahil may dugo akong tsismosa, nakisilip ako at namilog ang mga mata ko nang makita ko 'yung current rank 1. I mean, dalawa sila ni Dark. "Tsk." Naramdaman ko na lang ang pagkaladkad sa akin ni Dark papunta ng room. "Bakit ba bigla kang nawala sa likuran ko?" "Eh gago ka pala eh, bakit mo ako hinayaang mawala?" Sinamaan niya lang ako ng tingin at hinila na ako papaupo. Pumasok naman na 'yung tatlong ugok sa room. "Hahaha! Late 'yun panigurado!" Si Red. "Magtatago na lang ako." Si Blue. "Nadamay na naman ako sa kalokohan niyo!" Si Nat. Bulungan silang pumasok hanggang sa mapatingin sila sa amin. "What the!! Ba't ang aga niyo?" Si Red na parang nawalan ng dugo sa sobrang putla. "Just sit beside Light, idiots." Matalim na tingin ang ibinigay niya sa tatlo. Mabilis naman na nagsi-upo sa tabi ko 'yung tatlo. "Dark!!" Lumingon si Dark sa kanya, "Pero solve ka, hindi ba?" Sumama 'yung tingin ni Dark, "We'll talk later." Omg. Nakakatakot pala talagang magalit si Dark. Walang sinasanto. "All students, proceed to the Battle Ground." **** "Sa mga ranks, may nag-tie, at si Dark at Nicolo iyon." "Nicolo?" Tanong ko sa sarili ko. "Dark Laurel and Nicolo Pascual, come here and be ready for your battle." Napalingon ako kay Dark at ang sama ng tingin niya kay Nicolo na nasa kabilang side lang. So, si Rank 99 to 1? "Good luck?" Sabi ko na ikinataas ng kilay niya. "Basta, dapat manalo ka!" Ngumiti siya ng tipid, "Of course." Ang yabang! "Just watch, okay?" "Eh, nasaan na ang phone ko? At phone mo?" Inilahad ko ang kamay ko. "Baka mandaya ka eh, mahirap na!" Inabot niya ang dalawang phone, "Gusto mo ba akong matalo?" "Hindi ah!" Ibinulsa ko ang phone naming dalawa at ngumiti, "Syempre, gusto kong manalo ka, hindi dahil sa nandaya ka, kung hindi dahil sa ibinigay mo lahat ang effort mo." I saw him smile again. Syet, sobrang gumagwapo siya kapag nakangiti eh. Inayos ko ang kwelyo niya at pasimpleng bumulong, "Kapag natalo ka, ibig sabihin mas pogi sa'yo si Nicolo." Sinamaan naman niya ako ng tingin. Nginitian ko lang siya ng pang-asar at nag-signal ng fighting! Nagpunta na sila sa stage. May bumalot na glass wall sa dalawa at nagsimula na ang oras. In 2 minutes, kung sino ang mas maraming damage, siya ang talo. Syempre, may mga life sa itaas nila na parang nanunuod lang kami ng Tekken. Nagsimula na ang laban at naka-cross finger ako habang nanunuod. Grabe, ako ang kinakabahan sa battle na ito eh. Unang umatake si Nicolo, nadaplisan lang naman si Dark sa braso. Nabawasan ng konti 'yung life niya syempre. Kita ko ang mahinang pagbanggit ni Dark ng isang spell at parang may kung anong bagay naman ang dumapo sa katawan ni Nicolo at nagkasugat ang ilang parte dito. Sobrang daming dugo na tumutulo sa kanya. "s**t!!" Sigaw ng mga nanunuod, pero may ibang mga audience na natuwa dahil doon sa pangyayari sa loob ng glass wall. 1 minute na lang ang natitirang oras. Nagpalitan na ng atake ang dalawa. Hanggang sa nauubos na ang oras. 30 seconds na lang nang muling natamaan si Dark sa powers ni Nicolo. Napapikit ako kasi ang bilis magbawas 'nung sa life ni Darl sa sobrang lakas ng atake ni Nicolo. Nagsisi na ako. Hindi ko na sana kinuha ang phone niya para nakapandaya siya!! Iminulat ko ang mga mata ko at gusto kong maiyak sa nakita ko. Isang tira na lang kay Dark, matatalo na siya. Habang 'yung kay Nicolo, kalahati pa. 15 seconds.. "Dark!! Ang pangit mo talaga!!" I screamed. Sobrang kahihiyan kaya para sa kanya na matalo ng isang newbie. Anyway, ano bang paki ko? Siya naman 'yung mapapahiya eh. Wahaha. Tama, di dapat ako affected. Tumingin ulit ako sa loob ng glass wall at nakita kong napuruhan si Nicolo gamit ang hangin ni Dark. Pero may kakaiba eh. Bakit nakangiti si Dark? "Miss, sumama ka sa amin." May nga guards na humihila sa akin. "What? Teka!! Nanunuod ako!!" "Bawal sumigaw dito. Kaya miss, lumabas ka na." Nahila na nila ako palayo. Omg. Ang sarap pektusan ng mga 'to! "Hey, idiots. Take your hands off of her." Mukhang natakot naman 'yung mga guards at binitawan ako. "Never touch her! Kung ayaw mong mamatay ng maaga!" Si Red. Lumapit naman sa akin si Nat at hinila na ako pabalik sa pwesto namin kanina. Natatawa na lang ako. Ang bait naman pala ng tatlong elemental user! ^____^ Pagtingin ko sa oras, 5 seconds na lang at mas marami pa ang life ni Nicolo kaysa kay Dark. "Float!" Mabilis na sabi ni Dark. "Bomb!" Then, may kung anong sumabog sa katawan ni Nicolo kaya tumalsik siya. Natapos ang oras at nagtatalon ako sa tuwa kasi tie sila. At least, hindi siya natalo, hindi ba? "Plus 10 seconds. Fight!" Sa speaker kaya nagpatuloy ang labanan. "Use your back up power. Wala namang nagsabi na hindi pwede." Pagkausap ko kay Dark. Pero naalala ko, he can just see what's the last thing happened on an object. Paano niya magagamit iyon? Umaandar ang oras at kailangan kong tumulong. Teka, sabi ko hindi ako affected eh. Lintek na! Kailangan ko lang sundin ang mga rules niya for the sake of my safety at dahil nga utos lang ni Kuya iyon. Alam ko namang si Kuya ang gumawa ng mga rules, siya nga ba? Hmmm. Tumingin ako sa dalawang naglalaban. Pero nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak na si Dark at patuloy na nauubos na ang life niya. "Time is up!" Naalis 'yung glass wall at napatakbo na lang ako papalapit kay Dark pero pinigilan ako ni Blue. "Hindi mo siya dapat makita." "Let her." Si Red at tinanguan si Blue. Binitawan naman na ako nito kaya tumakbo na ulit ako kay Dark. Natalo ba siya? "Dark!" Tinapik tapik ko ang pisngi niyang may mga cuts. "Gising! Ang pangit mo!" "Aray!!" Sinamaan niya ako ng tingin tapos tinakpan niya ang mukha niya. "Umalis ka na nga dito!" "What? Rule no.1, remember?" Pilit kong inaalis ang kamay niya sa mukha niya pero ayaw niya talaga. Hmp! Edi 'wag pilitin! Pagtingin ko sa emcee, kausap niya si Red na seryoso ang mukha. Then, tumango tango 'yung emcee at nagsalita na ulit. "Let's watch the replay!" Then, may nag-flash na video sa harapan. "Oh, Nicolo Pascual used the dangerous dark spell." Kita sa video ang mabilis na pag-cast ni Nicolo ng kakaibang spell, kasabay ng pagbagsak ni Dark. Napatingin ako kay Dark. "Patay ka na ba?" "Dark Laurel for the win!!" Hindi ko na pinakinggan pa 'yung emcee. Nakatingin lang ako kay Dark na wala na talagang malay. Then, may bigla nalang dumating na isang matandang lalaki dito ag hinawakan ang kamay ni Dark. "He needs to rest. The dark spell attacked his heart, that's why he's in a bad condition right now." "Is he going to be alright?" "Maybe. Anyway, you can talk to Mrs. Rivera tomorrow. She's not around today so let Dark just rest for awhile." "Mrs. Rivera?" "Yes. The beautiful doctor at the clinic." "Pero bakit po? Nandyan naman kayo." "She's better than me." Napangiti ako nang makita ko ang ningning sa mga mata ni Doc. "Ano po bang pangalan ninyo?" "I'm Mr. Francis Rivera. Why?" "Ilalakad ko kayo kay Mrs. Rivera. The way your eyes twinkled when you're stating her name, iba eh. You are deeply in love with her, aren't you?" Natawa naman siya sa sinabi ko. Huli ka, doc! "Actually, yes. I'm deeply in love with her. But you know, hindi mo na ako kailangan pang ilakad sa kanya." "Bakit po? Girlfriend mo na ba siya?" "Pfft. N-No. No!" Natatawa na sagot niya. "I have to go, kiddo. But one more thing, h'wag mong pabayaan si Dark. Dahil kapag hindi naalagaan 'yan mamaya, baka hindi na siya makaabot bukas." Iniwan naman ako ni Doc dito na naka-nganga. Baka hindi na siya makaabot bukas? Anong ibig niyang sabihin? Baka nagbibiro lang siya. *** Nandito kami ngayon sa bahay nila Dark. Sila lang daw dalawa ni Ytan ang nakatira dito. "Cheers mga pare!!" Si Red at nakipag-cheers sa iba. Nagce-celebrate sila kasi nanalo si Dark, rank 1 na siya. Na-disqualified kasi si Nicolo kasi ginamit niya 'yung dark spell. Ang dark spell pala na ginamit niya ay ipinagbabawal sa school namin. Kasi sobrang delikado ito kapag tumama sa isang tao o wizard. Lahat pala pwedeng i-cast ang spell na iyon, pero ayon kay Red, kakaunti lang daw ang nakakaalam ng spell na iyon. Madalas daw, mga Dark Wizards lang ang gumagamit 'nun. Kahit nga daw sila apat, hindi nila alam iyon eh. Nakatingin lang ako sa mukha ni Dark. Tulog na tulog ang loko. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Doc Francis kanina. "But one more thing, h'wag mong pabayaan si Dark. Dahil kapag hindi naalagaan 'yan mamaya, baka hindi na siya makaabot bukas." "Ano bang dapat gawin sa taong may sakit?" Lumapit ako sa apat na nag-iinuman. Kumukuha ako ng isang baso pero pinigilan nila ako. "Tutulungan ka namin sa pag-alaga sa kanya, pero h'wag kang iinom. Ayaw pa naming mamatay." "Bakit? Nakakamatay ba ang pag-inom ko? Isang baso lang eh!" Nagtawanan lang naman sila. "Lugaw ang dapat pinapakain sa mga may sakit. Mas madali kasing matunaw sa tiyan iyon." "Lugaw?" Ngumiti ako. "Tama, lugaw nga! Bukas ng umaga, ipagdadala ko siya ng lugaw!" Ngiting ngiti ko silang tinalikuran. Pero teka, may problema eh. Nilapitan ko ulit sila. "Paano nga ba lutuin ang lugaw?" Napakamot sila ng ulo nila. Kumuha ako ng ballpen at papel at pinasulat sa kanila ang ingredients at procedure. "Hoy! Salamat, ah!" Iwinagayway ko 'yung papel. "'Yung phone ni Dark, iwan ko sa side table niya. Uuwi na 'ko!" Inilapag ko ang isang phone sa side table at tumakbo na palabas pero hinabol ako ni Nat at nag-volunteer na ihatid ako. *** 7pm palang ng gabi, hindi na ako mapakali. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko at napamura na lang ako nang makitang hindi sa akin phone ang nadala ko. Kundi kay Dark! Binuksan ko na lang at pinakialaman. Wew, buti walang password. Nandoon sa side table ko 'yung phone ko, maririnig naman niya kung tatawag ako, hindi ba? Itinype ko ang number ko at dinial. Asdfghjk! Wala siyang number ko dito?! Ilang ring lang at sinagot na niya. (Hello?) Napakalumanay ng boses niya. Sana lagi na lang siyang may sakit para di siya laging nakasigaw. Wahaha! "Ah, eh, Dark? Kamusta naman?" (*cough* I'm fine.) I'm fine daw pero umuubo? Patayin ko kaya siya? Ewan ko lang kung masabi pa niyang he's fine! "Tsk. Okay." Inis na sabi ko. Akmang ibababa ko na nang narinig ko ang pagsuka niya. Eww, pero nag-worry ako bigla. "A-Ayos ka lang ba?" Pero wala nang sumagot at ibinaba na niya ang tawag. Binulsa ko ang phone niya at dumiretso sa kusina. Wala pa naman si Rocky kaya ita-try kong magluto. Ayokong makita niya ako, kasi pagtatawanan ako 'nun! Eh hindi naman kasi talaga ako maalam magluto. Kinuha ko 'yung papel na pinagsulatan nina Red. Nagsalang ako ng isang casserole at naglagay ng tubig. Sinunod ko lang 'yung steps na nakasulat sa papel at mangiyak ngiyak ako nang hindi katulad 'nung idinescribe nilang itsura ng lugaw ang nagawa ko ngayon. "A-Anong ginagawa mo?" Naramdaman kong umakbay sa akin si Kuya Rocky. "Nagluluto ka?" "Y-Yeah." Nahihiya kong sagot. "Ano 'yan? Kanin na may sabaw?" "Kuya naman eh! Lugaw 'yan! Lugaw!" Grabe talaga manlait itong si Kuya. "Lugaw? Madali lang 'yun! Ako na lang magluto, gusto mo?" "Yes!! Thanks, Rocky!" Kinindatan naman niya ako at nagsimula nang magluto. Nang maihanda na. "Para kanino ba kasi 'to? 'Wag mong sabihing may boyfriend ka? Tatamaan ka talaga sakin, Light!" "Wala akong boyfriend, okay? He's just my friend at may sakit siya. Syempre, I'm worrying about him kaya sinubukan kong magluto ng lugaw." "Okay fine. Basta, mag-iingat ka, ah?" Hinatid na ako ni Kuya sa tapat ng bahay nila Dark. 8:30 pm na at sobrang dilim na dito. Grabe lang. "Chupi na! Kaya kong umuwi." "Sigurado ka? Pahatid ka sa mga tao dyan, ha." "Oo na." Pumasok na ako sa garahe nila at kumatok sa pinto. Naka-dalawang katok palang ako, bumukas na ang pinto. "Light!!" Nanliwanag ang mukha ni Ytan nang makita ako. "Dali, ang kuya!" "Anong nangyari kay Dark?" Tumakbo na ako sa kinahihigaan ni Dark at sobrang nanlalambot na talaga siya sa itsura niya ngayon. "Light?" Napatingin sa akin si Dark pero kaagad din naman siyang tumalikod sa akin. "Umuwi ka na." "Tamo 'to! Nagluto pa ako ng lugaw para sa'yo tapos papauwiin mo lang ako?" Drama ko. But you know, I lied. Di naman talaga ako ang nagluto eh. "Sigurado akong hindi ikaw ang nagluto niyan." Sabi niya. Aba!! Minamaliit niya ba ako? Kung wala lang siyang sakit, kanina ko pa siya naipatapon sa Pluto! "Dark naman!" Pero natigilan ako sandali nang may biglang scene na naglaro sa utak ko. "You can heal a severe wounds and injuries, Light, using your elemental powers." "I know!! But why can't I heal this f*****g wound? It hurts!" Mangiyak ngiyak na sagot ko sa kuya ko habang hawak ang malaking sugat sa braso ko. "Hays. Magic spells lang ang pwede mong i-deactivate sa katawan ng tao. Pero hindi ang mga sugat na galing sa mga bagay lang dito sa mundo na ito." Kuya Dark smiled. "And you can't heal a broken heart using your elemental powers." "What about that broken heart? Are you in love? Tsk." "No. I'm just saying. Basta, hayaan mo na lang gumaling iyan." What the hell. Bakit biglang pumasok sa isip ko ang scene na iyon? Wait. I can heal using my elemental powers? I think so. Kasi, 'nung unang na-injured si Dark dahil sa akin, sabi ni Doc, gumaling siya dahil sa apoy ko. At nagagawa ko din iyon sa sarili ko. "Heal." Bulong ko. Then, napaatras ako nang may itim na usok na bumalot sa kanya. Anong ginawa ko? Hindi ba, dapat apoy ang babalot sa kanya? "Light." Napalingon ako kay Ytan at gulat na gulat siya. "What have you done?!" Hindi ko siya pinansin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Dark. Then, biglang napapalitan ng liwanag 'yung itim na usok kanina. Nang nabalik na siya ulit sa dati, may itim na usok na lumabas sa bibig niya. Did I just deactivated the dark spell? Omg. Nagawa ko!! Bumangon si Dark. "What happened?" Napangiti ako. Nagawa ko nga!! Tumakbo ako kay Ytan at niyakap siya. "Magaling na siya!" But I think, hindi dahil sa nagawa ko ang ikinatutuwa ko. Natutuwa ako kasi, magaling na siya. "Ang galing ko! Nakatulong ako!" Naiiyak na talaga ako. I'm so proud of myself! "Masaya ka hindi dahil nakatulong ka." Humiwalay ako sa pagkakayakap at napatingin kay Ytan na nakangiti. "Masaya ka kasi si Dark ang natulungan mo." And then he left me dumbfounded, searching for the right words to answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD