LIGHT’S POV
Maayos na ang lagay ni Dark ngayon. Kinakain na nga niya ang dala kong lugaw eh.
“Masarap ba?” Tanong ko. Inirapan niya lang naman ako. “Okay lang, ‘di naman ako ang nagluto niyan!” Sabay binelatan ko siya.
“Kaya pala masarap.” Sabay ngumisi siya. Ayan na naman ang lecheng side ni Dark! Dapat pala, may sakit na lang siya lagi. Hahahahajk.
“Ako kaya nagluto diyan!” Binelatan ko ulit siya.
“Ay! Hindi na pala masarap.” Tinaasan ko na lang siya ng kilay at kumuha na ng tubig at ibinigay sa kanya. “Thanks.”
Grabe, bakit ko ba pinagsisilbihan ang lalaking ‘to?
“Hmm, after mong kumain, uuwi na ako.”
“Oras na. Dito ka na lang matulog.”
“No. Magagalit ang Kuya ko.”
Sinamaan niya ako ng tingin.
“Oh, anyway, nasaan na ang phone ko?” Inilabas ko ang phone niya mula sa bulsa ko at inabot sa kanya. Kinuha ko naman kaagad ‘yung phone ko sa side table. “Anong password nito?”
Na-miss ko nang gamitin ‘to!
“I won’t tell you.” Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “Ako lang ang magbubukas niyan.”
“Ano?” Sinapok ko nga! Kahit na kakagaling niya sa sakit, papatulan ko siya. Leche! “Phone mo? Phone mo, ha?”
“‘Wag ka ngang sumigaw!” Inirapan niya ako. “Pasundo ka sa Kuya mo. Hindi ka uuwi kung wala kang kasama.”
“How about teleportation?”
Hindi niya ako pinansin. Tumingin ako sa phone at nakita kong 10 pm na at tulog na si Ytan.
“Magpahinga ka na, Dark.” Pero hindi niya iyon pinansin.
“Pinalalabas ka ba talaga ‘nung mga guards kanina?” Ay, oo! Bumalik na naman ang inis ko. “Totoo ba?”
“Oo! Nakakainis nga eh.”
“Okay. Matulog ka na diyan.” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi nga sabi pwede eh!!”
“How many times do I have to tell you that you don’t need to shout?!” Sus. Parang siya di siya sumisigaw eh. “Basta hindi ka uuwi hangga’t walang maghahatid sa’yo.”
“Edi ikaw na lang. Kaya mo? Kaya mo?” Inirapan ko siya. Naiintindihan ko na concern lang siya sakin, but duh, malilintikan naman ako sa Kuya ko kapag hindi ako umuwi.
“Kung iniisip mo ang Kuya mo..” Tumingin siya sakin at ngumiti. “Okay lang sa kanya.”
Okay lang daw? Ano? Nabingi kaya ako?
“Nilalagnat ba si Kuya?” Takang tanong ko. Kumunot lang ang noo niya.
“Just sleep already. Maaga pa ang pasok natin bukas.”
“Papasok ka na bukas?”
“Of course, as a warrior, wala lang dapat ‘yung natamo ko.”
Wow, ha! Napapanganga na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. As a warrior pa siyang nalalaman, eh baka nga patay na siya kung di pa naagapan kanina.
Inilapag na sa side table ‘yung lugaw niya at nang tignan ko. Boom ubos.
“Akala ko bang hindi masarap?”
“Gutom ako eh.”
Napairap na lang ako. Hindi talaga ako mananalo sa dilim na ‘to.
***
Nagising ako na may nakayakap sa bewang ko. Sinubukan kong tumayo pero lalo pang humigpit ang pagkakayakap.
Nang tignan ko, nakayakap ang si Ytan sakin. The hell! Pero in all fairness, ha. Ang cute matulog ni Ytan. I want him to be my lil bro na talaga! Oops, wait--don’t get me wrong, cute lang talaga siya kaya gusto ko siyang maging lil bro. Pero hindi ang iniisip niyo. Lam ko kayo eh.
Okay, hashtag, SUPER DEFENSIVE.
Pagkalingon ko sa kama ni Dark, nakaupo na siya at masama ang tingin sakin.
“What?” I hissed habang dahan dahan na inaalis ang pagkakayakap ni Ytan. “Aish! Too clingy.”
Pagtingin ko kay Dark, masama pa din ang tingin sakin. Aba, may topak na naman. Hayaan na nga siya. =_____=
Humiga na lang ako ulit ng maayos at itinuloy ang tulog ko. Bahala na kung malintikan kay Kuya.
***
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin. Ine-expect kong nakasigaw na si Kuya sakin.
Pero nagkamali ako.
“Good morning! Kumain ka na ba?” ‘Yung totoo, nilalagnat ba siya?
“Ah, eh, hindi pa. Sa school na lang.”
“Ah. Eh anong oras ka ba nakauwi kagabi? Bakit ngayon ka lang pumapasok?” Ibig sabihin, hindi niya alam na hindi ako umuwi?
“Medyo late na eh. Ah, Kuya, aalis na ako.” At nagmadali akong lumabas ng apartment.
Sinungaling ka, Light!!
Hoy konsensya! Ginawa ko ‘yun for the sake of my ears! Sigurado akong dadakdak na naman siya eh. Hindi ba, white lies ‘yun?
Nakarating ako sa school at nandoon sa may gate si Dark.
“Hey! Bakit ngayon ka lang?”
“Baka late na akong nakauwi kanina.” Then, inirapan ko siya.
“But it’s already 12:45 pm. Patapos na ang lunch break.” He said. “And of course, namuti na ang mga mata ko dito kakahintay sa’yo. I’ve waited for you for almost 3 hours!”
“Seryoso? Nakatayo ka lang diyan mula kanina?” Tinignan naman niya ako ng that’s-because-of-you-look. “Hoy! Hindi ko sinabing hintayin mo ‘ko!”
“Tsk. Shut up and let’s just go inside.”
Idinikit namin ang mga kamay namin para ma-scan ito at papasukin kami.
Nasa likuran niya lang ako na parang buntot na sunod ng sunod sa kanya.
Nakarating kami sa room namin at padating na ang mga estudyante. Grabe. Gutom pa naman ako pero may klase na.
“Get one whole sheet of paper and answer this problem.” Sabay nagsulat ang teacher sa blackboard.
Kanya kanya namang labas ng papel. Kinopya ko ‘yung problem.
How fast is heat being radiated from a blackened or ideal hot surface 100 cm² in area when it is at temperature of 727 °C?
Naningkit ang mga mata ko. Pati dito, may Physics? Okay, sabi nila madali lang daw ang topic namin, pero the hell! Bakit hindi ko alam ‘to? Ni isang formula wala akong alam eh.
“Easy!” Mayabang na sabi ni Red sabay tingin sakin. Hindi ko lang siya pinansin. Grabe, makikipagtitigan na lang ako sa papel ko. Baka kami ang magkatuluyan sa story na ‘to, ah?
“Here.” May inabot na papel sa akin si Dark. “Kopyahin mo.” Saka siya umiwas ng tingin.
“Hindi na. Ayos lang.” Nakakahiya naman kung mangongopya lang ako. Waah! Bakit ba kasi may ganito eh?
“Tsk. Akin na papel mo.” Bago pa ako nakaangal, nahablot na niya at sinulatan na niya. “Turuan na lang kita kapag may time. Ayos ba?” Ibinalik niya ang papel ko at tumingin sakin. Napatango na lang ako at tumingin sa papel ko. Puno na ito ng solution.
Magaling pala sa numbers ang dilim na ‘to. Eh ba’t ako, ayaw sakin ng mga numbers?
“Pass your papers now.” Kanya kanyang tayo naman. “Goodbye class!”
Okaaaay. Tapos na din! Na-stress ako sa isang problem na iyon, ah.
Tumayo na ako. Nagugutom talaga ako. Hindi ako kumain ng almusal.
“Saan ka pupunta?”
“Cafeteria. Kakain ako.”
“Okay. Balik ka kaagad.”
“Yeah.” Walang gana kong sagot at umalis na.
Pagkarating ko sa cafe, nag-order na ako at umupo sa isang table.
“Hi.”
“N–Night?” Bakit bigla na lang sumusulpot sa kung saan ito? “Anong kailangan mo?”
“Wala. Gusto lang kitang makita.” Inirapan ko siya at ininom ang chocolate drink ko.
“Lumayas ka sa harapan ko, pwede ba?” Inis na sabi ko. Isinubo ko ang last na kutsarang spaghetti, hmm, sarap! “Diyan ka na nga!” Tumayo na ako at nilisan siya.
Rinig ko na lang ang nakakairita niyang pagtawa.
“Hey!!” Binilisan ko ang paglalakad ko pero bigla ako nitong hinawakan sa braso. Sa sobrang inis ko, sinampal ko siya. Pero nagulat ako nang hindi siya si Night. “Oh. That hurts.” Then, he smirked.
“Nicolo?” Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. “May kailangan ka ba?”
“Oo.” Ngumiti siya ng nakakaloko at humakbang papalapit sa akin. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. “Ikaw...”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinilabutan ako nang makitang may itim na usok na lumabas sa bibig niya.
“Don’t play games with me, N–Nicolo.” Umatras ako. Natatakot ako sa aura niya. Lalo na kapag ngumingiti siya na parang demonyo.
“I’m not a kid to play games, darling,” Lumapit siya at humawak sa pisngi ko. “I just simply need you.”
Pero bago pa siya lalong makalapit sa akin, may hangin na nagpalutang na sa kanya at pinatalsik siya palayo.
“Are you okay?” Napatingin ako sa limang lalaking nasa harapan ko. Tumango na lang ako.
“Don’t talk to him again.” Si Dark na may masamang tingin sakin. Oh, kinausap ko ba? Tignan mo ‘to, kung makapag-salita, parang kasalanan ko pa!
“Light, he’s harmful. Nakita mo naman kung anong ginawa niya kay Kuya, ‘di ba?” Si Ytan na alalang alala.
“Yeah. Wala naman siyang ginawa sakin.” Sabi ko na lang at tinalikuran na sila. Naguguluhan ako. Pamilyar ang mukha ni Nicolo, pati na ang aura niya. Hindi ko alam kung saan ko nakita eh.
***
“It’s PE day! Magpalit na kayo ng mga uniform ninyo.” Nagpaalam ako sa lima na magpapalit ako. Sila din naman.
Habang nasa locker room at kinukuha ang PE uniform ko, may naramdaman akong parang maliliit na batong tumama sa likuran ko.
Nilingon ko iyon at nakita si Patricia.
“The hell with you?!” Inis na sigaw ko. Paano ba naman, napuno na ng buhangin ang uniform ko. Pinagpag ko iyon at inis na kinuha ko ang PE uniform ko—jogging pants and t-shirt.
“Bakit lagi mong kasama ang 4 elements, ha? Malandi ka!” Sigaw niya.
“True! Lahat na lang inagaw mo, miss Undefined!” Si Jelly na nakisali. Aba, nagsama ang dalawang b***h.
‘Wag nila akong subukan. Pumapatay ako ng mga mukhang aso. Tsk.
Nilagpasan ko na sila pero hinablot ni Patricia ang braso ko. Pero kaagad din naman niyang nabitawan nang biglang umapoy ang kamay ko.
“Tsk! b***h!!” Inis na sabi niya.
“Let’s teach her a f*****g lesson!” Sigaw ni Jelly at biglang naglabas ng bula. At unti unti akong binalot nito. Then, may kung ano siyang ini-apply sa bula. “That is for punching me!”
Shit. Ba’t amoy gas? Sumisikip ang dibdib ko!
Hinampas hampas ko ang bula pero hindi ito mabutas butas.
Pasimple akong naglabas ng hangin para gawing oxygen ko. Pero lalo lang lumala.
Nanlalambot ang mga tuhod ko.
“Sand attack!!” At naramdaman ko ang pagtama ng buhangin sa akin. Hindi lang basta buhangin, may kung ano pa itong power na kapag dumikit sa’yo, manghihina ka talaga.
Naglabas ako ng apoy para ibalot ang katawan ko. At nagulat na lang ako nang biglang lumiyab ‘yung apoy at pumutok ‘yung bula. Bakit ngayon ko lang ginawa ‘to?
Bumagsak ako sa sahig.
“She deserves it!” Tawa ni Patricia at nag-apir pa sila ni Jelly at lumabas na.
Inaantok ako. Sobrang nanghihina ang katawan ko.
“Dark...”
***
“Dark?” Napatingin ako sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Si Dark nga!
Hinawakan niya ang kamay ko, “Ayos ka lang ba?”
“Of course.” Nangingiting sabi ko.
Bigla namang dumating si Doc.
“Maayos na ang lagay niya. Hindi lang niya nakayanan ‘yung amoy ‘nung gas kaya nanghina siya. And of course, nakakapanghina ang sand power ni Patricia.” Pinisil ni Doc ang pisngi ko. “You’re still pretty pa rin naman. Pahinga ka lang.” Then, she paused. “Ikaw siguro ang sinasabi ni Mr. Rivera na batang makulit na girlfriend ni Dark?” Sabay tinignan niya kami ni Dark ng nakakaloko.
“Naku. Hindi ko po boyfriend si Dark.” Inalis ko ang kamay ni Dark sa kamay ko. “Edi kayo po si Mrs. Rivera?”
“Hmm. Oo, ako nga. Bakit?”
“Ang ganda niyo po!” Umupo ako at pinisil ang pisngi ni Doc. “Alam niyo po bang crush ka ni Mr. Rivera?” Tumawa lang naman si Mrs. Rivera.
“Tama siya, ang kulit mo nga.” Tapos tumayo siya ng maayos. “Kailangan ko nang umalis. Pahinga lang, okay?” Tumango ako. Umalis naman na siya.
“Pfft. Stupid.” Hinarap ko si Dark at sinamaan ng tingin. At bakit stupid na naman ako? “Mag-asawa si Mr. Rivera at Mrs. Rivera. Obvious naman sa apelido, hindi ba?”
Tapos tawa na siya ng tawa. Napaisip din ako. Oo nga naman, parehong Rivera, tapos Mrs. pa si Doc. Omg. Why so stupid, Light? Nakakabobo talaga. Lalo na kapag kasama ko ‘tong bwiset na Dark na ‘to. Tsk.
“Pwede ba tumigil ka?” Iritang sabi ko.
Pero hindi niya ako pinakinggan. Bwiset talaga! Kainis.
*tok tok*
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking kasing-edad lang si Kuya Rocky.
“Oh, a cute little girl,” Nangingiting sabi nito at tumingin kay Dark. “There you are, dear brother!”
“Get out.” Walang emosyon na sabi ni Dark. Hindi siya pinansin ‘nung lalaki at inilipat na lang nito ang tingin nito sakin.
“You look injured.” Ngumiti siya at lumapit sa akin. “Do I need to kiss you to heal those wounds?”
“Damn! Stay away from her!” Napatayo na si Dark.
“And why is that?” Ngumisi ‘yung lalaki na parang hinahamon si Dark.
“Because she’s mine!” Nagulat ako sa sinabi niya at napatanga. “Just mine!”
At napatakip na lang ako sa bibig ko nang mapansin kong nakangiti na pala ako.