LIGHT'S POV
NANDITO kami ngayon ni Dark sa playground. Nakaupo kami sa swing at ang awkward lang talaga.
"Bakit mo sinabing..." Huminga ako ng malalim at napailing. "Never mind."
"I'm oblige to protect you." He simply said. Parang may kumurot naman sa puso ko nang marinig ko iyon.
Yeah, sa simula pa lang naman, ginagawa niya lang ang lahat ng ito, kasi OBLIGADO siya, kasi may usapan sila ni Kuya. Hindi dahil gusto niya.
Tsk. Dapat hindi na siya pumayag eh. Kaya ko naman ang sarili ko.
"No, hindi mo kaya ang sarili mo." Bigla niyang sabi. Nabasa niya ba ang iniisip ko? "Tignan mo ang nangyari sa'yo kanina? Dalawang babae lang iyon, Light."
"Dalawa sila, malamang." Inirapan ko siya. Pero naiisip ko pa din 'yung sinabi niya kanina. "Sino ba 'yung lalaking 'yun?"
"He's my half brother." Tipid na sagot niya. "Let's not talk about him." Matabang na sabi pa nito.
Okay. Naintindihan ko naman. Mukhang hindi sila okay eh.
"Light.." Hindi ako lumingon pero hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya. "H'wag ka munang mag-boyfriend."
That's because of my Kuya. Tsk. Lagi na lang si Kuya ang iniisip niya. Paano na lang ako?
"Y-Yeah." Sagot ko na lang with matching irap pa.
"Promise me." Hindi ako sumagot. "Hey! Promise me!"
Hinarap ko siya, "Ano bang problema kung mag-boyfriend ako?" Inis na sabi ko.
Umiwas siya ng tingin. "Just p-promise me."
"No! Hangga't hindi mo sinasabi kung bakit!"
"I already told you--"
"No! I want the--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at hinalikan. Ni hindi ako makagalaw at namimilog ang mga mata ko.
"Now, shut up." He smirked then he left me here, dumbfounded. Great. Just great!
Inis na tumingin ako sa papalayong likod ni Dark, at inis na binato siya ng maliit na fire ball.
"Jerk!!" Singhal ko. "Die!! Huwaah!"
"f**k!!"
***
"Anong nangyari dyan?" Hindi ko pinansin ang mga magkakaibigan na nag-uusap doon. Umupo na lang ako sa sofa at nanuod ng tv.
"May dragon kasi dyan na biglang sumabog kanina at bigla na lang nagbuga ng apoy." Si Dark na pinaparinggan ako. Hindi ko na lang pinansin. Papansin ang mokong na iyon. Letse!
"I knew it." Rinig kong sabi ni Nat at sa isang iglap, nasa tabi ko na siya. "Bakit mo naman sinunog si Dark?"
"Kasi pangit siya!!" Inis na sabi ko at sinamaan ng tingin si Nat. "Allergic ako sa pangit kaya pakisabi sa kanya, h'wag na niya akong lapitan!"
Tumawa naman si Nat.
"Hoy! Sinong pangit? Kasalanan ko ba na--na.." Si Dark. Tinignan ko siya ng masama.
"Ano?! Sige, ituloy mo!"
(-___-)++++++ +++++++(-_____-)
Kami ni Dark iyan. Nagpapatayan na kami sa tingin, actually.
"Nah! Whatever." Inirapan niya ako at hinarap 'yung dalawa. "Gamutin niyo 'to! Tsk!"
Pabagsak na sumandal naman ako at tumingin na lamg ulit sa tv.
"Bakit ba sobrang galit ka sa kanya?" Tanong ni Nat. "May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Still, hindi ko pa siya pinapansin. "Nasugatan ka? Pinag-tripan ka? Pinatid ka? Ano?" Dedma ko pa din siya at nagkunwaring walang naririnig. "Ano nga? Niyakap ka ba niya? Hinalika--" Hinarap ko siya at pinaghahampas.
"Subukan mong ituloy 'yan at susunugin kita! Waah!!"
"Aray!! Tama na!! U-Uy! Light!!!"
Hindi ko pa din siya tinigilan. Letse siya! Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig niya eh!
"Hey!! Masakit!!" Tumigil ako at inirapan siya. Umayos siya ng upo at inayos ang damit niya. "So, hinalik--" Tinignan ko siya ng masama. "Fine! Fine!" Tapos umakto siya na parang zini-zipper 'yung bibig niya. Very good.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa tv na wala namang kwenta ang pinapalabas. Some pathetic love story. Tsk. I hate romance talaga.
Ilang sandali pa, nakitabi na din sa amin 'yung dalawa habang si Dark, umupo doon sa isang maliit na sofa.
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Red. "Bakit sobrang bad trip ka at sobrang saya naman ni Dark kanina?" Sobrang saya niya kasi may napag-tripan na naman siya!!
Bigla namang tumawa ng malakas si Nat kaya kinurot ko siya.
"Subukan mong magsalita dyan, mamamatay ka!" Kinausap ko siya gamit ang isip ko.
"Oo na. Oo na." He answered me while laughing. Oh God, I want to kill him right now.
"May alam ka ba, Nat?" Si Blue na nakakunot ang noo.
"Nah-uh!" Tapos umiling iling siya habang pilit na pinipigilan ang tawa niya.
Inirapan ko na lang sila.
"Uwi na ako." Nasira na ang mood ko. Ewan ko ba kung anong meron. Basta, bigla akong nainis. "Kita na lang tayo bukas."
Lumabas na ako ng private room nila pero hinabol naman ako ni Dark.
"What?!"
"Why so rude?"
"Tsk." Inirapan ko siya. "Uuwi na ako!"
Naglakad na ako ulit pero hinawakan naman niya ang braso ko. Iwinaksi ko ito.
"Ouch!!" Napalingon ako sa kanya. Hawak hawak niya ang braso niya. "Tsk."
"Napano naman 'yan?"
"Sinunog mo, remember?"
Gusto kong matawa pero wala eh. Kawawa kasi siya.
"Hmm. Si Red ata kayang gamutin 'yan." Sabi ko. "Sige, mauna na ako."
"No. Hatid na kita."
Wala na akong nagawa kung hindi magpahatid. Kahit naiinis ako sa kanya. Sige na nga, pagbigyan.
Nakarating kami sa bahay. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas ng pinto.
"Kuya?" Pero walang sumagot. "Kuya!! Nandyan ka ba? Yuhoo!"
Hinawakan naman ni Dark ang door knob. "Umalis siya. Saan niya ba pwedeng itago ang susi?"
"Kung alam ko, hindi na sana ako sumigaw sigaw dito."
"Sabihin mo na lang kung 'di mo alam! Dami pang sinabi eh."
Nag-irapan kami at ako gumawa na ng paraan para mabuksan namin ang pinto.
"Hoy. Lumayo ka!"
"Bakit?"
"Layo sabi eh! Kung ayaw mong masunog."
Nakuha naman niya 'yung sinabi ko at lumayo na siya. Ako naman, bumuo na ng napakalaking fire ball.
"Takpan mo 'ko, gago!" Sigaw ko nang hindi siya lumilingon. Para naman siyang tangang sumunod kaya I burn the door into ashes na. Sobrang dali.
Napangiti ako nang makita ko na ang loob ng bahay namin. Pumasok na ako.
Nakita ko namang umupo si Dark sa sofa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pinapasok ba kita?" Inirapan niya lang naman ako. Aba, ang kapal ng mukha! "Hoy! Lumabas ka nga! Bawal ang lalaki dito."
"So, babae na ngayon ang Kuya mo?"
"Wala kang pakialam! Labas!" Pero hindi niya ako pinansin.
Lumapit ako sa kanya. Nakakainis ka talaga, Dark!! Waah!
Hinila ko 'yung dalawang kamay niya pero hinila niya ito pabalik at sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko sa kanya, napasama ako. Bumagsak ako sa kanya.
Awkward.
Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ganitong sitwasyon.
"Ehem. Ehem. May kwarto naman, bakit sa sofa pa kayo?"
Kaagad na napalayo ako kay Dark at napatingin kay Kuya na masama ang tingin sakin.
"H-Hey, let me explain!"
Inirapan niya lang naman ako at dumiretso na sa kwarto.
"Ikaw kasi eh!" Sabay hampas ko kay Dark.
"Aray! Ano ba!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano bang problema mo?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko." Inis na sigaw ko sa kanya.
"What? Ano na namang ginawa ko sa'yo?"
"Letse! Umuwi ka na nga!" Tumayo na ako at padabog na pumasok sa kwarto.
"Oh, anong ginagawa mo dito?"
"Isa ka pa! Lumabas ka nga at magbibihis ako!" Sumunod naman siya.
Psh! What a day!
Pero bakit ganito, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang sasabog na ito? Bakit parang feeling ko, kinikilig ako?
Tss. Asa naman! Patayin ko pa 'yung dark na 'yun eh!
***
"Kuya, may mapapasyalan ba dito?"
"Oo. May playground diyan sa tabi."
"Okay. Pasyal muna ako."
"Sige. H'wag kang lalayo."
Lumabas ako ng bahay at sinalubong naman ako ng napaka-lamig at lakas na hangin. Magpapasko na ba?
Tinignan ko 'yung phone ko, as expected, naka-lock pa din. Nakita kong may messages na akong na-receive pero hindi ko mabasa. Tss. Baka naman nag-text na si mama o papa sa akin?
Nagulat ako nang bigla itong mag-ring at nakita na open number ang caller.
Sinagot ko ito, kasi pwede naman itong sagutin kahit na naka-lock. Hindi ba? -_____-
"Sino 'to?" Pambungad ko.
(Gabi na ah. Bakit lalabas ka pa?)
Inilibot ko ang paningin ko at nagsimula nang maglakad.
"Sino ka at nasaan ka?"
(Nasa tabi-tabi. Pinagmamasdan ka.)
"Gago ka ba?"
(Totoo nga. Papunta ka ba sa playground?)
"Sino ka ba, ha?" Inis na tanong ko. "Kung ayaw mong sabihin, h'wag kang tatawag. Bwiset."
Ibinaba ko na ang tawag at tinungo na ang daan papuntang playground. Umupo ako sa isang swing. Yeah, mahilig talaga ako sa swing. Lol
Tinignan ko ang phone ko at may tumatawag na namang open number. Inis na sinagot ko ito.
"Hoy! Bakit ba--"
(Kanina pa ako tawag ng tawag! Kung hindi mo sasagutin, number busy naman. Sino bang kausap mo?) I froze. Kilala ko ang boses na 'to.
"Hoy, lalaki. Kung magmimisa ka dyan, mabuti pa, ibaba mo na ito! Sinisira mo mood ko eh."
(Tsk. Chine-check ko lang kung buhay ka pa.)
"Wow! Nasa bahay na ako, tapos na ang trabaho mo sa Kuya ko kaya h'wag mo na akong i-check."
(Whatever. Basta h'wag ka lang lalabas ng bahay. Bye.) Then, binabaan na niya ako. Oo, putangina talaga. BINABAAN AKO!
Sa sobrang inis ko, ibinulsa ko na lang ang phone ko at nag-swing na.
"Ate! Ate!" Napatingin ako sa batang tumatakbo papalapit sa akin. "Gusto ko din diyan!"
"Edi sumakay ka?" Alangan na sagot ko pero bigla siyang nag-pout. Aww. Cute.
"Pero gusto kong kandungin mo ako!" Sagot nito. Marahan na kinurot ko ang pisngi niya. Yie, ang cute! "Puh-lease?"
"Oo naman. Halika!" Tumakbo naman siya papunta sa akin kaya binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko.
"Ate, gusto ko malakas." Napangiti na lang ulit ako, ang kulit niya, demanding pa. Pero hindi ko pwedeng lakasan kasi baka mahulog siya.
"Myr!" Napalingon ako sa lalaking patakbo dito. "Hoy, Myr! Sinong kasama mo?"
Nakarating siya sa harapan ko at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino siya.
"D-Dark?" Hindi ako makapaniwala.
Ngumiti siya, "If I'm not mistaken, your the girl of my brother, Dark."
"Ehhh? S-Sino ka?" Pero kasi, kamukhang kamukha niya si Dark. Sobrang kamukha.
"Anjelo at your service!" Umupo siya sa kabilang swing. "Actually, I'm his--"
"Jelo! Huy! Nasaan si Myr?" Boses galing sa likuran.
"I'm here!!" Sigaw naman ng cute na cute na little boy sa kandungan ko.
Naku, andami nang characters sa story koooo! >____<
Nang nasa harapan na namin 'yung lalaking nakasigaw kanina, napa-nganga ako.
"I-Ikaw 'yung half brother ni Dark na pumunta kanina sa clinic!" Sigaw ko na ikinakunot ng noo niya.
"Oh shit." Dinig kong bulong ni Jelo.
"Hindi pa ako nagpunta sa clinic or sa school man ni Dark." Sagot nito at kinuha sakin si Myr. "Pasensya na." At tipid na ngumiti siya.
"Pero ikaw 'yung nakita ko!" Sigaw ko. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ask Jelo about that." Sagot nito at tumalikod na. "And Jelo, humanda ka sa akin pag-uwi mo." Pahabol niya pa bago sila mawala sa paningin ko.
"A-Anong ibig sabi--" Nagulat ako nang bigla siyang humalik sa pisngi ko. "What the?!!"
"Sorry. Hindi ko mapigilan. Hehe." Ang cute niya, pero p*****t siya. Tsk. "By the way, I'm Dark's twin brother."
Inilahad niya ang kamay niya pero inirapan ko lang siya.
"Ganito kasi 'yan. Ang kapangyarihan ko ay transformation. Kayang kaya kong gayahin ang itsura ng kahit na sino at iyon ang ginawa ko kanina." He explained. Kumunot ang noo ko. "'Yung kanina, hindi talaga si Kuya Ark 'yung nakausap niyo sa clinic kanina. Kundi ako."
Napatigil ako, "Ibig sabihin, ginaya mo lang siya?"
Tumawa naman siya. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Gago ka! Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Pinaghahampas ko na siya, seriously. Ang fc ko, oo na.
"Hahaha! Sorry na! Oy! Masakit!"
Tumigil ako at tumayo na.
"Uuwi na ako. Paki-sabi na lang kay Dark na nagkita tayo."
"Uyyy! Edi kayo nga?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Basta sabihin mo!"
"Hahaha! Oo na."
Naka-ilang hakbang palang ako nang marinig kong nagri-ring ang phone ko. Tinignan ko ito at sinagot.
(Stay away from Jelo.) Okay, panira talaga si Dark. Lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa harap ng isang bahay at masamang nakatingin sa akin.
"Ano bang problema sa kakambal mo?"
Ilang sandali pa, nasa harapan ko na siya.
"Just do what I want." Tinaasan ko siya ng kilay. "He has a little crush on you, and I hate it."