LIGHT'S POV
Nababaliw na si Dark. Nakakainis. Bakit lahat na lang pinapakialaman niya?
*boogsh!*
"Sorry." Napayuko na lang ako. Ang clumsy ko. Sobrang lalim kasi ng iniisip ko eh. "Sorry, hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko."
"Hey, ako 'to." Automatic na napaangat ako ng tingin at nakita si Dark. "A-Ano?" Sabay umiwas siya ng tingin. Ay, napatitig na pala ako sa kanya.
"O, anong problema mo?" I tried to be calm. Tsk. Ano ba kasing ibig niyang sabihin 'dun? Bakit ayaw niya na may crush sakin si Jelo?
"Nothing." Sabi niya tapos hinawakan niya ang braso ko. "Nakakalimutan mo na ba ang rule no.1?"
"Tigilan mo ako sa mga rule na iyan, ha!" Inis na sabi ko. "Tss. Tara."
Sakto namang nakarating kami sa room, biglang may nagsalita sa speaker.
"All senior students, proceed to the announcement hall."
Okay. Naiinis na ako, ha. Ang sakit na kaya ng mga paa ko.
Kanya kanyang teleport naman ang mga estudyante dito. Samantalang ako, hindi makapag-teleport. -3-
No choice kami, naglakad kami papunta sa gym. Ilang sandali pa, dumating na si Mr. Lee.
"Good morning, senior students!" Bati niya. "May announcement ako sa inyo!"
Bulungan na naman. -____-
"Importante ito at kailangan ito para maka-graduate kayo."
Why can't he just spill it out? Tsk!!
"All of you will have an activity. We can call it amazing race with a twist. You need to find all the keys to open all the doors until you reach the last door. And there, you'll receive your award."
****
Oh my God. No..this is not happening. Nooooooo!
"Nicolo, Light and Dark, ano pang hinihintay niyo? Go!"
Bakit ganun? Ang unfair ng groupings! Kami daw kasi ang pinaka-malakas na nag-perform 'nung isang araw kaya magkakasama kami. At alam niyo ba kung ano? Mas mahirap daw 'yung daan naming tatlo. Pero dapat daw, mauna kaming matapos kaysa sa iba pang group kung ayaw daw naming bumaba ang ranks namin.
Kung sakin, okay lang. Undefined naman 'yung akin eh. Ewan ko lang sa dalawa.
"Tara na!" Nagtitigan pa ng masama 'yung dalawa. Jusko. Rank 1 and 2 kasama ko. Nanliliit ako eh.
Pumasok na kami sa isang cave na para sa amin daw. And there, may umatake sa aming mga paniki.
"Kyaaaaaah!" Nagsisigaw lang ako doon habang takip ang mukha ko.
"Silence please." Iritang angil ni Dark habang nakikipaglaban.
Naramdaman ko namang humawak sa braso ko si Nicolo.
"Ako ang bahala sa'yo, princess."
Princess?
"Bitawan mo siya!" Pero isinubsob ako ni Nicolo sa dibdib niya.
"Why? Nauna ako sa kanya!" Hinila na ako palayo ni Nicolo habang inis na inis naman na sumunod si Dark.
"The moment that I saw her, she's already mine!" I froze. "Just get off of her."
"Paano kung ayoko?"
Aba. Ginawa nila akong laruan. Patayin ko sila eh.
"Edi mamamatay ka!" Pinalipad ni Dark si Nicolo. At dahil hawak niya ako, nasama ako sa paglipad. "s**t!!" Sabay ibinaba niya kami.
Napangisi si Nicolo, "Baka nakakalimutan mo? Nandito ka sa kaharian ko. Sa dilim."
Oo nga! Darkness ata ang power nitong si Nicolo eh. Tsk tsk.
"Wala akong pakialam!!" Sigaw ni Dark, "Air Punch!"
At tumalsik na lang bigla si Nicolo sa kung saan. Wow, ha. Improving! Nanununtok na ang hangin ni Dark ngayon.
"Tsk! Naisahan mo 'ko 'dun!" Sigaw ni Nicolo. Hindi sumagot si Dark, bagkus ay hinila niya ako palabas ng cave.
Nakita namin doon ang isang lalaki na nakangisi.
"Sa isang minuto, kapag nasagot niyo ang tanong ko, ituturo ko kung nasaan ang unang susi."
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Imagine you're in a room. Just a plain and dark room. No doors and windows." Tahimik lang kaming nakikinig. "Paano kayo makakalabas?"
"Get an axe and dig the walls." Iritableng sagot ni Dark.
"Just a plain room, remember? No tools and things you can use to destroy the room." Nakangising sabi 'nung lalaki. "30 seconds."
"What? Stop asking stupid questions, will you?"
"Just answer it." Lalo pa itong nangiti. "You only have 15 seconds."
"What the hell?" Naibulong ko. Ang bilis naman ng oras! Akmang sasapakin na ni Dark 'yung lalaking nagtatanong nang pigilan ko siya.
"Stop imagining." Biglang sagot naman ni Nicolo na nasa side lang pala namin. "I can read minds." Then he smirked at the guy.
Napakamot na lang ng ulo 'yung nagtatanong at bigla na lang nawala.
Then, bigla na lang may lumitaw na lumulutang na susi sa harapan namin.
Mabilis na inabot ko iyon at diretso na kami sa paglalakad.
May susi sa pinaka-dukong bahagi ng lugar kaya mabilis na pinalsak ko 'yung susi. Then, the door opens.
Pumasok kaming tatlo at sinalubong naman kami ng sobrang liwanag.
"s**t!!" Weakness nga pala ni Nicolo ang liwanag.
"Ts. Arte." Si Dark at hinila na ako.
Maski ako, nahihirapang imulat ang mga mata ko. Parang may something sa katawan ko na ayaw sa liwanag at meron ding something na parang lumalakas ang katawan ko kapag naliliwanagan.
"What's happening?" Tarantang tanong ni Dark. Napahigpit ako ng hawak sa kanya.
It feels like I'm dying.
"Darkness appear!" Hinang hinang sambit ni Nicolo.
Then, everything went black.
"We enter the wrong door." Boses iyon ni Nicolo.
"W-What? What door?"
"God, you're a wizard and you don't even know where are we?"
Pamilyar ang lugar na ito. Hindi ko alam kung kailan ako nakapunta.
"We're in the Light World."
And there I woke up.
"Oh my God! What was that?"
"It's a sleeping spell. Ginamit iyon para matagalan tayo sa stage na ito."
Tumayo na ako. Wala na kami sa liwanag at nandito kami sa harap ng isang pinto.
"Open the door." I commanded and handed Dark the key.
Sinunod niya ang sinabi ko, at pagbukas ng pinto, tumambad sa amin ang isang napaka-gandang lugar.
May mga malalaking hayop na lumilipad, makikita mong ang lalaki ng mga bulaklak, bees, butterflies and everything. It seems so perfect.
Pumasok na kami at may nakita akong isang batang babae.
"I can see a little girl in front of me." Nanginginig na sambit ko.
"Me, too. I can see a little boy in front of me. And it's me when I'm 5 years old." Si Nicolo.
"Ignore them. They're just an illusion." Si King na medyo naaapektuhan din.
Tapos biglang may isang babaeng lumitaw sa tabi 'nung batang babae sa harapan ko. Then, may lumitaw ulit na isang lalaki.
And the next thing I saw, they're lying on the grass. They're dead.
No..no. This is not true.
"Light, ignore them."
Nakita kong isang lalaking nakaitim at naka-mask ang pumatay sa kanila.
Nakita ko din kung paano sakalin ng lalaking iyon ang isa pang batang lalaki.
"No!!"
Tila narinig niya ako kaya tumingin siya sakin at ngumisi. Then, nakita ko na lang na sinaksak na niya sa dibdib 'yung batang lalaki.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw.
Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya habang papalapit siya sakin.
"You demon! You killed them!"
Iyak ako ng iyak.
Then, naramdaman ko na lang na tinutukan ako nito ng kutsilyo sa leeg.
Ramdam ko ang dugong tumulo sa leeg ko.
"s**t! Wake up!" Rinig kong boses ni Dark pero hindi ko alam kung nasaan siya.
"I won't kill you." Bulong 'nung lalaki sakin. "I won't."
**
THIRD PERSON'S POV
Natigil ang laro ng mga Senior High nang makitang nawalan ng malay ang isang player, si Light.
Kitang kita nila sa screen ang pagmumura at pagpa-panic ng dalawang lalaking kasama nito.
Hindi niya nakayanan ang ilusyon na nabubuo sa utak niya.
Ang Illusion Activity na tinatawag nila ay ang pangatlong stage na pagdadaanan ng mga player sa larong Amazing Race with a twist. Madalas natatalo dito ang mga emosyonal na tao. Dahil sa activity na ito, mababalikan mo 'yung masasakit na alaala mo. Lahat ng masaklap na nangyari sa buhay mo.
Patuloy sa pagtulo ang luha ni Light. Lahat ng mga nasa activity area, pinalabas na. Ang tatlong wizard na lang ang natira.
Hindi makapasok ang mga staffs sa kinaroroonan nila. Parang may kung anong pumipigil sa kanila.
Nagulat ang lahat nang makitang tumayo si Light. Nakapikit pa ito nang tumayo. Pero pagbukas ng mga mata niya, napa-nganga ang lahat.
Kulay pula ang mga mata niya.
"Light?" Sabay na tawag ni Nicolo at Dark sa kanya. Nilingon niya ang dalawa at nagbuga ng apoy gamit ang bibig niya.
Tumalsik ang dalawa sa malayo.
"Light!! Anong ginagawa mo? Ako 'to!!" Sigaw ni Dark na pilit lumalapit kay Light.
Pero kapag lumalapit sila, umaatake si Light at gumagamit ng apoy.
"Psst!" Nilingon ni Dark si Nicolo. "May plano ako."
Takang taka man, lumapit siya dito.
"Pupunta ako sa likod ni Light, ikaw naman, salubungin mo mga atake niya. Papatulugin ko lang siya."
Tumango na lang si Dark kahit na wala siyang tiwala sa gagong Nicolo.
Isinagawa nila ang plano.
Ginamit ni Nicolo ang dilim niya upang hindi siya makita ni Light na papunta sa likod niya. Habang si Dark naman nakatitog lang sa mukha ni Light.
"Come on, Light. It's me, Dark." Bulong nito na umaasang pakikinggan siya ni Light.
Dahan dahan siyang lumapit kay Light at akmang aatake na nang napaurong siya. Hindi niya kayang atakihin si Light.
Gumawa na lang siya ng Air Shield niya at hinawakan sa magkabilang braso si Light. Pero kahit anong atake ang gawin nito, hindi siya natatamaan kasi naka-shield siya.
Binalutan ni Nicolo ng dilim ang dalawa.
Si Dark, napatitig sa blankong mukha ni Light. Napakurap siya ng maraming beses nang makita ang pulang mata ng dalaga.
Pero napangiti siya nang nakaisip siya ng kalokohan.
Hinila niya ang mukha ni Light at hinalikan ito.
Tila nagising naman na si Light sa ginawa ni Dark. Bumalik sa normal na kulay ang mga mata niya.
At sa pagkabigla, biglang umapoy ang buong katawan niya kaya nanliwanag ang buong paligid.
Napahiyaw ang mga estudyante sa napanuod sa screen. Nakalapat pa din ang labi ni Dark sa labi ni Light.
Sa sobrang tuwa, hindi namamalayan ni Dark na nawawala na ang shield niya sa katawan.
Ilang sandali pa, naramdaman niya ang init na dumadapo sa katawan niya. Napahiwalay siya kasi napaso siya.
"God, p**n!" Naka-ngangang bulong ni Nicolo sa sarili.
Habang si Light naman ay napakurap at hinawakan ang labi niya.
"WALANGHIYA KA, DARK!!"
Lalong nagliyab ang apoy sa katawan niya at hinabol si Dark.
Tuwang tuwa naman ang mga estudyanteng nanunuod sa kanila.
Maliban sa isang tao.