THIRD PERSON Siniguro ni Deryl na hindi makakawala si Ark. Sinusubaybayan rin niya ang kanyang kapatid na pumasok na sa Forbidden Forest. Kita nito dito na walang takot na nararamdaman ang kapatid. Maybe bumalik na ito sa dati. Walang kinatatakutan. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong ikatuwa o hindi. Pinalibutan si Light ng mga mababangis na hayop. Napamura siya nang makita niya kung gaano kadami ang mga ito. Sobrang dami naman! Napangisi na lang siya nang makaisip siya ng paraan kung paano niya mapapadali ang pagpapaalis sa mga ito. "Kapag hindi pa kayo umalis dito.." Naglabas siya ng apoy sa kamay niya. "Tutustahin ko kayo!" Sabay tira nung apoy sa isang hayop doon. Lahat sila ay napaatras dahil sa sinapit ng kasama nilang hayop. "Leave or...die?" Pagkasabi na pagkasabi niya 'n

