LIGHT Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Kahit na tumira ako dito ng ilang buwan, hindi ko alam ang mga secret passage dito. Siguro dahil sa hindi rin nila ako mapagkakatiwalaan noon, dahil ang puso ko ay para sa Light World lang. Habang tumatakbo, may ilang mga lalaking humarang sa akin. Tulad sila ng mga lalaki kanina sa Dungeon. Mas malaki lang ang mga katawan nila. Napairap ako. 'Wag ngayon, please. "Grrr." Nagsimula na silang sumugod. Akmang sasakmalin na ako ng isa pero kaagad akong nakalipad sa ere gamit ang air element. Gusto kong iwan na lang sila dito pero baka maging sagabal lang sila mamaya sakin kaya tatapusin ko na sila ngayon. Pilit nila akong inaabot habang ako ay tinatawanan lang sila at pinaglalaruan. Pinapaabot ko ang paa ko pero kapag maaabot na

