Thirty Six

1384 Words

LIGHT NANDITO na kami sa Hari at Reyna. Nakangiti sila sa amin at ready nang pakinggan ang sasabihin namin. "Mahal na Reyna at Hari, nais ko pong ipaalam sa inyo ang - " Pinutol ko ang sasabihin ni Tamaki. "Na miss na miss ko na kayo, mama at papa." Hinawakan ko ang kamay ng Reyna at pinisil ito. "Gusto ko din kayong batiin dahil unti-unti nang bumabangon ang Kaharian." Saka ko nginitian si Papa na tumango sakin. Nilingon ko si Tamaki, nagtatanong 'yung mga tingin niya. Pinanlakihan ko na lang siya ng mata para hindi na siya magsalita pa. Naisip ko lang kasi na baka tama si Kuya Deryl. Baka nga tapos na ang laban. May tumapos na. Pero sino? Matapos naming makipag-kwentuhan, umalis na kaagad kami. Nagtalo naman kami ni Tamaki nang nasa labas na kami. "Light, bakit hindi mo pa sinabi?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD