LOUISE LIGHT’S POV “Sigurado ka na ba?” Isang tango ang isinagot ko kay Kuya Trevor. “Kapag natapos na ito, wala nang bawian. Hindi ka na makakabalik sa Light World.” Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Kaya ko ba talaga? “Pipilitin kong kalimutan sila at...” Iminulat ko ang mga mata ko at kita ko ang pagkagulat niya. Kulay dugo na ang pares kong mga mata. “Kilalanin bilang kaaway.” Nakita ko ang mabilis na pagtango ni Kuya Trevor at inilahad ang kamay niya sakin. “Kung ganun, halika na.” Ibinigay ko ang kamay ko at tumayo na. Ngumiti siya sakin at ipinitik ang daliri niya. At unti unti kong naramdaman ang pag-iibang anyo ko. Loljk. Nagbago ang damit ko! Nasa isang itim na gown na ako at naka-tuxedo naman na ang Kuya Trevor ko. “Ayos ba?” Sabay kumindat siya. Tinawanan ko lang

