DARK’S POV MAGULO ang isip ko ngayon dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Ni hindi ko alam ang gagawin ko kung magtagpo man ang landas namin ni Light. Hindi imposible iyon, dahil nasa iisa lang kaming school. “Light! Congrats ah.” Narinig kong sabi ng isang estudyante dito. Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan niya. Kumikirot ang puso ko. Lumingon ako sa kanila at nakita ko siya, kasama si Nicolo. Ack! Bakit sila magkasama? Aish. Sana lang kaya kong kumalma. “Thank you.” Malambing na sagot nito. Nakita kong hinawakan ni Nicolo ang kamay ni Light. I frowned. Bakit kailangang holding hands?! “Bagay talaga kayo. Hihi.” Sabi pa ‘nung estudyante na sinagot lang naman nila ng isang ngiti. Akmang susugod na ako nang may humawak sa braso ko. Nilingon ko

