HERA'S POV
"Alam mo ba kung ano yang sinasabi mo Ven? Oh my Gosh!!" Naghehesterical na Sigaw ni Pam. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Sinabi ko sa kanila ang nangyari kanina at Ang Naging Usapan namin ni Ziara.
"Maupo ka nga Pam! Parang ikaw tong mas affected." Sabi ni Rim.Mabuti pa si Rim palaging kalmado at mas inuuna ang mag-isip ng paraan. " Pam Kunin mo ang spell book na binili ko sa Revenhill. Bilis." Utos ni Rim at agad namang tumalima si Pam. "Wala na tayong magagawa Hera, Hindi ka na Pwedeng umatras. Ito nalang ang Paraan na naisip ko." Tumango naman ako. Woooo! Akala ko wala na akong laban ! Meron Pa pala.
"Eto na." Dala ni Pam ang isang Libro.
"May oras ka pa. Just believe in yourself okay?" She tapped my Shoulders. She was like "kaya mo na yan". I nodded then she pulled Pam and leave my Room.
The next day.
Pagpasok na magpasok ko pa lang sa training hall ay nakita ko na agad siya. Hindi ko inaasahan na pagtutuunan niya akong pansin at talgang maaga siyang pumunta rito. Ano ba talaga ang gusti niya mula sa akin? Ano para lang siyang si Emmy, Vince at Lavi?
"Akala ko hindi ka na pupunta eh." She said while standing at the center of the Training hall. Kaming dalawa lang ang nandito. Hindi nagustuhan ang sinabi niya na may halos sarcasm at pagbabanta.
Agad akong yumuko ng batuhin niya ako ng Isang malaking thorn. Cheater! Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya Umatake agad.
Tumakbo ako papunta sa Gitna at Gumulong sa sahig. Tsk. I Forgot to tell you na marunong ako mag taekwando. Kaya kahit papano ay may alam ako sa One on one combat. Self defense lang. Mabilis akong pumunta sa harap niya at nagpakawala ng suntok at sipa. Nawala na sa isip ko ang mga Spell na Pinag aralan ko kagabi. Kahit isa wala akong ma-alala.
Sinangga niya ang suntok ko ng isang kamay At pinilipit. Napasigaw ako sa sakit. Magaling din siya sa Physical combat. Sinipa niya ako sa likod at tumilapon ako sa pinaka sulok ng Training hall. Ang Laki ng Training Hall At sobrang malawak. Sa Lakas ng Pagkakasipa niya ay mabilis akong napunta sa sulok. Tumayo ako kahit masakit ang parteng itaas ng braso ko na tumama sa sahig. Hindi pa ako nakakarecover ay pinaulanan niya ako ng mga thorns na mula sa taas. Takbo ako ng takbo para lang iwasan ang mga matutulis na tinik. Shoot! Dead End!
Mula sa Taas ay biglang pumorma na Pasugod ito sa akin. Ihinarang ko ang braso ko in Exis Formation at pumikit. Umaasang hindi ako tatamaan ng mga Itim na thorns. I was waiting for it but I heard It cracked and fall into small pieces.
"How did you do that?" Kalmado niyang tanong Napatingin ako sa mga tinik ng rosas, unti unti naging abo ang mga ito.
Teka lang! Ako talaga may gawa niyan! Weh!?
"Hindi ko alam." I said and started to Attack her. Tinamaan ko siya tagiliran kaya napagulong siya sa sahig at agad na tumayo.
"F*ck you b*tch!" At May lumabas sa palad niya na maraming petals at inasinta ako nito, Hindi tulad kahapon na malaki at may mga blades. b***h siya ng b***h eh mukha siyang female dog kesa sakin!
Maliliit ang mga hawak niya ngayon pero kitang kita ko ang talas nito. She threw one at nadaplisan ako sa pisngi. Hindi ko iyon nailagan at dahilan kung bakit naramdaman ko ang pagdaloy ng Likido sa Pisngi ko. Ang hapdi. Pero huli na ng marealize ko na Palapit na sa akin ang Mga petal blades. Nagtamo ako ng Hiwa sa iba't ibang parte ng katawan ko. Puro Dugo na ang Uniform ko. It was white when I entered this training hall but now it's Red.
"Just accept that you lose. You're a loser. I defeated you." Sa sinabi niyang yun ay isang Mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Paano ko nga ba siya matatalo eh hindi ko nga alam kung anong dapat gawin sa mga oras na to?
Mabilis siyang kumilos at Agad na naka lapit sa akin. Sh*t! She's too fast. She grabed my collar and punched me right at my Face. Nalasahan ko agad ang lansa ng dugo sa bibig ko. I fell down but she grabed my collar again and lifted me. She held my hair and Pulled me, she bring me At the center of the training hall while holding my hair tightly. Ang sakit lang. Yung kaladkarin ka at sa buhok nakahawak? God! I never Expirienced this Before!
Ibinagsak niya ako sa gitna. Lumayo siya ng kaunti at nag chant ng Spell. Sa isang Iglap lang ay Hindi ko na maigalaw ang Katawan ko. Gusto ko Magsalita pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. This is Horibble! Ilang Beses ba Ako dapat matalo? Ilang beses ba dapat ako maging mahina? Ano walang katapusan Katangahan? Lampa lang? Mas masakit pala sa na Ipamukha mo sa Sarili ang kahinaan kesa sabihin sayo ng ibang tao. Hindi man ako maka galaw pero ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Iyak nanaman!? Nakakapagod na!
ARVIE'S POV
Nandito ako ngayon sa pinaka-sulok ng Arena. Ano kamo Itsura ko ngayon? Butiki=___= naka dikit sa Pader! Oh Huwag ka tumawa! Tsk! Eh ito lang ang Paraan para mapanuod ko ang Laban.
Sobrang bugbog na si Hera. Puro dugo na ang damit niya. Pero alam Ko na hindi ako pwedeng makialam. Kapatid ko ang kakalabanin ko at aaminin ko na mas malakas ang Ate ko sa akin. Wala rin naman akong karapatan manghimasok sa Laban kaya mas mabuti pang manuod nalang.
Isa pa alam ko na may laban parin si Hera. Bukod sa nagiging Asul na ng tuluyan ang kanyang buhok ay mas lalong tumitingkad ang Kulay ng mata niya. Malakas na Enerhiya ang Nararamdaman ko at hindi iyon pamilyar sa akin. Hindi ito tulad ng kay Ate Ziara. Kakaiba at malakas ang isang ito.
Umiiyak na siya. Alam ko na malakas ang Spell na ibinato ni Ziara kaya hindi magawang gumalaw ni Hera. Naglabas ng tangkay ng Rosas Si Ziara mula sa palad niya. Puro tinik ito. Parang latigo! Ang pinag kaiba lang ay hindi lang ito basta latigo kundi punong puno ng Tinik.
Nanatili akong tahimik at nanunuod. Kahit gustuhin ko mang tumulong ay wala rin naman akong magagawa. Baka pati ako ay pagbuntunan niya ng galit. Lalo akong malilintikan sa kanya.
Isang hampas ang pinakawalan ni Ziara na naging dahilan ng Pag alingawngaw ng Boses ni Hera Sa malawak na Training Hall. Muntik na Akong Lumusot Sa Nag c***k na bahagi ng Pader! Darn! How did she do That!? Matibay ang Training Hall na ito! Kahit Sabay sabay na Battles ang gawin dito ay hindi ito basta basta nag kakaroon ng pinsala. Pero sa sigaw ni Hera ay nag c***k agad ang pader. Nasira ang Barrier. Nakita kong Nabahala Si Ziara dahil nakita rin niya ang Nangyari. Alam ko na nararamdaman niya rin ang presensiya ng kapangyarihan ni Hera. Nakakulong lang ito at gustong kumawala.
Muli niyang hinampas sa Likod si Hera Ngunit Napakagat labi lang ito. Pinipigilan ang pagsigaw. Ilang hampas pa ang Ginawa ni Ziara. Puro sugat at Masasaganang dugo na Ang kabuuan ng likod ni Hera. F*ck! Wala akong Magawa! Gustong gusto ko nang bumaba rito tumulong kahit sa pagsalo man lang sa mga atake ni Ziara. Naawa ako ng husto kay Hera.
Naramdaman ko na may papalapit sa Training hall. At Alam ko kung kaninong Presensiya iyon. Gumapang ako palapit sa Pinto. At sumilip. May silbi rin pala ang pagiging butiki kahit papano.
Anong ginagawa niya dito? Alam ba niya ang tungkol sa laban na ito? Inawang niya ang pinto at nanatiling nakasilip sa nagaganap na Laban. Seryoso siyang nanunuod. Sa nakikita ko , mukhang alam na rin niya kung kaninong enerhiya ang nararamdaman niya. Mukha din namang wala siyang balak makialam. Hindi magtatagal ay malalaman narin ng Committee ito. Noong isang araw ay May naramdaman raw silang ganitong enerhiya. Hindi lang nila matukoy kung kanino ito. Ngunit mas malakas na ngayon kaya panigurado ay may lead na sila kung sino.
"AAAAHHHHHH!!!" muling sigaw ni Hera na ngayon ay ikinayanig ng Lupa.
Nalintikan na!
HERA'S POV
Ramdam ko ang pagbaon ng mga Tinik sa aking likod. Mahapdi, Sobra.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang Baba ko at pinilit na itingala ako.
"Next time, don't go near him. Layuan mo siya. Ang kay Ziara ay kay Ziara. Kundi mas malala pa dito ang Aabutin mo. Or worst, Mapatay kita. One more thing, Layuan mo ang kapatid ko. B*tch!" At sinampal niya ako ng mahina. Sapat na iyon para masubsob ang mukha ko sa sahig dahil sa panghihina ko.
Sa Simpleng Issue na yun Ganito ang ginawa niya? Ang kitid naman ng utak niya, Tsk.
Napatawa ako ng mapakla.
"Tsk. Tsk.Tsk. bakit pa ba ako nagsasayang ng oras sayo? Hindi ka naman pala worth it! Hahaha Lampa! Loser!" I clenched my fist when I hear her Words. Lintik na yan! Mas Masakit pa yung salita kaysa sa physical na p*******t niya. "Useless!" Nirolyo niya ang latigo at itinapon sa mukha ko. Nagtapo ang mga bagang ko at napapikit na mariin. Temper, Hera! Temper! Hindi ka Useless, Hera.
Sumusobra na siya. Maktol ng isip ko.
"Weak!"
I'd had enough!
"I am not weak. I chose to be the loser just to let you see how desperate you were. I prefer to be the loser for you to look strong." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko. Bahala na. Pinilit Kong tumayo ng tuwid at hinarap siya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nakatayo lang siya sa harap ko. Alam kong napikon siya sa sinabi ko at Ipinorma niya ang kamay niya na susuntukin ako. Straight punch.
Hindi ako nagkamali dahil tumama ito sa tiyan ko dahilan para Tumilapon ako sa pader. Sa lakas ng impact ay nagcrack ang pader at mapapansin talaga ang bakat ng katawan ko. Dapat nanahimik nalang ako!
"Kahit anong gawin mo. Mahina.ka.pa.rin."
"Tama na yan!" Napalingon kami sa Sumigaw at kakapasok lang sa pinto.
Nandito ang apat na Elemental User.
Anong ginagawa nila dito?
"Walang makikialam." Pagbabanta ni Ziara. Napa-ismid si Sirene. Ang Water Elemental user. Nagpigil ng tawa si Eris na Earth Elemental user naman.
Habang yung Akira ay Sumipol-sipol lang. Eh sa Pulang buhok? Ano pa bang aasahan? Blanko lang naman ang ekspresiyon ng pagmumukha niyan. Ano naman ginagawa niyan dito?
"Pero sumosobra ka na! Walang Laban yan Ziara. Baguhan lang yan tapos papatulan mo?" umiling iling lang Si Eris habang sinasabi niya iyon.
"Huwag ka magsalita diyan Eris! Hindi kita kausap! Bakit ba kayo nandito? This is Between me and That b***h!" Sagot nitong isa. Dami dada! Puro b***h ang lumalabas sa bibig.
"Tsk. Rude., Matuto kang gumalang." Sabat ni Akira.
"Desperate B*tch!" Sirene said Plainly. B
O sige! Mag-away kayo diyan. Kunyari nalang wala ako dito. Kailangan ko ng tulong dito ha.
"Shut up. Just wait! Tatapusin ko lang ito At Kayo ang isusunod ko. Wala akong paki alam sa Peace and order na kaartehan niyo. Patakaran niyo kamo? Tignan niyo ang gagawin ko sa babaeng to!" Itinuro niya ako.
Wow! Buti natauhan ka at nalaman mong nasa harap mo pa ako. Ang akala ko naman ay may tutulong kahit isa sa kanila. Hindi naman nakialam ang apat!
ANO!? PABABAYAAN NILA AKO DITO? WAAAAHHH!!!! ! AKALA KO PA NAMAN LIGTAS NA AKO.
"AARRGGGHH!!!" Biglang pumulupot sa Paa ko ang Latigo niya At sa isang iglap lang ay Iwinasiwas niya ako sa Pader. Paano niya nakuha ulit ang latigo? Ang Lakas niya. Totoo nga na malakas siya.
"See? She's too weak!" Tawang tawa niyang sabi, eh mas nakakarindi ang tawa niya kaysa sa tawa ng tatlong magkakapatid na mangkukulam.
ARVIE'S POV
(A/N: Gagamitin ko ang Pov ni Arvie para ikwento yung pangyayari. Maiintindihan niyo kung bakit hindi pwede si Hera. Hindi rin Pwede si Clyde dahil masiyado pang maaga para Malaman ang SIDE niya. Hindi rin Pwede sina Akira, Eris at Sirene dahil hindi Pa sila close.)
"Bumaba ka nga diyan." Sabi ko na!! Alam ni Eris na nadito ako. Tsk. Bumaba ako at bumalik sa pagiging tao at nagkamot sa batok. "Kanina ka pa nandito ni hindi mo man lang tinulungan si Dominguez." Makapagsalita eh Hindi din nika tinutulungan ngayon.
"Aray ko! Huwag ka namang namimingot!" What the hell! Mukhang namula na naman ang Tenga ko.
"Huwag kayong magulo. Manuod kayo." Sita ni Akira.
Natuon ang atensiyon namin sa Dalawang-Teka lang. Totoo ba itong nakikita ko? Tumayo ng tuwid si Hera. Maya-maya pa ay Parang hangin sa bilis na nahawakan niya sa leeg si Ziara. Hindi siya nagpatinag at Sinipa si Hera pero Ininda lang iyon ni Hera. Nabitawan ni Hera ang nagkakasakal kay ziara at Napaubo ito. Mahigpit siguro ang pagkakasakal ni Hera. Sa isang iglap lang ay Lumutang Si Hera sa Ere. Paano niya nagawa yun? Tinitigan ko siya sa mata. Asul na ito. Tuluyang naging asul. Mukhang hindi niya kontrolado ang sariling katawan at isip.
"Sirene look!" Eris said at tinuro ang tubig na nakapaikot sa Katawan ni Hera. "Don't tell me-"
"No. I am not helping her. That wasn't even my Water." Agad na tanggi ni Sirene. Naglabas pa siya ng Tubig sa palad niya mag kaiba ang Pagkaka-asul nito.
"Impossible." Di maka-paniwalang Saad ni Akira.
May namuong Malaking Water Tornado Sa kamay Ni Hera. Agad itong sumugod sa direksiyon ni Ziara, Hindi ko maiwasang kabahan para sa kapatid ko. Pero mali! Ziara easily Dodged the water tornado. She used her Black roses blades to dodge it. Mukhang magandang Laban ito. Halatang hindi si Hera ang kumu-kontrol sa katawan at utak niya. Hindi pa niya alam kung paano lumaban kaya imposibleng siya ang nakikita ko ngayon. Sa pamamagitan ng tubig ay hinablot niya ang paa ni Ziara at iwinasiwas sa sahig at pader si Ziara. Nagtamo siya ng maraming sugat dahil sa lakas ng impact. Kitang kita rin ang ilang pinsala sa kabuuan ng training hall na tanging si Hera lang ang may gawa.
Kitang kita namin mula dito sa dulo ng training Hall ang pagsuka ng dugo ni Ziara. Puro galos sila pareho. Ang mas ikinagulat ko ay ang paglitaw ng tubig na latigo sa kamay ni Hera. Heck no! Don't tell me ay ibabalik niya kay Ziara ang mga ginawang pag-atake nito sa kanya kanina?
At hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko. Agad niyang hinampas si Ziara habang naka dapa ito. Napasigaw ito sa sakit at dumadagung-dong Na Tunog ng latigo ang maririnig. Matapos ang ilang hampas ay napansin ko ang mga Water Blades na nasa itaas. Ganitong ganito ang mga atake ng ate ko kanina. Pinaulanan niya ng malalaking thorns si Hera. Hindi nga ako nagkamali, pinaulanan niya ng Water Blades si Ziara. Buong lakas na tumayo si Ziara at pilit na tumakbo. Naiwasan niya ang mga ito ngunit mag kasunod na atake ang ginawa ni Hera. She composed Water Blades towards Ziara's direction.
Nataranta si Ziara kaya gumawa siya ng malaking shield na gawa sa Black Rose's petal. Matibay ito at sapat na para harangin ang atakeng iyon ni Hera. Hindi niya magawang mag-counter attack. Humahangos na si Ziara at halatang pagod na. Pareho silang duguan at maraming galos na natamo. Hindi ko akalaing mababaliktad ang sitwasyon. Kanina lang ay si Hera na ang dehado sa laban mula pa sa umpisa. Ngayon ay nabaliktad na.
"This can't be." Napatingin kami kay Sirene. At napansin kong titig na titig siya kay Hera.
Gumagawa ngayon si Hera ng Malaking Water Tornado. Maya-maya pa ay Gumawa siya ng Water Spikes at Pinasok niya ito sa Loob ng Torado. Sa isang iglap lang naging Dambuhalang Water tornado ito at may mga patalim sa Bawat parte nito. Alam kong ito ang ikinababahala ni Sirene, Alam niya na Delikado ang ganitong atake.
"We need to do Something." Tarantang suhestiyon ni Eris. Mabilis kaming nagsi-kilos at Magpapakawala na sana ng Atake.
Pero hindi Namin napansin ang Mabilis na Hampas ng Alon sa amin kaya lahat kami ay tumalsik ay tumama sa Pader.
"A-ang lakas niya." Di makapaniwalang saad ni Akira. Aba! Kahit ako man ay hindi ko ma-imagine no!
Tumayo Ako at Inalalayan Si Eris na Tumayo rin dahil siya ang pinakamalapit sa akin. Hindi naman kami basa dahil tanging hampas lang ng tubig iyon. Nagpalit ako ng anyo at Naging Ahas. Agad akong gumapang sa sahig at lalapit na sana ng Biglang sinakal niya ako gamit ang tubig. Mabilis na Bumalik ako sa Dati at Itinapon niya ako Pabalik sa pwesto ko. Sumunod na Umatake Si Akira at Eris ngunit akmang Ikukumpas pa lang nila ang kamay ay naunahan na sila ni Hera sa atake. Mabilis ang Reflexes niya. Gumawa ng malaking fire ball si Clyde at Inatake nito Si Hera ngunit agad na nilamon ng tubig. Nakita ko na Nagalit si Ziara sa ginawa ni Hera ng Tumilapon si Clyde papunta sa amin. Aatake sana si Ziara but Hera pinned her on the wall. Sirene immediately composed an attack. There is the possibility that she can stop Hera From Anger dahil Pareho silang Water Element user. But for the Nth Time I was wrong. Tulad namin ay pabalya niyang iwinasiwas si Sirene.
Bumaba si Hera Sa pagkakalutang At Naglakad Papunta kay Ziara na Nasa Pitong metro pa ang Layo sa Kanya. Bakit Parang may Iba? Parang bumalik sa Katauhan niya Si Hera, Humupa na Ang Matingkad na Pagkaka-asul ng mata niya. Sunod sunod na tumayo ang mga kasama ko at Lalapit na sana kami ng Pigilan Kami ni Clyde Gamit ang Kamay niya.
"It's Her." Sabi ko na! Si Hera na ulit ang nasa harap namin.
Nanghihinang Lumapit siya kay Ziara at Inabot ang kamay niya na parang inaalok niya ng tulong ito Para Tumayo. Hindi namin inaasahan ang Sumunod na nangyari. Aabutin na sana ito ni Ziara ng biglang bumagsak si Hera sa sahig at nawalan ng malay.
Sabay sabay kaming tumakbo palapit sa kanilang dalawa. Bubuhatin ko na sana si Hera ng Unahan ako ni Clyde.
"Take your sister." Sumunod nalang ako. Totoo nga ang dinig kong tsismis na kay Hera lang siya nagpakita ng emosyon at nakipag-usap. Napabuntong hininga nalang ako at binuhat ang Ate ko na wala na ring malay.