Chapter 8
HERA'S POV
"Sino naman ang gagawa nito sa akin? Ang malas naman." Bulong ko sa sarili habang pinupulot ito isa-isa. "Acckk!!" Biglang may bumaon na kung ano sa likod ko. May kung sino siguro ang gustong mambully sa akin kaya binato ako ng kung ano.
Kinapa ko ito. I tried to pull it but it damn hurt so much. Darn it! Habang dinadama ko ang hapdi ay naramdaman ko ang Pagtubo ng Mga pulang Rosas sa Paanan ko at unti unti itong naging Itim.
"Ang ganda." Hindi ko pinansin ang Ang sakit ng pagkakabaon ng matalim na bagay sa aking lukuran at hinawakan ang Itim na rosas. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Ito ang pinakaunang beses na nakakita ako ng itim na itim na risas.
"Beautiful, But Dangerous." I heard a Serious voice of a girl from behind. Gusto ko sanang ngumiti kaya lang ang sakit talaga ng sugat ko.
"Lyra." Halos maiyak kong sambit sa kanya. Para akong bata na gustong maluha habng nagsusumbong sa nanay dahil inaway ako ng mga kalaro ko.
"Hera, Please be careful. Lapitin ka ng disgrasya lalo pa't hindi mo pa alam ang Ability mo." Matapos niyang sabihin iyon ay Hinugot niya ang nasa likod ko. Napa aray ako sa sakit pero ipinagpapasalamat ko na hindi ito malalim. ''I heard what happened. Iwasan mo Munang mapalapit sa Mga Elemental User kung gusto mo pang Mabawasan ang kamalasang sinasapit mo, Lalo na sa Fire Prince. Kaguluhan lang at sakit sa ulo ang dala ng isang yun. tsk tsk tsk. Di na nagbago" She said and help me to walk. Bigla na lang naglaho ang mga Black roses na Nasa harap ko.
"Tsk! Eh Lyra hindi ko naman Kasi Alam na Fire prince pala yung hinayupak na yun. Mula sa Mortal World hanggang dito Napaka yabang talaga. Buti nalang at dumating ka." I said.
"Napadaan lang ako. At buti nalang at napadaan ako." Buti nalang talaga at napadaan si Lyra dahil kung hindi ay di ko din alam ang gagawin ko.
"Oh bakit ka pala napadaan." Tanong ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Gusto ko sanang magtanong kaya lang mukha namang hindi niya ako sasagutin wala din naman ako sa posisyon para pilitin siyang magsalita dahil hindi naman kami super close na tulad ng relasyon namin ni jinny o ni Ayumie.
"W-wala. T-tara na dadalhin kita sa Clinic." Tumango nalang ako dahil wala naman akong choice. Ang Sakit kasi tapos tuloy tuloy pa ang pagdugo. Wala na gaanonv tao sa paligid kaya buti nalang at nandito siya, kahit papaano ay may tumulong sa akin na pumuntang clinic. Mukhang may lakad siya kaya siguro pagkahatid niya sa akin ay hindi na ako magpapasama hanggang matapos. Mukhang naabala ko na naman siya. Haayyy, lagi nalang akong nang aabala ng kung sino sino.
"Where's Steban?"
"May klase pa. Teka hera! Di ba may Klase ka pa?" She Asked in annoyance. Oo, may klase pa talaga ako pero ayoko pa kasing bumalik. Siguro ay lahat ngayon ay nasa kalse na, kami na lang siguro ang naglalakad ngayon sa labas.
"Eh. Kasi Yung Tatlong magkakapatid na Mangku-----I mean Witch and wizard Ay Lumapit ulit sa akin. Then Clyde saved me. Eh nakapangako ako na gagawin ko lahat huwag niya lang ako ibigay Sa tatlong yun. Tsk. Kaya nandito ako sa hallway na to dahil Gusto niya ngayon ako magbayad." Mahaba kong paliwanag habang kinakamot ko yung batok ko. Parang ikinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari.
"What?! What Did he Just--Nevermind. Halika na."
Tahimik lang kaming naglakad papunta sa Clinic. Pagdating niya dun ay in-explain niya sa Healer kung bakit ako may sugat. Agad naman akong inasikaso at ginamot. Binigyan din ako ng ilang healing Tablets just incase.
"Maiwan na kita dito, Maya maya daw ay pwede ka nang lumabas. Marami pa akong dapat asikasuhin. Pagaling ka. Next time Sasamahan kita Mag-ikot sa mga lugar dito. Namiss kita. Ingatan mo sarili mo ha?'' Niyakap niya ako. Bakit parang stress na stress siya? Masayahin parin siya pero hindi tulad noon. Parang pagod siya.
"Thanks. I missed you too. Promise mo yan ha?" Tumango naman siya.
"Basta huwag ka masiyado maglalalapit dun kay Clyde, Pag-iinitan ka ng mga students dahil kina-iinggitan ka. Dahil sayo lang nakipag-usap ng matino si Clyde, Ngumiti at nakipagbarahan." Sunod sunod na tango lang ang isinagot ko. "And one more thing. Sa oras na makakita ka ng Black Roses ay umiwas ka na. Umalis ka na. Delikado siya. Lalo na ang user nito, get my point?" Heto na naman si ako na gustong magtanong tungkol sa lahat ng mga sinabi niya pero ayoko na ulit maabala siya..
"Thank you Lyra. Sige na kaya ko na dito. Tatandaan ko ang mga sinabi mo. Say hello to Steban , for me." She just Nodded and Waved her hand.
"I will." She smiled before Leaving the Clinic.
Sinimulan naman ng mga nurse este healer ang paggamot sa sugat ko.
Nahiga muna ako at Nag-isip nanaman ng kung anu-ano.
"And One more thing. Sa oras na makakita ka ng Black Roses ay Umiwas ka na. Umalis ka na. Delikado siya. Lalo na ang user Nito"
Nakaka-pagtaka naman. Tsk In the first Place naman Wala naman akong ginagawang masama bakit ako pinagtitripan diba?
" Iwasan mo Munang mapalapit sa Mga Elemental User kung gusto mo pang Mabawasan ang kamalasang sinasapit mo, Lalo na Sa Fire Prince. Kaguluhan lang at sakit sa ulo ang dala ng isang yun."
Huh? Aba'y Yung prinsipe nila ang lumalapit ah. The heck is that? Sa kanila na! Isaksak nila sa Baga nila o sa balunbalunan nila, Peste!
Napagdesisyunan kong Bumangon na at Mag Puntang Library. Marami akong gustong malaman. Walang mangyayari kung Mahihiga lang ako maghapon.
------
Nandito ako sa pinaka sulok ng Library. Tahimik at wala masiyadong tao dito. Nasa tabi ako ng isang Mataas na Shelf. Marami na akong Nakita na Interesting books But I Must Start From The Academy itself. Yes! Gotcha!
"Ang Kapal naman nito." Hinipan ko ang Makapal na libro dahil sa kapal ng alikabok nito, "Achhoooo!"
"Academy From The Beginning."
This Academy is Said to be 7th Time That Change its management. Genovian ang tawag sa Mga Nag-aaral dito sa Academy at sa mga taong nandito. Iisang Angkan lang Ang Tanging nagpapatakbo niti mula pa noon dahil ito raw ang pinakamalakas at makapangyarihang angkan.
"Feeling Smart huh?" Napasimangot agad ako ng may marinig akong gwapong este pinakapangit na boses. Boses kuliglig sa gabi.
Alam niyo yung feeling na Busy ka sa pagbabasa tapos may Uupo sa harap mo para lang Sirain ang araw mo. Alam ko na alam niyo ang ibig kong sabihin.
"Okay fire Prince, What do you need?" Kalmado kong tanong sa kanya at pansamantalang Isinara ang Libro.
"Time to return The favor Missy." Then he Grin. Wala ba itong ibang alam kundi ang ngumiti ng nakakatakot? Try niya kaya Minsan ngumiti ng matamis. Ang bilis naman nito maningil mukhang hinding hindi pwedeng mautangan kapag nasa oras ka ng kagipitan, lalo pang nangigipit.
"Okay. Tell me. Para matapos na at hindi mo na ako ginugulo."
"Nah. I changed my mind. Next time nalang." Biglang nag-init ulo ko. Next time na naman? Tapos May Mananakit nanaman sa akin? At eto pa! Ang Walang hiya Nagtagalog! Tsk. Minsan iniisip ko kung ipinagkait ba ng God and goddesses ang Pagsasalita ng Mahaba sa kanya.
Tumayo na ako at Lumapit sa Librarian. Hihiramin ko Nalang itong Libro at sa Dorm ko Nalang babasahin.
"Napakaganda ng Iyong Mga mata at Buhok Hija." Sabi ng Librarian habang Sinusulat ko ang Pangalan ko Sa Log Book Niya.Nagtaka nga ako kung bàkit Anim na pangalan lang ang nanakalista doon. Kaya nag-fill up nalang ako sa pang-pito ay hindi ko na binasa ang mga pangalan dun.
"Salamat po."
"Ito lang ba ang hihiramin mo?" Tumango ako sa tanong niya. "Ito," Napatingin ako sa hawak niyang Libro.
"Hindi na po. Kailangan Ko lang po ito."
"Kunin mo Na. Para sa iyo ito. Kakailanganin mo iyan." Pagkatapos niyang ilapag sa Mesa ay Pinunasan niya. Kinuha ko ito at Sinubukang Buksan. Kaso May Maze at Kailangan ng susi nito sa Harap. Orbital Yata?
"Paano ko po ito bubuksan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. As in ngumiti lang siya.
"Nasa iyo ang susi." Napakunot noo ulit ako? parang may puzzle lang ako sa isip na kailangan isip ko din añg sasagot. =___=
"Bakit po Walang title i-" Hala! Nasan na yun?
"Sinong Kausap mo?'' Biglang may Tumabi sa akin. Bulag ba siya o talagang wala lang akong mahanap na sense sa tanong niya. Hindi niya nakita na kakalis lang ng librarian dito ng dumating siya?
"Yung Librarian? Kausap ko kan-"
"This is Not The Mortal World Ms.Clumsy. If you need a book to borrow just get it and return it whenever you want. But you can't make it yours. We don't have librarians missy." He said.
Biglang Tumayo ang mga balahibo ko. Tinignan ko ulit ang libro. Pinagsasabi nito? eh nakausap ko nga! Nilagay ko Muna Yung Dalawang libro sa bag ko. Wews! Ang bigat!
"Pinagsasabi mo diyan eh kanina pag pasok ko nandiyan na ying librarian nagbabantay. Kanina ka oa dito wag mo sabihing hindi mo napansin?"
"Whatever." Sabi lang niya.
"Diyan ka na.'' Sabi ko sa kanya at tuluyang Lumabas ng Library. Ang lakas ng trip ng isang to. sarap tanungin ng 'kuya nagda-drugs ka ba?
Uuwi na ako para basahin itong librong ito tutal ay tapos naman na ang klase. Gusto ko na rin makapagpahinga dahil mediyo kumikirot pa ang sugat ko. Habang naglalakad ako at iniingatan ko ang libring hawak ko ay biglang may narinig akong sigaw sa likuran ko.
May isang magandang babae na nasa di kalayuan. Ang mata niya ay nanlilisik na nakatuon sa akin. Napalunok ako, sino naman ito at ako ba ang sinigawan niya?
"Hey b***h!" Lumingon ako sa likod. Walang tao. Tinignan ko ang paligid walang gaanong tao at ang karamihan ay malayo. Ako ba tinatawag na b***h nito? "Yeah You!"
Nakanganga ko pang itinuro ang sarili ko. Umirap lang siya. Katulad ko ay Naka uniform din siya. White long sleeves and white mini skirt pairing white boots. Nakatali ang buhok niyang Mahaba at ako ay naka lugay. Itim na Itim ang Buhok niya. Pati mga mata niya ay black but it's core is Red. Nakakatakot.
Biglang Lumitaw Sa kanang kamay niya ang isang Red Rose. Sa isang Iglap lang ay naka tarak na ito sa pagkakatali ng buhok niya.
"Layuan mo Si Clyde.'' huh? Si Clyde? Yung fire prince? Di naman ako lumalapit doon ah.
"Hindi ko nga yun nilalapitan eh.Tsk. Wala akong ginagawang masama." Sabi ko. Woo!! Stay Calm Hera. Wag mo ipakitang nangangatog na tuhod mo. "At wala akong pakialam dun."
"Everyone saw you two. He even smiled at you, Touched you and talked to you. He never Did that to Anyone else, Even to me that grew up with him. Tapos ikaw ganun ganun nalang?" Sabi niya Sabay pitas niya sa Isang Petal ng rose na nasa buhok niya. The Rose turned Black. Siya Yung sinasabi ni Lyra. Darn!
Biglang lumaki ang Petal na hawak niya at Lumitaw sa side nito ang BLADES? WTF!? Hinagis niya ito towards my Direction. I don't Know What to Do. I Was Stocked At my Place.
"A-aw.Sh*t!" Napahawak ako sa Braso kong Tinamaan. Masasaganang dugo ang Lumabas dito Nang Maglaho ang malaking petal na bumaon dito. it was Huge like a plate for pete sake!
"Wala akong ginagawang masama!'' Sigaw ko. NAKAKAINIS NA!! Naikuyaom ko ang Kamao ko. Napadiin pa ang pagkakahawak ko sa sariling sugat pero hindi ko ininda ang sakit. Galit ako! Nagagalit na ko sa mga nangyayari. Tama na! Sawang sawa na ako maging mahina at maging talunan. Pero, ayan tayo sa pero. Pero Hindi ko kayang lumaban dahil wala naman akong Laban.
"Sige Pagbibigyan kita. Let's have a one on one battle tomorrow. Training hall number 6. Kapag hindi ka dumating, You'll Be dead. If you win I'll never bother you. If I win? Hahaha! I'll make your life a living hell!" She Laugh like there's no tomorrow.
She Left me dumb founded. Ang Tanga ko!! Nakakainis na. Kinuha ko ang Healing Candy na nasa Bag Ko at agad na isinubo. Nakita ko kung paanong unti unting naghilom ang sugat ko.
.Ano na naman ba itong pinasok kong guko? Dito na ba ako mamamatay? Bakit ba ako na lang palagi ang nakikita nila? Hindi ko kasalanan to ha. Wala akong ginagawang kahit ano. Ah! Kasalanan mo to! Kasalanan mo to fire prince. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako lalapitan ng black rose lady na yon. Siya talaga to, this time soya ang magmy kasalanan kung bakit nasa bingit na naman akong kamatayan. Kapahamakan na naman ang naghihintay sa akin. Paano pa ako makakasurvice dito?
Napahinga nalang akong ng malalim. Binitbit ko na lang ang bag dahil hindi ko naman alam kung paano ito dadalhin. Pumunta ako sa room namin para silipin kung may klase ba. Sa kabutihang palad wala naman. Ilang araw na hindi uma-attend si Headmaster Recca. Busy raw kasi lahat ng committee ng Academy. Hindi naman nila masyadong pinagtutuunan ang Academic Subjects dito. Lahat tungkol lang sa paggamit ng tama ng mga ability at Element. Hindi pa nga ako nakakalibot dito sa dami ng nangyari. Marami pa akong gustong malaman kaya mas Mabuti pa umuwi nalang ako sa dorm.
Buti hindi na nagtanong ang mga kaklase ko kung anong nangyari sa braso ko at puro dugo ang uniform ko. Except dun sa tatlong galing din sa mortal world. Alam na rin kasi nila kung Sino ako dati sa pinanggalingan naming mundo.
"Hera! Yow!" Tumatakbong Lumapit sa akin si Arvie. Inirapan ko siya. Ano na naman ang kailangan ng isang ito? Nakangiti na naman at napaka energetic. "I've been looking for you. Kanina pa Actually. Alam mo bang hinahanap ka ni Ziara?"
"Who's Ziara?" Tanong ko. Kung sino-sino nalang ang naghahanap sa akin.
"Si Ms. Black Rose user." He said and Pointed my Arm. "Anong nangyari diyan? May sugat ka?" Obviously. Kaya nga may dugo dahil may sugat eh. Mediyo engot naman to. Gusto ko sana sabihin yun sa kanya kaso 'wag nalang. Tinanguan ko nalang siya. "Who did that This time?"
"Ziara?" natahimik siya sandalai dahil sagot ko. Nagulat siya pero bigla nalang siyang nalungkot.
"Sorry." Yun lang ang sinabi niya. Napayuko siya at halatang sincere siya sa sinabing niya sorry. Huh?? Bakit nagsosorry iting isang ito?
"For what?" Tanong ko at hinawakan ang balikat niya.
"Sorry hindi kita agad napuntahan. Sorry kasi ayan nasaktan ka. Nasugatan ka niya. Tsk. Obsess kasi si Ziara kay Clyde. Kaya Alam kong sasaktan at sasaktan ka niya." Sabi niya habang nakayuko. Ang dami namang nakakakilala sa dalawang iyon?
"Hahaha. Ano kaba Okay lang ako. May healing candy ako kanina. Uwi na ako ah." Sabi ko at nauna na mag lakad.
"Hatid na kita. Baka mapano ka diyan eh." Humabol siya at sumabay sa paglalakad ko. "Mukhang may malaking sugat ka sa likod mo?"
"Ahh, yan ba. Masakit pa rin pero naibsan naman na kasi tinulungan ako ni lyra kanina."
"Sorry ulit." Sorry ng sorry naman ang isang ito.
"Bakit ka ba sorry ng sorry diyan? Di mo naman obligasyon na bantayan ako. Tsaka hindi naman ikaw ang nanakit sa akin kaya wag ka magsorry diyan."
"Kung alam mo lang baka magalit ka pa." Hindi ko gaanong narinig pero may binulong siya.
"Huh? Ano yon?"
"Wala wala. Halika na at ihatid na kita. Lapitin ka masiyado ng disgrasya." Sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Disgrasya ba talaga ang tawag dito?
Habang naglalakad kami papunta sa dorm ay sobrang tahimik niya. Di ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at ayoko namang mag tanong tungkol sa tumatakbo sa isip niya. Pero naiisipan ko na lang magtanong ng kung anong pwede. Tsismosa mode bahala na.
"Ano bang Meron Si Ziara and Clyde? Bakit ang laki ng galit niya sa akin?" Pagtatanong ko habang naglalakad kami para naman may mapag usapan kami kahit papano. Hindi ako sanay na sobrang tahimik niya.
Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo niya. Ngumiti na lang ako. Babawiin ko sana ang tanong ko para wag na siya sumagot, mukhang wala siya sa mood pero bago ko pa man mabawi ang tanong ko ay narinig ko siyang bumunyong hininga at saka nagsimulang magsalita.
"Ziara and Clyde Grew up Together. Pareho silang nagmula sa Fire Land. Magkababata. Close daw sila dati. Pero Isang araw nang bumisita sa mortal world Si Clyde ay lagi na itong tahimik at tila may iniisip. Madalas magpapansin Si Ziara sa kanya pero hindi niya ito Pinapansin. Sabi ni Clyde sa kanyang Ina, Na iisang babae lang daw ang kakausapin niya bukod sa kanyang ina. Kahit noong nag-aaral kami sa kabilang building hindi man lang namin nakikitang ngumiti, makipagusap, O makisama sa iba. Kung kinakailangan lang." Ang Arte talaga kahit bata pa. Anong klaseng tao yun?
"So What with Ziara?" Bakit pati ako nadamay?
"Matagal na niyang mahal Si Clyde. There is this point na nakiusap siya sa father niya na pumapangalawa sa posisyon sa Fire Land na Ipagkasundo siyang ikasal kay Clyde. But Clyde refuse. Buong buhay ni Ziara ay puro rejection lang ang nakuha niya from Clyde." He said and put his Hand in his pocket. Bahagya pa siyang natawa.
O anong kinalaman ko kung mahal niya yung fire prince na yun? Eh di magmahalan sila. Jusmiyo ako pa stressin ng mga ito eh nanahimik ako.
"Last Question, Bakit Siya sa akin nagagalit?"
"Dahil, Bukod sa Reyna ng Fire Land ay ikaw lang ang bukod tanging kinausap niya, hginitian at hinawakan. Kadalasan kasi Sila ang Kumausap at mismong hahawak kay Clyde. Pero si Clyde kahit kailan hindi man lang siya nakipag-shake hands. Unbielievable? Oo. Hindi kapani-paniwala Pero Totoo. At hindi yun matanggap ni Ziara. Lalo pa't baguhan ka lang dito," Uh-oh. Trouble! Ghadd!!! Ano itong Pinasok ko? Hindi ko naman talaga alam Kung Bakit ako nasangkot dati pero ngayong nalaman ko parang gumuho ang mundo ko. I'm Doomed.
"Mag-iingat ka Sa kanya. Malakas siya at Kayang niyang gawing Impyerno ang araw-araw mo dito." Goosebumps!! Sunod sunod na paglunok ng laway ang ginawa ko. Yuck!
PAANO NA!?!? Sabi niya pag hindi ako nag pakita bukas sa Training Hall mas lalo niya akong pahihirapan. Eh anong gagawin ko? Wala akong laban sa Kanya.
"Ang dami mo namang alam sa kanila."
Napansin kong nasa tapat na ako ng Dorm Namin kaya Binuksan ko na. Papason na sana ako ng bigla akong matigilan sa huling sinabi ni arivie.
"Kasi Kasama ko Silang Lumaki. Ziara is My Sister."
Napanganga ako ng literal. Wtf? Bakig parang hindi sila hawig? Well, hindi naman lahat ng magkakapatid ay magkakamukha pero sana diba at least hawig man lang? Tsaka feeling ko mas mabait itong si Arvie, I mean he's approachable at siya pa nga ang pinakaunang nag-approach sa akin kahit mukha siya ewan na nagbibiro gamit ang kung anu-anong kadiring hayop like rats.
Nakabalik lang ako sa Reality when I heard The door Closed. Pag tingin ko sa labas ay wala na Si Arvie.
I sighed in Frustration.