Chapter 6

3008 Words
HERA'S POV "Ahh! " Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Bigla ba namang sumulpot sa harap ko na nakaupo sa upuan niya at Naka-de-kwatro pa. Pinapaikot-ikot niya ang ballpen na nasa kamay. Pansin ko lang, ang hilig hilig manggulat ng mga tao dito. Lalo na itong lalaking sumulpot sa harap ko, ang tanda tanda na nagagawa pang manggulat. Well, hindi siya Ganun katanda tignan. Siguro nasa Mid 40 palang siya. Gwapo at Makisig din. "Nagulat ba kita? Haha Pasensiya na Iha. Siya nga pala ito na ang mga records mo. Nandiyan na din ang Mga kailangan mo. May Monthly Allowance lahat ng students dito. Pero Malaki ang allowance ng mga Nasa Class A dahil malakas ang element nila. Don't Worry Sa oras na Mapalabas mo ang Kapangyarihan mo Ay madadagdagan ang Allowance mo. Nariyan na rin ang Section Mo at room number." Tumango-tango lang ako habang nagpapaliwanag siya. "Sa Academy na ito ay Pinag aaralan ang Mga bagay na may kaugnayan sa Kapangyarihan mo, sa kaharian , Sa Genovia at marami. You need level up for you To be on the Class A. Walang mahigpit na mga batas. Aside from Wearing your proper Uniform, You Can Use your magic Inside this Academy. Pwede ang makipaglaban kung Alam ng Mga HeadMaster ng Academy, Pwede ang Battles. It's another way for you to be stronger. One thing's Forbidden. Killing a Genovian is a great sin." "Sir--" "Master." Pagtatama niya. "Master, How do I get my ID.?" tanong ko. "Within 1 week. You need to Earn it. To Have it, Kailangan mo itong mapalabas sa loob ng Isang linggo." He said. Ikinumpas niya ang kamay at lumutang sa ere ang isang Example ng ID. it is Red, Blue,Green,and orange combimed together each side and White at the center. Tinitigan ko iyon ng matagal. Ang Ganda. Mga kulay na pinagsama-sama. Sa likod ay Nakaukit Amg isang Kwintas. Dahon ang shape nito at tulad ng kulay kanina ay ganun din Sa likod. Isang Kulay sa isang Blank Gold leaf At White Pearl sa gitna. I was staring at it when it Vanished in just a snap. "Question?" "Paano po kapag hindi ko nagawang Mapalabas ang Kapangyarihan ko?" Out of nowhere kong tanong."Ibabalik miyo po ba ako sa Mortal World?" "Definitely," Naghintay ako ng Sagot ng Putulin niya ito. "NO. Dadaan ka sa Training.Once a Genovian Always be a genovian.Hindi ka namin ibabalik sa Mortal world dahil hindi ka nabibilang dun.Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas pasok sa Barrier." "What if lang naman po, anong gagawin niyo sa akin? Gusto ko lang malaman." "You'll be Exiled." napanganga ako. Laglag panga talaga bes! Napalunok at nakaramdam ng abot langit kaba. "One Last Question Po." Nahihiya kong sabi. "HaHaha. Go on Iha." "Paano po kayo nakasisisguro na Genovian ako?" Itinanong ko na iyan Kay Steban at Lyra Dati. ''Look at your Eyes at the mirror at Your Ocean blue Pieces of hair." Sabi niya at bigla nalang nawala sa paningin ko. "You may Go." Boses nalang ang narinig ko. Bumukas ang Pinto, Kaya lumabas na rin ako. -- *hingang malalim* Goodluck sa akin. Phew! Nandito na ako sa harap ng two door Classroom. Dahan dahan kong Pinihit ang door knob at Sumilip. Magulo at maiingay sila. Isasara ko na ulit sana ng biglang Muntik na akong Masubsob dahil sa lalaking nagmamadaling pumasok at naitulak ako. "Ay Sorry Miss.....Hera?" tsk. Si Arvie pala. Tsk. "Anong ginagawa mo dito? Visiting me huh? Sabi ko na crush mo ko." Kampanteng puri niya sa sarili niya. Napaismid nalang ako. Bakit Ba pag ito ang nakikita ko umiinit ang ulo ko? Baka dahil sa ginawa niya sa'kin kanina? baka. "Dito daw ang Classroom ko." I said plainly at nag cross arms. "Naks! Sungit ah. Tara pasok na sa loob." Kaya sumunod naman ako. Yung iba napatingin sa akin. Pero karamihan ay nagpatuloy lang sa ginagawa. Naghanap ako ng Bakanteng Upuan. Nasa pinaka likod kaya Natuwa ako. "Pssst." Napalingon ako sa sumitsit. Ano bang problema nito? Inirapan ko nalang siya."Ito naman ang sungit." ''Bakit ba? Anong kailangan mo?" "Anong ginawa ko at Ang sungit mo sa akin?" Ano nga bang ginawa niya? Uhm. Siguro dahil nayayabangan ako sa kanya at sumobra ang trip niya kanina? Wow ang lame ng rason ko ah. "Fine. I'm sorry." Tapos ngumiti ako. "Ayan! Mas maganda ka Kapag Nakangiti nga." Sabi niya at ngumiti din. "Haha Namumula ka!" Hinampas ko siya. Pagtawanan ba naman ako. Nag-init ang pisngi ko. Madalas ko na marinig na sinasabihan akong maganda, noo, noong nasa mortal world pa ko. Pero ewan ko ba at parang iba ang dating noong sinabi ng isang lalaki iyon. lalaking tulad niya, antipatiko at mukhang maloko. "Alam mo Parang walang pinagkaiba ang School sa Mortal world dito. Maiingay din at Magugulo." Out of nowhere na pag-o-open ko ng topic. "Kasi ang Karamihan sa kanila ay galing na Highschool department. Naglevel up ang mga kapangyarihan nila kaya Dito na agad sila. Yung iba naman. Ayun tignan mo yun," turo niya sa babaeng malapit sa bintana. "yun,,,," doon sa lalaking naka pula. "yun,,, at siya,,"turo niya sa magkatabing babae na nananahimik sa pangatlong row. "Tulad mo galing din sila sa mundo ng mga tao kaya tahimik." Wow! Hindi lang Pala ako ang bago dito. Hindi lang ako ang galing sa mundo ng mga normal na tao. "Eh ikaw? Bakit ka nandito? Galing ka rin ba sa High school department?" "Hindi. Matagal na ako dito sa Academy. Two years na mula ng naka-graduate ako sa High school department. Second year na ako. Pero Dito daw ako sabi ng Administrator." Paliwanag niya. Ahhh.. Ganun pala. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa Dumating na ang Prof namin. ----- "Good Morning Class." Biglang pumasok ang isang lalaki na naka Itim. Parang ang bata naman nito? Siguro nasa 25 palang siya. Parang Wizard siya. Yung suot ni harry potter na parang toga? Parang ganun. May dala siyang Black na stick. Sa tingin ko wizard. Napatingin ako sa paligid parang mga wala silang pakialam. Umupo ako ng tuwid at nanahimik. Bumalik na rin sa upuan niya si Arvie. "Class." "Uhh may teacher sa harap?" mediyo napalakas ang pagkakasabi ko at sarcastic. nagsitinginan naman sila sa'kin. "Upo na bilis." "Gosh! Yung mata niya." "Creepy." Bulungan nila at napahinto sa pagtawa. Nagtataka man ako ay uupo narin sana ako,. Kaso pakshet lang! Biglang nawala yung upuan ko at bumagsak ako sa sahig. "Hahahahaha!" Tawa silang ng tawa. "Pabida kasi kabago-bago." "Aray! Masakit yun girl for sure." Hindi ko nalang sila pinansin at Kinuha yung upuan ko na nasa may ding ding na. Wtf!? Pano napunta to dito? "Kainis!" bulong ko sa sarili at padarag akong umupo. "That's enough. Pumasok kayo sa Academy na ito para maimprove ang Taglay niyong,lakas, galing at kapangyarihan hindi para maging Ganyan ka-walang disiplina. You Know what I Mean." Woah! Ang gwapo na pati boses ang gwapo pa. Natahimik silang lahat, I mean, Kami pala. Uso ba talaga dito ang batang propesor? Jusme! Baka himatayin ang mga schoolmate kong babae sa former school ko. "I'm Headmaster Recca. Call me Master Recca. I will be your Training Coordinator and adviser as well." "Headmaster! Ilang taon na po kayo?" Tanong nung isang babae. Sus, Halatang nanglalandi. "23" "Wow ang bata pa ni Master." "May pag-asa pa tayo girl." Yung totoo!? Nagbubulungan o lantaran na tsismisan? "Okay enough with that. I want to know your Name, Ability, And More about yourself. So Please....." Nag-umpisa na silang magpakilala isa isa. Since ako ang pinakahuling magpapakilala dahil ako ang naka-upo sa pinaka dulo ay nakinig nalang ako. Iba't ibang kapangyarihan ang meron sila. Nakaka mangha. May kayang magpalit ng anyo from a normal Human to a Thing or a Weapon. Parang si Arvie, Kaya niya maging iba't ibang hayop. May Electricity, Thunder, Sand, and metal user. May mga classmate din ako na kayang magpatubo ng halaman at mga magagaling na Gumawa ng potion at May kakayahang mamemorize ang iba't ibang spell. Pumasok sila sa Academy para Maimprove ang mga ito. Marami din akong kaklaseng Witches and wizards. Tumayo na ako ng Ako na ang magpapakilala. *Breath in*breath out* "Hi, I'm Hera Dominguez. I came from The Mortal world. Nice to meet you." Uupo na sana ako ng Bigla akong lumutang. "Aaahhhhhh!!!" napahiyaw ako ng malakas. Lumulutang ako!! Mommy!! "HAHAHAHAHAHAHAHA!!" nagtawanan ang mga kaklase ko. "Stop that!" sigaw ni Headmaster Recca. Uh-oh! Napapikit ako ng malaman kong biglang pagbagsak ng katawan ko. Ilang segundo pa ay bigla akong nagmulat ng mata. Anong nangyari! Bakit ako nakalutang parin? But this time mababa nalang ito. At-- *booghhhsss* "Awww." Sabay sabay nilang sabi at saka nagsitawanan. Huhuhu mommy! Help me. "Aray ko ang sakit nun ah" I murmured to myself and Slowly stood up. Inalalayan ako ni Arvie. Nginitian ko nalang siya. "Are you okay? Pasensiya na ah. Ganyan talaga sila." Tumango nalang ako at tahimik na naupo. Badtrip! Buset! "I said that's Enough!" Tumahimik sila ng sumigaw si Headmaster. "What is your Ability or Element Ms. Hera?" "Di ko pa po alam." "Weak. Easy lang pala talunin yan." comment ng isa. Pakiramdam ko wala akong silbi. Wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. Genovian ba ako? Bakit wala akong kapangyarihan? Ano ba talaga? Bakit -- hindi ko pwedeng hayaan na maging ganito ang simula ko dito, baka kapag nagtuloy-tuloy ay hindi ko kayanin. "But I felt a Strong Energy coming from you Earlier. Are You Sure?" Huh? Ano daw "M-master.....Di ko---" "Excuse me." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang isa pang Headmaster. Ang isang lalaki na sa palagay ko ay coordinator din. "Headmaster Azor, What Brings you here?" (Azor-- pronounced as Eyzor.) Tanong ni Master Recca. "Emergency Meeting. Alam kong naramdaman mo. We did too. Mauna na ako. Sumunod kana." At walang sabi-sabing umalis si Master Azor. "I thought it was--- Ugh! By the way class I'll Leave you early. Narinig niyo naman siguro ang sinabi ni Headmaster Azor. Let's start the discussion tomorrow. Goodbye." Tumayo ang lahat nag nag-bow kay Master Recca at ganun din siya. Paglabas ni Master ay Agad na nag-ingay ang Mga kaklase ko. Tsk! Mga bwisit! Yung iba inasar ako gamit ang mga tingin nilang pang asar talaga. Pwede bang Lumabas? Tsk! Wala pa naman siguro kaming klase. "San ka Pupunta?" Tanong ni Arvie. Nilingon ko siya and mouthed "Canteen" . He nodded. Habang nasa Hallway ay Tahimik akong naglakad At Nagmadaling Pumuntang Canteen. Paano ko ba naisip na pumuntang canteen eh hindi ko alam kung saan banda? Haaay, minsan talaga shunga ka Hera. "What is this Again!?" Nababagot kong Sabi ng biglang Lumutang ulit ako. Laking Pasalamat ko Dahil May Cycling ako Under This Skirt. Tsk Kundi Baka pinag pyestahan na ako dito. Ang taas nito. Bakit ba kasi ako ang nakikita nilang pagtripan? Siguradong ang may gawa nito ay ang may gawa rin akanina. Kinalma ko ang sarili ko. Di naman ako takot sa Hights pero for God sake! Malamig na sahig ang Babagsakan ko! "Hello there!" Biglang Lumabas sa may malaking Pader yung tumawag sa akin. What? Sila!? "Anong kailangan niyo? Ibaba niyo na ako Please." Sabi ko dun sa tatlong magkakapatid na mangkukulam. Remember Lavi, Vince and Emmy? Oo! Sila. The witches. "Laro tayo." Pahayag ni Emmy at saka Humagikhik. Rim! Pam! Help me Please! "H-ha? M-may pupuntahan pa ako Pwede---waaaahhhh!!!! Ibaba niyo ko!!" s**t! Biglang Lumitaw sa mga kamay nila ang mga walis nila at agad na sinakyan. Mabilis nila itong pinalipad at Bigla nalang akong Hinila ni Lavi At Vince sa Magkabilang Kamay. Mariin akong napapikit sa sobrang takot. Okay na yung lumutang lang eh! Pero yung may kasamang paghila?! Iba na yun! Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa Napansin kong nasa Labas na kami ng Building. Dinala nila ako sa Training Ground. Sobrang natatakot na ako lalo na ng Mastinaasan nila ang lipad. Kitang kita ko Na Ang Buong Academy. Ang taas! Sobrang taas na. Maiiyak na ako. "Anong nagawa ko sa inyo!? Please Itigil niyo na to." I pleaded. But They just Smile wickedly! Now I know that Witches and Wizards are Wicked! "Bakit di mo gamitin ang Ability mo? Tsk. Ang weak mo naman. Ang taas nito oh! Aren't You afraid to Fall?" Emmy boredly said while Weeping Her nails. "I don't have Any Ability that you were talking About. I am not neither Scared of Afraid to Fall, I know Falling From This High Would be Fun I guess." Sabi ko. Ano?! Seryoso ka ba Hera sa pinagsasabi mo? What if bitiwan ka ng mga yan? Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ko dapat ipakita na natatakot ako. Kahit nagmamaktol na ang isip ko. "In Fact, Falling Is Dangerous But I Can Risk My Life. If it's necessary." "What are you? Aren't you Frightened?" Vince uttered. "You could die if I Let you go. Or there's Something worse might happen to you." Lavi "Tsk. Ibaba niyo nalang ako Pwede?" Sabi ko at umirap. Nagawa kong magtaray peroagad ko rin naman pinagsisihan. "As you wish." Then Emmy Smirked after. Nalaman ko nalang na Nahuhulog na ako Mula sa itaas. Sa tingin ko din Walang Sasalo sa akin. Sino bang may paki alam? Tsk. First day Kong Pumasok pero ito narin siguro ang huli. Malakas na hangin ang Dumampi sa Katawan ko. Nakikita kong nagtatawanan ang tatlo sa taas. Habang lumiliit ang imahe nila ay Naramdaman kong malapit na ako sa lupa. I closed my Eyes. I Felt warm Waters running through my Cheeks. Inisip kona sana Makaligtas ako Sa pagkakahulog na to! Sana Dumating ang mga kaibigan ko. Ayoko pang mamatay! Pero walang sino man ang dumating. Walang tumulong sa'kin. Then Suddenly I felt a strong Force and strong Impact At My Back. I can still see the pinkish sky but as the seconds passes it blurs. My bones are cracking into pieces. Pain is all over my body, my head and inside me. Later on I tasted Blood. I phant, I tried to breath, chasing the oxygen and trying to live. The taste of blood went thicker. The surrounding Started to make noises and crowd. Then Everything went Black "Sino ka?Bakit ako nandito?" Tanong ko sa Babaeng nasa harap ko. Imbis na sagutin ay nginitian niya lang ako. Tinignan ko ang lugar kung nasaan ako. Napakagandang lugar. Nasa Ulap. Nasa ulap ako nakatayo. Nasa malaking ulap ang napakagandang Falls. Punong puno ng Paru-paro ang mga halaman sa paligid nito. Nasa kabilang maliit na ulap ang isang magandang babae na naka Puti, Her White Gown Suits her Beautiful White hair, She has Silver sequins under her Eyes and at the top of her eyebrows. Her lips lips are Silver too. Long white strips of cloth covers her arms. Her eyes were silver and Splendid. Her face is Familiar. I think I've seen it somewhere. I look around. I was mesmerized by the beautiful scenery . Breath taking! Yes! It is. Nagulat ako nang lumapit siya ng nakangiti. She touched my Face. Hinawakan niya ang ilalim ng mata ko. Ang lamig! Her hands are cold like Ice but At the same time it was soft like a cotton. I closed my eyes. Ang sarap sa pakiramdam ng Hawakan ng isang tulad niya. Naramdaman kong inalis niya ang Kanyang Kamay kaya napadilat ako. Unti-unting Lumayo ang kinatatayuan niyang ulap hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Nilingon ko ang talon na nasa di kalayuan. It is slowly Fading. I panicked. I saw darkness. Unti unting nilalamon ng Dilim ang Paligid. I heard An Evil Laugh. Tumayo ang balahibo ko ngunit nanatili akong tahimik. Nakikiramdam ako sa Nangyayari. Tuluyang Napuno ng Dilim Ang Paligid. Lumakas ang halakhak ng isang hindi pamilyar na boses. May mga naririnig akong sigaw at hampas ng Latigo. Iyak! May Babaeng umiiyak. Humihingi ng tulong. "Who are you?!" I shouted. The voice didn't Say a word and Laugh louder. Masakit sa Tenga! Nakakairita! Nakakabingi. Tinakpan ko Ang Tenga ko. Pero it was useless. I could still hear the voice and it's Getting louder and louder. "ANO BA! TAMA NA!!!" Ayoko na! Nawawalan ako ng Lakas! Pakiramdam ko ay napakalapit ng babaeng sumisigaw. Pakiramdam ko ay nasa harap ko lang pero hindi ko nakikita. "Hera" "Hera" "Hera" Napamulat ako ng mata! A dream! It was only a dream. Thank god! Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Pam at Rim. Natatarantang Sumulpot sa harap ko Ang dalawang makulit na Fairy. "Are you okay?" "Anong nararamdaman mo?" "Gutom ka ba? Gusto mo ba kumain?" "Maiinom?" "Magsalita ka naman hera. Nag-aalala kami." Hindi rin naman ako makasagot agad. Tintanya ko pa kung anong nararamdaman ko.  Hindi sila magkanda-ugaga sa sunod sunod na tanong. Sinenyasan ko silang tumahimik. Itinikom naman nila ang bibig. They stopped and waited for me to Answer. Ipinikit ko muna sandali ang mga mata ko para Alalahanin ang nangyari. Mula sa Room hanggangbsa hallway, Lumutang ako, Binitbit ng Magkapatid na Wizard at Hinulog ng wicked witch na magkakapatid na yun. Pinagtripan pala For pete's sake! Pinagtripan nila ako! Sinubukan kong Igalaw ang ulo ko pero hindi ko magawa. Ang bigat ng pakiramdam ko Physically. Ung likod ko sobrang sakit. Damn it! Parang may nabaling buto! "Ang sakit- " "Ng alin? Saan?Ano masakit?" Tarantang tanong Ni Pam. "My Back! It feels like Breaking into Thousand pieces." "Papunta na ang Healer na gumagagamot sa'yo." Tumango naman ako. "Oh my God Ven, Sorry kung nahuli kami ng Dating. Pero 'wag ka mag alala may mabuting Genovian ang Nagdala sa'yo dito." paliwanag ni Pam. "Napuruhan ka sabi ng ilang healer na Tumingin sayo noong nakaraang Tatlong Araw. You've been sleeping for four days. Ang ipinagtataka nga lang namin ay Malaki ang naging impact ng pagbagsak mo. Halos masira ang Training Ground. Isang malaking pabilog na hukay ang Iniwan mo dun. Marami ang nagulat ng Malaman na Nakasurvive ka. At marami din ang nagtanong kung ano ba ang ability mo dahil naka ligtas ka. Ano ? Alam mo na ba kung ako ang Kapangyarihan mo?" Mahabang pagpapaliwanag ni Rim. "Hindi ko alam. I feel like a loser. I am weak. gusto ko ng umuwi bago pa ako mamatay dito." sabi ko habang naluluha. Hindi ko kakayanin dito. Suko na ko, wala akong kalaban laban tapos au ganun na lang kung pagtripan nila ako. Ano ganun din ba ang ginagawa nila sa lahat ng mahihinang tulad ko ? Pinagkatuwaan nila ako, wala silang pinagkaiba sa kanila. Walanh pinagkabi sa mundo iniwan ko, sa mga taong araw araw kong nakikita sa mundong kinagisnan ko. Pare-parehas lang pala  silang lahat. "Don't say that. Hindi ka nila papayagan." sabi ni Rim habang inaalo ako. "Hindi ka nila papayagan, basta nandito kami. Susubukan kong imonitor ka." paniniguro niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD