HERA'S POV
Iginiya ko ang katawan ko Papunta sa unahan. Parang nag su-surfing na pwesto. Walang ano-ano ay Napaupo ako at napahawak sa gilid ng Carpet When It Fly So Fast And so Damn high. Oh my god. Naabutan ko yung dalawa at gumitna ako sa Kanila.
"Hahahaha!" Tawa nila. Habang ako eh takot na takot na.
"Wag niyo ko pagtawanan. Huhuhu Patay kayong dalawa sa kin mamaya.!" singhal ko sa kanilang dalawa. They stop laughing but they're trying hard not to. Mautot kayong dalawa diyan. Sige lang.
"Feel Cpmfortable. Inhale exhale. I-enjoy mo. Isipin mo kung gaano kasarap ang lumipad." sabi ni Pam. Sinunod ko siya. Unti-unti akong narelax. AngSarap ng hangin. Ang peaceful. Bigla nalang akong tumayo.
"Hera, Look down." --Rim
"Woah." Namangha ako sa nakikita ko.
I saw the whole academy. Three Huge building and a Amphitheater in front of it. Big dome I guess. Napalingon ako sa Iba pang parte. A lot of colorful and lively Lights All over the Place. Hula ko labas na iyon ng Academy Dahil parang may mga talipapa.
"Hi There!" Nalipat ang atensiyon namin sa nagsalita. Tatlo sila. two Boys and a Girl Riding A broom? Wtf? Witch?
"Hello. Lavi, Vince, and Emmy!" Sabi ni Ni Rim sa kanila samantalang Kumaway lang Si pam.
"New Friend?" Tanong nung Babae kay Rim na tinabihan siya. She's refering to me.
"Ipakilala mo naman kami Pam!" At Lumapit yung isang Lalaki sa may pwesto ni Pam.
"She is Hera Our new Friend. Hera This is Lavi Beside me. Vince at your back and Emmy." Bagot na bagot na sabi Pakilala ni Pam. Bakit anong Meron? Kanina lang eh ang saya sya Pa nito at makulit. Bilis magbago ang mood ah.
"Hi." sabi ko.
Walang pang isang segundo ay Nasa magkabilang gilid ko na Si Lavi at Vince at Nasa Likod Si Emmy.
"Hello." Gosh!! Bakit--Bakit parang ang Creepy. Biglang naging creepy Ang boses nilang tatlo.
"Hey!Don't Scare her out. Anyways, Nagmamadali kami. So see you when we see you again." Saway ni Rim. At binilisan ang lipad ng Carpet.
"Let's Go Hera." Tumango ako kay Pam at Sinabayan siya sa bilis ng Paglipad. Narinig ko pa ang sabay sabay na 'bye' nung tatlo at Humagikhik na parang witch ay tanga witch nga pala sila.
-------
"That was Awesome!!" Sabi ko Pagkababa namin.
"Buti naman at in-enjoy mo." Sabi niya.
Inilagay namin ang mga Carpet sa Isang Maliit din na May bubong. Babalikan raw namin iyon pauwi at doon din iiwan kung saan namin iyon kinuha kanina Ang Astig naman. Napaka Trustworthy ng mga tao dito.
"Sino yung mga yun?" tanong ko sa kanilang dalawa. Sumimangot naman sila. Anomg meron?
"Magkakapatid yung tatlong yun. Nagmula sa mga angkan ng mga Mangkukulam. Hindi tulad ng Mga mangkukulam sa Drashiere Academy at Darkness kingdom. Mababait ang mga mangkukulam dito sa Genovia." Mahabang litanya ni Rim. "Peroiwasan mo yung tatlong yun ah."
"Why? I thought---"
"Yeah. Witches here are kind, Adorable and Good. But those three? Malakas ang trip ng mga yun. Pag napagtripan ka Kawawa ka. Palibhasa isa ang pamilya nila sa may malakas na impluwensiya na Genovian dahil Sila ang Malakas na Lahi ng mga mababait na mangkukulam. Pero Mukhang tumaas ang confidence ng tatlong yun kaya akala mo kung sinong Magagaling. Sa totoo lang kung hindi Kami ang kasama mo kanina malaman sa alamang eh pinagtripan ka na nila. Lalo pa't bago ka palang dito." Halatang inis na inis si Pam habang nagpapaliwanag. Kaya naman pala eh.
"Okay tama yang topic na yan. Nakakabwisit. Let's go. I'm starving." Sabay hila na Ni Rim sa aming Dalawa.
Hindi ko Pa rin maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Isang Malaking Gusali na kulay Green. Punong puno ba naman kasi ng Dahon. Pag pasok mo ay tila isang Malaking Mall. Nganga! Maraming Genovian ang Pakalat kalat. Pumasok kami sa Isang kainan. Silang dalawa na rin ang umorder dahil wala pa akong pera. Gold coins raw kasi ang ginagamit dito. Wow lang ang! So mahirap ang dating ko dito? Tsk. Bukas pa raw ako magkakapera kaya kailangan ko pumunta ng Administrator's office. Pagkatapos kumain ng Err.... Ano ba yun? Parang adobong Ewan na Maraming Gulay na pula. Masarap pero Hindi pa siguro ako sanay.
Paglabas namin ng Kainan ay pumunta kami sa mga store. They Even bought me a Phone. Kakaiba Dahil Para lang siyang Gamit ng isang Assassin.Pero yung Dito ay Parang Relo. May sim Card sa loob at Memory card. Hologram ang lilitaw dito Kung !ay tatawagan ka or ikaw ang iko-contact. Namangha naman ako.
Nag-ikot ikot kami. Anong Oras na ba? Pagod na ako eh.
Nagpaiwan ako sa isang bench na nasa may tindahan ng Wands. Sabi ko Hintayin ko Nalang sila. Habang Nagpapahinga ay Inikot ko ang Paningin ko sa buong Lugar. I'd never thought that I Could see a such a beautiful Place like this. I Even Couldn't Imagine that I am now living in this world. The world Who Seems so Perfect. Parang Unti unti ay naniniwala na ako sa Fairy tale. And I am that My story Would end in A happy Ending.
Napansin ko sa Di kalayuan ang Batang umiiyak. Ang Cute ng Bata. Lumapit ako kasi wala namang pumapansin sa kanya."Hello there Little girl. Why are you Crying?" Sabi ko at lumuhod para makapantay ko siya.
"I was looking for my Mom. I am lost" Then bahagyang tumigil siya sa pag iyak.
"Okay. You want Help?What's your name?" Tumango naman siya at Kinuha ang kamay ko. Napangiti naman ako.
"Yumie" Yumie. Naalala ko si Ayumie. Haist.
"Where's your mom?" I asked, she shrugs and held my hand.
"Let's go Ate." Bipolar din tong batang to. Kanina lang iyak ng iyak tapos tatawa na. Tuwang tuwa pa siya habang hinihila ako.
"Yumie! Yumie! Yumie!" Napalingon kami sa Sumisigaw.
"Mom!" Binitawan ni Little Girl Ang Kamay Ko at tumakbo palapit sa magandang babae na tumawag sa kanya. Yumie tulad ka lang ni ayumie. Bipolar din minsan.
"Thank you Young Lady." Sa sobramg lutang ng isip ko ay hindi ko namalayan na Nakalapit na sila sa akin. Ngumiti naman ako at nag-bow. "Take care Ate. Bye!" Nag wave sila palayo. Narinig ko pa ang Sinabi ng mom niya. Pinapagalitan siya nito dahil sa kung saan saan raw ito nagpupunta. Hindi ko Namamalayan na Tumulo na ang luha ko. Siguro dahil namimiss ko si Ayu at ang mga magulang ko. How I wish na makita ko ulit sila.
"Ouch!! Who did That?!" Sigaw ko. Lintek lang. May bumato sa akin ng kung anong bagay.
Napatingin sa akin ang ilan na naglalakad. Yung iba nagtataka at yung iba nagpipigil ng tawa.
Umalis nalang ako sa Lugar na iyon, buset! Panira ng Moment! Inis na inis akong naglalakad ng biglang---
*blag!*
"Tsk. Stupid!" Sabi ng nakabangga kong lalaki. Pinulot ko ang nahulog kong phone.
"At ako pa talaga ang tanga. Hoy! Para sa--IKAW NANAMAN?" what the heck? Bakit sa lahat ng tao ito pa?
"Oh it's you again. Clumsy." Sabi niya!! Siya lang naman ang nakabangga ko noong isang araw sa Mortal World. Si kuyang Pogi na Walang manners! Bwisit na to! Alam na niyang Para siya Pader sa Laki ng katawan niya haharang harang pa. Teka? Nakilala niya ako eh samantalang mukhang Nerd ako nung time na yun eh.
"Hoy! Kung maka-clumsy ka! Ikaw nga tong nakaharang sa daanan. TEKA! Don't Tell me Stalker kita? God! Hanggang dito b---" Naputol ang sasabihin ko ng Tumambad sa harapan ng mukha ko ang nag-aapoy niyang Palad.
"Noisy, Talkative, annoying and Loud. Want me to Burn you?" Cool at bored niyang sabi. Ako? Eto gulat pa rin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. HINDI SIYA NORMAL NA TAO!
"Hera,,,
Hera,,,,
"Hera,,, huy! Okay ka lang." Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog sabalikat ko. Ngayon ko lang narealize na nasa harap ko na Si Pam at Rim.
"Ha!?"
"Gaga. Bakit ka tulaley diyan? Muntimang ka diyan. Pinagtitinginan ka na." Sabi ni Pam.
"Ha? Ah.. Eh Kasi Yung,,, Aish! Hayaan na nga. Saan ba kasi kayo Galing? What took you so long?" Pag iiba ko ng Usapan.
"Wala naman. Ay teka! Alam ko na kung bakit parang Familiar ka Sa akin. Here." Then itinapat ni Pam sa mukha ko ang Isang Magazine na. AKO ANG COVER?!?!? "Kamukha mo si Venice na sikat na Model sa Mortal World!!! Kyaaahhhh!!! Nangongolekta kasi ako ng Pictures niya eh. Siyempre kahit na Matagal na ako dito eh Siya parin gusto ko no!!" Excited niyang sabi at hinalik halikan yung cover.
"Buti nalang at may Tindahan dito ng mga items na galing sa mortal world. Dahil kung hindi ay lalabas at lalabas pa yan sa barrier at Pupunta sa Mortal world." Naiiling na paliwanag ni Rim. Napayuko nalang ako. Jusko po!
"Teka Hera. Humarap ka nga sa akin. Bilis!" Taposhinawakan niya ang Baba ko At Inangat. Itinabi niya sa akin Yung Magazine." Seriously? Magkamukhang magkamukha kayo. Siguro kung hindi lang siya sikat at taga Mortal world iisipin kong Ikaw si Venice." Then binuklat niya ang Pages at nag basa.
"A-actually... Ano Pam ,,,A-"
"Oh my God. Basahin mo, basahin mo Rim oh. 'Venice , The Star of Yes Magazine has been No where to be found. Her manager Says that Venice Gave up it's career because of Personal Matters. The public, Media and her Fans are Sad because of the said news.' Oh my God. NakaKA-sad. Nabasa mo ba Rim?" Ang ingay niya talaga. Jusko naman.
"How am I able to Read it Pam? You Read it loud and clear infront of me." insert sarcastic tone. Haha oo nga naman diba.Napakamot ako sa gilid ng kilay ko.
"Actually Guys Ano... A-ako at si Venice ay......"
"KYAAAHHHHH!!!!!!! VENICE!!! VENICE IKAW NGA.. KYAAAHH-----" napatakip ako ng tenga. Agad naman tinakpan ni Rim ang bibig ni Pam! Feeling ko Umalog ang buong Revenhill sa lakas ng tili niya. Pinagtitinginan na kami. Baka isipin ng iba eh kinakatay namin siya.
"Pam! Umayos ka nga. Nakakahiya." pinandilatan siya ni Rim ng Mata. Tumango-tango siya at Inalis ang kamay ni Rim.
"Papatayin mo ko? Hehe. Sorry naexcite lang. Grabe ngayong ko lang napansin na Si Venice pala ang Nakakasama ko mula pa kanina. " Blah blah blah. Nagkwento na siya ng nagkwento. Hanggamg sa Makalabas na kami ng Revenhill.
Hanggang sa Pag sakay namin sa Carpet pauwi Dal dal parin siya ng daldal. Si Rim ewan ko kung nakikinig ba o Nakikisama nalang kasi ako iba ang iniisip ko. Hindi maalis sa Isip ko Yung mukha ng Lalaking yun. Yung mukha niyang sobrang Gwapo. Yung Perpektong kilay, Redish na mata na tila may apoy rin doon tulad ng Kapangyarihan niya, Yung Matangos niyang ilong at Mapulang labi. Yung Buhok niya sa may highlights na Red at Yung malapad at matipu---ay teka!! Hindi ko siya pinagpapantasyahan ah. Eew! Jerk kaya yun ! Jerk!
"Huy!"
"Ay jerk."
"Anong Jerk ka diyan? Kailang pa naging Expression ang Jerk? Kanina ka pa tulala Hera." Sita ni Rim. Nandito na pala kami. Bumaba ba ako sa Carpet at ibinalik ito sa kinalalagyan nito kanina.
"Ah hehe sorry may iniisip lang. Tara na? May Pasok pa tayo bukas." Tumango naman sila at saka na kami naglakad pabalik ng dorm.
----------
"See you Tomorrow Venice! Goodnight." Pahabol ni Pam. Nginitian ko nalang siya. Tsk tsk tsk! Akala ko yuluyan ko nang kinalimutan ang buhay sa Mortal World.
Pero tignan mo nga naman. Hanggang dito pala nadala ko. Bukas Unang Araw kong Papasok dito sa Academy. Hindi ko alam kung Anong mga mangyayari dito sa akin. Ano ba magiuging buhay ko dito? Miss ko na Agad Si Ayumie, Si Mom and Dad. Parang kahapon lang ay kasama ko pa sila at kausap. Sa isang Iglap ibang tao na ang Nakasalamuha ko. Mga Makapangyarihang nilalang, Kakaibang mundo, At ibang paraan ng pamumuhay.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa Malambot na higaan. Sana lang maging Maayos ang Buhay ko Dito. Sana magtuloy tuloy ang magandang nangyayari, isa pa, biglang sumagi sa isip ko yung lalaking yun. Magkikita pa kaya kami ng Jerk na yun? Bwisit na yun! Pag nagkita ulit kami sisiguraduhin kong May Powers na ako. Tsk. Hindi rin pala normal na tao yun. Pero bakit ba siya pagala gala sa Mortal World!? Hayaan na nga! Bahala siya! Walang manners!
The next day.
"Hera! Tara na. Male-late na tayo." Tawag ni Rim sa labas ng kwarto ko.
"AH OO nandiyan na." I said saka kinuha ang Bag ko na nakuha ko sa ibabaw ng mesa kagabi. Ang galing nga eh. Kumpleto na ang kailangan nito. Uniform, Bag, Gamit at Walang tuition. Ang problema ko nalang ay ang allowance ko.
Paglabas ko ay nginitian ko lang yung dalawa na nasa baba na. Si Pam mukhang excited, Si Rim chill lang habang ako Kinakabahan. Alam ko na hindi ito normal na College School, Hindi Normal na tao ang Makakasalamuha ko, Hindi normal sa paningin ko ang mga makikita ko PARA SA AKIN kasi diba hindi ko naman akalain na Mapupunta ako dito at Makakasama ang mga Katulad ko kuno. Tsk! kahit ako ay hindi na normal na tao. Isa na ako sa kanila kaya siguro tanggapin ko na Ang bagong buhay na Kakaharapin ko. Pipilitin kong wag isipin ang Buhay ko dati, ang Mortal world, ang Mom at Dad ko at si Ayu. Susubukan ko lang. Pero nandito sila *point sa heart* at hindi mawawala kailan man. I hope to see them again soon.
Huminga muna ako ng malalim bago sumingit sa pagitan nila at ngumiti. Napalingon sila sa akin.
"Tara?" I said but they didn't Answer and they walk towards me and face me Instead. Nagtaka naman ako ng Bigla nilang inilapit ang mukha nila sa mukha ko. Napaatras tuloy ako. Baka tama ang kutob ko kagabi, tomboy talaga ang isa sa kanila at ngayon nahawaan na yung isa.
"Parang may iba sayo?'' Pam
"Yeah. I noticed it earlier while eating breakfast.'' Rim.
"Huh? Anong sinasabi niyo diyan? Late na tayo diba?" Sabi ko at nauna nang maglakad sa kanila. Nauna ako sa labas ng Dorm. Maya maya pa ay narinig ko na ang boses nila habang palabas.
"Napansin mo di'ba?"
"Oo nga. Hindi yun ganun kahapon."
"Ano bang pinag uusapan niyo?" singit ko.
"Naka-contact lense ka ba?'' Out of nowhere naman na tanong ni Rim? What? Saan ako kukuha ng Contact lense eh naiwan lahat ng gamit ko sa bahay ko sa Mortal world at tanging sarili ko lang ang dala ko dito.
"Wala. Bakit?" maikling sagot ko. Nawiwirduhan na ako sa dalawang 'to ah!
"Ocean blue kasi ang mata mo Ven." sabi ni Pam. Ven ang tawag niya sa akin kasi daw Stands for venice. Napahawak ako sa Gilid ng mata ko.
"Brown eyes ako ano ba kayo. Diba napansin niyo pa kagabi?" Sabi ko.
"At yung buhok mo." turo nila sa buhok ko. Ano ba naman yan pati buhok ko.Hinawakan ko wala namang bago sa buhok ko. Black parin. "Nasa likod. Kulay blue din ang dulo just like your Eyes."
"T-teka. Bakit- Di naman ako nag dye ng buhok."
Nagkatinginan sila at sabay na nagsalita. "Imposible." With slow motion. Okay?
"Ven, Mukhang alam na namin ang kapangyarihang taglay mo. But it is 100% impossible To have Two User of that Power. Tanging kadugo mo lang ang pwedeng mong maging kapareho ng Element kung sakali. At kung kabilang ka sa angkan nila." Sabi ni Pam at hinawakan ang kamay ko at nagmamadali na nga kami. Male-late na kami.
"Siguro kailangan mo talagang makausap ang administrator dahil hindi kami sigurado sa Hula namin. At Hindi ko rin nababasa ang Mangyayari sayo ngayong araw. Malabo." sabi Ni Rim. Oo nga pala kaya niyang hulaan o makita ang Mangyayari palang.
Huminga ako ng malalim and composed myself. Nagtataka lang ako kung bakit ganito ang buhok ko at mata. Hindi ako natatakot dahil ito kami. Ibig sabihin hindi ako namamalikmata noong mga oras na umiiyak ako na naglalakad sa ilalim ng ulan. Kitang kita ko na blue ang mata ko noon.
"Tara na bilisan na natin."
Pagdating namin sa kabilang building ay agad na silang pumasok sa Klase habang ako ay Pupunta muna ng admin office.
Kanina pa ako naglalakad dahil hindi ko alam kung nasaan ang admin office. Hindi ko rin natanong yung dalawa. Haist!
"AY PALAKA!" I uttered when a Big Rat appeared in front of me. Ang laking Daga! OO! Daga.
Hindi ako makakilos. Una takot ako sa daga, pangalawa, Ang laki niya Ay kasing laki ng Tao. Ano to? Mutant teenage ninja turtles? Master splinter lang? Napalunok lang alo ng Laway habang unti-unting umaatras. Kadiri!
"Hahahahahahaha!" Malakas na tawa ng daga habang unti-unti itong naging tao.
"Are you f**k*n insane!?" Sigaw ko sa lalaking kaharap ko. Napamura na ako sa sobrang inis.
"Pft! Hahahaa.. Sorry Miss. " He said between his laugh. "By the way I'm Arvie.Kanina pa kasi kita napapansin. Nawawala ka ba? Bago ka no?" Mahinahon niyang sabi. Wow! Mabait naman pal, at......at gwapo ah.
I sighed.
"Next time wag mo akong gugulatin ng ganun." At umirap nalang ako. Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako.
"Ahh, next time. So , pwede pa tayo magkita next time.'' bakit kailangan may pag kindat.
"Walang next time. Tsk."
''Sure. Anyway, Mukhang nawawala ka. Saan ba punta mo?" tanong niya, sumunod naman siya sa akin at sumabay na din sa paglalakad. Feeling close.
"Saan ang admin office dito?"
"First building. Gusto mo samahan kita?" Alok niya.
"No. I'll be fine. I can manage." Tanggi ko naman. feeling close eh.
"I insist. Para wala din mantrip sayo. Sorry ulit." He said sincerely.
Mukha naman siyang mabait. Matangkad nga eh at Maputi. Gwapo pa. Kundi lang ako pinagtripan nito baka nakipagfriends na ako dito. Kaso walangya! Daga? Yun ba ang Special ability niya? Weird ha.
"Bago ka dito? Anong Element mo?" sabi niya.
"I don't know yet." I said plainly.
Tumango naman siya. Ang daldal naman nito. Feeling close na masiyado. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga Students. Ugh! Same school! Critiques!
Nakarating kami sa harap ng mismong office.
"Thank you Arvie! Arvie right?" I asked. Tumango naman siya.
"Sige. Ay ano pangalan mo?"
"Hera." At inabot ko ang kamay sa kanya. Nakipag-shakehands din naman siya.
Tumalikod na ako at Kakatok na sana ng bigla itong Bumukas. Lumingon ulit ako Kay Arvie. Bakit hindi pa 'to Umaalis? Tsk! Sinenyasan niya ako na Dumiretso lang daw ako at yun naman ang ginawa ko.
"Hera Domimguez."
Hinanap ko kung sino ang nagsalita. Pero wala.
"Mabuti at pumunta ka na dito. I'll Just discuss the rules and regulation ng Academy.'' sabi ng Boses. Kinakabahan naman ako dito. Ang laking room nito. May Fountain na painting sa left side at may Batis sa kabila. Mga buhay na painting to be exact."Take a seat." Sumunod ako sa sinabi niya at umupo sa may office table na may dalawang upuan sa harap.