HERA'S POV
"Hindi tayo matutulungan ngayon ni Steban na makagawa ng Portal kaya ako na Ang gagawa. Aabutin to ng tatlong Oras dahil Hindi ko field ang gumawa ng portal. Huwag ka muna maraming tanong. Kumuha ka ng makakain natin at dalhin mo dito. Sumulat ka na lang sa mga magulang mo ng gusto mong sabihin sa kanila dahil wala na tayong oras para magpa-alam ka ng personal sa kanila.Huwag ka na rin mag-abalang mag-empake, Hindi mo magagamit ang mga damit na ganyan doon." Sa hinaba haba ng sinabi niya Napatanga nalang ako. Anong una kong gagawin sa dami ng utos niya? "Kumilos ka na hera!" Natauhan naman ako kaya agad. akong lumabas. Natatarantang bumaba ako ng hagdan. isinara ko din lahat ng pinto at ibinaba ang mga kurtina.
"Manang! Manang!" Sigaw habang pababa ng hagdan.
"Bakit po Ms. Hera?" Salubong sa akin ng 3 kasambahay.
"Pahanda naman po ng pagkain. Mediyo damihan niyo po. Iwan niyo nalang po sa Labas Ng kwarto.Salamat." di ko na sila hinintay na sumagot at umakyat na pabalik ng kwarto ko. Agad akong kumuha ng Papel at ballpen At nagsulat Habang Busy parin si Lyra sa Ginagawa. Palaki na ng Palaki ang ginagawa niyang Portal. Sinlaki na ng Bola ng basketball.
Hindi ko malaman kung paano ko uumpisahan ang sulat na gagawin ko. Bahala na!
Mom And Dad,
Sorry if I didn't bid my goodbye personaly. Thank you for Taking care of since whe I was a baby. Thank you po talaga sa lahat lahat. Sana maintindihan niyo kung bakit ko nagawang umalis. I want to know myself more. I want to Find my Parent. Goodbye Mom and Dad. I'll Be back Soon. I promise. I love you.
-Hera
Pagkatapos ko magsulat ay Bumababa ako at dumiretso sa study room. Inipit ko ang sulat sa Flower vase ng center table. I sighed. Ito na ang huli beses na masisilayan ko ang kabuuan ng Study room na ito.Paglabas ko ng study room ay Nagikot-ikot pa ako sa ibang parte ng Mansion. Pinagmasdan ko Ang mga Servants na Busy. Ngumiti sila ng makita ako kaya nginitian ko din sila.
Bumalik na ako sa Kwarto matapos ang isang oras. Mas malaki na ang puting liwanag na ginagawa ni Lyra Kumpara kanina.
"Saan ka ba nanggaling?" Tanong niya na hindi patin inaalis ang konsentrasyon sa ginagawa. "Wag ka lalabas ng bahay, Delikado. At isa..... Yung buhok mo, Nagiging Asul." Napatingin ako sa buhok ko. Blue nga ang Dulo ganitong ganito rin kagabi. Tumakbo ako papunta sa CR at humarap sa Salamin.
"Ano to? Bakit ganito?" Tanong ko sa sarili ko. Narinig ko ang malakas na kulog. Lumabas ako ng CR at dumiretso sa may veranda. Hinawi ko ang Kurtina.
"Bakit umuulan? Ang dilim ng langit." sabi ko. Ang init init naman kanina. Tsk. Tinignan ko ang Wrist watch ko. 5pm na pala.
"Malungkot siguro ang Water Elemental User." Sabi niya.
"Ha!? Ano naman yun?" Tanong ko.
"Saka ko na ie-explain pag uwi natin. Anyways, Kanina pa may kumakatok sa pinto." Hindi na ako nagtanong pa at lumapit sa pinto. Hindi ko na pinasok ang Push Cart na may lamang pagkain sa mga servants. Ako na ang nagtulak papasok ng kwarto matapos ko silang pasalamatan. "Tara kain na muna tayo." Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya. Hindi ko alam kung ano ang mga binanggit niyang salita. Latin yata ewan. Pagkatapos niya banggitin ang mga salitang yun ay tumabi na siya sa akin sa kama at nag umpisang kumain.
"Maganda naman dito sa Mundo ng mga tao eh. May mga Gadgets at Matataas na palasyo. Ito ngang bahay niyo eh maganda at Malaki. Pero sigurado akong mas magugustuhan mo sa Genovia." sabi niya.
"Ano bang meron doon? Mataas na building kumpara dito? Mas high technology ?" tanong ko.
"Hindi. Mga makapangyarihang nilalang." muntik na ako matawa ng pigilan niya ako.
"Eh yung ginawa natin kanina? Yung Teleportation ba yun?"
"Oh teleportation nga. Ano naman dun?"
"Di ba natin pwede gawin yun? Parang mas madali pa yun eh." sabi ko habang ngumunguya ng Cake.
"Ipapaliwanag ko. Hindi pwede. Una, Hindi ako ang nagteleport sa atin papunta dito. Si Mien ang May gawa nun kasama namin ni Steban yun. Hindi Niya pwedeng magamit ang teleportation papunta sa ibang dimension. Ang mundong ito at ang Genovia ay magkaiba ang dimensiyon. Kung Gagamitin niya ang teleportation dito sa Mundo ng tao ay magagawa niya ng malaya kahit gaano pa kalayo. Kaya niyang Pumunta sa Ibang bansa kung gugustuhin niya dahil nasa iisang dimension lang naman. Ganun din sa Genovia Kaya niyang Pumunta sa iba't ibang kaharian." Ang haba naman ng paliwanag niya. Tumango tango naman ako. Kahit mediyo nalabuan ako sa sinabi niya.
"kung ganoon ibig sabihin wala talaga tayong choice kundi ang hintayin tong Liwanag nato?" Turo ko dun sa puting liwanag.
"Portal nga ang tawag diyan. Oo, Wala tayong ibang daan. Pero Pwede din ang teleportation." Tinignan ko siya ng masama. Ang gulo nitong Babaeng to.
"Akala ko ba hindi pwede?"
"Kung Mama-master ni Mien ang Teleportation. At Tumaas ang Level ng kapangyarihan niya." Tango nalang ako. Malay ko ba diyan sa mga kapangyarihan kapangyarihan na yan. Baka nga ako walang Kapangyarihan eh.
"Matanong ko lang. Natural Ba yang Buhok mo? Hindi kasi black na black eh. At my highlight na Gray ba yan?" Sabi ko sa kanya at hinawakan ang buhok niya.
"Natural yan. Ang highlights ng buhok namin ay naayon sa Kapangyarihan namin." Sa sinabi niyang iyon ay Napatingin ako sa Buhok ko. Ay naku! Sabi ko na nga ba eh. Wala akong kapangyarihan! Nawala na yung kulay blue kong buhok.
Muntik na akong mahulog sa kama ng biglang lumiwanag ang Portal ng sobra. Halos wala na akong makita. Ilang sandali lang at Nawala ang sobrang liwanag na bumalot dito Kaya sa tingin ko ay tapos na Ito. Bigla akong kinabahan.
"Sa wakas tapos na! Nagawa ko! Nagawa kong makapagbukas ng portal!" Tuwang tuwa siyang nagtatatalon. Bigla niya akong hinila Kaya napatayo ako. "Tara na! Bilis bilis! Wooo!! Yeah! We're going home!" Parang bata siya =___= Parang mas gusto ko yung palagi siyang seryoso tulad kanina. Tsk. Kahit noong una naming pagkikita nito ganito na to. Ay jusko po.
Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Huminga ako ng malalim.
"Ready?" Tanong niya sa akin. Kung siyá excited pwes ako hindi. Nakakatakot kaya ang pupuntahan namin! Puro tulad niya ang makakasalamuha ko dun! Pero eto na, wala na akong choice. Tumango ako sa kanya. Sabay kaming Humakbang Papasok ng portal. Ay Mother earth!!! Feeling ko masusuka ako. Ang sakit sa ulo! Nakakahilo. Parang may kung anong enerhiya ang nasa paligid ko. Hindi ako makahinga! Siguro mga 5 seconds din bago Ko naramdaman na wala na kami sa portal. Portal!!?? Eh malala pa sa Space shuttle yan!
Nakapikit parin ako at Tinatantiya ko ang sarili ko. Nung naramdaman ko na Hindi na umiikot ang paligid ko ay Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko...
"Woah." One word that came out from my mouth. Wow! Ang laki!
Nakatayo ako sa isang Malaking ,,,, GATE!?!? AS in Gate! Mas malaki pa sa Gate ng mansion. Halos limang palapag ng building ang taas nito At Sampung metro ang lapad. Napapalibutan ng Malalaking Dahon at baging. There were alive vines around of it. It's color is Golden brown. Napalunok ako ng laway. God! Is this real ? Sa TV ko lang ito napapanuod.
"You look amaze and dazzled. Haha Wait and see pagkapasok natin sa Loob." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lyra kahit narinig ko iyon. Nakakamangha ang gate na ito. Napansin ko na lumapit siya sa right side ng Malaking gate. Hinawi niya ang mga baging doon at lumitaw ang isang maliit bilog. Pinapalibitan ito ng limang orbits. Tila eye shape naman ang gitna nito.
Bumunot siya ng kung anong bagay sa likod niya. Dagger? Kelan pa siya nagkaroon ng dagger ? Anyways, Sinugatan niya ang pinakadulo ng middle finger niya. Teka! Sa mga napapanuod ko hintuturo dapat diba? Kasi Sensitive ang middle finger eh! May lumabas na kaunting dugo doon at ipinahid niya sa eye shape na Nakaukit doon.
"I will make your battlements of rubies,
Your gates of precious stones,
The whole encircling wall of gems"
"INTRA SEZ MA!"
Pagkabanggit niya ng mga salitang iyon ay Dahan dahan na bumukas ang gate. Mula sa gitna nito ay umurong ito paatras hanggang sa Bumukas ito ng tuluyan.
"Splendid." bulong ko sa pagkamangha. Nasa harap ko ngayon ang napaka gandang lugar na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. makukulay na Paru-Paro na nagkalat sa buong lugar na namamasyal sa sari-saring uri at kulay ng mga bulaklak. May malalaki at maliliit. Malalaking Puno. Ang daming nagsisiliparang Nilalang na hindi pamilyar sa paningin ko. Sa entrance palang ng mundong ito ay walang wala na ang mundo ng mga tao. "MAGICAL."
"Hera!" Narinig ko ang boses ni steban na tumawag sa akin. Nakita ko siya sa di kalayuan. He's running towards us.
"Wow! Si hera lang ang pinansin?" Sabay irap ng katabi ko.
"Hehe. Ito naman." ginulo niya ang buhok ni Lyra.
"Bakit ngayon lang kayong dalawa? Kanina ko pa kayo hinihintay." sabi niya pa. Nauna na siyang maglakad at sinundan naman siya ni Lyra. Wow parang walang kasama ah. Sumunod ako sa kanila habang iniikot parin ang mga mata ko. Pansin ko lang. Ang haba ng Entrance ah. Sumarado na nga yung gate pero ang haba parin ng lalakarin namin. Ang magkabilang Side ay punong puno ng bulaklak at vines. Kasing taas ito ng Main gate nila. Punong puno ng paru-paro! Nakakatu---
"Ouch! Hindi pala nakakatuwa." Nasapo ko ang ilong at noo ko sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko.
"Oh bakit Hera?" Tanong nila. Dalawang metro na ang layo nila sa akin.
"Nabangga ako! Tsk! Ano ba kasi ito?" Sabi ko habang kinakapa ang pader na Sa tingin ko ay invisible, Nahahawakan ko kasi pero hindi ko nakita. Parang may enerhiya na nakalagay doon at my current.
"Ay sorry! Hehe. Nakalimutan ko. May Protective Barrier pala diyan." Pakamot kamot na sabi ni Steban.
"Engot ka talaga." Lyra said at binatukan niya si Steban. Gaganti pa sana si Steban ng magsalita na ako.
"Mamaya na kayo mag-away diyan. Tulungan niyo muna ako dito please," Sabi ko.
Lumapit naman sila sa akin,
"Ang tawag diyan ay Protective Barier. Bukod sa normal na tao ang hindi makakadaan diyan ay hindi rin Makakapasok ang mga black Magic Users. Ito ang Main barier ng buong genovia. Malayang nakakadaan diyan ang mga Genovian at Ang mga may malinis na kalooban. Mahirap na makapasok ang mga may masamang adhikain dito." Mahabang paliwanag ni Lyra. What? Eh di ibig sabihin hindi ako Genovian At hindi malinis ang puso ko? Ganun? Ay aba! Bastusan ba to?
"Pero dahil First time mo dito At ito lang ang tanging Daan para makapasok tayo sa loob ay Susubukan natin ang pagiging Genovian mo." Sabi ni Steban.
"What? teka Wala pa akong Ability! Or kapangyarihan! Hindi ko alam ang gagawin ko."
"Hahaha! Mali ang iniisip mo. Sumunod ka na lang sa sasabihin ko. " tumango ako. Pahiya naman daw ako. haha. "Close your eyes."sinunod ko siya at ipinikit ko ang mga mata ko. " Akuin mo na Ikaw ay isang Genovian. Concentrate. And think That you Can Pass across this Barier." Sinunod ko lahat ng Sinabi niya.
Inisip ko na kabilang ako sa mundong ito. Na hindi ako pangkaraniwang tao. Dito ako nababagay. Inalis ko ang kung ano mang iniisip ko. Basta ang sabi ko lang sa sarili ko na kaya ko lagpasan ang barier.
"Now. Open your eyes and Start walking." I took a step and continue. Itinaas ko ang kanang kamay ko. I touched the Barier and I can feel A cold breze of air. Naramdaman ko na tumagos ang kamay ko sa barier. Para itong malamig na bulak. Tuluyan akong pumasok. Ang gaan ng pakiramdam ko ng makapasok ako. Woah! Iba ang atmosphere.
"Oh my god."
Teka bakit noong nasa labas kami ng barier ay Hindi ko natanaw ang Malaking Palasyo at ang mataas na kulay gintong gusali. Wow!! As in wow.
"Hindi pa yan ang kaharian Hera. Academy yan. Wala pa tayo sa 5% ng Genovia. Ang academy na yan ay binubuo ng mga Genovian na nagmula sa iba't ibang pangkat ng Sorcerers at Magic User dito sa Buong genovia. Pumapasok kami diyan upang mas mahasa namin ang taglay na kakayanan. Diyan ka na rin papasok Bukas." Bigla ko nalang naramdaman na katabi ko na si Lyra. Mukhang mapupuno ng magical informations ang isip ko, at hindi ako handa para doon. Masiyado pa akong napapatanga sa mga nakikita ko. Feeling ko nga ay may laway na sa labi ko at anytime at tutulo sa inaapakan kong mundo.
"Marami ka pang dapat makita, malaman at matutunan." ani ni steban.
Mediyo hapon na kaya Wala masiyadong Tao ang nakikita ko. Puro malalaking ibon at Malalaking Mga hayop ang nadadaan namin ang nakikita ko. Patuloy lang ako sa pagsunod sa dalawang ito ng Mapansin ko Ang Babaeng may kulay Dilaw na buhok Ang nasa may puno ang Nagpatubo ng Malaking Baging. Ano to? Jack and the Beanstalk ang tema? Kung may mas ilalaki pa ang pagkakanganga ko at kung may mas ilalaki pa ang nanlaki kong mga mata, panigurado ang pangit pangit ko na.
Maraming may kani-kaniyang ginagawa. Ang ilan ay tila gumagawa ng Potion. May nakita din akong may hawak na Stick na tyulad ng kay harry potter at Pinagpalit niya ng Anyo ang Gems na nasa harap niya, Kumaway sa akin ang ginoo at nagbow. Ngumiti din ako at nagbow.
Halos mahulog ang Puso ko sa Gulat ng makita ko ang isang lalaking na nagpalit ng anyo! Waaaaahh ang laking ibon!!! May malalaking ibon na makukulay sa langit at mga unicorn na may pakpak ang nasa itaas.
"Nandito na tayo." Masiyado siguro akong naging abala at Namangha sa paligid dahil hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng Isang Malaking Berdeng Pinto. May dalawang Kawal sa Magkabilang gilid nito. At May hawak na Mahabang sandata. Hindi naman ako ganun ka-engot para di ko malaman na kawal yun noh!
Nagbow ang mga kawal nang tumapat si Lyra at Steban sa Pinto. Bumukas ito at Pumasok sila sa loob. Agad naman akong sumunod. Wow! Kanina pa ako wow ng Wow. Ang laki ng loob. Ang daming hallway Ang mga pinto.
"Aray ko !" Bigla ko nalang nasabi yun.
"Oh bakit!?Wala namang barier dito."
"Hehe wala. Natisod lang."
"Mamaya mo na iikot ang paningin mo. Masisilayan mo naman na ang mga yan araw araw dahil nandito ka na. Malapit na tayo sa office ni Headmaster kaya magready ka na." Paliwanag ni steban. Tumango ako at itinuon ang pansinsa dinadaan. Ilang liko atbdiretsong lakad ang ginawa namin ay Narating din namin ang Office daw.
"Dapat pala nagteleport nalang tayo." sabi ni steban.
"Wow! Ang talino mo! Ngayon mo lang naisip?" Irap sa kanya ni Lyra. Pwede naman pala kasi mag teleport naglakad pa kami ng pagkalayo-layo!
*Knock*Knock*Knock*
Kumatok na si Lyra. Walang sumagot pero Bumukas ang pinto
"Tara na."
Sumunod ako sa kanilang dalawa. Pagpasok namin ay Sumalubong sa paningin ko ang Napakagandang silid. May Sofa set na Touch of nature at May Ulo ng lion sa kaliwa. May lumalabas doong kulay asul na tubig.
"Sa wakas at nakabalik na kayo." Sabi ng Babaeng Naka pula na Kasuotan. May hood ito at nakatalikod.
"Opo Headmisstress." Sabi noong dalawa.
Tinuro sa akin ni Lyra ang upuan sa May lamesa. Parang sinasabi niya na Take a sit.
"Siya na ba ang kasama niyo?" sabi nito na hindi parin lumilingon.
"Yes Headmisstress. Kami pa !" Ang yabang din nitong isang to. Close ba sila ng Headmisstress nila?
"Well, Welcome to Genovia Academy HERA DOMINGUEZ." Halos malaglag ang panga ko ng Makilala ko kung sino ang Babaeng nakaharap na sa akin ngayon. Is this real?
"Ms. Rhea!?" Bulong ko sa sarili ko.
"Ms. Rhea?" Tanong ko ulit. Waaahh!! Nganga! Naka nganga ako. Jeeezz! Hindi rin siya pangkaraniwang tao? Aha! Siya yun, malamang, nababasa niya siguro ang nasa isip ko noong una naming pagkikita.
"Ako nga Hera. Welcome."
"T-teka. Paanong? Hindi ko po maintindihan." Sabi ko habang napahawak sa sentido ko. Ang gulo kasi!
"Simple lang, Isa akong Genovian." Sabi naman niya at saka Umupo sa Upuan niya. Sumandal siya at nilaro laro ang mga daliri.
"So Ibig sabihin totoong nababasa niyo ang nasa isip ko nung Mga oras na yun?" Tumawa siya at tumango. Kaya pala! Wow! Ang galing ! Ibig sabihin siya ang narinig kong nagsalita sa isip ko.
"Actually , Noong mga oras na yun ay alam ko na Isa kang Genovian. Dahil ang mga tulad ko na May Apat na Special ability ay Hindi basta basta makakabasa ng nasa isip ng isang normal na tao. At nalaman ko pa Na Si Steban At si Lyra ang nakahanap sayo."
"Teka lang po Ms. Rhea. Paano kayo nakasisiguro na Isa ako sa iniyo? Wala nga po akong kahit anong kakayahan eh." Tanong ko. Baka sakaling pauwiin nalang nila ako. Kahit maganda dito nakakatakot parin ano!
"Never pa kami nagkamali sa pagdetect ng isang Genovian Hera. Bukas, First Day of School Dito sa Academy. Bukas din namin I-we-welcome ang mga Freshmen na tulad mo. Kung may mga katanungan ka ay bukas mo malalaman ang sagot. Ipapahatid na kita sa Dorm mo." Dorm? Waaah! Dorm talaga? yes yes yes! Napangiti ako sa sinabi niya. Bukas ko naman malalaman ang sagot sa tanong ko. Excited nga ako na mediyo kinakabahan eh. Naexcite tuloy ako, ano kayang magiging adventures ko dito? Parang Alice in the wonderland ba to?
"Ah Ms. Rhea,,,,,"
"Ms. Rhea?" Tanong ko ulit. Waaahh!! Nganga! Naka nganga ako. Jeeezz! Hindi rin siya pangkaraniwang tao? Aha! Siya yun, malamang, nababasa niya siguro ang nasa isip ko noong una naming pagkikita.
"Ako nga Hera. Welcome."
"T-teka. Paanong? Hindi ko po maintindihan." Sabi ko habang napahawak sa sentido ko. Ang gulo kasi!
"Simple lang, Isa akong Genovian." Sabi naman niya at saka Umupo sa Upuan niya. Sumandal siya at nilaro laro ang mga daliri.
"So Ibig sabihin totoong nababasa niyo ang nasa isip ko nung Mga oras na yun?" Tumawa siya at tumango. Kaya pala! Wow! Ang galing ! Ibig sabihin siya ang narinig kong nagsalita sa isip ko.
"Actually , Noong mga oras na yun ay alam ko na Isa kang Genovian. Dahil ang mga tulad ko na May Apat na Special ability ay Hindi basta basta makakabasa ng nasa isip ng isang normal na tao. At nalaman ko pa Na Si Steban At si Lyra ang nakahanap sayo."
"Teka lang po Ms. Rhea. Paano kayo nakasisiguro na Isa ako sa iniyo? Wala nga po akong kahit anong kakayahan eh." Tanong ko. Baka sakaling pauwiin nalang nila ako. Kahit maganda dito nakakatakot parin ano!
"Never pa kami nagkamali sa pagdetect ng isang Genovian Hera. Bukas, First Day of School Dito sa Academy. Bukas din namin I-we-welcome ang mga Freshmen na tulad mo. Kung may mga katanungan ka ay bukas mo malalaman ang sagot. Ipapahatid na kita sa Dorm mo." Dorm? Waaah! Dorm talaga? yes yes yes! Napangiti ako sa sinabi niya. Bukas ko naman malalaman ang sagot sa tanong ko. Excited nga ako na mediyo kinakabahan eh. Naexcite tuloy ako, ano kayang magiging adventures ko dito? Parang Alice in the wonderland ba to?
"Ah Ms. Rhea,,,,,"
"Headmistress. Call me Headmistress Rhea." Pagtatama niya sa akin.
"Ahh headmistress Rhea? Ahm, haist sige next time ko nalang po itatanong." Napakamot ako sa batok. Tumango nalang siya. Gusto ko sana magtanong kung matutulungan nila akong mahanap ang mga tunay kong magulang since yun ang primary na dahilan kung bakit ako pumayag na pumunta dito.