Chapter 2

3092 Words
HERA'S POV *knock* knock*knock* "Pasok ka na baby." Mom said. Sumilip kasi ako sa Nakaawang na pinto habang kumakatok eh. She kissed me and Dad as well. "Mukhang importante ang paguusapan ahh. Kanina niyo pa daw po ako hinihintay?" Mom just nodded. Umupo ako sa Sofa at ganun din sila. "About what?" -Me "About you my dear." Dad said. Seryosong nakatingin sa mata ko, sunod ay tinignan niya si Mom ng makahulugan. Bakit parang bigla akong kinabahan? Pumasok ako sa study at dumiretso sa upuang itinuro ni daddy. Di ko nagustuhan ang intense ng paligid. Hindi naman sila ganito katahimik kapag magkakasama kaming tatlo pero ngayon ay para ankong mabibingi sa katahimikan. My Mon is looking away, and my Dad is moving his pen, he's spinning it on the table. He is tensed. *End of flashback* Tulala akong naglalakad sa hallway ng 2nd floor ng mansiyon namin--I mean nila. Hindi parin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari, Ang mga nalaman ko. Hindi nagsi-sink-in yung katotohanan. Hindi ko namalayan na pinipihit ko na ang pinto ng kwarto ko. Sumubsob agad ako sa queen sized bed na Kulay blue. I cried at the soft pillow. Para na rin hindi nila marinig ang iyak ko. Damn this life!! Ang daming nangyari ngayong araw lang na ito. Bakit kailangan sa isang buong araw mangyari lahat? Hindi ba pwedeng Sa isang linggo na yung isa o kaya sa isang buwan? Wag naman sabay sabay! Wag sunod sunod Hindi ko kasi yata kakayanin eh. Ang sakit malaman na Hindi ka pala 'belong' sa grupo nila. Itinuring mo silang mga kapatid pero ganito lang ginawa nila.  Siguro kung alam nila kung sino ako hindi nila gagawin sa akin ito. Siguro kung alam nila kung sino ako ay kakaibiganin nila ako ng totoo. Oh well I just tried lang naman kung makakakuha ba ako ng kaibigan sa ganitong ayos. Nerd. Masakit din malaman na yung taong pinagkatiwalaan mo ng buong buo at pinagsabihan mo ng lahat ng bagay lalo na ang tungkol sa minamahal mo ay siya pang mananakit sayo. Yung bang 6months na sila at 6 months ka na ring tanga? Kung ganito rin ang nararamdaman mo ngayon siguro maiintindihan mo ako. Ang sakit kaya na Bestfriend mo yung nagtago ng Katotohanan sayo. Maybe, hindi na nila kasalanan na nagmahal sila, pero hindi ko rin kasalanan na nagmahal ako ng taong m,ay minamahal na. Wala akong kasalanan sa part na yun dahil hindi ko alam. Pero sa Totoo lang. Kung ikiukumpara ang kaibigan, Bestfriend at crush sa pamilya walang wala yan. Walang wala pa yan sa sakit na mararamdaman mo sa oras na malaman mong ampon ka. Oo! I'm Not a DOMINGUEZ. Mom and dad told me na may nag-iwan lang daw sa aking isang babae na kakaiba ang damit.  Umuulan daw noong mga panahong yun. Ang sabi daw ng babae ay babalikan niya ako matapos ang isang linggo. Mom and dad waited for almost 2 weeks. Alam daw nila na hindi na ako babalikan ng babae at nagkataong may business trip sila kaya isinama nila ako. Napamahal sila sa akin sa maikling panahon na nakasama nila ako. When they fly back here in the philippines ay inasikaso nila agad ang Adoption paper ko. I'm lucky parin naman dahil may nagmahal sa akin na itinuring akong parang sarili nilang anak.  Pinagmasdan ko ang kwintas na hawak ko. Binigay sa akin ito ni mommy, she said that this was with me in a Blue basket. Para siyang gold na flower shape. may bilog sa gitna at apat na hugis dahon sa gilid nito. Plain gold na pendant. medyo malalim ang mga hugis dahon at malalim ang bilog sa gitna. Yung pendant ay kasing laki ng 10pesos coin. "Kung galing ka sa mga totoo kong magulang, baka ikaw ang maging susi ko para mahanap sila." I said while silently staring at the necklace. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa. I dialled their number. "Hera?" Sagot ni Lyra sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim bago naglakas loob na magsalita. "Naniniwala na 'ko." I said. "Dapat ka naman talagang maniwala Hera. Nagsasabi kaming totoo." she said. "I know. Kaya nakapagdesisyon na ako." Bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy. "I'm coming HOME with you." "Kyaaaaahhhh!!!! talaga!?!? omo!!" Hindi naman halatang excited siya eh no? Nai-layo ko ang Phone sa tenga ko! Makabasag eardrums tong isang to. "HOY STEBAN!! GUMAWA KA NA NG PORTAL!!! WE'RE GOING HOME NA!!" she said. Kausap niya sa kabilang linya si steban na partner niya daw sa misyon chu chu ewan nila. "Ang ingay mo! Oo na! Eto na." dinig kong sabi ni steban. What!? Ngayon na talaga? "T-teka lang L-lyra." Sabi ko. Napatigil naman siya. Nawindang ata ako, kung makapagdesisyon naman ay agad-agad. "Ang daldal niya ba? pasensiya na ah." sabi ni Steban na halatang ako ang kinakausap. "I can't make it right now. Pwedeng bukas ng gabi nalang? Give me The whole day tommorow para Magawa kong magpa-alam sa mga kaibigan at sa Pamilya ko." Hindi sila sumagot. Narinig ko ang sabay nilang pag buntong hininga. "Oh narinig mo Steban?" "0o! tanga naka loudspeaker kaya ang phone mo. Aray ko, bat ka nambabatok?" "Tanga mo eh. Isara mo na yung portal." Ang nice!! Hoy nandito pa kaya ako! Mga bwisit na to! ❤FLASHBACK❤ "Ikaw na mag explain Lyra." "Hah? ikaw na! Tinatamad ako." sabay upo sa sofa namin. Si Steban at Lyra ang naguusap sa harap ko. Nandito kami sa sala. Bigla nalang kasi silang sumulpot sa kwarto ko. I thought they were thieves, Sa kwarto ko kasi nang galing. Ang sabi nila dito daw kasi may nadetect silang Genovian. Genovian? Anak ng pusa! Ano yun? Mga may special ability daw sila. Pinakitaan pa ako nito Lyra na to ng sample. Pinalutang niya ang Mga gamit sa kwarto ko. Ano daw tawag dun? Telekenesis? ay ewan! May sa-maligno ata ang dalawang ito. "Isusumbong kita kay HM Luer." --Steban "Eh di isumbong mo." sabay belat ni Lyra sa kasama. "Ah ganun? Osige Ako na mag eexplain. Pag-uwi lagot ka kay Headmisstress." "Ako na nga magpapaliwanag." "Ako na." "Ako na nga!" "Sabing ako -- Aray bakit ka nambabatok!?" Reklamo nung Steban. "Sabi ko ako na eh" "ANG INGAY NIYO! ANG GULO NIYO! MAGPAPALIWANAG BA KAYO O IPA-PUPULISKO KAYO?" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Nagulat sila at tumigil. Pero ayun!! Amp! Nagsisikuhan pa rin sila. Napahilamos nalang ang kamay ko sa mukha ko. Sino ba kasi tong mga to? ❤END OF FLASHBACK❤ "O Sige. Payag kami. Basta bukas ng gabi nandiyan na kami.Okay?" Tanong ni Lyra. "Yeah. Thank you." Sabi ko at saka pinatay agad ang call. Naririnig ko nanaman kasi silang nagtatalo eh. Hindi ko namalayan na dinalaw na ako ng antok. Kinabukasan ay maaga akong kumilos para pumasok sa school. Naligo at nagBihis na ako. Pagbaba ko ay nasa Mahabang table na Sina Mommy at daddy. "Ang aga mo ngayon anak. Naabutan mo kami sa Breakfast." Sabi ni Mom. Ngumiti lang ako. Parang gusto ko sabihin na Gusto ko silang makasamang magbreakfast sa huling Pagkakataon. Nanggilid ang mga luha ko kaya umiwas ako ng tingin. Wag na, masisira ko pa ang magandang mood. "Oh Bakit hindi mo suot yung nerdy Glasses mo?  Paano pag bigla kang nilapitan ng mga Reporters diyan?" Tanong ni Dad habang ipi-naghihila ako ng upuan. "Nakakapagod kaya isuot yung mga yun Dad. At isa pa Gusto ko makilala nila ako bilang ako. Baka sakaling may mahanap akong tunay na kaibigan. " Tumawa lang ako ng mapakla. Actually maaga akong papasok dahil dadaanan ko pa ang Manager ko s***h best friend na si Jinny. "How are you?" Dad asked. Sinalubong ko siya ng mga tingin na nagtatanong. "Yung tungkol sa mga kaibigan mo?" napatango naman agad ako. Ngumiti ako. isang tipid na ngiti. "I'm definitely fine Dad." I faked a smile again. Hindi ganun kadali mag panggap na ok ka. At lahat na siguro ng kasinungalingan ay tinalo na ng salitang "okay ako." Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain ng breakfast. Pagkatapos ay Nauna nang umalis si Mom and Dad. Kinuha ko ang susi ng kotse ko. I want to drive Lavander for the last time. Habang nag dadrive ako sa kahabaan ng edsa. Ay napansin ko na kanina pa sumusunod sa akin ang pulang kotse sa likod ko. Tinted ang salamin kaya hindi ko makita kung sino ang driver.  Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa opisina ng manager ko. Pagkapark ko ng sasakyan ko ay bumaba agad ako. Wala na yung sumusunod sa akin. Siguro nagkataon lang na we're taking the same route. Pumasok ako sa loob ng building ng Modeling company na pinagtatrabahuhan ko. Bumati ang nadadaan kong staff. Nag smile naman ako. Nagsi-flash ang mga Camera sa aking kaliwa at kanan. *knock*knock*knock* "Come in." sabi ng tao sa loob matapos kong kumatok. "Hi! Good morning." Bati ko. Dumiretso ako sa couch at naupo pasandal. "Good morning. Ang aga mo naman. Diba may pasok ka? Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong niya habang nakatuon ang mga mata sa ginagawa. "Wala lang. Papasok ako ng ganito." Sabi ko at ipinikit ang mga mata. Naimulat ko din agad ng may humambalos sa braso ko. "WHAT!?!?!? What did you say!? Hera Dominguez. Are you freaking insane??"  "My decision is final. Alam ko naman na maiintindihan mo." I said. I stood up and pour a glass of water. "At paano ka nakasisiguro that I'll understand your stupidity?" Kampante niyang tanong sa'kin na para bang hinahamon ako. Ininom ko ng straight ang tubig na nasa baso at siyang hawak ko bago ako nagkwento. Nakatingin parin siya sa akin. Nakataas ang isang kilay. "WHAT!?!?!? DAMN IT! WHAT DO YOU WANT ME TO DO? Just say it. I'll Punish those stupid friend of yours." Galit na galit niyang tanong matapos kong ikwento ang nangyari kahapon pati na rin yung tungkol sa pagiging Adopted ko. "Nah! Hayaan mo na sila, Tutal aalis na ako dito." Napatigil siya at halata ang pagka-gulat sa kanyang mukha. "What's with the face? Don't worry bibisitahin naman kita dito eh. Ayoko lang na manatili pa dito, Kaya hindi ako naka disguise today. Gagawin ko lang yung mga bagay na gusto kong gawin noon pa. I want to show the real me to everyone. At sana palagi kang mag-iingat. I assure you, Hindi pa ito ang huli nating pagkikita." I saw how she wiped her tears. I walk towards her and hug her. Palakas ng palakas ang iyak niya at nahahawa na ko. Jinny, she's the best among the rest. "Ang daya mo! Hindi pwedeng hayaan mo nalang ang mga tao sa paligid mo? You don't need to go far away and leave us." iyak parin siya ng iyak habang sinasabi iyon."Hera, Alam mong malaking kawalan Sa Company kapag umalis ka. Top model ka sa buong pilipinas even abroad. Bakit ka magpapa-apekto sa mga tao sa paligid mo? Hera, Marami ang nag mamahal sayo. Ang dami mo Fans na Hinahangaan ka. Ang konti ng mga kaibigan mo Compared to them." Sabi niya sa akin. correction: Wala akong MGA kaibigan. Gusto ko sana sabihin na hindi lang iyon ang rason ko kung bakit ako aalis. Gusto ko sabihin na Hindi ako para sa mundong ito, gusto kong sabihin na hindi kami magkapareho. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Lyra At Steban. Yung mga magic na nakita ko. Gusto ko sabihin na Hindi ako magpapakalayo-layo kundi ay ibang mundo na ang pupuntahan ko. Lahat gusto ko sabihin sa kanya, Pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Hahanapin ko ang tunay kong mga magulang, kung sino ba ako, at kung saan ako nagmula. Ayoko mabuhay sa kasinungalingan." I said. May part na Gusto ko naman talagang mahanap ang tunay kong magulang para malaman ko kung sino ako. "Sige. Pumapayag na ako. Pero siguradong Paglabas palang ng araw bukas ay sasabay ang Issue na umalis ka. Magiging laman ng Newspaper, Tv And Radio ang pangalan mo. Be ready." sabi niya habang inaayos ang mga documents ko. "Thank you so much. I owe you A lot. Tatanawin kong malaking utang na loob 'to. Darating ang araw na magkikita ulit tayo, then i'll repay you. Don't worry. Hindi ko na mababasa,mapapanuod at maririnig ang balita bukas. Mamayang gabi ang alis ko. And anyways, Male-late na ako sa school. Thank you! Thank you. Lagi mong tatandaan na mahal kita. Okay? " pinilit kong pasiglahin ang tono ng pananalita ko. Tumango lang siya habang nagpupunas ng luha. She smiled. A true smile that i'll treasure.  simpleng paalamanan pero napakamakahulugan.  Tuluyan akong lumabas ng pinto. Kinapa ko ang Susi ng kotse ko sa bulsa ko. Habang binubuksan ko ang pinto sa drivers seat ay nakuha ang atensiyon ko ng Puting liwanag na nagmumula sa kabilang panig ng Parking Lot. I heard a loud sound. Parang bakal na nagbabangaan. Maya-maya pa ay may nakita akong Apoy na malapit sa isang kotse. Gumugulong ito papunta sa direksiyon ko. Wtf!? Is this real? Bolang apoy? Hindi kaya--- "Umalis ka na!!" I heard Lyra's Voice. Nakita ko siya na may hawak na espada. Nagulat pa ako ng makita ko na sira sira na ang damit niya. Natauhan ako ng biglang kusa nalang na bumukas ang pinto ng kotse."Get in. " sinunod ko siya kahit takot na takot ako. "Calyx! tama na yan!" yan ang huli kong narinig na sinabi ni Lyra bago ako umalis sa lugar na iyon. Mabilis akong nag-drive papuntang school. s**t! Don't tell me na Bukod kay Lyra at Steban ay may iba pang hindi normal na tao dito? Ano ba naman yan? Nababaliw na yata ako! Pagdating ko sa school ay marami na ang students na naglalakad papasok ng Campus. Bumusina ako sa mga nasa gitna ng daan. Tumabi naman ang ilan para makapasok ang Car ko. Pero halata sa mga mukha nila ang Pagkagulat ng makita ako. Tss, dapa t talaga tinted ang Salamin ni Lavander!Palabas na ako ng Parking Lot ng mapansin ko na ang dami ng naka-tingin sa akin.  Ang daming students na nagsilabas ng cellphone at camera. Halos magtakbuhan sila palapit sa akin. Akmang babalik na ako sa loob ng kotse ng biglang may tumawag sa akin.  "HERA!!!" Napalingon ako sa boses ng babae na tumawag sa akin. "Hera daw? " "Di ba si Venice Yan? yung model? " "Did you hear that? Tinawag siyang Hera ni Ayumie." "No. Tiganan niyo ng mabuti. Si Hera nga ng BS biology." Ilan lang yan sa mga naririnig ko. "Why? Do you need something Ayumie?"Sabi ko in a cool tone. Hindi ako aarteng nerd ngayon. Sayang ang High heels, Skirt at hanging blouse na suot ko. "Can we talk?" Sabi niya habang nakayuko. Haist! Bakit ba kasi ang hina ng loob ko pagdating sa kanya. Hindi ko magawang magalit ng sobra, pakiramdam ko ay humupa na ang galit ko kahapon. Nabigla lang ytalaga siguro ako. "Sa classroom." Sabi ko at nauna na akong maglakad. Hinabol niya ako at sumabay sa akin sa paglalakad. Naririnig ko nanaman ang Bulungan ng mga estudyante. Naghulat pa sila na Si Venice at Hera ay Iisa lang. Pagkarating na pagkarating ko sa Classroom ay Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin Lalo na Yung mga Kaibigan ko kuno. "Pakisara ang mga bibig niyo. Baka pasukan ng langaw yan." suway sa kanila ni Ayumie. "VENICE!?!?" sabay sabay sila. "Kyaaaahhh!! Papicture tayo." At dun na nag umpisa ang stampid. Lalapit na sana sila ng sabay sabay na nagsalita sina Kris sa likod. "HERA!?" ngumiti ako. "Ha?? Hera? eh si Ve-- Si Hera nga!!" Sabi ni Jelyn na classmate ko. Napabuga ako ng hangin. Isa rin ba to sa katangahan ko? Malamang sa alamang! "HI." Pagkasabi ko nun ay yumuko ako at dumiretso sa upuan ko. Habang sila ay nakatingin parin sa akin. Pagkaupo ko ay Sumunod si Ayumie sa akin at kitang kita ko kung paano niya binelatan sina kris sa likuran. Lalapitan sana siya ni Clyde ng awatin ito ni Kris. "Galit ka parin?" tanong niya sa akin. Alam ko na alam niya na hindi na ako galit. Di ko naman siya matitiis eh. "Aalis na ako Bessy. For good. Hindi sa ibang bansa pero hindi din sa pilipinas." Sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. "HA!?!? AALIS KA!!??" napatingin sa kanya ang classmates namin. Inirapan niya lang ang mga ito.a lakas ng pagkakasabi niya. Napangiwi ako s "Teka, Saan ka pupunta? Bakit ka aalis? Alam mo bessy sabihin mo lang at makikipag hiwalay ako kay Jiro. Wag ka lang Umalis." I saw her tears fell onto the arm rest. Hinawakan ko ang mga kamay niya, mahigpit at saka siya hinila para yakapin. "Sa lugar na Hindi alam ng karamihan. And No, Hindi ka makikipag hiwalay. I want you to be happy. Kapag pinaiyak ka niya Ako ang Bubugbog sa kanya. And hey, Don't cry. Magkikita pa naman tayo." sabi ko at ngumiti. "Ang pangit mo alam mo yun? Haha pangit ka umiyak." "Tse!! Porket maganda ka!" then hinampas niya ako sa braso. Nagharutan na kami doon At tumawa ng tumawa. Habang ang mga classmates namin ay nakatanga sa amin.  "Good morning Class." Bati ni Ms.Rhea kaya tumigil kami sa paghaharutan. "Oh good morning Hera. See? Mas maganda ka pag wala kang salamin." What!? ibig sabihin alam niya? Ngumiti nalang ako. "Hera. May naghahanap sayo. Lyra daw." Singit ni Jelyn na galing sa labas ng classroom. Nagulat ako sa sinabi niya. "Go." makahulugang wika ni Ms.Rhea. I nodded. Mukhang Alam ko na ang mangyayari Kaya niyakap ko na ng mahigpit si Ayumie. "Goodbye. Take care. I love you Bessy." I said. I heard her soft cry. Lumingon ako sa lukuran at nginitian sina Kris. Tinaasan niya ako ng Kilay, napa-iling ako. "Goodbye. Thanks." Agad na akong lumabas. "Anong ginagawa mo---" hindi pa man ako tapos magsalita ay hinila na niya ako. Nagpatianod naman ako at sumama. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makalabas kami ng campus. Eh di sana bumalik na lang kami sa parking lot para nakapagdrive na sana at mas mabilis pa iyon.  Mababaliw na ata ako.  "Hindi na tayo maaring abutin ng gabi dito sa mundo ng mga tao Hera." Pagkasabi niya nun ay magtatanong pa sana ako kaso huli na ng maramdaman ko ang paghila ng isang enerhiya sa akin. Napapikit ako pero sa pagdilat ko ay nagulat ako ng Bumulaga sa akin ang aking kwarto. What the ?! "Paano tayo napunta dito?" Tanong ko habang sinusundan ko siya na pa-ikot ikot sa loob ng kwarto ko. Isinara niya Lahat ng Bintana pati ang Slide door palabas ng veranda ng kwarto ko."Hey! Bakit mo isinara lahat? Buksan mo yung slide door." "Teleportation ang tawag dun. Wag ka na maraming tanong! Huwag kang lalapit sa may bintana! Malakas sila maka amoy ng isang Genovian." Naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Kanina pa siya tarantang taranta. Hapon palang namam at gabi pa ang alis namin. Kailangan ko pa magpa-alam sa mga kinilala kong magulang."Lakasan mo nalang ang Aircon mo kung naiinitan ka." "Teka ! Anong ginagawa mo?" Napansin ko na may ginagawa siya. May puting ilaw na nanggagaling sa hawak niyang stick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD