Akala n Stacey ay sa canteen lang sa baba ng ospital ma-aaya si Andrew, Kaya naman laking gulat niya nang igiya siya nito sa parking area. She was stunned when she recognized the same car he had nine years ago. Sabagay, alam naman niyang talagang neat ito sa lahat ng gamit. Hindi niya napigilang maging nostalgic. Saksi ang sasakyang ito sa lahat ng mga sinasabing kasinungalinagn ng binata sa kanya noon. Napailing siya sa mga naiisip. She irritably blinked the memories away. She couldn’t just stop anywhere, everywhere the memories of them years ago popped up. "Hindi tayo gaanong lalayo." pagbibigay-alam ani Andrew nang makita ang pag-aalangan sa mukha niya. Walang imik siyang sumakay sa sasakyan. isinara nito ang pinto sa gawi niya at umikot sa kabila. Ilang minuto lang silang nagb

