Wala silang imikan sa loob ng sasakyan ni Adrew. Lihim na nangingiti si Stacey dahil sa suot ng binata. Ang kombinasyon ng suot nitong putting v-neck na t-shirt ay pinaibabawan nito ng amerikana, tight jeans sa pang-ibaba na marahil ay suot na nito kaninang bago pumasok na tenernuhan ng Balenciaga rubber shoes. Pero sa halip na mag-mukhang weird ay tila lalo itong kumisig sa suot. Very refreshing ang dating ng aura nito. Samantalang naka-simpleng jeans at blouse lang siya. Hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapag-bihis nito. "Close your eyes, Stacey" maya-maya’y utos ni Andrew habang nagmamaneho. "Huh?" "I said close your eyes."ulit nito. Nagtataka man ay sumunod siya. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang humimpil ang sasakyan. "Can I open my eyes now?” "No, no, no, not yet"

