Nadatnan nila ang ilang kaparehong nagsasayaw. Hinawakan siya nito sa baywang at nagsimulang gumalaw. Stacey had no choice but to put both her almost shaking hands to his shoulder. Tutal ay nandoon na din naman sila. Kusang sumunod ang katawan niya.
Ilang beses niyang natapakan ang mga paa ni Andrew but he was very patient. "I-I told you I can't dance." nakayukong pag-amin niya.
He laughed a soft, enchanting laugh. "You are keeping up, Stace." He guided her until she finally kept up. "See, you don't have to be a good dancer for you to dance. What you need to do is to close your eyes, feel the song, and your body will automatically do what it has to do." Ramdam niya ang paghinga nito sa punong tenga niya and it gives her a chill.
Stacey did and slowly relaxed. Until she found herself leaning on his chest. At narinig niya ang mabining t***k ng puso ng binata. It's like a piece of lovely music to her ears.
Nakapagpalit na ng kanta at karamihan sa kasabay nilang sumasayaw ay umupo na. Pero nanatili sila sa gitna. Maya-maya ay narinig niya ang boses nito na tila sinasabayan ang kanta.
"You know the song," komento niya at tumingala rito.
"It's a Jim Brickman classic. I'm a bit familiar with his tracks"
"Very old school?" She commented again. But romantic, she wanted to add pero piniling sarilinin ang opinyon.
"I just like the messages contained by his songs." Depensa naman ni Andrew na sinabayan ng banayad na tawa ang sinabi. "Don't you?" Balik-tanong ng binata.
Tumatama ang hininga nito sa ulo niya at gusto niyang panayuan ng balahibo sa batok. Pilit binalewala iyon. "What do you mean?"
"Aren't you familiar with Jim Brickman?"
"A bit, most of girls my age likes his songs." Matabang niyang komento at naalala ang ilang kababaihang kaklase sa Canada na laging kinakanta ang mga kanta ng naturang foreign singer sa tuwing nalalapit ang Junior Senior Prom.
"And you're not?"
She looked away, "No."
"Why?"
She shrugged. "It's just happened that I'm not a music lover." She admitted sheepishly na parang kakulangan iyon sa parte niya.
"Hmm, then what are you into?" Bumadha ang curiosity sa mata nito.
"Nothing interesting." She sighed at her statement.
"That you are wrong." He said and then he pulled her closer. Hindi na nga niya nararamdamang sumasayaw sila.They just stand there like lovers embracing each other in the middle of the dance floor.
Dapat ay itulak niya ito palayo. Si Andrew lang ang kauna-unahang nakalapit sa kanya nang ganoon. Except her dad of course noong nabubuhay pa ito Pero ayaw sumunod ng katawan niya.
She looked at the people around them. Hindi naman nakatingin ang mga ito sa kanila. Siguro ay normal lang na nagsasayaw ang ginagawa nila. Masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano. Besides, despite being too close to him, hindi naman niya nararamdaman na binabastos siya nito. Sa halip ay ibang damdamin ang nabubuhay sa dibdib.
She felt relaxed in his arms. At kailangan niyang pigilan ang sariling huwag tuluyang yumakap dito. Because the truth is that, she felt that inexplicable longing and desire to be physically close to him. She felt warm and fuzzy inside.
Hindi na ulit nagsalita ang binata at sa halip ay sinabayan ang kanta.
Now here you are. With midnight closing in. You take my hand as our shadows dance. With moonlight on your skin.
Stacey was mesmerized by his enchanting voice. Para siyang ipinaghehele ng binata. At takot man siyang aminin sa sarili ay ibang kapanatagan ang nararamdaman habang nasa bisig siya ni Andrew. At the same time her heart races. Para may malakas na bumabayo sa dibdib pero hindi naman masakit.
You are the love of my life. Baby put your arms around me. I guess this is how it feels. When you finally find something real...
Every line he sings feels like a wake-up call to her sleeping emotions. Parang lasong unti-unting pumapasok sa sistema ni Stacey. It's as if he was telling her the same words. And how she wishes she was not just imagining it.
She bravely gazed up at him and met his eyes for the first time in a long time.
"My angel in the night, you are my life. The love of my life..." he sang, loud enough to reach Stacey's ears.
Bahagyang nataranta ang dalaga sa damdaming biglang umalpas sa puso niya. She looked away hiding her eyes as she thrilled to the words. Alam niyang sinabayan lang ni Andrew ang tugtog pero bakit ganun nalang ang epekto nun sa kanya? She was confused.
"You have a unique pair of eyes and I can't help but stare at them." Bulong Nito. His warm breath touched the top of her head. "Why don't you look at me," he asked softly.
Napalunok siya. She still could not look at him. Why does heart beat so fast? Sinasabayan pa iyun ng panginginig ng tuhod. Naguguluhan siya sa sarili sa abnormal na reaksyon. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Labis na ginugulo ng lalaking ito ang isip at damdamin niya.
Nang muli niyang tingalain si Andrew ay nakapikit na ito kaya malaya niyang napag-aralan ang gwapong mukha ng lalaki. He was handsome, but beyond that, there was something wholesome and natural about his appearance. Parang gustong tumaas ng kamay niya at haplusin ang pisngi nito.
And then suddenly, he open his eyes and looked down to her while she still gazing up to him.Sa sobrang gulat ay hindi niya naibaling sa iba ang paningin. Matagal na sandali lang siyang nakamata sa nagtatakang binata. Pinanood ang unti--unting paglaho ng pagkaka-kunot ng noo at sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nito
Napasinghap ang dalaga. Pakiramdam niya ay mas domoble pa ang kanina nang mabilis na pintig ng puso. Parang gustong lumabas niyon mula sa dibdib niya. and she held her breath nang unti-unting bumababa ang mukha nito pababa sa kanya. She swallowed hard.
And yes she knows what will happen next. Sinasabi ng isip na iiwas ang mukha para hindi ito magtagumpay sa balak nito. Pero iba ang ikinilos ng katawan. Instead, she raised her chin and closed her eyes and waited for his kiss.
Pero matagal na siyang nakapikit ay ni hindi dumantay ang labi nito.
Hey, what about my kiss? She complained. She opened her eyes at sinalubong ang nagtatanong na mga mata ni Andrew.
She automatically blushed. Bigla siyang sinagilan ng hiya nang marealize ang inakto. At sa labis na pagka-gulat ni Andrew ay bigla niya itong naitulak. Tumakbo siya palayo rito at pilit na nakisiksik sa mga taong nagsasayaw. Ngayon lang niya napansin na puno ang dance floor. Kapag may nakakita sa kanya ay malamang na pinagtatawanan na siya nang mga oras na iyon, at malamang pati ng lalaki. Iniisip marahil nito na easy to get siya. She got totally lost dahil sa atensyon ng binata!
Gosh! I embarrass myself, nakakahiya ka Stacey, parang ipinakita mo na attracted ka sa kanya. You're crazy! Panglelecture sa sarili habang mabilis na naglalakad palayo. Pilit niyang hinanap ng tanaw mula sa maraming bisita si Angela o kahit si Gail nalang para makapag-paalam. She's not enjoying the party anymore.
Wee di nga? Kantiyaw ng isang bahagi ng isip.
Shut up! Sabi naman ng isa pa. Napailing-iling siya habang patuloy na iniikot ang mata sa paligid. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Andrew. Idagdag pang maraming bisita sa paligid. Hindi siya sanay sa ganoong party, at lalong hindi komportable na mapaligiran ng mga taong hindi naman niya personal na kakilala.
Sa wakas ay nakita niya si Angela. It wasn't actually hard to spot her dahil sa ayos at suot nito. She looked stunning, nangingibabaw ito sa lahat. Kung hindi lang ito napapaligiran ng maraming bisita ay hindi siya magdadalawang-isip na lapitan ito upang batiin.
Hahakbang na sana siya palapit rito kung hindi lang nahagip ng mata si Andrew na palingon-lingon sa paligid. He must be looking for her. Kumislot ang puso niya at agad siyang napaatras. Sa halip na magpaalam, she decided to leave the party, her night is over for now.
Magdadahilan na lang siya pag tinanong kung bakit umalis siya nang hindi nagpapaalam.
Nasa labas na ng gate si Stacey nang maalala na wala siyang sasakyan. Saka lang naalala ang bilin ng tiyahin na tumawag siya kung kailangan na niya ng sundo. Napukpok niya ang sariling noo. "Hay Stacey, what's happening to you? You're losing your track". Inilabas niya ang cellphone sa pouch and dialed her aunt's number. Ngunit ring lang ng ring iyon, "Gosh, answer your phone tita please!"
Hanggang sa busy tone nalang ang naririnig niya. She tried her Mom's number pero unattended iyon
"Gosh, bakit ngayon pa?" Gigili niyang bulong. Kasalanan ito ni Andrew kung hindi dahil dito hindi niya kakailanganing umuwi ng wala sa oras. "Oh I hate him!" Medyo napalakas niyang nasabi. She doesn't care kung may nakarinig. She had too much for tonight.
"I hope it's not me."
Napalingon siya at napaungol nang mapag-sino ang nagsalita. Nakapamulsa ang binata habang papalapit sa kanya
"San ka pupunta?" Kaswal na tanong nito.
Napaungol siya." Where else, I'm going home. Isn't it obvious!" Halos labas sa ilong ang huling sinabi! Ginigising ng lalaking ito ang mga nakatagong emosyon niya. Nawawala ang composure dahil dito.
"Ihahatid na kita kung ganun."
"No need, I can take a cab." She doesn't want to be alone with him at baka kung ano na naman ang mangyari. She doesn't want to embarrass herself for the second time.Besides, kailangan niyang layuan ang binata dahil napagtanto niyang hindi niya kontrolado ang kilos kapag nasa malapit ito. Patunay ang nangyari kanina.
Ngunit mukhang sadyang kakambal nito ang kakulitan. "Walang dumadaan na taxi dito."
She bit her lower lip. Right, nasa loob pala sila ng subdivision. "M-Maglalakad na lang ako kung ganun, malapit lang naman ang sa amin. S-Sige mauuna na ako". Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nagsimulang maglakad. Kaya naman laking gulat niya nang makitang sumunod ito sa kanya. Huminto siya at nilingon ito. Ngayon niya lang napagtuunan ang suot nito. He was wearing three piece suit na lalong nag-pagwapo rito.
Bumalik ang inis na nararamdaman nang makita ang amusement sa mukha ni Andrew. Mukhang pinagkakatuwaan siya nito. Naningkit ang mata niya "Pwede ba, wag mo akong sundan!" Sinadyang langkapan ng galit at pagka-irita niyang sabi.
Sumeryoso ito bigla. "Sinong nagsabi na sinusundan kita. This is a public property, kahit sino ay pwedeng dumaan dito".
Natameme siya at pinanood itong lampasan siya. Nang hindi siya tuminag ay huminto ito. Ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng suot na trouser and tinitigan siya.
Kinailangan niyang iiwas ang mata dahil sa biglang pagkislot ng puso. Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito.
"Halika na, sasamahan na kita dahil delikado para sayo ang maglakad ng mag-isa."
Ibinalik niya ang mata rito. Why is he being so persistent? Anong mapapala nito sa kanya? She's just a highschooler, a very common one.
Nag-sukatan sila ng tingin, ngunit si Stacey rin lang ang unang sumuko at nag-iwas. Sa bandang huli ay napabuntong-hininga nalang siya. Tutal tama naman ito, kahit sabihing nasa loob sila ng exclusive subdivision ay hindi pa rin safe ang maglakad ng mag-isa. At least kahit paano ay alam niyang hindi siya gagawan ng masama ni Andrew. Besides, may maliit na boses na nagsasabing gusto niya rin itong makasama.
Nagpatiuna itong maglakad. Napilitan siyang umagapay.
Wala sa sariling napatingin siya sa mga anino nila. Unexpectedly, their shadows look good together. They were like a couple who decided to leave the party to have their date under the moonlight.
She looked up at the blanket of stars that stretched to infinity as they walked in silence. Saktong umihip ang panggabing hangin kaya wala sa oras na naiyakap ang kamay sa sarili. And the next thing she knew, tinanggal ni Andrew ang suot nitong coat at walang pahintulot na ibinalabal iyun sa kanya.
"You're feeling cold. I will feel bad kung tatanggihan mo yan," he said and smiled.
She didn't respond pero lihim na sinamyo ang amoy ng tela.
"What are you thinking?"napalingon siya dito.
Pinag-aaralan nito ang ibinabadya ng reaksyon niya. She tensed a bit. Bakit gusto nitong alamin ang nasa isip? "Y-You don't want to know". Sinabayan ng pagbaba ng ulo ang sinabi. People can romanticize others to any length with their emotion. Hindi niya gustong bigyan ng ibang kahulugan ang ipinapakita ng binata. Kahit sabihing interesado sa kanya si Andrew ay hindi sapat iyun para paniwalaan lahat ng ipinapakita nito. Baka mamaya ay pinagtitripan lang siya. "Baka hanapin ka nila sa party," pag-iiba niya
"They're busy enough to notice na wala ako dun."sabay kibit ng balikat. "Kung hindi kita sinamahan, are you seriously gonna walk home alone?"
Hindi rin alam ni Stacey ang sagot dahil hindi siya dumating sa ganoong point. She might or she might not. Or maybe because deep inside ay alam niyang magpipilit si Andrew na samahan siya kaya pumasok sa isip ang ganoong idea.
"So, you also live in the subdivision." There was an obvious gladness in his voice as he continued. "The road is deserted. Hindi ka ba takot na maglakad dito mag-isa?"
"I enjoy the nighttime. Especially summer nights. The air, the scent. The sound of the wind rustling through the leaves. The unique humming of the cicadas...'' she stops mid-sentence. Surprised by how he's paying attention; his eyes are intent and focused like he's interested in what she's saying. "S-Stop staring at me," she flushed.
Hindi ito sumagot. And then they continued walking in silence.
Pinakiramdam ni Stacey ang sarili. Her heart is in a complete mess. So many new feelings appeared that she'd never experienced before mula nang makilala niya ang binata. Hanggang makarating sa tapat ng bahay ay hindi na binasag ni Andrew ang katahimikan sa pagitan nila. And she is somehow confused about his true intention. At the same time ay ayaw niyang tanungin ang binata. Natatakot siya sa maaring sabihin nito.
Nag-doorbell siya at hinintay niyang pagbuksan siya ng gate ng guard. Nilingon niya ito sa huling pagkakataon. Tinanggal ang coat at ibinalik yun sa dito. Andrew took it from her without removing his eyes on her. And Stacey still found it so awkward. "Thank you for walking me home." she said timidly.
His serious face lighten up a bit. "You're welcome" anito at tumalikod na, saktong bumukas ang gate.
Hahakbang na rin sana siya nang lingunin niya ito for the last time and called him, humarap naman ito. "Thanks again, I... " nag-alangan siya at sa halip ay "Good night", ang namutawi sa labi niya at ngumiti bago tuluyang pumasok sa gate.
Hindi na niya nakita ang ngiting sumilay sa labi ng binata.
Kinalunesan ay tungkol sa party ni Angela ang usapan sa classroom. Kumbaga sa internet ay trending issue ang naging party nito . Napag-alaman niyang taon-taon palang ganun kung mag-celebrate ng birthday ang kaklase. Mapa-hotel man o sa mansyon ng mga Martinez.
Malamang, unica hija kasi. Lucky Angela , she thought. Pagkatapos ng klase ay lumapit ang magkaibigan sa kanya.
"Pasensya kana ha! Hindi man lang kita naasikaso nung birthday ko. Si mama kasi sabi ko ay huwag ng maginvite ng mga amiga niya. Tutal taon- taon na lang silang pumupunta. Tuloy hindi ko na-entertain ang mga bisita ko na tulad mo, pasensya na talaga," hingin paumanhin ni Angela
"It's okay." Hindi niya alam kung matatawa or what. Her classmate talks as if she owes her attention. "Bon anniversaire. I know it's too late to greet you. And ganda ng party mo."
"Wow, you can even speak in French! Siya nga pala ba't ka ba biglang nawala that night. I was looking for you everywhere?" agaw ni Gail sa atensyon niya.
Nag-isip siya ng palusot. "Ahm, medyo sumama ang pakiramdam ko. So I had to bail out." Lumang rason pero kinagat ng dalawa.
"I have an idea. Bakit hindi tayo lumabas na tatlo, treat ko." Suhestiyon ni Angela out of the blue.
"Nice idea!" sang-ayon ni Gail.
The two looked at her and waited for her answer. She hesitated at first. Wala siyang balak makipag-close kahit kanino.
But you can't be alone forever, paalala ng isip. This is the perfect opportunity lalo at sila ang kusang lumapit sayo.
"Unless you have some other plan." Alanganing saad ni Angela na hindi itinago ang nagbabadyang disappointment.
Napalunok siya. Bahagyang nakunsensya sa nakitang reaksyon ng kaklase. '"A-Actually, I-I don't."
"Then it's settled!" Halos sabay na saad ng magka-ibigan.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Stacey.
Sa mall bumagsak ang tatlo pagkatapos ng klase.Naglibot at namasyal muna sila bago kumain sa isang restaurant.
"You should start hanging out with us, Stacey. We are not bad people kaya wala kang dapat ikatakot sa amin." Out of the blue ay saad ni Gail habang umiinom ng juice.
"H-Hindi naman sa ganun..."
"You are so aloof. We understand that you are still in the process of adjustment. Pero hindi mo kailangang mag-isa palagi." Dagdag ni Angela.
"Y-You did notice..."
Sabay na tumango ang magka-ibigan.
Tipid siyang ngumito. Aside from excelling academically ay pilit nagpaka-invisible sa lahat. When everyone have their group of friends ay mas pinili niyang mag-stay sa library during free time. O kung hindi man ay kumakain siya mag-isa sa mga benches sa ilalim ng mga puno sa school campus habang nagbabasa parin. She doesn't mind being alone. At akala niya ay ganun din ang mga kaklase niya.
"You are so quiet but smart kaya kami na-intriga sayo." pag-amin ni Gail.
"That's it? Is that why you two decided to approach me?"
"Ito kasing si Angela masyadong curious sayo." Gail admitted again.
"You were one of the few people who didn't try to befriend us, I mean intentionally," Angela admitted too. Bahagyang namula ang pisngi as she continued. "Kaya ako na-curious. Besides, I feel like you are always sad. And I was right. We can't just leave you alone."
"I am fine." She tried to look away.
"Hindi naman sa naawa ako sayo or anything. But I like you. I feel like we can get along together."
"B-But you don't know me." Shocked niyang saad.
"Instinct Stace." si Gail ang sumagot. "Like what Angela said a while ago, we are a bit curious about you at first. Angela and I are childhood bestfriends, kabisado na namin ang isa't-isa. Halos kasundo din naman namin ang ibang mga kaklase natin. But you know how it works inside the classroom. Bihira kang makakita ng totoong kaibigan."
She agreed with Gail's statement. Kaya nga ayaw niyang makipag-kaibigan sa kahit kanino. One moment they are friendly with you, and the next thing you know ay sinisiraan kana pala kapag nakatalikod ka. Common problems of teenagers in general.
"You don't have to force yourself though. We may be normal classmates for you now, but this can be a good start to a new friendship. Hindi ba, Gail?"
Gail raised her thumbs up and nodded dahil kasalukuyan itong ngumunguya ng order nitong grilled cheese sandwich. At ang sunod niyang nakita ay nang dumampot ng napkin si Angela at pinunasan ang gilid ng bibig ni Gail habang natatawa ang huli.
"You are so messy, Gail."
Inabot ng sinabihan ang napkin at siyang nagpatuloy sa pag-punas ng sauce na naiwan sa gilid ng labi. "Thanks."
"Matagal na ba kayong magkaibigan?" curious na tanong niya ng wala sa oras. The two are really comfortable with each other. Bukod pa sa nasaksihan niyang pagiging at home ni Gail sa bahay nila Angela noong birthday nito.
"Ay oo mga batang musmos pa ay mag-bestfriend na kami"
"Kaya alam na namin ang sikreto ng bawat isa. Tulad ng pagkakaroon ng crush ni Gail kay Kuya Aaron", Angela winked at her friend,habang pinamulahan ng pisngi ang una.
"Hey! that was supposed to be a secret" Pinanlakihan ni Gail ng mata ang kaibigan.
"Don't worry , Stacey's our friend now, hindi naman niya siguro ipagkakalat di ba?" baling ni Angela sa kanya sabay kindat.
"Of course" nasabi na lang niya. Deep in her heart, she was touched by the two girls.