Pagkaalis ng kaklase ay saka palang niya nakita ang sobrang excitement sa mukha ng tiyahin. "Naku Stacey, ngayon palang excited na ako" Tumayo ito at nagpalakad-lakad ng pabalik-balik sa sala ng bahay nito.
"Bakit naman Tita eh simpleng party lang naman iyon. She didn't even bothered to hand an invitation." She said her eyebrow creased. "Besides, It's not like I was invited to attend a grand ball. " Naka-abrisyete niyang turan habang nakaupo sa sofa at sinundan ng tingin ang tiyahin. Hindi talaga ito mapakali na labis ikinamangha ni Stacey.
"Stacey hija, you don't know what you're saying. We are talking about the upcoming party of the Martinez princess!" Eksaheradang pagbibigay-alam ng tita niya na tumigil sa pagparoot-parito at namaywang sa harap niya.
"So?" aniyang nakataas parin ang kilay.
"You're not listening to me Mariah Stacey. Hindi nagpapa-party si Mrs. Martinez ng basta-basta especially for her only daughter." Pinanlakihan siya nito ng mata "Okay basta you need to look beautiful for that night. Siguradong naroon ang mga kapatid na lalaki ni Angela. " dugtong pa nito sa huling sinabi as if talking to herself.
"Would you stop what you're doing tita. Ako ang nahihilo sa ginagawa niyo." At ibinaling sa ibang direksiyon ang mata upang hindi tuluyang mahilo. "Saka ano ngayon kung nandun ang mga kapatid niya?" Kung kasing-gwapo ng Backstreet Boys ang Martinez na ito'y maiintindihan niya pa.
"Oh! you haven't met any of the Martinez boys. If you do, malamang ngayon palang ayain mo na akong mag-shopping, why they were every girls' dream, especially for a teenager like you. "
Nag-made face siya at nangalumbaba sa sinabi nito. "Siguro'y gwapo nga ang mga ito , pati ba naman kayo eh ganyan mag-react. Nagmumurang kamatis ka tita." Hindi niya namalayan ang ngiting sumilay sa labi niya.
"Allright, we need to schedule kung kailan tayo mag-shoshopping para sa susuotin mo. Maybe this weekend will do." hindi pinansin ang sinabi niya at sa halip ay kinuha ang cellphone at chineck kung free ito sa araw na iyon. "Yes we will go shopping this weekend. Sasabihin ko ito sa mommy mo pagdating niya"
"Ganun ba talaga ka-gwapo ang Martinez siblings para magkaganyan ka, Tita." Hindi pa rin siya kumbinsido sa inaakto ng tiyahin. Kahit gaano pa ka-gwapo ang isang lalaki'y hindi ito dapat mag-react ng ganoon. Dahil common na iyon. Marami namang gwapo sa mundo. Kung kumakain ng apoy at lumulunok ng bubog ang mga Matinez siblings na ito'y baka ma-excite pa siyang makilala ang magkakapatid.
Lumingon ito sa kanya na parang nagtatanong siya ng obvious na bagay.
"Oh you'll see when you get there." Maybe her aunt finally got tired sa paulit-ulit na pag-explain sa kanya kaya mas minabuti nitong tumigil na.
Tulad ng plano ng tiyahin ay nag-shopping silang mag-iina kasama ito. Ang gusto sana niya ay magpaiwan nalang sa bahay at magbasa. Hayaang ang tita Eden at mommy ang pumili ng susuotin, nguit mapilit ang daalwa at nang ma-i-fit daw niya ng maayos ang bibilhing damit. Plus opportunity narin iyun at upang makapag-bonding na rin sila.
Kahit kailan ay hindi niya kinahiligan ang mag-shopping. Isang bagay na ipinagkaiba niya sa tiyahin o kahit sa ina. Marahil ay namana niya iyon sa daddy niya.
Nang makapili ng nais ay nagpaalam siyang sasaglit sa bookstore tutal siguradong mamaya pa matatapos ang mga ito sa pamimili.
She's scanning the bookshelves nang hindi sinasadyang mapatingin sa labas ng shop.
Biglang tumahip ang dibdib niya ng marecognize ang lalaki. It's him!
Nasa kabilang panig ito ng mall at kasalukuyang tumitingin ng mga cd. Dinampot nito ang isa at kinuha ang atensyon ng kasama nito na kapareho ng suot na uniform at bumulong dito. Pagkatapos ay sabay na nagkatawanan ang dalawa at ibinalik ang hawak.
On the other hand, Stacey just stand there dumbfoundedly while staring at him secretly. He really had a cute smile. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang pagmasdan ang masaya at maaliwalas na mukha ng lalaki.
Nang sa muling pag-angat ng mukha ng lalaki'y hindi sinasadyang magawi ang tingin nito sa direksyon niya.
Their eyes met for a moment. Sa una ay kumunot ang noo ng binata. Hanggang sa ma-recognize siya at muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Itinaas pa nito ang kamay at kumaway sa kanya.
Samantalang siya ay parang tuod na nakamata rito. Without any reaction at all. Nagsalimbayan ang ibat-ibang damdamin sa dibdib.
Kitang-kita niya nang kunin ng lalaki ang atensyon ng kasama at ituro ang direksyong niya. Tumango ang katabi at sabay na tinungo ng dalawa ang exit.
Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Siguradong pupunta ang mga ito sa kinaroroonan. Hindi man siya ang pakay ay malamang ay lapitan siya ng lalaki at kausapin.
And she cant handle it. Hindi siya komportableng kaharap ito. Not because she have something against him. Pero hindi niya gusto ang abnormal na pakiramdam sa tuwing nagtatama ang mga mata nila.
Dali-dali niyang tinungo ang daan palabas ng bookstore at tumalilis sa direksyong alam niyang panggagalingan ng binata.
Lumipas ang isang lingo at dumating ang pinakahihintay na araw ng tita niya. Yes, ng tita niya at hindi siya. Kung umasta ito ay parang ito ang mag-aattend ng party. Nagpa-home service pa ito ng mag-aayos sa kanya. She felt like a guinea pig all through-out the day.
Bumagay sa kanya ang kulay ocean-blue na cocktail dress. Above the knee ang cut niyon kaya kita ang mahuhubog niyang mga binti. Inipitan lang ng pin ang lampas balikat niyang buhok na tumatabing sa pisngi, the rest ay nakabagsak na.
"Baka naman ako ang mag-mukhang celebrant pagdating ko sa party nito tita ." may bahagyang doubt siya. Ayaw naman niyang mang-agaw ng atensyon na dapat ay sa celebrant.
Muling tinignan sa salamin ang sariling repleksiyon. She was beautiful indeed. Alam niyang maganda na siya dati pa. But never this beautiful. Na-enhance ng manipis na make-up ang magandang features ng mukha niya.
"Hay naku Stacey, you will thank me pag-uwi mo mamaya for sure." Kita ang kasiyahan sa mata ng matanda habang nakatitig sa kanya. Dahil doon ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Stacey. Atleast kahit paano'y nabibigyan niya ng kasiyahan ito. At anumang natitirang pagtatampo sa tiyahin dahil sa nangyari ilang taon na ang nakararaan ay tuluyan ng naglaho. And so the wall she had built between them.
Marami ng tao nang dumating siya sa party. Napausal siya ng pasasalamt para sa tiyahin nang makita ang mga bisita ni Angela. Hindi nga nagkamali ng sapantaha ang tiyahin ng sabihin nitong hindi basta-basta ang birthday ng kaklase. She will not be branded as the Martinez princess for nothing. At ikinamangha niya kung gaano kayaman ang kaklase. Surely, they were not poor. Ang tita Eden niyang nakatira rin sa subdivision at malaki ang bahay nito. Pero mukhang hindi naka-one fourth man lang ito sa bahay ng mga Martinez. And she heard that the family owned chains of hotels and restaurants.
And she was amazed how Angela was so humble and demure sa kabila ng nag-iisa itong anak na baabe.
Iginala ni Angela ang paningin sa paligid, hoping to see Angela. Ngunit mukhang busy ito sa pag-istema sa mga bisita nito.
Kaya si Gail nalang ang hinanap niya. Sinuyod niya ang malawak na bakuran ng mga Martinez ngunit ni anino nito ay hindi niya makita dahil sa dami ng bisita. Malapit na siyang mawalan ng pag-asa na makita ni isa sa mga ito nang sa pagbaling niya sa isang panig ng hardin, suddenly she saw him. It was the same time that he looked at her direction.
Noong una'y nagsalubong ang kilay nito, maybe trying to recognize her. Hanggang sa unti-unting nawala ang pagkaka-kunot at napalitan iyon ng isang maluwang na ngiti.
At iyon na naman ang abnormal na pintig sa dibdib niya
Nakita niya nang magpaalam ito sa kausap and walk directly to her direction.
Dahil sa panic na naramdaman ay napaatras siya at dali-daling naglakad palayo sa pangangalingan nito. Nang maramdamang nakalayo na siya sa binata, Stacey peeked a glance from her shoulder to see him. Good thing may humarang dito, dahil kung hindi malamang na naabutan na siya.
What is that man doing here? And how is he related to Angela? She thought. And why are you running away from him Stacey, mukha kang ewan. Napailing siya sa sarili.
Pumuwesto muna siya saglit sa may di karamihang bisita upang kalmahin ang sarili. Gosh, her hands are trembling. Her heart still beats erratically.
What the hell is happening to you Stacey?You are acting weird. Kung makalayo ka ay parang gagawan ka niya ng masama. Sermon niya sa sarili. He's just a guy who maybe wants to get to know you. Idiot!
Pumikit siya upang habulin ang hininga.
"Stacey?"
Awtomatikong nagdilat siya ng mata at agad umaliwalas ang mukha nang makita si Gail.
"Oh, I didn't recognized you. Wow! you look so beautiful tonight." At pinasadahan siya nito ng humahangang tingin.
"You too. " Nakangiting sabi niya habang habol parin ang hininga. The girl is wearing an off-shoulder pink cocktail dress.Naka-braid ang buhok nito which gave her an alluring look. Kung titignan ay hindi na ito mukhang dalagitang tulad niya. But instead she look like a full-grown woman.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong nito.
"Medyo lang, kanina pa nga kita hinahanap" pagbibigay alam niya rito.
"Naku sorry, nasa kusina kasi ako. Don't worry sasamahan na kita ngayon. Medyo busy kasi si Angel, alam mo na siya ang center of attraction ngayon."
"Okay lang" aniya habang inaakay siya nito sa isang bakanteng table.
"I bet hindi ka pa kumain, sandali ikukuha nalang kita para hindi kana makipagsiksikan sa ibang mga bisita dito kalang" sabay tayo and headed to buffet table. Nasundan nalang niya ng tingin ang dalaga.
Marahil matagal na itong kaibigan ni Angela kaya ganun na ito umasta. Parang miyembro ng pamilya. How she wished na sana magkaroon din siya ng ganoong kaibigan. Yun bang matatawag mong bestfriend.
Paano ka magkakaroon eh para kang NPA 'No Permanent Address. Yes lagi nalang silang ganun, that's why she never found a friend who will stick to her no matter what happen. Just like Angela and Gail
"What does a beautiful girl doing here alone in a corner" Pukaw ng isang matangkad na lalaki sa pag-iisip niya "Kailangan mo ba ng kasama? Do you want me to accompany you? " Naupo ito sa katabi ng upuan niya at pinapungay ang mga mata.
Yes, he was handsome. Definitely, but she's not into tan boys. Bukod pa sa ayaw niya sa lalaking aware sa itsura nito kaya madali nalang para rito ang mag-approach ng babae. Siguro'y matanda lang ito ng ilang taon sa kanya.
Sisitahin na sana niya ang lalaki ngunit naunahan siya ni Gail na hindi napansing nakabalik na pala. "Spare her Arthur, bisita siya ni Angela" at inilapag sa mesa ang platong puno ng pagkain.
Pinaglipat niya ang mata sa dalawa. They ust have known each other personally.
"Gail or should I say Geh pala," sabay ngiti ng nakakaloko. Mukhang nakainom ito. "Ipakilala mo naman ako sa magandang binibi na kasama mo?"
Umasim ang mukha ni Gail "Hindi mo ba kami titigilan o isusumbong kita sa kuya mo, maghanap ka nga ng ibang babae na mabobola mo dahil hindi tatalab samin yan. At saka asan na ba iyong girlfriend mo na parang tuko kung makakapit sayo". She snarled in frustration. Gail surely looked so annoyed.
Nagkibit-balikat lang ang binata at muling tumingin sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. She doesn't want another complication this night. Tama nang malaman niyang nandito rin ang lalaking iyon.
"Kumain ka na Stacey at huwag mong pansinin ang mga asungot sa tabi tabi. "inilapit nito ang plato na puno ng pagkain.
Pigil niya ang ngiti sa labi. Gail surely is a one tough girl.
"Grabe ka naman Gail , ang sakit mo namang magsalita. Tagos dito." At kunwari'y pinukpok ng lalaki ang tapat ng dibdib nito sabay kindat sa kanya.
Nabitin sa lalamunan ni Gail ang dapat na isasagot nang may matanaw ito sa likuran niya. Umaliwalas ang mukha nito. "Lagot ka ngayon sa kuya mo."
"Arthur, nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni Mama."
Gail smile triumphanly at Arthur, samantala napakamot nalang sa ulo ang huli.
Hindi na niya kailangan lumingon para makilala ang may-ari ng tinig na iyon. Pigil niya ang hininga nang maramdaman ang paglapit nito. Good thing nakatalikod siya sa direksyon nito. Please dont let him recognize me. Please please please nahiling niya.
"Hay naku Kuya Andrew, paalisin mo na iyan at ginugulo niya ang bista ni Angel." Sumbong dito ni Gail
"Sumbungera" Ani ni Arthur na halatang iniinis lang ang dalagita.
"Bababero hindi naman pogi, ewww" at pinambelatan ito ni Gail.
Alam niyang biro lang iyun ni Gail dahil napagtanto niyang personal na magkakilala ang mga ito base sa palitan ng pang-aasar.
"Sige na Arthur, hinihintay ka na nila mama" ani Andrew.
" Sige na alis na ". Pagtataboy ni Gail " Kumain kana Stacey wala ng asungot" nakangiting baling nito sa kanya at iniurong pa lalo sa kanya ang plato. "Ay oo nga pala wala kang drinks, sandali lang. Kuya Andrew pabantay muna siya at kukuha lang ako ng inumin niya." At bago pa niya mapigilan ang dalaga ay nakatayo na ito.
Umupo ang binata sa pinag-upuan ng tinawag na Arthur kanina. Maya-maya'y nagsalita ito "I didn't expect to see you here"
Mula sa tahimik na pagkain ay nagtaas siya ng mukha rito."Why, mukha ba akong alangan sa lugar na ito".
Sa halip na sumagot ay matiim itong tumitig sa kanya.
"Puwede bang wag mo akong titigan ng ganyan." Inirapan niya ito upang itago ang bahagyang pagka-ilang.
"Bakit ko naman gagawin iyon, masyado kang maganda that I can't take off my eyes on you"
Sabihin pa niya'y hindi siya nakahuma sa kaprangkahan nito.Nang makabawi'y natawa siya ng pagak. "Really, totoo nga iyong kasabihang 'birds with the same feather flocks together' pareho lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niyong magkapatid."
Bago pa ito makasagot ay nakabalik nang muli si Gail. "Here's your drinks, Stace. Sandali lang ha ! may iniuutos kasi sa akin si Tita eh. Si Kuya Andrew muna ang sasama sayo. Don't worry Stacey, Kuya ni Angela si Kuya Andrew at pati na si Arthur kaya safe ka." Humihingii ng pasensya ang mata nito bago dali-daling umalis.
Dahil sa kawalan ng magagawa ay ang pagkain sa harap niya ang pinagdiskitahan. Nanatili lang nakamasid ang binata.
At naiinis siya dahil kahit hindi niya gusto ay kusang nanginginig ang kamay niya.
"Wala ka na bang alam gawin, kundi titigan ako". She said in between eating. Kasinlamig ng yelo ang tinig at pilit ibinabalik ang composure."Okay lang ako dito baka hinahanap kana ng kasama mo".
"She can live without me..." matabang nitong sagot
"Meaning you have a girlfriend." She felt her chest tightened. Hindi niya inaasahan ang bahagyang pagtaas ng boses na nang marealize ay dagling humingi ng dispensa. Syempre ano ba naman ang iiexpect niya. Sa itsura nito ay malamang kabi-kabila ang girlfriends nito.
"Do I sense jealousy here?" Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
"Of course not!" Tangi niya. Muling tumaas ng bahagya ang boses niya. But this time hindi siya nag-sorry. How dare this man na akusahan siya ng ganoon. Tuluyan niyang tinapos ang pagkain at kumuha ng napkin upang punasan ang gilid ng bibig.
"Bakit hindi mo ubusin ang pagkain." sita Andrew na nakatingin sa plato.
"I'm full. Masyadong marami anag kinuha ni Gail. " She lied. Ang totoo ay gusto niya ang putahe. Pero naiilang siyang sumubo dahil hindi siya inaalisan ng mata ng kaharap.
Nagkibit-balikat ito. "Come on, let's dance then. Sayang naman ang outfit natin kung dito lang tayo sa sulok". alok nito sinabayan na rin nito ng tayo.
"I-I don't dance..." She tucked her hair to her ear. "Especially with strangers"
"But we've already know each other"
Nang hindi pa rin siya tumalima ay bumalik ito sa upuan.
Akala niya ay susuko na ito pero hindi pala at ikinagulat niya ang sunod nitong ginawa. He cleared his throat bago muling nagsalita "Okay, I'm Andrew Lloyd Martinez, I'm one of Angela's brother as what you've heard a while a ago. I'm currently taking up medicine at DLNU". And so on. Napamaang nalang si Stacey. At pati mga paborito nitong mga bagay ay sinabi pa nito. "At my age I'll admit I'm still watching Dragon Ball Z. Yellow is my favorate color. I'm a big fan of Mr Bean. I even have my own Teddy. Ipakikilala ko siya sayo minsan. "
Hindi niya namalayan ang isang ngiti na sumilay sa labi. Ano kaya ang hitsura nito habang nanonood ng naturang palabas. Minsan na niyang nakita si Caitlin na nanonood niyon at hindi rin niya napigil ang mangiti dahil sa bidang si Mr. Bean. At sabihin pang may teddy din ito.
"You should smile often Stacey, lalo kang gumaganda." He said with admiration in his eyes.
Nabura ang ngiti sa labi niya at sumeryoso saka umayos ng upo.
And then she'd seen his bashful smile. "And you are Mariah Stacey Lopez. O ano magkakilala na tayo, baka puwede na kitang isayaw.
Stacey was slightly touched dahil alam pa nito ang buong pangalan niya kahit mahigit isang lingo na nang magkabanggaan sila. "He still remember my whole name" she murmured to herself at lihim na nangiti.
"I happen to remember beautiful ladies that I met." Narinig pala nito ang sinabi niya.
"So, memorize mo lahat ng pangalan ng mga magagandang babaeng nakikilala mo." Hindi niya gustong maging sarcastic ngunit iyon ang lumabas sa bibig niya.
"No, not all, only those special". At matiim siyang tinitigan. Hindi siya nakaimik at sa halip ay nagbaba ng tingin. Her heart spluttered hyperactively. Bakit ba siya naapektuhan sa titig nito. "So, can I have this dance." muling inilahad ni Andrew ang kamay sa harap niya.
"I-I don't know how to dance..."
Hindi na niya natatapos ang sasabihin dahil bigla nalang siyang nitong hinila patayo. At dahil sa kabiglaan ay muntik pa siyang masubsob dito.
"Opps, sorry.." naging maagap ito sa paghawak sa kanya. Ang mga kamay nito'y awtomatikong pumalibot sa manipis niyang bewang.
Napigil ni Stacey ang paghinga. She can smell his expensive perfume.